Unang Pahina

Ang bias kong bakla

“Bakla ka?” Mga katagang nabitawan mo nang makita mo ang bias mong kapre habang nakayakap sa kasama nitong malaking maskel.

“I’m sorry Yenne, Sungjee, pero mas mahal ko sila kaysa sa inyo.” Sagot ni Kris habang hinigpitan ang pagkakayakap kay Yixing.

“Pero bakit? Bakit? Ngayon pa kung kelan mahal na kita?” Napaiyak ka mula sa iyong kinakatayuan habang pinagtatawanan ng mga tao sa paligid mo.

“Waaaaah~! Yung boyfriend niya bakla!” Sigaw nung isa mula sa likod mo at pinagbabato ka ng kamatis.

“Bitter!” Sigaw naman nung isa at binato na naman sayo ampalaya.

Napaupo ka habang tinitignan mo ang man of your dreams na lumalayo sayo.

“Yenne..”

“Tita Yenne!”

“YEEEEEEEEEEEEENNNNNEEEEEEEE!”

Agad namulat ang iyong mga mata at napabangon mula sa pagkakahiga. Saktong pagkabangon mo nakita mo ang dalawa mong donsaeng may dalang balding puno ng tubig.

“Ba’t kayo may hawak nyan?” Agad mong tanong at nagmadaling tumayo mula sa kama. “Wag niyong sabihin ibubuhos niyo sa akin yan?”

“Eh sa ang tagal mong magising!” Reklamo ni Shiwon.

“Di kami papakainin ni Ate Jaemin kung di ka pa daw naming nagigising.” Sabi ni  Naru at agad binalik ang baldi sa bathroom. “Malapit na rin mag-seven tita, malalate ka na.”Agad namang bumangon si Yenne mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo.

 

“OMG OMG OMG AYAN NAAAAAAAAAH!” Sigaw ni Shiwon habang pinapanood ang latest MV na growl together with her ates. “DODONG KO I LAB YOU!”

“Naman Shiwon! Pwede time-out sa pagtili? Nakakabingi ka na ah!” Reklamo ni Naru na nasa tabi lang ng nakakabatang pinsan. “Isa pang tili siguradong ilalagay ko ‘tong malaking siopao ni Ate Ahra sa bibig mo!”

“Eh kesenemeneh! Ang gwapo ni Kyungsoo ko!” tili ulit ni Shiwon.

“An aga-aga tili na naman? Last week tili, nung isang araw tili pa rin nang tili, kagabi akala mo may nangyaring kababalaghan dahil sa tili na yan tapos ngayon agahan tili?” Komento ni Nijin na kararating lang sa dining table at kumuha ng tinapay.

“Kalalabas lang kasi nung MV ng EXO kaya ganyan.” Sagot ni Ahra na patuloy sa pagkain. “Kung ako pa sa inyong dalawa, itago nyo na yan kung yan makita ni Sungjee paniguradong World War III ang kalalabasan niyan.”

“Palibhasa kasi bitter yun dahil kay Kris, ngayon may bago na naman siyang target. Si Jung Kook sa BTS.” Singgit ni Shiwon sa kaibigan habang patuloy sa panonood.

 

Habang  kumakain ang ang apat, nagsidatingan naman sina Yenne at Sungjee na katatapos lang sa mga morning routine kasunod sina Jaemin at Hanuel na akmang akala mo may meeting dahil sa nangyayaring diskusyon habang naglalakad.

“So kelan toh?” Tanong ni Jaemin sa dalawa nang sila’y nakaupo.

“Bukas!” Masiglang sagot ni  Hanuel with matching beautiful eyes. “Sige na Tita! Pumayag ka na!”

“Anong meron?” Tanong ni Nijin habang kumuha na naman ng panibagong tinapay. Napatingin sina Ahra, Naru at Shiwon sa kanya. “Ano? Eh sa gutom ako eh!”

“Activities sa University.” Tipid na sagot ni Jaemin habang hinigop ang kanyang mainit na gatas.

“Diba University days simula kahapon? Eh bukas ng gabi meron daw ang EXO. And since meron ang EXO, for sure magagabihan ang iilan ---,”

“tayong lahat estudyante.” Correction ni Naru kay Hanuel.

“Okay, tayong lahat. So in advance, humingi na ako ng permission kay Tita Jaemin na matatagalan tayo sa pag-uwi.” Tapos na sagot ni Hanuel tsaka ngumiti sa kanila.

“May EXO bukas? Pwedeng sumama?” Tanong ni NiJin na kumikinang ang mata. “Gusto ko nang makita si XingXing ko!”

“I guess. Open to all naman ang University Days.” Sagot ulit ni Hanuel habang kumakain.

“Madali lang naman nila kunin ang EXO since may iba sa kanila nag-aaral sa university. Si Kai nga classmate ko sa isang subject!” Singgit ni Naru na medyo napatili sa ideya.

Tumingin si Jaemin kay Yenne since alam naman niya na die-hard Kris bias ang kapatid. “Yenne, gusto mong sumama?”

“Work. Pero kung mapaaga, why not?” Sagot ni Yenne.

“EXO na naman? Wu Yifan na naman! Pwedeng time-out muna yan?” Reklamo ni Sungjee na Ultimate Bias din si Kris at the same time ayaw din sa binata.

“Alam mo Ate Sungjee, ang labo mo.” Paninimula ni Shiwon at tumingin kay Sungjee. “Gusto mo si Kris tapos sa susunod ayaw mo sa kanya. Sa susunod na araw gusto mo naman, tapos bawi ulit. Tapos kung makapagpalit ng bias akala mo walang hawig kay Kris.”

“Di naman lahat may hawig kay Kris ah.” Depensa ni Sungjee.

“Still, papalit-palit pa rin ng bias.” Punto ni Shiwon. Nagtaas ng kilay ang lahat at tumingin kay Sungjee, alam na na may iniisip na kalokohan ang bunso. “I have a proposal for you.”

“Ano naman yun?” Tanong ni Sungjee.

“Simple lang. No bias except for the Kookie dough guy for a year. Kung magtagumpay ka, libre ka ni ahjumma sa pinakamahal na Gelato shop sa madlang neighbourhood!”

“At ako pa talagang manlilibre? Ayos ka rin noh?” Side comment ni AhRa.

“Okay lang yan, yaman yaman niyo naman. Pwede mo ngang irequest kay Tito Jaejoong na bilhin yung buong shop na yun!” Pasimpleng sagot ni Shiwon kay AhRa.

“No Infinite, BAP, EXO and C-clown for a year.” Dagdag ni Naru.

“Mas specific, No Myungsoo, Yifan, Himchan, Bang, Zelo at Rome for a year.” Tawang sagot ni Jaemin sa idea.

“FINE!” Walang magawa ni Sungjee kundi pumayag sa hamon ng pinsan since yung gelato na ang naghihintay sa pagtatapos ng hamon.

_____________________________________

 “Hello? Kim Corporation, Yenne speaking.” Nagtratrabaho si Yenne sa Kim Corporation, ang kompanya ng pamilya ni Ahra. Kung tutuusin, malaki ang bahay ng dalaga pero sa di malamang kadahilanan mas gusto pa nitong manirahan sa bahay nila Yenne na di naman mahahalintulad sa bahay nilang sobrang laki.

Mayaman din naman ang Pamilyang Lee kagaya ng Pamilyang Kim pero sadyang may topak lang ang huling dalawang babae sa pamilya. Ang ate Jaemin niya kasi pasaway, since mahilig magsenti moment kasama ng kanyang mga daang-daang teddy bears ay pumunta siya sa daddy nila at nagreklamo kung bakit may sariling mga bahay ang mga kuya niya samantalang siya wala. Hindi naman spoiled brat pero bratinela lang talaga ang loka at mahilig makipagdebate sa mga tao kahit di naman kilala.

 

“Eh nak, may mga pamilya na sila Kuya Seung, Kuya Joong at Kuya Hae mo kaya bumukod na sila.” Paliwanag ng ama sa sampung taong gulang na Jaemin.

“Eh bakit si Kuya Gikwang meron?” Tanong naman ng makulit na bata. “Kung tutuusin magkakambal kami, matanda lang siya ng ilang minuto. Bakit siya may bahay tapos kami ni Yenne wala?”

“Kasi trainee siya. Nandoon siya sa Seoul kasi gusto niyang sumikat bilang isang singer.” Paliwanag ng Mommy nila. “Plus, you are too young to have your own house.”

“Pati naman si Kuya kambal ah?” Pataas kilay na depensa ni Jaemin.

Sa huli, napapayag din ni Jaemin ang parents nila na tumira siya sa bahay matapos bigyang na masinsinang debate ang mga magulang. Pinangakuan siya na kapag nakatungtong na siya ng kolehiyo ay titira siya sa isang bahay. At sa iniidolo naman ni Yenne ang ate niya at close sila nito, madaling napapayag na magsama sila sa bahay.

 

“Hi Ate Yenne!” Bati ni AhRa kay Yenne na nasa opisina ng kuya niya. “Ano? Tuloy tayo mamaya?”

“Hmmm.. May tatapusin pa akong mga documents na hinihingi ni Mr.Kim kaya baka di ako matuloy.” Sagot ni Yenne habang patuloy sa pagtrabaho.

“Sinong Kim ba yan? Si daddy?”

“No. Sa kuya mo.” Tipid na sagot ni Yenne.

“Wag mo nang tapusin! Si Kuya lang pala eh!”

“Anong wag tapusin? Kailangan niya ito ASAP. Ayaw ko ngang masisante!”

“Akong kakausap, konting kembot lang yan kay Ate Jaemin, papaya na yun!” Hirit ni AhRa.

“Bahala ka, kung maaga akong matapos pupunta ako ng university. Babye na at may tawag.” Sagot ni Yenne at patuloy sa pagtrabaho. “Kim Corporation, how can I help you?”

 

“Sige na kuya! Pretty please with cherry on top?” Sandamakmak na aegyo na ang ginawa ni AhRa pero wa epek pa rin sa kuya.

“I don’t see the cherry.” Seryosong sagot ni Jaejoong habang binabasa ang mga documents na nakalatag sa kanyang mesa. “AhRa, busy ako at busy si Yenne. May report siyang ginagawa and I need them ASAP. Wala ka bang trabaho at yang pagbisita ng EXO ang inaatupag mo?

“Natapos ko na ang work ko sa finance and what you’re seeing in your table are all my work.” Kampanteng sagot ni Ahra. “Come on Kuya, please? Just for today. Tomorrow back to work na.”

“No and that’s final.” Sagot ng di matinag na kuya.

“Tsss..Sayang, ilalakad pa naman sana kita ng date kay Ate Jaemin.” Pasadyang-pabulong ni Ahra na agad naman narinig ni Jaejoong.

“Anong sabi mo?” Napahinto si Jaejoong sa pagtitingin ng mga papel na agad namang nginitian ni Ahra. ‘Ang ngiting tagumpay!’ nasa isip ng dalaga.

“Kako, tutulungan ka sana naming ni Ate Yenne sa pag-akyat ng ligaw mo kay Ate Jaemin pero since ayaw mong pumayag, baliwalain mo nalang yun. Sayang pa naman,  manonood rin daw ata si Ate Jaemin nung performance kasi crush niya si Xiumin.” Pahinayang-sadya ni Ahra tapos agad tumalikod. “Sige kuya, balik nalang ako sa opisina---,”

“Tell Yenne to finish what she can finish until 5pm, pupunta tayo sa university to watch the performance.” Agad na sambit ni Jaejoong habang tinitignan ang mga documents. Nakangisi lang si Ahra at siniraduhan ang pintuan.

“SUCCESS!”

 

_________________________________________

“Come on tita Jaemin! Magsisimula na ang mini-concert!” Dali-daling bumaba si Shiwon mula sa sasakyan at agad tumakbo papasok. Napabugtong hininga si Jaemin sa energy ng bunsong pamangkin nya.

Freelance photographer slash English Teacher ito sa isang tanyag na eskwelahan ng Seoul kung saan nakapagtapos ang iba pa niyang pamangkin. Since iisang school ang pinapasukan nila ni Shiwon, sinundo na niya ito. Agad niya kinuha ang kanyang camera mula sa backseat at maliit na sling bag tsaka lumabas ng sasakyan.

Kinuha nito ang phone at tinawagan ang nakakatandang pamangkin nito.

“Hello tita?” Sagot ng nasa kabilang linya.

“Nijin, nasan ka?”

“Sa University kasama si Hanuel.”

“Okay. Nasa may parking lot ako, kararating lang. Nauna na pumasok si Shiwon, pakihanap nalang yung kapatid mo. Kita tayo dun sa stall nila Sungjee.” Binaba ni Jaemin ang tawag at tinext ang kapatid.

 

“Bili na kayo! Cupcakes!” Sigaw ng mga kaklase ni Sungjee na nagmistulang barker habang siya ay nagdedesign ng cupcakes.

“Magkano?” Tanong ng isang lalaki ngunit di naman masagot ng kanyang kasama.

“Tag-fi-fifty a-a-ang i-i-i-isa.”sagot nung kasama nyang ala-barker of the day.

‘Anong problema niya at nautal siya?’ tanong ni Sungjee sa sarili habang busy pa rin sa pagdedesign.

May sunod na naman na tanong pero utal pa rin ang barker.

May lumapit sa kanya habang pinapanood ang gawa niya. “Ang ganda naman niyan!”

Pamilyar ang boses pero di tinignan ni Sungjee. “salamat!”

“Alam mo rin bang gumawa ng Angry birds design sa cupcakes?” Tanong ulit ng lalaki.

“Hmmm..Oo.” Kampanteng tanong ni Sungjee.

“Pagawa ako. Pwedeng ito na bird?” May tinuro ang lalaki at tinignan ni Sungjee. Yung pulang ibon ang nakita niya at kampante siyang gawin ito.

“Okay sir, Just give me five min--,” naputol ang pagsasalita nito at nanlaki ang mga mata nito nang nakita niya ang taong kaharap. ‘Siya ba talaga itong nakikita ko?’ tanong sa sarili.

“Miss? Okay ka lang?” Tanong ng matangkad na lalaki.

“Wu Yi Fan?”

 

________________________________

Tapos na ang chapter 1!

Sheeeems~! Kamustah? Pangit ba? Hahahaha! Pagpasensyahan niyo na.

Time check: 3:15 am in my lappy’s clock.

Off to bed na! Good night!

 

Subscribe and Comment!

 

<3missdauxian

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe