Chapter Four

Unknown Love

Pagkalabas niyo nakita mo papa mo na may kausap sa katapat niyong bahay.

'Si Mr. Seo ba yung kausap ni papa?' tanong mo.

'Malay ko, di ko naman kilala yun ee' sabi ng mama mo.

Habang hinihintay niyo matapos papa niyo makipagdaldalan XD nagpicture ka muna para isend sa mga kaibigan mo sa pinas.

kim-shin-yeong-9.jpg

__________________________________________________________________________________

Pinasyal kami ni papa. Kumain kami ng Bulgogi , Gimbap , Kimchi, at madami pang iba!

lotte_world_from_high_up.jpg

Pumunta din kami sa Lotte World sumakay kami ng mga rides , sinubukan din namin 

yung Tarot Card Reading. Ayaw mo sanang subukan kaso pinipilit ka ng kapatid mo. Hinulaan niya yung love life ko.

Sabi niya may makikilala daw akong lalaki na sobrang sungit , mayabang , gwapo.

Pag nagkakilala daw kami hindi daw magkasundo. Pero kahit ganun daw , siya parin ang

knight and shining armor ko. Doon ko daw siya magugustuhan.

Matagal ka nang hindi naniniwala sa mga hula , kaya simula pa lang hindi ka na naniwala sa sinabi ng manghuhula.

Pero dahil sa mga sinabi niya , naalala mo yung lalaking nakabangga mo nung unang araw mo sa korea.

'Hindi! Hindi! Hindi! Malamang gawa gawa lang niya yun, sigurado ako nakuha niya lang yun sa mga drama!' mahinang mong sinabi sa sarili mo.

'Ano yun ate? May sinasabi ka ? tanong ni Seo Yul sayo dahil parang narinig ka niyang bumulong.

Nagtataka din siya bakit kanina ka pa tahimik simula nung pumunta kayo sa Tarot Card Reading

'Ha?! Wala! Wala akong sinasabi!' kunwari mong sinabi sa kanya at nag fake smile ka na lang (pekeng ngiti ba?! XD D ko alm tagalog ee XD)

'Ee bakit kanina ka pa tahimik ? Sorry na oh! Gusto ko lang naman malaman tungkol sa 

love life mo ee! Kunwari wala na lang nangyari! Sorry na!' nagaalalang sinabi sayo ni Seo Yul.

'Ha...?! Hindi ahh! Hindi yun tungkol dun!'

'ee saan?!'

'Aaa..eee..' wala kang maisip na dahilan tapos may nakita kang poster na may nakasulat na "Evening Parade"

at yun na lang tinuro mo para makalusot.

'Ito! Ito! Gusto ko sanang manuod niyan mamaya!' sabi mo pero ang gusto mo naman

talaga ay umuwi na dahil pagod na pagod kana.

'Ahh! O sige tanong ko lang kay papa!' ' Papa pwede ba daw tayo manuod ng Evening Parade mamaya?' tanong ni Seo Yul sa papa mo.

'Sa susunod na lang, may dinner tayo kasama ang pamilya nila Seo , kaya kailangan na natin umuwi!' sagot ng papa mo.

Nag OK sign ka kay Seo Yul para malaman niya na ok lang.

'Hoo!' buntong hininga mo.

Narinig ka ulit ni Seo Yul at tinaasan ka niya ng kilay, ngumiti ka na lang sa kanya para hindi ka mahalata.

__________________________________________________________________________________

Nakauwi na kayo sa bahay nang maagaaga dahil kailangan pa ng mama mo magluto.

Nagbihis kayo ng maayos na pangbahay dahil nga may bibisita sa inyo.

Habang nahihintay sa mga bisita , nag computer ka muna. 

Tinitignan mo ang mga larawan ng mga gusto mong grupo at nagpatugtog hindi masyadong malakas 

dahil ayaw mo na ulit mabatukan ng napakalakas ng nanay mo.

Tinignan mo ang 'allkpop' kung anong bagong news at nakita mong may bagong kanta si Seo In Guk na 'I Can’t Live Because of You',

isa siya sa paborito mong aktor na kamukha si Sung Jae ng BTOB para sayo.

Nagustuhan mo yung kanta at nagsimula nanaman ang sakit mong pagiging fangirl.

Mga ilang oras, tinawag na kayo ng mama niyo dahil parating na ang mga bisita.

'Monique! Alyssa! labas na padating na sila!'

'Padating, ee andyan lang naman bahay nila' ' OPO lalabas na!' sagot mo sa mama mo.

Pagkalabas mo sa kwarto mo nakita mo mama mo.

'Mama! Wag mo na nga kaming tawagin sa pangalan namin s apinas. May korean name na nga kami ee!'

'Ay jusko! O sige na!'

__________________________________________________________________________________

Nakatayo kayo malapit sa kusina at nag bow ng 90degree para i-show ang paggalang sa kanila.

'Ito ang aking misis at ito naman ang dalawa kung anak si Ha Chan ang panganay at si Seo Yul ang bunso' pakilala sa inyo ng papa mo.

'Dalawa din pala ang mga anak mo. Ang gaganda at ang gagalang pa' sabi ni Mr. Seo.

'Komapsumnida' sabay niyong dalawa sinabi at nag bow.

'Aigoo! Yeobo gusto ko si Ha Chan para kay Shindong' sabi ni Mrs Seo.

Nagulat ka sa sinabi niya. (SHINDONG ?! ayuko ng mataba!) sabi mo sa isip mo.

'Ano ka ba! bata pa sila' sagot ni Mr. Seo sa asawa.

' He-he-he' pilit mong tawa. ' Oo nga naman po. Wala pa po akong balak diyan' sagot mo.

'Ay oo nga pala! Hintayin niyong dalawa ang anak ni Mr. Seo sa pinto' utos ng papa mo.

' Ne! ' sagot ni Seo Yul at pumunta na kayong dalawa parahintayin kung sino man sila.

'Hindi naman sila mawawala , hindi naman ganon kalaki ang bahay' mahina mong sinabi nung nakalayo na kayo.

Tinulak ka ng mahina ni Seo Yul at tumawa ng onti dahil sa sinabi mo.

__________________________________________________________________________________

Chapter 4 Finish!

Excited na ba kayo sa pagdating ni Shindong!! Kyaahh! AKO OO!

SUBSCRIBE AND COMMENT PO PLEASEE! I NEED MORE KARMA!

OKAY! Masakit na mata ko ! Bye!

tumblr_mhnyzfCzgQ1s4020po3_250.gif

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet