Chapter Nine

Unknown Love

Ha Chan - pink   Hwa Rin - purple

Ha Neul - dark orange   Seo Yul - red

Shindong - blue  Jungsu - green

_________________________________________________

'Pwede ba bitawan mo nga ako!' tapos binitawan niya na ako.

'Dahil sayo may nagalit tuloy sa akin'

'Ha?! Ee bakit naman ako may kasalanan?'

'Bakit naman kasi bigla mo na lang iniwan yung si Janine ba yun , tapos hinila mo pa ako'

'O , ANO NAMAN?!'

'Eee, baka kasi akalain nila girlfriend mo ako'

'Isipan na nila gusto nilang isipin!'

'Eee, baka kasi kung ano gawin nila sa akin , katulad sa mga drama sabunutan nila ako'

'So ?'

'SO ?! SO?! So lang sasabihin mo , pag nangyari talaga yun ikaw may kasalanan! Lagot ka sa akin pag nakalbo ako! Kakalbuhin din kita!’

‘Pfftt.Sana nga! Bagay sayo yun!XD’ asar niya habang tumatawa.

‘Hindi kaya! >< Bwiset ka!’ nauna ka nang  mag lakad sa kanya.

‘Tss.Pikon’

 

‘Badtrip ka ata?’ lumingon ka at nakita mo sina Hwarin at Haneul.

‘Bwiset kasi yung lalaking yun’

‘Sino?’

‘Si Shindong!’

‘Ahhh, hahhha , Bakit ano ginawa niya?’

*Ano ba ginawa niya? Wala. Wala naman talaga siyang ginawa. Pero .. Nakakaasar ii!*

‘Ahmm kase .. kanina hinila niya ako papalayo dun sa babaeng kumausap sa kanya tapos nakita kong masama tingin sa akin nung babae.’

‘O , tapos?’

‘Meron na agad akong hater dahil sa kanya tapos sabi ko baka kalbuhin ako nun katulad sa mga drama baka akalain nun girlfriend ako ni Shindong. Alam niyo ba sinagot niya ? SO daw?! Bagay daw sa akin yun! >< Bwiset!’

‘Kalma lang!’

‘Pero grabe ha.. hindi siya ganyan sa iba sobrang tahimik kaya yun kahit kasama niya mga kaibigan niya’

‘Baka may gusto si Shinding sayo HaChan’

‘WHAT? Sakin ?! May gusto? OMG? Imposible’

‘HAHAH! Pero aminin mo gwapo siya ‘

‘Oo gwapo siya , Pero ayaw ko sa ugali niya!’ ‘ Ewan! Tara na nga pasok na tayo sa room.’

 

Pagkapasok mo hindi mo siya pinansin. Sobrang boring nang klase pero sinubukan mo parin makinig dahil… dahil kailangan.

Pagkatapos ng apat na subject nag ring na yung bell. Ibigsabihin recess time na. Kasabay kong nagrecess sina Hwarin at Haneul. Nung malapit na kami sa canteen nakita ko si Janine may kasamang dalawang babae. Nakatingin sila sa amin. Mukhang galit. Lumapit sila sa amin.

 

‘Hooy! Ikaw?’

‘Sino ? Ako?’

‘Hindi baka siya’ sabi niya habang nakaturo kay Hwarin.

‘OO, ikaw!’ sabi ng isa niyang kasama. Tinignan siya ng masama ni Janine.

‘Sino ka ba ha? Bakit palagi mo kasama si Shindong?’ pataray na sinabi ni Janine sa akin.

‘Ah..Eh.. Magkapitbahay kasi kami , kaya sabay kami pumapasok’

‘So pag mag kapitbahay kailangan sabay na pumasok?’

‘Hindi naman. Magkakilala kasi yung mga magulang naming sabi nila sabay na daw kami pumasok. Tsaka bago lipat lang kasi kami doon.’

‘So wala akong paki alam basta layuan mo si Shindong ko! Sakin siya!’

‘Wow maka akin ka ha, sayo agad?!’ bara ni Hwarin kay Janine.

‘Sayo na siya , saksak mo pa sa baga mo ee!!’

‘TALAGA!’

‘Sasaksak mo?!’

‘OO!’

‘Tara na nga, mauubos na yung oras , di pa tayo nakakain’

‘Oo nga , gutom na rin ako.’

 

Habang kumakain kami nakita ko si Shindong kasama mga kaibigan niya. Napansin ko yung mga babae na pinipicturan sila habang kumakain.

‘Ano to Fpor ay Ftree lang pala tatlo lang sila ee?’

‘ANO?’

‘Wala. Bakit naman kasi nila pinipicturan sina Shindong’

‘Ahh, Masanay ka na ‘

‘Gwapo sila ee , kaya sikat sila dito sa campus’

‘Ano Artista-Artista? ‘

‘Sumikat lang naman sila dahil magagaling sila sumayaw ee’

‘Si Shindong sumasayaw ?Akala ko ba mahiyain si Shindong, sabi niyo kanina tahimik siya’

 ‘Tahimik pero hindi mahiyain’

‘AHHHH!!’

‘Pero karamihan sa kanila hindi matalino si Shindong lang ata may utak diyan ee pero hindi naman sila salbahe’

‘Oyy! Hindi ahh! Matalino naman si Nathan! Gwapo , talented , mabait!’

‘Pinagtatangol mo nanaman siya’

‘Oo kilala ko yung Nethan na yun ee, Nakaka OP ha!’

‘NATHAN! Hindi Nethan! ‘ sigaw ni Hwarin tapos tinignan siya ng lahat ng tao sa canteen kaya yun pahiya kaming tatlo’

 ‘Ahhh.. Hahahah!’

‘Tumatawa ka pa diyan . pahiya na nga tayo ee’ sabi ni Haneul habang nakatakip yung kamay nilang dalawa sa mukha nila.

‘Bakit naman tayo napahiya?’

‘Kasi nga yung isa diyan sumigaw! Kaya tayo napahiya gets? nakatingin tuloy sina Nathan dito.’

‘Sorry na ! kasi naman to si Hachan ee Nethan ng Nethan! Sabing Nathan ee’

‘Aba ako pa tong may kasalanan ha!’

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! KIRIRINGGGGGGGGGGGGGGGGG!

‘Nag bell na tara na!’ sabay takbo naming tatlo palabas sa canteen sa sobrang hiya. Kahit hindi naman talaga ako kasama dun. Nakitakbo lang ako. Kunyari nahihiya.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet