1ST

Pinky Promise

“Mama! Dali! Male-late na po tayo!”, sabi ng batang lalaki habang hila-hila ang kamay ng kaniyang mama palabas.

“Minseok anak, maaga pa. Hindi pa tayo male-late”, natatawang sabi ng ginang sa anak.

“Pero gusto ko po na ako ang mauuna sa school, kaya tara na mama!”, pilit ni Minseok sa ina.

“O, sige na nga. Sandali at isasara ko muna ang pinto, mauna ka muna sa labas.

“Opo mama”, sabi ni Minseok sabay patakbong lumabas ng bahay.

“Ang anak ko, Malaki na talaga”, sabi na lamang ni taeyeon sa sarili.

+~+~+~+

“MINSEOK!!!!”

Lumingon si Minseok sa direksyon ng boses. Nakita niya ang kanyang kaibigan at magiging kaklase kasama ang ina nito.

“Jongdae!”, Masayang bati niya sa bagong dating. “Sabay na tayo pumasok sa school ngayon”.

Tumango si Jongdae sabay lingon sa mama niya. “Sabay na tayo kila Minseok mama!”.

“Oo anak sige, hintayin na natin ang mama niya para sabay-sabay na tayo”, sabi ng mama ni Jongdae na si Hyoyeon sa kanila.

Tuwang-tuwa ang dalawang bata sa narinig.

“Mrs. Kim, nandito pala kayo”, sabi ni Taeyeon pagkalabas ng gate.

“Oo, sabi ng mga anak natin sabay nalang daw sila pumasok ng school”.

“Mabuti pa na, para naman may makasabay si Minseok pumasok sa school araw-araw”.

At sabay-sabay silang naglakad papuntang school.

+~+~+~+

Maraming bata kasama ng kani-kanilang mga magulang ang nasa labas ng school. Lahat ay nag-aantay bumukas ang klase para sa mga Grade One na katulad nila.

Lumabas ang teacher sa classroom at inutusan ang mga magulang na gumilid at hayaan ang mga bata na pumila sa gitna.

Gumitna na sila Minseok at Jongdae para sumama sa pila kasama ng mga iba pang mga bata.

Napatingin sila sa likod ng may humintong sasakyan. Bumama dito ang dalawang batang lalaki kasamanag isang naka unipormadong lalaki. Mukhang hindi mga Koreano ang nasabing dalawang bata base sa kanilang itsura. Ang isang bata ay walang ni anuman nakikitang reaksyon sa mukha habang ang isa naman ay anyaong parang naiiyak na.

“Gege, natatakot ako”, sabi ng naiiyak na bata habang nakahawak sa braso ng isa at nakatago sa likod nito.

“Huwag kang matakot, walang mananakit sa’yo dito habang kasama mo ako”, sabi ni Kris para mapanatag ang pakiramdam nito.

“Master Kris! Master Tao! Pumila na po kayo”, sabi ng butler na si Leeteuk habang tinuturo ang pila ng mga estudyante sa gitna.

“Ang yaman naman nila, naka de kotse pa!”, sabi ng batang si Jongdae kay Minseok na nakatingin sa dalawang batang  papunta sa likod nila para pumila.

“Wag ka ngang maingay baka marinig ka nila”, sita ni Minseok dito. Tumingin siya sa mga bagong dating. “Anong pangalan mo?”, tanong niya sa batang maiiyak.

“T-tao”, mnahihiyang sabi nito habang nakatago sa batang mas mataas pa dito.

“Huwag kang matakot, mga mababait kami. Ako si Minseok at siya naman si Jongdae, kaibigan ko”, sabi niya sabay turo kay Jongdae na unahan ng pila. “Taga saan kayo?”

“Taga China kami, bagong dating palang naming dito sa Korea. Siya nga pala, nakalimutan kong ipakilala sa inyo si Kris, magkaibigan ang papa niya at papa ko kaya kasama ko siyang mag-aaral dito”, mahabang sabi ni Tao sa kanila.

“Hi! Kris!“, bati ng dalawang bata sa kasama ni Tao na walang imik.

Tango lang ang sinagot na Kris sa kanila. Napansin nila na tahimik lang si Kris at ayaw sumali sa kwentuhan nilang talo.

“Tao, gusto mo bang tabi-tabi tayo ng upuan?”, tanong ni Jongdae.

“Sige ba!”, masayang sabi ni Tao sa kanila. ”Gege, tabi tayo sa kanilang umupo hah?”

“Sige”.

“Salamat Gege”.

Tuwang-tuwa si Tao at magkakaroon na kaagad siya ng mga kaibigan. Napanatag na din si Kris at hindi na din natatakot si Tao na pumasok sa school.

“Mga bata! Pumasok na kayo, ayusin niyo na ang pila. Mga babae muna ang mauuna, bago ang mga boys hah!”, sabi ni Ms. Seohyun sa kanila.

“Bye Mama!”, kaway nila Minseok at Jongdae sa mga mama nila.

“Mag-iingat kayo!”, sabi ni Taeyeon sa anak habang kumakaway kasama ni Hyoyeon.

“Mag-iingat po kayo! Master Kris! Master Tao!”, paalam ni Leeteuk sa dalawang bata.

Tango lang ang sinagot ni Kris habang naglalakad hila-hila si Tao.

+~+~+~+

Dalawang Linggo ang lumipas at naging matalik na magkaibigan ang apat na bata. Kahit paano nakikisama na si Kris sa kwentuhan nila.

“Pupunta dito ang kaibigan namin galing China”, sabi ni Tao habang kumakain sila ng kanilang baon. “Dito din siya mag-aaral”.

“Talaga?! “, masiglang tanong ni Minseok sa kanya.

Tango lang ang sinagot ni Tao dahil puno ng pagkain ang bibig niya.

“Baka bukas papasok na siya”, sagot ni Kris.

“Yayain natin siyang sumali sa laro natin ‘pag andito na siya”, ani Jongdae habang nilalagay ni Jongdae ang baunan sa bag.

“Tama, maganda nga yan! Tiyak na matutuwa siya”, habang inaayos din ang pinagkainan nila.

“Ano kayang itsura niya?”, tanong ni Minseok sa sarili habang inaayos na din ang gamit niya.

+~+~+~+

“JONGDAE!!!”, tawag ni Minseok sa kaibigan ng makita niyang papalapit ito sa bahay nila. Sabay na silang pumapasok ng school kaya hindi na sila hinahatid ng mga mama nila. ”Excited kana bang makita ang magiging bago nating kaklase na kaibigan nila Tao?”, tanong ni Minseok paglapit ni Jongdae sa kanya.

“Oo naman, magkakaroon na ulit tayo ng bagong kaibigan”, masayang sagot ni Jongdae sa kanya.

“Sana mabait din siya katulad nila Tao at Kris”.

“Sana nga, ano kaya kung yayain natin siyang sumali sa mga laro natin?”, tanong ni Jongdae sa kanya.

“Tama nga yang naisip mo Jongdae”, nakangiting sagot ni Minseok sa kanya.

“Ano pang hinihintay mo? Pumasok na tayo at para makita na natin siya”, yaya ni Jongdae sa kanya.

“Sige, tara!”

+~+~+~

“CLASS! Stop niyo muna yang ginagawa niyo. May ipapakilala akong magiging bago ninyong kaklase”, sabi ng kanilang guro na nagpahinto sa pagdra-drawing nila.

Umayos sila ng upo paharap sa direksyon ng kanilang guro.

“Siya na yan!”, bulong ni Tao kay Minseok patungkol sa papakilala ng kanilang guro.

“Talaga?!”, nanlalakng matang tanong niya kay Tao.

Tango lang ang sinagot nito sa kanya. Nabaling ang kanyang tingin sa batang dahan-dahang pumapasok sa pinto. Mala kulay golden ang buhok nito, matangos ang ilong, bilugang mata na maputi. Huminto ang bata sa harap ng silid sa tabi ng kanilang guro.

“Class, pinakikilala ko sa inyo ang bago ninyong magiging kaklase—si Luhan”, sabi ng kanilang guro patungkol sa batang katabi nito. “Ipakilala mo na ang sarili mo sa kanila”.

“Magandang Umaga, ako si Luhan. Ikinagagalak ko kayong makilala, sana maging magkaibigan tayo”, pakilala ni Luhan sa sarili.

 “Very good! Doon kana lang maupo sa may bakanteng upuan”, sabi ng guro sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi Minseok.

Lumakad si Luhan papunta sa upuan na sinabi ng guro. Habang papalapit siya , pingamamasdan niya ang mga batang makakatabi niya. Ngumiti agad siya pagkakita kila Kris at Tao. May dalawa pang bata sa tabi nila Tao na hindi niya kilala. Nadako ang paningin niya sa batang maputi na mataba ang pisngi, matangos na ilong at mapulang mga labi. Naalala niya tuloy ang isang uri ng pagkain pagkakita sa mukha nito.

“Baozi~”, mahinang sambit ni Luhan habang nakatingin kay Minseok.

“Ha--!”, nagtatakang tanong ni Minseok dito.

“Ahh, wala. May naalala lang akong pagkain galing sa amin”, sabi ni Luhan habang nakangiti kay Minseok. “Pwede bang maupo sa tabi mo?”.

“Oo naman”, nakangiting sagot nito sa kanya.

Pagkaupo ni Luhan sa bakanteng upuan sa tabi ni Minseok, nakita niya sila Kris at Tao na nakangiti sa kanya. Gumanti din siya ng ngiti sa mga ito.

“Gege, kumusta ang biyahe?”, tanong ni Tao kay Luhan pagkaayos ng upo nito.

“Mabuti naman, maganda pala dito tiyak na mag-eenjoy ako”, sabi ni Luhan habang nakatingin kay Minseok.

Tumingin si Minseok kay Luhan dahil nakatitig ito sa kanya. Naiilang siya sa ginagawa nito, binaling nalang niya ang tingin kay Jongdae para hindi nito makita ang pamumula ng pisngi niya.

Nagulat si Luhan sa ginawang pag-iwas ni Minseok ng tingin sa kanya. Napangiti siya nung nararamdaman niyang hindi ito mapakali sa kinauupuan at tumitingin ng pailalim sa gawi niya. Nakita niya rin ng bahagya ang pamumula ng pisngi nito.

“So cute---“, hindi mapigilang sambit ni Luhan habang nakangiti.

“Ano yun, gege?”, tanong ni Tao sa kanya.

“Ahh, wala Tao”, nakangiting sabi niya dito habang umiiling.

Tahimik lang si Kris sa kanyang upuan habang nakamasid sa ginawa ni Luhan. Nakita niya kung paano tumingin si Luhan kay Minseok at nakita din niya kung ano ang naging reaksyon ni Minseok sa ginawa nito.

+~+~+~+

“ALRIGHT! Pwede na kayong maglaro sa playground mga bata! At pwede na din kayo umuwi pagkatapos”, sabi ni Ms. Seohyun sa kanila.

Lahat ng mga bata nagsilabasan sa silid at nagpunta sa kalapit na playground.

“Tara, laro tayo”, yaya ni Jongdae sa kanila.

“Sali natin siya”, sabi ni Tao patungkol kay luhan. “Siya yung sinasabi kong kaibigan naming na ipapakilala sa inyo—si Luhan”, pakilala ni Tao sa batang katabi niya.

“Hi Luhan! Ako si Jongdae!”, nakangiting kaway nito sa kanya.

“Ako naman si Minseok”, sabi ng bata sa tabi ni Jongdae.

“Ako si Luhan”, pakilala niya habang nakangiti. “Minseok pala pangalan niya”,  sabi ni Luhan sa sarili. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya ng nalaman niya ang pangalan ng batang may matabang pisngi.

“Tara! Laro na tayo sa labas, Sali ka sa amin!”, yaya ni Jongdae kay Luhan.

“Sige ba!! Anong lalaruin natin?”, tanong ni Luhan kapagkuwan.

“Tagu-taguan!”, sabi ni Tao.

“O sige, ako na ang taya. Tumakbo na kayo at magtago”, prisinta ni Jongdae. Tumalikod na ito saka nagsimulang magbilang, “Isa!---“

Nagtakbuhan na sina Tao, Luhan at Minseok. Hindi sana sasali si Kris sa kanila pero nahila na siya ni Tao bago pa siya makapag protesta.

“Bilisan n’yo Minseok”, sabi ni Luhan sa tatlo.

“Gege, tago tayo dito!”, sabi ni Tao kay Kris. Nagtago sila sa likod ng isang malaking drum.

“Saan ako magtatago--?”, tanong ni Minseok sa sarili.

“Tara! Dito!”, sabi ni Luhan sabay hila sa kamay niya.

Nagtago sila sa loob ng isang maliit na laruang bahay sa gitna ng playground. Magkatabi silang umupo sa loob habang pinapakinggan nila ang ingay sa labas.

Pigil hininga nilang inaabangan ang pagdating ni Jongdae. Napatitig si Minseok sa mukha ng batang katabi niya. Napatingin din ito sa kanya ng naramdaman nitong hindi siya kumikilos. Halos isang dangkal nalang ang pagitan ng mukha nila sa isat-isa.

Pinag-aralan ni Luhan ang mukha ng batang katabi niya. “Mas cute pala siya ng palapitan”, sabi ni Luhan sa sarili. Hindi niya maitago ang nararamdamang paghanga sa batang katabi niya.

Nailang si Minseok sa ginagawang pagtitig ni Luhan sa kanya, kaya iniyuko nalang niya ang kanyang ulo para makaiwas sa pagtitig nito. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa kamay nilang dalawa na magkahawak pa rin.

“Yu-yung—ka-kamay mo--”, nauutal na sabi ni Minseok habang namumula.

“Huh?--”, nagtatakang tanong ni Luhan sa kanya. Tumingin siya sa kamay niya at napansing magkahawak-kamay parin silang dalawa! Agad siyang bumitaw pagkakita dito. “Sorry”, hinging paumanhin nito.

“O-okay lang”, sabi ni Minseok habang binabaling ang tingin sa ibang direksyon.

Ilang minuto nang lumipas ngunit wala pa ring Jongdae na dumadating. Naiinip na sila sa kanilang kinalalagyan at naiilang na din sila sa kanilang pwesto na halos magkadikit na ang kanilang katawan.

“Labas na tayo, baka nakita na niya sila Tao“, basag ni Minseok sa katahimikan.

“Mabuti pa nga”, ani Luhan at nangunang tumayo at lumabas ng pinto.

Sumunod na din si Minseok. Nakahinga na siya ng maluwag ng maglayo ang katawan nila.

Nakita nila si Jongdae na kasama sila Tao at Kris, nakaupo sa upuan sa may tabi ng puno.

“Tapos na ba? Sino na ang taya?”, tanong ni Luhan ng makalapit sa tatlo.

“Si Kris ang taya”, sabi ni Jongdae habang nakaturo sa batang nakatalikod sa kanila.

“Ayoko maging taya! Hindi naman sana talaga ako sasali, hinila lang ako ni Tao”, sabi ni Kris sa kanila.

“Si gege talaga, ayaw mo lang maging taya ehh”, sita ni Tao sa kanya.

Bumuntong hininga nalang ang tatlo sa narinig na usapan ng dalawa.

“Okay, tama na nga yan. Next time nalang ulit tayo maglaro. Uwian na din naman na at saka nand’yan na yung mga sundo niyo ohh—“, sabi ni Minseok sabay turo sa mga sasakyan na nakaparadasa gilid ng kalsada.

Sinundan nila ng tingin ang tinuturo ni Minseok, napansin nga nilang nakatayo sa gilid ng kotse ang butler ni Kris na si Leeteuk katabi ng isa pang nakaunipormadong lalaki.

“Andito na mga sundo namin”, ani Kris sa kanila. “Bukas nalang ulit tayo maglaro”.

Tango lang ang sinagot nila.

“And’yan na din pala ang sundo ko”, sabi ni Luhan sa kanila. “Minseok, hatid ko na kayo sa inyo!”.

“Nakuu!! Huwag na! Nakakahiya naman”, tanggi ni Minseok sa alok nito.

“Okay lang yun, h’wag kang mag-alala, gusto ko rin naman malaman kung saan kayo nakatira ni Jongdae”.

“Bakit?”, takang tanong ni Minseok sa sarili, pero hindi nalang niya isinantinig. “Err--- sige na nga”, sagot ni Minseok sa kanya. Kahit paano gusto rin naman niya maranasan ang sumakay ng kotse.

“O pa’no, halina kayo!’, natutuwang yaya ni Luhan sa kanila ni Jongdae.

Sabay-sabay nagpunta ang limang bata sa mga nakaparadang sasakyan. Sinalubong sila ng mga butler at pinagbubuksan sila ng pintuan.

Humiwalay na sila Kris at Tao at pumasok na sila sa loob ng kotseng susundo sa kanila.

“Kita-kits nalang tayo bukas hah, babye~!”, paalam ni Tao habang nakasilip sa bintana ng sasakyan.

“Sige, babye Tao!“, paalam din nila dito.

Pumasok na si Luhan sa kotseng magsusundo sa kanya. “Minseok! Jongdae! Pasok na kayo!”, yaya niya sa dalawa habang tinatapik ang espasyo sa tabi niya.

Nauna si Minseok na pumasok sa sasakyan pagkatapos si Jongdae naman ang pumasok, napapagitnaan siya ng dalawa.

"Saan kayo umuuwi?", tanong ni Luhan sa kanila.

"Sa may Apgeujong, mag tatlong kalye mula dito tapos kakanan. May makikita kang maliit na clinic na katabi ay playground, sa harap nun bahay na namin", paliwanag ni Jongdae sa kanya.

"Sa may Apgeujong po tayo", utos ni Luhan sa Butler/Driver na si Donghae.

"Yes Master".

"Magkapit-bahay ba kayo?", tanong ni Luhan sa kanila.

"Oo, magkapit-bahay kami at magkaibigan ang mga mama namin, di ba minseok?", baling ni Jongdae sa kanya.

Tango lang ang sinagot ni Minseok sa kanya.

"Oh Minseok, bakit ang tahimik mo?, tanong ni Luhan sa kanya.

Hindi masabi ni Minseok na naiilang siyang makatabi ito dahil sa nangyari sa kanila kanina sa playground ng school. "Ahh, ganito alng talaga ako 'pag nasa biyahe", palusot na lamang niya dito para hindi na ito magtanong pa ng kung anu-ano.

Hindi nagtagal nakarating na sila sa harap ng playground, nakita nilang nagwawalis sa labas ang mama ni  Minseok. Huminto sila at bumaba ng sasakyan.

"Mama!", sigaw ni Minseok sigaw ni Minseok habang papalapit sa mama niya.

"Nand'yan kana pala anak!", nakangiting salabong ni Taeyeon sa anak. Nakita niyang may ibang kasama si Jongdae ng bumaba ng sasakyan. "Sino siya anak?"

"Si Luhan po mama, bago po naming kaklase sa school", pakilala niya sa batang katabi ni Jongdae na lumapit sa kanila. "Luhan, siya ang mama ko", Baling ni Minseok kay Luhan.

Yumuko si Luhan bilang paggalang. "Natutuwa po akong makilala kayo"

"Natutuwa din akong makikilala ka, nagkaroon na naman pala ng bagong kaibigan ang anak ko", sabi ni Taeyeon habang nakangiti sa anak.

"Hinatid po niya kami ni Minseok dito gamit ang sasakyan niya", pagbibida ni Jongdae sa mama ni Minseok.

"Talaga?! Pasok ka muna sa bahay namin para makapag meryenda man lang, pasasalamat na rin para sa paghatid mo sa dalawa", yaya ni Taeyeon kay Luhan.

"Naku! Huwag na po, kailangan ko na din naman po umuwi ng maaga. Darating po kasi sila mama galing China", magalang na tanggi ni Luhan dito.

"O sige, basta kung may libre kang oras 'wag kang mahiyang pumunta dito hah"

"Opo, aalis na po ako. Minseok, Jongdae, bukas nalang ulit hah", paalam ni Luhan sa kanila.

 Tango lang ang sinagot ng dalawang bata. Sinamahan nila itong makabalik sa sasakyan, hanggang sa makaalis na ito.

~+~+~+~+

ILANG BUWAN ANG LUMIPAS, mas naging magkakalapit ang limang bata, lao na sila Minseok at Luhan. Laging nagpupunta si Luhan sa bahay ni Minseok para makipaglaro at para lalong mapalapit dito.
Andoon yung sabay silang gumagawa ng homework, sabay kumakain ng meryendang handa ni Mrs. Taeyeon para sa kanilang dalawa at sabay natutulog ng siesta.

May isang pagkakataon na nanonood sila at natagpuan na parehas nilang hilig manuod ng Barney.
Kaya sa tuwing manonood sila nun, sabay nilang kinakanta ang Closing Theme nito.

"I love you, you love me---", sabay nilang kanta habang nakatingin sa isat-isa na nakangiti. Napalingon si Minseok sa telebisyon at ipinagpatuloy ang pagkanta. Hindi niya namalayan na nakalapit na si Luhan sa kanya at bigla siyang niyakap na ikinagulat niya.

"With a great big hug and a kiss from me to you---", kanta ni Luhan kasabay ng paghigpit ng yakap nito at paghalik sa pisngi niya.

Nanlaki ang mga mata ni Minseok na napatingin dito. "Ba-bakit mo ginawa yun?!"

Binitiwan siya ni Luhan at bumalik sa puwesto nito. "Ginaya ko lang yung kanta", painosenteng sagot nito
pero sa loob niya tuwang-tuwa siya dahil nayakap niya si Minseok at nahalikan pa niya.

"G-ganon ba~", sabi ni Minseok habang nakayuko para maitago ang pamumula ng pisngi niya.

"Anak! May naghahanap kay Luhan", sabi ni Taeyeon sa dalawang bata.

"Sino daw po mama?" ani ni Minseok.

"Si Tao anak, yung kaklase niyo", sabi nito sa anak.

"Ano kayang ginagawa niya dito?", nagtatakang tanong ni Minseok kay Luhan.

Kibit balikat lang ang sagot ni Luhan sa kanya.

"Ang mabuti pa, labasin niyo muna saglit ang kaklase niyo baka importante ang sadya niya. Para malinis ko na din ang sala tutal tapos naman na ang pinapanuod niyo", taboy ni Taeyeon sa dalawang bata.

"Sige po mama, sa labas na po muna kami", sabi ni Minseok sa ina, at sabay silang lumabas ni Luhan para harapin si Tao.

Pagkadating nila sa labas, nakita agad nila si Tao na nakatayo sa tabi ng gate.

"Tao, bakit?", tanong kaagad ni Minseok pagkaharap dito.

"Luhan, kailangan ka sa bahay niyo ngayon din!", sabi ni Tao na natataranta.

"May masama bang nangyari Tao?!", biglang tanong ni Luhan dito.

"Ang p-papa mo, naaksidente! Nabangga yung kotseng sinasakyan niya", nauutal na sagot ni Tao sa kanya.

Parang binagsakan ng langit at lupa ang nararamdaman ni Luhan ng mga sandaling yun pagkarinig ng masamang balita. Hindi niya inaasahan na mangyayari sa papa niya ang ganoong aksidente.

Nanlaki ang mga matang napatitig si Minseok kay Luhan pagkarinig ng binalita ni Tao. Nakita niya ang katabi na hindi makagalaw sa kinatatayuan nito. "Luhan---"

"Ang papa--!!", naluluhang sabi ni Luhan. "Minseok kailangan ko na umalis--", dali-dali itong pumasok sa loob para kuhain ang gamit nito. Agad din itong umalis ng makalabas ng bahay kasunod si Tao.

Hindi na nagawang magpaalam ni Minseok dahil sa pagmamadali ng mga ito. Hiling nalang niya na sana hindi malubha ang kalagayan ng papa nito.

Pumasok na siya sa bahay nila. Nakita niya ang mama niya na katatapos palang maglinis ng sala.

"Nasaan na si Luhan anak?", tanong ni Taeyeon sa anak.

"Umalis na po mama"

"Bakit ang bilis naman?"

"Naaksidente po kasi ang papa niya kaya kinalangan na niyang umuwi kaagad sa kanila".

"Kaya pala pumasok siya dito para kuhain ang gamit niya at nagmamadali din lumabas. Sana gumaling kaagad ang papa niya", sabi nito sabay tayo sa kinauupuan. "O pano anak, pupunta muna ako ng kusina. Tatawagin na lang kita 'pag kakain na"

Tango lang sinagot ni Minseok sa ina.

Binuksan ni Minseok ang TV para aliwin ang sarili. Pagkaupo niya, may naupuan siyang kung anong matigas na bagay. Dali-dali niya itong kinuha at tinignan. Isang necklace na may pendant na mukhang kalahating bilog na kulay itim, kurba ang kalahating gilid nito at may maliit na kulay puting bilog na nakaukit dito. Kalahati ng simbolo ng Yinyang ang hawak niya ngayon.

"Ito yung necklace ni Luhan hah! Bakit nandito ito?", nagtatakang tanong ni Minseok sa sarili.

Naalala niyang bigla ang bigay ni Luhan sa kanya. Ganito din ang itsura ng kwintas na bigay nito, pero kulay puti ang bahagi na napunta sa kanya. Bigay pa daw ito ng papa nito dito, naka ilang salin-lahi na sa pamilya nito ang kwintas na hawak niya ngayon kaya nagtataka siya kung bakit binigay ni Luhan ang kalahating bahagi ng kwintas sa kanya.

Dali-dali niyang hinanap ang kwintas na bigay nito sa kanya, nagbabakasakaling naitabi ng mama niya nung naglinis ito. Naalala niyang magkasama ang kwintas niya at ang kay Luhan kaya imposibleng mawala lang ito ng basta-basta.

"Baka nagkamali lang si Luhan ng kuha kaya yung akin ang nadala niya", pangungumbinsi ni Minseok sa sarili. "Bukas ko nalang siya tatanungin at para maibigay ko na din ito sa kanya".

Inilagay niya ang kwintas sa maayos na lagayan para hindi na mawala pa.

+~+~+~+~

"ANO----?!", di makapaniwala si Minseok sa narinig niyang balita galing kay Tao.

"Totoo yun. Bumalik na ulit si Luhan sa China, dun magpapagaling ang papa niya sa nangyaring aksidente. Sinabi ng mama niya na dun na ipagpapatuloy ni Luhan ang pag-aaral niya", sabi ni Kris habang pinapatahan ang umiiyak na si Tao.

Nalungkot si Minseok sa narinig, hindi siya makapaniwala sa nangyari. Wala na si Luhan, hindi na niya makikita ang taong nagpapasaya sa kanya. Hindi man niya aminin, pero mahalaga na si Luhan sa kanya.
Bigla siyang yumuko at umunan sa mga braso niya para hindi nila makita ang namumuong luha sa mga mata niya.

Biglang bumuhos ang ulan, tila nakikiramay sa lungkot na nararamdaman niya ngayon. Tinignan niya ang kwintas na hawak niya, pinagmasdan niyang maigi na tila ba nakikita niya ang mukha ng my-ari nito.

"Magkikita pa ba tayo?"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
anieina
#1
mag update ka na!!! XD


-M