Sogo Hotel

Bacon's Eyeliner

Chapter 2

 

Namji's POV

 

Sa kasalukuyan, nandito kami ngayon sa park. Yung park na puro mga matatanda ang nakatambay? Oo, dun nga po. Ibang klase rin kasi tong si Baek eh!

 

"Hoy Baekhyun. Matagal pa ba?" tanong ko habang naka-upo sa isang bench. Naiinip na kasi ako eh. Sino ba kasi talaga ka-date nito?! -_-

 

"Padating na daw siya." sabi lang niya habang nakatayo at kinakalikot yung phone niya. Tsk. Hangtagal.

 

"Yow, Baek!" biglang may mamang nagsalita. Ang lalim ng boses, ampotek!

 

"Oh Yeol! Buti dumating ka na. Nagrereklamo na yung kasama ko eh. Hahaha!" nagulat naman ako nang biglang nagsalita si Baekla. Pagtingin ko sa kanya, may kausap siyang lalaki. Ang cute niya oh! Mukha siyang poodle na brown ang fur!

 

"Sorry. Hinarang pa kasi ako nila hyung eh. Akala nila kung saan ako pupunta." sabi ni kuya. Wait.. SIYA YUNG MAY-ARI NUNG NAKAKATAKOT NA BOSES?! OMG.

 

"Oh ganun ba. Di ka kasi nagpapaalam sa kanila. Ah, by the way, yung kasama ko nga pala. Ji!" sabi ni Baekhyun. Badtrip tong baklang to. Maglalandi pala di man lang sinasabi sakin. Aba at ang gwapo ng bago niyang fafa! "Yeol, si Kang Namji, yung kinukwento ko sa inyo dati na childhood friend ko. Ji, siya si Park Chanyeol, yung bestfriend ko pa na isa."

 

"Ah! Siya pala si Park Chanyeol! Hala, Baek! Sorry! Akala ko bago mong fafa!" sabi ko sabay bow sa kanilang dalawa. Ano ba naman yun, Namji! Pati bff ng bff mo! Eh kasi naman. Ganung-ganun yung mga type ni Baek eh! Pero teka.. Hindi kaya.. Waah!

 

"N-namji naman! Hanggang ngayon, bading pa din ako sa'yo?!" tanong ni Baek sakin na parang nahihiya pa.

 

Tinignan ko siya innocently. "Bakit? Lalaki ka ba?"

 

"What do you think?! Of course!"

 

"Eh ano sino yung mga lalaking pinupuntahan natin sa Sogo?" tanong ko ulit.

 

"Ah. Baka ako yun, Baek?" biglang sumingit si Koyang Chanyeol. Tinignan ni Baek yung lalaki ng matagal, tapos biglang lumaki yung mata niya na parang may naalala bigla.

 

"Bwiset kang bata ka! Eh si Yeol yung pinupuntahan natin sa Sogo eh!" sabi niya sabay batok sakin.

 

"Eh bakit kasi kayo nagpupunta dun?! Una sa lahat, ang cheap dun. Pangalawa, kulay pula yung building nun. Pangatlo, puro lovers ang usual customers dun. At pangapat, masakit yung batok mo, Byun Baekhyun!"

 

"Teka, pano mo naman nalaman na lovers ang usual customers dun?" tanong ni Baek sabay ngiti ng mapanloko. "Siguro, may kinakatagpo ka sa Sogo nuh? Sus. Si bestfriend, luma-lovelife!"

 

"Baek."

 

"Oh."

 

"Nakakain yun? O baka app yun? Ah teka. Baka uri ng makeup!" tapos binatukan niya ulit ako.

 

"Gaga! Anong nakakain ka dyan? Tsaka anong app, tapos makeup? Lovelife ang sinasabi ko, hindi pagkain, app, o makeup!"

 

"Gaga ka rin! Eh tinatanong ko lang naman kung nakakain yun eh! Malay mo, mamatay ako ng walang ganun. Oh di ba, sayang? Tsk." sabi ko sabay upo ulit dun sa bench na inuupuan ko kanina. "Lovelife, my ."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KirbyK
#1
Ahahaha ng tatawa na ako sa foreword palang. Ang cute talaga yung story mo ;) update mo ha?
minchanhun #2
Chapter 2: buset na bakla ka baek! X》
Younna #3
Chapter 2: update po mga ateng ang cute ng story..