Story Line (Kim's POV)

My Girlfriend is a Great Pretender

6 PM sa kotse

ang bait ni sir. tutulungan niya pa ko sa pag kuha ng mga gamit.. pero moody siya promise...minsan feeling ko may bipolar to ee.. hay nako manahimik na nga ko.. later mga 5 mins. he started the conversation

"so.. ilang taon ka na??" nagulat ako sa tanong niya

"po? 19 po sir.."sagot ko

"diyaan sa lugar na yan.. diyan ka ba lumaki??" sunod na tanong niya 

"opo.." sabi ko

"so sino ang chinese ang mama mo or ang papa mo?" tanong nanaman niya..

"ang papa ko po.. pero 6 pa lang ako ung nag hiwalay sila ni mama.. iniwan niya kami dito sa pilipinas.. naalala ko pa nun nung nasa airport kami ni mama.. halos nakahandusay na kakaiyak si mama pero si papa walang paki alam.." tumingin ako sa labas kasi ayaw kong makita ni sir. na naiiyaka ako

"okay lang yan.." sabi niya mukhang na ge-gets niya ko

"then eto.. buti na lang nakakuha ako ng scholarship sa school pero kasi 50% lang kaya kaiangan ko paring bayaran yung 50% kaya eto ako nag tra-trabaho.. ayaw ko na kasing mahirapan si mama" sabi ko sa kanya.pero hindi lang siya sumagot..

 

after 1 hour nakarating kami sa lugar ko.. pero nag dadalwang isip ako kung papasukin ko siya sa mismong lugar namin.. magulo kasi dito.. mabaho pa.. at higit sa lahat madaming lasenggo..

"aa.. sir. pwedeng dito na lang kayo sa kanto mag hintay..?" tanong ko

"bakit?" balik tanong niya

"aa.. ee.. magulo kasi dito sa barangay namin.. mabaho pa.. baka mag kasakit ka lang.." sagot ko

"aa.. yun lang ee.. tara na.. hindi na lang ako lalabas ng kotse.." sabi niya

"aa.. ee.. sir madaming lasenggo dito.." sabi ko ulit sa kanya

"wala yan.. bibigyan ko na lang silang pambili para hindi tayo pansinin.." sagot niya ulit nakakahiya man pero wala na kong magawa mapilit siya ee..

"ayan.. diyan ako nag pre-school" turo ko sa kanya sa isang day care na katabi ng barangay hall

"aa.." matipid na sagot niya

"eto. na dito na bahay ko.." sabi ko at excited bumaba ng kotse

"maaaaaaaaaaaaa... !!!" sigaw ko ng makita ko si mama sa labas nakaupo kasama si melissa

"anak !! namiss kita.." naiiyak na sabi ni mama sakin

"Ako din po.." niyakap ko si mama..

"mel.. namiss kita super.. musta na??" sabi ko kay melissa

"diyos ko naman friend one day pa lang tayo nag kakalayo." sabay batok sakin..

"aray ko nman.. oh nasaan na yung gamit ko.. bilis na.." sabi ko

"andyan sa loob anak.. iniayos na namin ni melissa.." sabi ni mama

"sige ma.. kunin ko na.." sabi ko kay mama pero bago ko pumasok.. biglang may umubo na naman sa likod ko..

"aahheeemm.." 

"s-sir... " nabanggit ko lang then napansin ko nakangiti siya kay melissa at ay mama

"aa.. ee.. sir. mama ko po pala.. at si melissa... bestfriend ko.. ma.. mel boss ko si sir. gerald" pakillala ko sa kanila..

"nice to meet you sir.." sabi ng mama ko

nagulat ako ng halikan niya ang kamay ng mama ko..

"nice to meet you din po.. wag niyo na kong tawaging sir. , gerald na lang po.. ang ganda niyo naman po kamukha niyo si dawn zulueta.." sabi niya sa mama ko habang ako naka nganga

"and hello mel.." nginitian niya lang si melissa

"nako hijo.. pasensya ka na sa lugar namin.. medyo magulo.." sabi ni mama sa kanya

"okay lang po iyon.. " sagot niya.. nang mailagay na namin ni melissa yung gamit ko sa kotse.. niyaya ko na siyang umalis,.

"aa.. ee.. sir gerald.. halika na po.." yaya ko sa knya

"ayy.. kala ko dito na ko mag stay for good.. ang sarap tumira dito.." sabi niya

"anong masarap.. ang gulo gulo nga dito ee.." sabi ni melissa

"mama.. alis na po kami.." paalam ko sa mama ko naiiyak na naman ako..

"sige anak mag iingat ka aa.." niyakap ako ni mama ng mahigpit at hinalikan sa noo

"gerald anak.. salamat sa tulong kay kim.." dagdag pa niya habang hawak ang kamay ni gerald

"wala ho iyon.." sagot ni sir gerald

"melissa.. pakisamahan si mama kung wala kang gagawin aa.." bilin ko kay melissa

"sure best.. si tita pa.." sabi ni melissa na nakangiti..

"sige na ma.. at gabi na buh-bye ma.. i love you so much!" niyakap ko ng mahigpit si mama

 

Sa kotse

"ang sarap pa lang kasama ng mama mo noh?? sana ganun din si mommy.. hindi puro business ang inaatupag nila ni dad.." sabi lang niya

"ano ka ba para sayo rin naman ang ginagawa nila ee.." sagot ko

"pero honestly ang ganda ng mama mo.. kamukha mo siya kim.." gulat akong sabi niya

"wala na si mama dito sa kotse.. wag mo ng bolahin.." natatawang saad ko

"hindi totoo nga.. kmukha niya si dawn zulueta.." sabi niya

"oo nga ee.. once nga sa school napagkamalan siyang si dawn zulueta although dawn nga ang name nya.." natatwang kwento ko..

"cute mo pala.. pa naka smile nuh??" nakatingin siya sakin 

"aa.. ee.. " tumalikod na lang ako sa kanya..

i feel the awkwardness and i know siya rin.. natahimik kami hanggang dumating sa bahay nila..

"sandali lang po sir. iaakyat ko lang ito sa room ko.. t maghahain na ko ng dinner niyo.." sabi ko..

"no.. si manang na.. join me on my dinner.." gulat ako sa sinabi niya...

"aa.. ee.. sir.. mamaya na lang ako sasabay ako kay manang.." saad ko

"no! sasabay ka sakin.." sabi niya at tumalikod sakin..

wala na kong magawa.. kundi sumunod sa kanya.. awkward man pero kailangan ayaw kong mapatalsik sa trabaho... nakakailang shiyet...

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
please update!!
philhaus115 #2
update please!!!
swagers #3
thank you po.. sana po nagustuhan at magustuhan niyo po yung mga bagong chapters..
TheArvie99 #4
Maganda ang simula mo sana pagpatuloy mo... thank you very much sa fanfic story mo