Nice Shot Number 17

Description

 

Nice Shot Number 17 by QueenLJ Wattpad

Originally posted at my Wattpad account

Foreword

 

NICE SHOT, NUMBER 17!

 Written by QueenLJ Wattpad

 

~*~*~*~*~*~

 

“Captain!” tawag ng isang pamilyar na boses sa akin. Lumingon ako,

 

“Hinahanap ka na ni Coach,” sabi ni Anica, my assistant team captain.

 

“Ngii, bakit daw?” sabi ko habang binitawan yung bola ng basketball na kanina ko pa nilalaro. Nagpapractice kasi ako ng dribbling. Kinakabahan ako kasi baka dumulas na naman yung bola tulad nung nangyari sa last game namin, with IEM university, nakuha tuloy ng kalaban at ayun naka-score. Sayang. Leading pa naman kami nung time na yun >___<

 

“Hindi ko alam, Captain eh. Pero feeling ko tungkol ‘to sa laro natin bukas. Championship na yon eh,” sabi uli ni Anica sa’kin.

 

Tumayo na ako, at inilagay yung bola doon sa storage room.

 

Yep, tama ang narinig niyo. We have another game tomorrow and this is the championship game >__<

Hindi lang obvious sa’kin pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kinakabahan na talaga ako bukas.

Hindi naman sa nagdodoubt ako sa skills ko. I’m skilled player. I have potentials that’s why I was chosen as the team captain for this year. Oh diba? Bongga lang.

 

You may all be wondering why I got myself into basketball. After all, basketball is a sport for boys. Volleyball is most suited sport for girls. But, I want to make a change. Let them know that girls can play basketball, as well.

 

CHOS! Isang malaking chos talaga XD

Hindi naman talaga yun ang dahilan kung bakit gusto ko mag-basketball eh.

Dahil yon sa aking long-time crush na si Kevin.

Long time crush talaga dahil 5 years ko na siyang crush. Simula first year high school pa lang ako, napapanood ko na ang mga laro niya ng basketball. I watched him as he was awarded by MVP of the year. Rookie of the year. Best defense player of the year. At kung anu ano pang award na natanggap niya. Hindi ko namiss ang kahit anong game niya. Ganyan ako ka-adik kay Kevin my loves >:D

 

Dahil din sa kanya ay nahilig akong mag-basketball. Siya ang nag-inspire sa’kin para hasain ang basketball skills ko.

Pero hindi siya yung nagte-train ha. Asa naman. Hindi naman ako kilala non. Isa lang din ako sa mga fans niya. May girlfriend kaya yun, pero may mga bali-balitang break na daw sila. HAHA ang laking tuwa ko naman daw sa balitang yon. Hindi pa nga confirmed eh, two months ago na kaya yung chika na yon. Tagal maconfirm, nagbubuffering pa. HAHAHA

 Saka sa kabilang school yon nag-aaral. Hindi dito school ko. Di nga lang ako maka-lipat dahil scholar ako ng basketball varsity sa school na to. Ayaw kong sayangin yung scholarship ko, pinag hirapan ko rin yon eh. Prominent school kaya tong napasukan ko. So don’t waste the chance.

 

Nung 3rd year high school lang ako naging tunay na varsity member. Ginalingan ko talaga ng bongga yung performance ko nung time na yun. Sobrang kinareer ko ang basketball. Eh ayon, sa sobrang papapansin ko, napansin ako ng Coach namin at ginawa akong assistant team captain nung kami’y 4th year high school na. At least, diba, lume level up.

 

Hindi naman ako bobo. Tamang utak lamang para sa estudyante. May alam kung ba ga. Hindi lang puro sports ang hilig ko :>

 

Nagpunta na ako sa office ng Coach namin na si Mam Valdez at umupo na dun sa upuan sa tabi niya,

Close kami ni Mam since favorite na favorite daw niya ako dahil ang galing ko daw talaga mag-basketball. Naalala niya daw ang sarili niya sakin. Isang malaking WEH. HAHAHAHA

 

“Coach, pinatawag niyo daw po ako?” panimula ko

 

“Yes hija, at gusto ko lang ipaalam sa inyo ang makakalaban niyo bukas.”

