Her Story

Bacon's Eyeliner

Chapter 4

 

Namji's POV

 

"Sabi mo sasamahan mo ko? Ba't aalis ka?! Huy, Ji!" sigaw ni Baek habang naglalakad ako palayo sa kanya.

 

"Oo, pumayag ako. Pero hindi ko naman alam na ganito!" sigaw ko sa kanya nung na-abutan niya na ako.

 

Sino ba naman kasing matino ang hindi ma-iirita pag sinama ka sa party ng ex mo? Not to mention na kakabreak niyo pa lang nung isang buwan! Hindi ba marunong makaramdam 'tong si Baek? O nangga-gagu lang?!

 

"Ji naman! Proper closure! Yun lang naman yung hinihingi sakin ni Kai! Para sa'yo din naman 'to. Pakinggan mo naman yung side niya!"

 

"Baekhyun, tapos na yun! Break na kami! At bakit kailangan pa ng proper closure? Ano, ipapamukha niya ulit sakin na hindi niya ko minahal?! Na dare lang yun lahat?!"

 

"Ji, nasasaktan si Kai!" sigaw niya sakin.

 

"Wala akong pakelam kung nasasaktan siya! Kinokonsensya siya?! Gusto niyang marinig ko yung side niya para mawala lahat ng bigat na nararamdaman niya?!" tapos tumawa ako ng malakas. "Wala akong pakelam sa side niya! Nasasaktan din ako, Baek! Hindi ko siya papakinggan para quits lang kami! Hahayaan ko lang siya na mamatay at lamunin ng konsensya niya habang nagmo-move on na ko!" sabi ko tapos naglakad na ulit ako palayo.

 

Hindi kasi nila ko naiintindihan. Wala kasing sumusubok na intindihin ako. Malaki ang galit ko sa mga lalaki. Yung daddy ko, iniwan kami ni mommy nung bata pa lang kami nila ate at kuya. Si ate, binuntis ng hinayupak niyang syota tapos iniwan lang siya. Hindi man lang pinanagutan yung ginawa niya. Si kuya, iniwan din kami.

 

Si Baek.

 

Siya ang nagbalik ng tiwala ko sa mga lalaki. Siya lang ang kaisa-isang umakyat sa pader na ginawa ko. Gagu nga eh. Halos tinibag niya na.

 

Si Kyungsoo.

 

Ang hayup na nagbungkal ng daan sa ilalim ng lupa para lang makatawid sakin. Silang dalawa ni Baek ang mga siraulong tresspasser sa buhay ko.

 

At si Kai.

 

Winasak niya yung pader na yun. At everytime na aayusin ko, sinisira niya lang ulit. Pero dahil lang sa isang , iniwan niya ko. Dahil lang sa dare niya kasama yung na yun, hindi lang pader ang tinayo ko.. Naglagay pa ko ng mga canons at weapons sa ibabaw ng pader na yun.

 

Kaya gagu siya kung sa tingin niya eh makakapasok ulit siya sa buhay ko.

 

"Namji." sabi ni Baek sabay yakap sakin mula sa likuran. "I'm sorry. I'm so sorry."

 

Humarap ako sa kanya, niyakap siya, tsaka umiyak ng parang shunga. "B-baek.."

 

"Sige lang. Labas mo lang yan."

 

"B-baek.. Upakan mo nga si Kai. J-jongina niya! Hayup siya, gagu."

 

"Oo. Alam ko. Sinabi ko kay Kai na hindi ko muna siya sasaktan, pero pag umiyak ka na naman ng dahil sa kanya.. ibang usapan na yun."

 

"Salamat, Baek."

 

 

____________________

 

- School -

 

"Yeol, pa-abot ng ketchup." utos ni Baek kay manong.

 

"Oh." nilagyan na ni Baek ng ketchup yung hotdog niya.

 

"Ji, gusto mo? Masarap 'tong hotdog ko." sabi ni Baek sakin habang wina-wagayway yung hotdog niya.

 

"Bakit ang itim ng hotdog mo, Baek?! Saan ba niluto yan, sa imbornal?!" sabi ko tapos napa-ubo naman si manong. Napatingin ako sa kanya tapos bigla siyang tumingin sakin. Tch. Sinamaan ko nga ng tingin. *flips hair* I'm fabulous, bish.

 

"Kadiri ka, best! Nakakawala ng gana, ha!"

 

"Lakomfake."

 

"Masarap naman 'to eh. Try mo lang."

 

"'Amin na nga! Pakagat sa hotdog mo!"

 

"Oy oy, teka! 'Wag mong ubusin!"

 

"Hutangina niyong dalawa, Baekla, Namje!" biglang may sumigaw. Paglingon ko, nakakita ako ng ostrich, este ng kwago, ay este ng gwapo! (Si D.O. po yun. XD)

 

"Oh, Kyungsoo. Bakit ba?" tanong ko habang nilalasap ang sarap ng hotdog ni Baekhyun. Impernes. Masarap nga.

 

"Kanina pa kaya kayo pinagtitinginan! Puro 'pakagat sa hotdog mo', 'masarap 'tong hotdog ko'. Ay leshe! Nakaka-green, amputa!" sabi ni Kyungsoo habang ginagaya pa yung way ng pagkakasabi namin nun.

 

"Gusto mo rin bang kagatan yung hotdog ni Baekhyun? Alam mo Kyungsoo, ang sarap! May lumalabas pa oh!" sabi ko ng malakas sabay dinilaan yung cheese.

 

"Siraulo ka, Namje?"

 

"Kaunti lang."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KirbyK
#1
Ahahaha ng tatawa na ako sa foreword palang. Ang cute talaga yung story mo ;) update mo ha?
minchanhun #2
Chapter 2: buset na bakla ka baek! X》
Younna #3
Chapter 2: update po mga ateng ang cute ng story..