Chapter 2

Moving On (TAGALOG VERSION)

Listen~~~

Luhan's POV

Inabot ko yung folder na puno ng mga files ko sa school secretary. Dahan dahan niyang binuksan 'to at libanas niya isa isa ang mga papeles. Pagkatpos niyang siguraduhin na kumpleto, ibinalik niya sa folder at itinabi niya ito. 

"You can start tomorrow, Mr. Xi. We'll be sending your schedule through e-mail. I hope you enjoy your stay here in our school." Sabi niya habang naka ngiti
 
Nag-bow ako at nagpaalam na. 
 
Tapos na ang school hours, kaya palakad lakad lang ako sa school, para maging pamilyar ako sa lugar, ng naka-abot ako sa school library. Dahil na-curious ako, pinasok ko ito. 
 
Pa-ikot ikot lang ako sa mga book shelves ng may narinig akong humikbing babae. 
 
Hala, baka haunted library 'to! 
 
Natakot naman ako bigla. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko kung kanino nangagaling yung mga hikbi. 
 
Hindi ko mamukhaan dahil natakpan ng buhok niya ang mukha niya. Napahinto ako at tahimik ko siyang pinagmasdan. 
 
Ilang minuto na ang nakalipas ng biglang huminto ang babae sa pag-iyak at binaba nito ang kanyang ulo. 
 
Nagulat ako. Paano na kung nahimatay sa kakaiyak? 
 
Ang tanga mo Luhan. 
 
Hindi ko na napiligan ang paa kong tuloy tuloy ang paghakbang papunta sa harap nung babae. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. 
 
Humihinga pa naman siya. Tulog lang ata 'to. 
 
Tumayo ako ng diretso at tinitigan ulit ang dalaga. 
 
Sino kayang nag-paiyak sa kanya? Ano kaya yung rason? 
 
~~
 
Minjoo's POV
 
Hindi ako makatulog. 
 
I sighed then sat straight up. 
 
Nakita ko yung rubicks at yung sticky note na nakadikit dito. Tumayo ako ng kama at kinuha yung laruan.  
 
'Kada may problema ako, sinusubukan kong buuin 'tong rubicks cube ko. Because instead of thinking about my problems, my mind focuses on solving this instead. Try it :)' 
 
Sino kaya nag-iwan sa akin nito? Hindi naman si Myungsoo dahil ayaw niya sa mga puzzle games at hindi rin si Yoonhee dahil ayaw niyang pumapasok sa library. 
 
Aaminin ko, na-touch naman ako sa ginawa ng stranger na 'to. Pero paano niya ba nalaman na may problema ako? 
 
Paano kung may nakarinig sa mga iyak ko sa library? Oh my gulay naman Minjoo! Dapat pala sa ibang place ka na lang nagdrama!
 
Kinagat ko ang labi ko habang inikot ang rubick's cube. 
 
Ma-try nga, baka kasi gumana. 
 
~~
 
"Uy, Minjoo." Lumingon ako kay Yoonhee
 
"Ok ka lang?" Tanong niya
 
Tumango ako.
 
"For now, oo. Pero hindi ko alam gagawin ko pag nakita ko si Myungsoo." Nagbuntong hininga kong sinabi
 
Wala si Myungsoo, excused siya for 3 periods dahil sa soccer practice nila. Buti na nga lang hindi ko pa siya nakikita. Wala ng masabi si Yoonhee dahil dumating na ang teacher namin at pinaupo ang buong klase. 
 
Hindi ko napansin na may sumusunod pala kay Sir.
 
"Good morning class. Naalala niyo ba yung binaggit kong bagong studyante?" Tanong niya sa klase at nagsitilian yung mga babae habang wala namang paki-elam yung mga lalaki. 
 
"Meet Xi Luhan." Sabi ni Sir
 
"Hello sa inyo. Uh, sana magkasundo tayo at sana maging close tayo agad." Bati ng binatang nakatayo sa harap. 
 
Cute siya. Malaki mata, matangos ilong, maliit mukha at maliit din ang labi. Feminine kumbaga. Ngumiti siya at muling nagtilian ang mga babae. Matangkad at lean din siya. 
 
"Take your seat Mr. Xi. Doon sa likod ni Hwang Minjoo." Tinuro ako ng teacher at nanlaki mata ko
 
Natuwa naman yung mga babae kong klaklase na malapit sa upuan ko dahil makakatabi nila si New Guy. 
 
Naramdaman ko yung kaba ng dumaan siya sa kanan ko. 
 
Ano 'to?
 
Bigla akong kinakabahan na ewan.
 
~~
 
Luhan's POV
 
"Take your seat Mr. Xi. Doon sa likod ni Hwang Minjoo." Tinuro ng teacher yung direksyon. 
 
Sinundan ko kung saan nakaturo yung teacher at nagulat ako. 
 
Yung babae sa library kahapon
 
Minjoo pala pangalan niya. Hwang Minjoo. 
 
Dumiretso ako sa upuan ko at hindi ko alam kung bakit pero natuwa ako ng malaman kong magklaklase pala kami at magkalapit ang upuan namin. 
 
Ibinaba ko ang bag ko at naupo na. 
 
Napangiti ako sa sarili ko ng napansin ko ang rubick's cube na naka-key chain sa bag ni Minjoo. 
 
Flashback: 
Parang ang rude ko naman kung iiwanan ko siya pagkatapos ko siyang tignang umiyak...
 
Aha, baka gumana 'to. 
 
Hinanap ko ang rubicks cube sa bag ko, ng mahanap ko naglabas na rin ako ng sticky note at ballpen. 
 
'Kada may problema ako, sinusubukan kong buuin 'tong rubicks cube ko. Because instead of thinking about my problems, my mind focuses on solving this instead. Try it :)' 
 
Pagkatpos kong isulat, idinikit ko ito sa laruan. 
 
Wag naman niya sanag itapon 'to or I hope she doesn't find it creepy. 
 
End of Flashback
 
Hindi niya naman pala tinapon, in fact nabuo niya na yung isang side. Nakakatuwa naman. 
 
==========
Ayan na~ nagpakita na si Xia Lu~ <3 xD hehehe ^^
 
Sana na-enjoy niyo! at pasensya na kung hindi ako madalas mag update at nagprepare na ako para sa final exams :D 
 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
xiiLuhannie #1
Chapter 1: Relate much ako dito.. Grabe lungs,. Move on din pag may time. >_<
KeroKeroHan #2
Haha sebbbieee ang cuteee niii luuuhaaannnn >.< parang ikaw yung bessie ni minjoo ahahaha madaldal rebel at palaban xD
historicallover #3
Chapter 2: Wieeeeee kiligs Naman ko
uikaxxlockheart
#4
Chapter 2: Hala...nag meet na sila! Yey!
Mejo morbid lang mag-isip si Luhan beybe.
Tapos, aiyeee! may magic ng nararamdaman si Min Joo. Tama yan, move-on-move on din. Hehehe.
Aiyaaa! ang cute talaga ng dating ni Lulu. :D
uikaxxlockheart
#5
endorsed this to AFF Pinoy. :D
uikaxxlockheart
#6
Chapter 1: halala...ramdam ko yung part na may pinakilala si bestie (na secretly love) na gf....ampusa. may nagbabalik sa akin. shert.
uikaxxlockheart
#7
update soon, dongsaeng. :D