Chapter 1

Moving On (TAGALOG VERSION)

Listen~~~

Minjoo's POV
 
"Psst. Minjoo!"
 
Napalingon ako kay Myungsoo. Pinunit niya yung papel sa notebook niya at nagsulat dito. 
 
O ha! Alam kong siya yun, boses pa lang e. 
 
Pagkatapos niyang magsulat, ipinaabot niya sa klaklase namin yung papel papunta sa akin. Ibinigay sa akin at tumingin ako sa teacher namin bago ko ito buksan. 
 
'Magkita tayo sa garden mamayang lunch. May sasabihin ako sa iyo :)'
 
Biglang bumilig takbo ng puso ko at huminto ang paghinga ko. Eto na ba yung hinihintay kong sabihin niya simula nung Grade 5?
 
Mahal ko kasi 'tong manhid kong best friend. Simula pa lang Grade 5. 
 
Siguro naman hindi siya manhid kasi nga baka... Hala! Baka magtatapat siya. Paano kung magtapat siya? Bakit ngayon? Ang panget ko kaya! Sana pinaghandaan ko naman. 
 
Oi, Hwang Minjoo wag kang feeler! Wag umasa sa wala. Sabi sa akin ng maliit na boses sa likod ng utak ko. 
 
Yung takbo ng puso ko ay biglang huminto at may naramadaman akong nalaglag. Ayun si pag-asa ay nahulog sa floor, at tinapak tapakan pa ni disappointment. 
 
"Uy." Kinalabit ako nung katabi ko, tinignan ko siya at tinuro niya naman si Myungsoo.
 
Ay nakalimutan kong sumagot sa kanya. 
 
Tumango na lang ako at nakinig na sa klase, pero hindi pa rin nawawala yung hope at takot na nararamdaman ko. 
 
~~
Nag-bell na. Tumayo na ang mga estudyante at lumabas sa room. 
 
Tanging ako na lang ang nakaupo sa place ko, pati yung atat kong teacher ay umalis na para kumain. 
 
Napahinga ako ng malalim at sinubukan kong kalmahin ang puso ko. 
 
Kaya natin 'to, Minjoo! 
 
Tumayo na ako at dumiretso sa garden ng school. Bawat hakbang ko, lalong kinakabahan ang puso at isip ko. Nakarating na ako sa garden at wala pa si Myungsoo. Na-upo muna ako habang naghihintay. 
 
Mga limang minuto ang lumipas ng bigla kong narinig si Myungsoo. 
 
"Minjoo!" Masayang bati sa akin ng pogi kong best friend
 
Napangiti ako sa sarili ko tapos umikot ako ng makatapat ko siya. 
 
Dug.
 
Ano yun? Yung puso ko, nahulog at nabasag. 
 
"MInjoo, meet Naeun. Girlfriend ko." Sabi ni Myungsoo habang nakangiti at nakatitig sa babaeng nasa tabi niya
 
Ang ganda niya. Mahaba at itim ang buhok, maputi at makinis ang balat, maliit at maganda ang mukha at slim ang katawan. Habang eto ako, patpatin at pangit. 
 
Teka, parang nakita ko na siya dati ah. 
 
"Nice to meet you." Bati ni Naeun ng nakangiti
 
I blinked a couple times then gulped. 
 
"Uh, nice to meet you too." With matching pilit smile
 
Biglang tumahimik, at ramadam mo yung awkward. 
 
"Ah, mauna na ako... may pinapagawa pa si Ms. Song sa library eh. Bye." Sabi ko habang kinukuha ang aking mga gamit.
 
Nagiging blurry na ang paningin ko, siguradong luha na ang babagsak galing dito. Dinalian kong maglakad papalayo bago ko pa hayaang tumulong ang mga luhang pinigilan ko sa harap nilang dalawa. 
 
Nakarating ako sa library, humihikbi akong nakarating sa table ko. Umupo ako at napatingin lang sa labas, tuloy tuloy ang agos ng luha ko. 
 
Ikaw naman kasi Minjoo, bakit ka umasa? Ang feeler mo. Kala mo naman magugustuhan ka ni Myungsoo! Hello, hindi ka niya type at sobrang layo mo sa ideal girl niya. Saka, tingin niya lang naman sa iyo ay best friend lamang. 
 
Best friend lang. 
 
Dati ko pa naman sinasabihan ang sarili ko na 'best friend lang' ang tingin niya sa akin, pero bakit parang mas lalong sumikip ang dibdib ko? 
 
~~
Sinara ko yung pinto ng appartment, dumiretso sa sofa at nahiga. 
 
Nakatulog ako sa library, kaya mga late na akong nakauwi. Ganun ako lagi, pag umiyak ako ng sobra eh natutulog ako pagkatapos. Ewan ko ba, mana daw yun galing sa mommy ko e. 
 
"Oh, anong nangyari sa iyo?" Tanong ni ate
 
Nagulat ako at napatayo ako agad. Nanlaki ang mata ko sa kanya. 
 
"Ate? Dapat asa Paris ka ngayon diba?" Tanong ko pabalik
 
"Na-cancel, at bingyan nila ako ng 3 days off." Sagot niya
 
Model kasi yung ate ko. She works under the name Tiffany. Baka naririnig niyo ang pangalan na 'to. Sikat eh. 
 
Siya yung nakakuha ng looks, brains and humour. All around perfect siya. 
 
Wala ngang makapaniwala na magkapatid kami eh. 
 
"Anong nangyari?" Umupo siya sa tabi ko 
 
"May girlfriend na siya..." Mahina at walang gana kong sagot 
 
Tumulo na naman luha ko. Kala ko naman ubos na yung tubig sa system ko dahil sa pag-iyak ko sa library. Syete, meron pa pala. 
 
Niyakap ako ni ate at hinimas ang likod ko. Wala siyang sinasabi pero sapat na yung yakap niya.
 
The best talaga 'to si ate ko. 
 
~~
Kakatapos ko lang mag homework at dahil pagod ako, humiga na ako agad ng makatulog. 
Nag-vibrate ang cp ko. 
 
Nag-text si Beb. My other best friend, Yoonhee. 
 
'Uy, ayos ka lang? Narinig ko kay nognog yung balita.'
 
Natawa naman ako sa tawag niya kay Kai. Nognog. 
 
Nagreply ako ng 'Ok lang :) Eh wala naman talagang pag-asa kaya expected na yun...' 
 
Nagvibrate ulit phone ko. 
 
'Cheer up, darling! Irereto na lang kita sa bagong student tomorrow~ ^^' 
 
Ang gaga talaga nito ni Yoonhee, pero mahal na mahal ko rin yan. 
 
'Kilala mo ba?' 
 
'Hindi :P pero talaga ipagpapair ko kayo kung pogi siya xD' 
 
'Gagi xD Sige na nga boborlogs na me. See yaaa' 
 
'See yaa beb~ remember marami pang pwedeng mamingwit na isda dyan :))))' 
 
Napangiti naman ako. 
 
Itinabi ko na yung cellphone ko at ipinikit ko ang mata ko. 
 
Tomorrow's a new day. 
 
Bukas na bukas, mag-momove on na ako kay Kim Myungsoo. 
 
===========
 
Pasensya na kung maikli pa lang~ TT_TT parang intro pa lang po kasi ito =))))) Pero sana na-enjoy at nagustuhan niyo! :D 
 
At salamat nga pala kay uikaxxlockheart sa support~! XD 
 
Don't forget to subscribe, comment and upvote if you like my story~! ^^

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
xiiLuhannie #1
Chapter 1: Relate much ako dito.. Grabe lungs,. Move on din pag may time. >_<
KeroKeroHan #2
Haha sebbbieee ang cuteee niii luuuhaaannnn >.< parang ikaw yung bessie ni minjoo ahahaha madaldal rebel at palaban xD
historicallover #3
Chapter 2: Wieeeeee kiligs Naman ko
uikaxxlockheart
#4
Chapter 2: Hala...nag meet na sila! Yey!
Mejo morbid lang mag-isip si Luhan beybe.
Tapos, aiyeee! may magic ng nararamdaman si Min Joo. Tama yan, move-on-move on din. Hehehe.
Aiyaaa! ang cute talaga ng dating ni Lulu. :D
uikaxxlockheart
#5
endorsed this to AFF Pinoy. :D
uikaxxlockheart
#6
Chapter 1: halala...ramdam ko yung part na may pinakilala si bestie (na secretly love) na gf....ampusa. may nagbabalik sa akin. shert.
uikaxxlockheart
#7
update soon, dongsaeng. :D