 

Oo, ngayon pa lang namin malalaman T___T

 

Eh kasi para daw suspense eh, baka mamaya sa sobrang suspense atakihin ako sa puso ng malaman ko kung sino. Wahaha. Exag lang ako XD

 

“Sino po ba, ma’am?” medyo kinakabahan kong tanong kay Mam na sobrang nakangiti ng wagas. Ay ano ba yan, she’s giving me chills. Chos

 

“Ang UDE University” proud na sabi ni ma’am.

 

OMO O____O

 

If I’m not mistaken, yon ang school ni

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KEVIN MY LOVES?

 

“Oo, school iyon ng Kevin your loves mo” dagdag pa ni ma’am ng mahalataan niyang nanlalaki at parang luluwa ng mata ko.

 

Napalunok naman ako doon.

 

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! I’m so kaboom kaboom the dibdib! Patay na talaga ako bukas, baka pumalya ako.

 

“Demi, you should concentrate. Call your team now and have a 5 hour training. I’ll inform the teacher about your training. They will excuse you since you will bring the name of the school tomorrow. You know our goal right, be the champion. Kung kayo ang magiging champion bukas, 1st time in history of UD iyon. You will be honoured by all the students here in the school. Set up your mind now, all right?”

 

“Mm.. Uh-Uh.. *lunok laway* Opo, Coach”

 

WAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Eto na nga ang kinatatakutan ko, ang makalaban ang university nila Kevin T___T

 

Dahilan? Dahil nawawala ako sa concentration pag kinakabahan ako. At sure ako na kakabahan ako bukas dahil manonood si Kevin doon T__T

 

Idagdag mo pa na ang rumoured ex girlfriend niya ay basketball player din ng team nila. UWAAAAH.

 

Nag-susuper bass tuloy yung dibdib ko.

 

Parang gusto ko ng magpractice agad agad ngayon. Kinakabahan ako at baka talaga’y matalo kami bukas.

 

Naku jusko po, Lord. Wag naman. Kahit isang beses, gusto ko rin maka-champion. Eeeeee!

 

~*~*~*~*~*~*~*~

 

“Anica, nakita mo na ba si Kevin?” tanong ko habang nagpupunas ng kamay sa jersey shorts ko. Pinapasma ako, oh men.

 

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ikaw ba naman sa pwesto ko, championship game, nanonood ang long time crush mo, pati na rin kalaban mo ang ex gf niya, sinong hindi kakabahan dun, aber? Kung ikaw ay di kinakabahan sa ganon, pwes abnormal ka! P:

 

“Yep, captain. Dun siya nakaupo sa may upuan ng mga speaker. Yung mga taga-announce. Malapit sa may scoreboard. Ayun, ayun!” sabi ni Anica habang ngumunguso at tinatali na yung sintas ng sapatos niyang ADIZERO. Sakin naman, Lebron 9. Mayabang ako :3

 

Tinignan ko siyempre yung direksyon kung saan nginunguso nitong si Anica.

 

At, BOOM, nakita ko si Mario Maurer.

 

Este si Kevin Louie Alas

 

Naku, pag mamaya talaga pumalpak ako, iuuntog ko ang sarili ko sa ring >___<

 

“GIRLS! GIRLS! Let’s all pray first before we enter the court” sabi ni Coach sa’min na nakaupo sa benches ng locker room ng gym namin. Yep, dito sa amin yung laban hindi sa kanila. Buti na lang! Iba kasi yung feeling pag school mo. Feels like home. LOL

 

Ayon, nagpray naman si Coach at pinatong patong namin ang mga kamay namin at sabay sinabing “UDEH!” Udeh, meaning UD. Depende lang sa pagka pronounce namin. Mwehehe dami alam :3

 

Woo, ayon nagsalita na yung mic. Este yung announcer nagsalita na.

 

At heto ako, tense na tense. Woot!

 

“Captain!” sigaw ni Anica na kakapasok lang sa locker room mula sa court.

 

“Oh, bakit?” >___<

 

“Si Kevin yung announcer oh! ANSABEH!”

 

OMYGOD!

 

Lalo akong nangatog.

WAH! Makikita niya talaga ako. Pero at last, mapapansin niya rin ako kahit konti.

 

Makakapasok din ako sa isipan niya kahit sandali. Oh diba? I should be happy *^*)//

 

 

“LET US ALL WELCOME THE RED FALCONS!” sabi nung announcer. Inintroduce niya yung kalaban namin, yung kabilang team.

 

Oh noes, nakita ko na yung ex gf ni Kevin my loves.

 

Ang ganda talaga niya at poised na poised yung dating. Edi siya na nga! Hmp!

 

Bitter lungs XD

 

“AND NOW THE ALMIGHTY BLUE PHOENIX!” tas ayun lumabas na kami. Tinawag kami eh.

 

Patakbo kaming pumunta sa may benches namin at kumaway kaway sa mga tao.

 

ANG DAMING TAO >___<

 

Feeling artista ako kasi live tong ipapalabas sa AKTV. Bunggah diba! Kaya pag natapilok ako mamaya, mapapalabas din sa TV >___< Hooray!

 

Pinapunta na kami sa court at ako bilang the Captain ay nilead ko na ang mga kasama ko sa court. Kami nila Anica, Jane, Trixia, Myca, at ako ang first five.

 

Si Jane ang center namin so syempre siya ang tatalon para sa bola. Kami ni Anica ang pointguard at napagusapan naman na namin kanina pa ang play na gagawin namin mamaya. Syempre, kelangan ng diskarte. At swerte lang talaga kami dahil alam na namin ang play ng kalaban. *insert evil laugh*

 

Binato na ang bola at natapik naman ito ni Jane papunta sa’kin dinala ko ang bola papuntang court namin at dere-derecho ng naglay-up. Hindi na ako gumawa ng play since gusto kong mag bueno mano na shoot XD

 

Syempre, hiyawan ang mga taga UD sa first shot ko. Pasok kasi eh.

 

 

 

 

 

*LAST QUARTER*

 

Score check:

 

54 – Blue Phoenix

54 – Red Falcons

 

WAAAAAAAAAAAAAAAAH!

 

Pagod na ako!

 

At masyado ko yatang ini-small ang kalaban namin.

 

Namo, 2 minutes na lang at matatapos na ang 4th quarter.

 

Nakakayamot pa kanina dahil tinulak ako ng bongga ng ex shota ni Kevin my loves! Sinasadya niya talaga! BWISIT talaga! Parang na-sprain nga yung paa ko e! Natechnical foul naman si Jessa nun  [ex gf ni Kevin] syempre, ball possession at three shoots yon. Pinasok ko lahat syempre. Nakita kong nagssmile sa akin si Kevin. WEEEEEEEE. Kinilig naman daw ako dun at ayon shoot lahat. MWAHAHAHAHA

 

*KRING*

 

Ayon, nagbell na at tapos na ang time out.

 

Ball ng kabila at eto kami ginagamit na ang press dahil kelangan namin habulin yung score. Hindi pupwedeng matalo kami >___<

 

NOOOOO!

 

Nag shoot yung kabila at bang, hindi pumasok. Yahoo! Nice block, Anica.

 

Kinuha ko yung bola at nagattempt mag shoot ng 3points pero bang, hindi pumasok.

 

Naging ganon ang situation namin at sobrang init na ng laban.

 

Sobrang tensed kami pareha ni Anica kasi puro fastbreak na talaga kami!

 

Kelangan namin makahabol!

 

First championship ng school namin to, if ever!

 

Ayan na, 10 seconds na lang at ball possession ng kabilang team.

 

Narebound ko yung bola sa court nila at tumakbo agad ako papunta sa court namin kaso ang tantsa ko hindi na aabot ng lay-up!

 

Kaya ayon, I threw my a half court shot and then………….

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

BANG!

 

“Three points for Demi Sta. Maria!”

 

Pumasok pa nga.

 

 

 

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

 

WE WON! CHAMPION KAMI!!!

 

Tumalon talon na ako dun.

 

“NICE SHOT NUMBER 17! CRUSH NA KITA!” napalingon ako sa tao na may hawak ng mic.

 

 

 

 

O____________________________________________________O

 

Si Kevin!

 

Tumalon din yung puso ko, kasabay ng pagtatalon ko.

 

Panalo na nga kami sa laban, panalo rin ang puso ko. Wow!

 

 

*****END*****

 

 

- - -

 

Author's Note: No Sequel! :p

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet