Chapter 9 Missing Piece

I Might Fall

-- 

Saan kaya pupunta si KM at ang Mommy nya? Bakit pormal na pormal ang dalawa? Is it something special? What's the occasion? So let's find out. :))

 

"Mom, where are we going? And why do I have to wear this tux? Parang pupunta ako ng JS Prom. Haynako!" reklamo ni Mr. Nerd. "Can you please stop complaining! Kanina ka pa. And wala na tayong magagawa. Napilitan na lang ako sa gagawin natin. And its time for you to know the truth." mukhang hindi masaya ang mommy nya habang sinagot ang mga tanong nya. "What truth?" hindi maintindihan ni KM ang sinasabi ng mommy nya. "You'll see" yan lang ang tanging sagot ng mommy nya.

 

On the restaurant.

 

"Bonsoir Madamme y Monsseuir" Bati ng waiter ng italian restaurant. "Right this way Madamme." dagdag ng waiter sabay alalay sa mag-ina sa paroroonan nila. "Dad, is that you? Oh my God!" nagulat si KM ng makita ang amang nawalay sa kanya ng 2 taon. "Oh my son, i've missed you so much." sabay akap sa anak na matagal na nawalay sa kanya kahit sabihin nating dalawang taon lang sila nagkahiwalay.

 

*back to Jhake tayo and nasa mansion na rin nila sya.

 

"Magandang gabi ser, tamang tama po dating nyo ser andito po ang Mama at Papa nyo ser." salubong ni Yaya Seling kay Jhake. "Magandang gabi din Ya." sagot ni Jhake sa yaya nya.

 

Nasa hapag-kainan na si Jhake at ang mga magulang nya. Hindi umimik si Jhake kasi nga halos 3 taon di nya nakitang magkasama ang mga magulang nya. "Oh anak, kanina ka pa di umiimik dyan? Ayaw mo ba ng pagkaing ipinahanda ko?" tanong ng Mama ni Jhake. "Uhm.. Hindi po. Gusto ko nga po nito." pilit ngumiti si Jhake. "Sige anak kumain ka na." dagdag ng ama ni Jhake.

 

*back to KM tayo, sa madramang eksena nila.

 

Maluha-luha si KM ng malamang umuwi sa pilipinas ang Daddy nya. "Agnes, patawarin mo ako. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Sapat na ang dalawang taon para marealize kong di ko kaya na wala ka. Mali ang ginawa ko." sabi ng Dad ni KM kay Agnes.

Nagmamakaawa ang Daddy ni KM sa Mommy nya. Ngunit di pinapansin ni Agnes si Fernan. Hindi pa rin kasi mawari ni Agnes ang pagtataksil na ginawa ni Fernan sa kanya. Hindi pa rin nya makalimutan ang araw na iniwan niya ang mag-ina, kaya mahirap magpatawad sa sitwasyong ito. "Mom, please patawarin mo na si Dad. Alam kong nagsisisi na sya. Please Mom, para sa akin." humagulgol sa iyak si KM. "Sa tingin mo ba madali lang magpatawad?" "Iniwan nya tayo for Christ sake!!" hindi mapigilan ni Agnes ang magalit sa tuwing naaalala ang sakit na dulot ng pagiwan ni Fernan sa mag-ina. "Agnes, please. I will never leave the both of you again. Im begging you, please take me back." naluluha na si Fernan habang nagmamakaawa.

 

Walang magawa si Agnes. Ayaw nya mang tanggapin si Fernan, pero kailangang gawin dahil para to sa anak nila. Para kay KM.

 

*dun naman tayo kay Bea sa bahay nila.

 

Minsan iniisip nya kung bakit kailangan magtrabaho ang mama nya sa Dubai. Bakit hindi kaya sya magtrabaho dito sa Pinas, atleast magkasama silang dalawa. Malungkot man na wala ang mama nya pero kailangan nya tanggapin para naman to sa kanila ng kapatid nya. Ang kapatid nya kasi ay grade 6 na at dun sya nag-aaral sa probinsya dun sa Bicol doon sa lola nya. Kaya kailangang magdoble kayod ang mama nya para sa kinabukasan nila. "Nakuuh! Miss ko na si mama. Matagal na kaming di nagkikita. Mahigit limang taon na sya doon. Tapos minsan lang tumawag." yan lang na nasabi ni Bea habang hawak ang family picture nila. Ang papa naman ni Bea ay matagal na syang walang balita tungkol dito. Nung 5 years old pa lang kasi si Bea ay di nya na nakita ang papa nya. Kaya ayun imbes na tatay nya ang nag-aalaga sa kanila ang lola at tita nya na ang naging guardian nilang magkapatid.

 

*dun tayo kay Jhake :))

 

Pagkatapos kumain dumeretso na sya sa kwarto nya. Hindi man lang nya kinamusta ang Mama at Papa nya. Kasi sa sobrang busy ng parents nya minsan nakakalimutan na nilang may anak sila kaya eto namang si Jhake nagtatampururot sa parents nya.

 

-----------------------------------

Bakit kaya nagtatampo sa Jhake sa parents nya? Ano kayang nangyari sa Papa ni Bea?  

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
eunhyeabie #1
pls. update soon
Kristine_140 #2
Lexamikol hahaha thanks meron akong nabasa Pilipino din e young mga JAMLI hahaha thanks anyway
lexamikol #3
Hahaha Filipino xD I laughed the second I read late na ako haha because the stories are normally Korean. Good story so far...pinoy pride!