Fan Meeting

Ang Hatid ng bawat NGITI at KANTA

 

SHINEEDONIKA1.jpg

(I know this photo up here is irrelevant, nonetheless I was inspired by this...)




 

“Pasensya na po Manager hyung!” ang aking pambungad sa manager ng SHINee na kasalukuyang naghihintay sa akin, dahil ako na lang ang kulang para simulan ang fan meeting sa hapong iyon.

“Humihingi po ako ng pasensya kung nahuli po ako…” ang patuloy kong paghingi ng tawad.

Deh! Alam ko ang kalagayan mo ngayun, naiintindihan kita… halika ka na sa loob at nang masimulan na ang maliit na salo salo”

Masuwerte pa rin ako kahit papaano dahil napakamaintindihin at mabait nang manager ng Iniidolo kong grupo.

Annyeong Haseyo…. “ ang sabi ko sa mga tao sa loob ng silid na iyon habang nakayukong bumabati.

Ang grupong SHINee ang pinakapaborito kong Korean Idol dito sa bansa. Nung makilala ko sila at mapakinggan ang ilan sa mga kanta nila… Minahal ko na sila bilang grupo. Sa tuwing may problema ako maging sa pamilya man o sa paaralan, pinapatugtug ko lang ang kanilang mga kanta, napapangiti na ako.

Hulog sila ng langit para sakin, alam kong isa lang ako sa mga fan nila, pero proud ako at kasali ako sa libo-libong tagahanga nila.

 

“Dahil kompleto na ang lahat, maaari na tayong magsimula…” ang sabi ng kanilang manager.

Napakasaya ko nung malaman kong isa ako sa napili para sa fan meeting ng araw na iyon, di ko akalaing makukuha at mapipili ang liham ko, sa dami ba naman ang gustong makita at makaharap ang SHINee… ay! Ewan ko na lang, NAPAKASAYA ko talaga, walang pagsidlan ng tuwa sa dibdib ko.

Ngayon lang to Jin, ngayon lang, hindi naman siguro masamang magsaya ka sa kabila ng mga hinaharap mong problema diba?

 

Nagsimula ang fan meeting sa hapon na iyon, sa pagpapakila ng SHINee sa amin. Dalawampo ang mapapalad na napili para sa araw na iyon at kabilang ako sa kanila. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti, halos hindi ako makapagsalita, masyado akong naging abala sa pagtitig sa mga iniidolo ko.

 

Ang unang parte ay parang naging Q & A portion, may naihandang mga tanong ang kasama ko para sa mga miyembro ng SHINee samantalang ako wala dahil naging abala ako sa pagaasikaso sa aking Ina nitong mga nagdaang araw.

Parang hindi ako fan, bigla akong nalungkot, hindi ko man lang napaghandaan ng maiige ang araw na ito. Patuloy lang ako sa pakikinig  ng mga tanong at sagot sa pagitan namin at ng SHINee.

 

Hanggang sa…

“Miss ikaw wala ka bang itatanong sa amin?” napukol ang tingin ng mga kasama ko sa akin ng tinanong ako ni Kim Jonghyun.

Bigla akong kinabahan at nabigla.

 Paano to? Wala akong naihandang tanong… kailangan ko magisip ng mabilis.

“Napansin kong ikaw na lang ang hindi nagsasalita” patuloy ni Kim Jonghyun.

Ayokong isipin nila na wala akong kwentang tagahanga, kaya nagisip ako kaagad ng tanong para sa kanila. Unti unti akong ngumiti ng maluwang para hindi nila mahalata ang aking pagkabigla.

 

Deh! Mianheyo... masyado lang akong naging abala sa pagtitig sa inyo kaya hindi ako nakapagsasalita.. ang mga ngiti niyo kasi… nakakawala ng pangamba at problema…” Naghiyawan ang mga kasama ko sa mga nasabi ko at tila nahiyang ngumiti ang lahat ng miyembro ng SHINee sa aking mga sinabi.

“At para sa aking tanong… Anong pangarap niyo para sa inyong mga tagahanga... na patuloy na sumusuporta sa inyo ngayon at maging hanggang sa hinaharap?”

“Medyo mahirap sagutin ang tanong mo miss… ha ha ha… pinagpapawisan ako…” pabirong sabi ni Kim Jonghyun. Mahinang napatawa ang mga kasama ko at pati na rin ako sa biro ni Jonghyun kahit ang mga ka miyembro niya ay napa tawa rin ng mahina.

 

Isa isa nilang binigay ang mga kanya kanya nilang sagot. Nagsipagpalakpakan kami sa mga sagot na narinig namin mula sa kanila.

Hindi ko pinagsisisihan na Idolo ko sila. Napakasaya at Nakatutuwang malaman na marami silang pangarap para saming tagahanga nila. Ngumiti ka lang ng maluwang Jin, lubos lubosin mo na, pagkatapos nito, tsaka muna ulit harapin ang iyong problema.

 

Nagsalo-salo kami sa mga nakahandang pagkain sa mesa, pagkatapos ng tanungan portion na iyon. Isa isa kaming sinubuan ng gusto naming miyembro mula sa grupo. Subalit tinamaan ata ako ng hiya ng tanungin ako kung sino sa kanila ang gusto kong sumubo sa akin ng pagkain. Kaya napagdesisyunan kung ako na lang ang magsusubo sa sarili ko.

Ngunit nabigla ako ng kumuha ng pagkain si Lee Jinki/Onew at isinubo sa akin ng direstso.

Kamsahamnida” nahihiyang sabi ko habang nakangiti ang mga labi ko na abot na yata hanggang tenga.

Napaka gentleman talaga nitong si Onew. Pinakamaaalahaning leader na nakilala ko sa lahat ng Korean idol at batay na rin sa opinion ko.

 

Nang matapos ang salo-salo, pagkakataon naman ng SHINee na magtanong sa amin na mga tagahanga. Mga tanung na sino ang paborito namin mula sa kanilang miyembro, ano ang nagustuhan naming mga fans tungkol sa kanila at ecetera.

 

Naiiba ang tanung na binato ni Onew sa amin.

“Sa lahat ng kanta ng aming grupo, aling kanta ang higit na nakakaapekto sa inyo at bakit?” para lang siyang nagtatanong ng pang Miss Universe, pero alam ko masasagot ko ang tanung niya kaya nung pagkakataon ko na upang sumagot…

“Ah… para sa akin…. Uhmmm…  marami sa mga kanta niyo ang nakaapekto sa akin, sa pang araw araw na hinaharap ko o kapag may problemang dumarating mabigat man o hindi, pinapakinggan ko lang ang kahit isa sa mga kanta niyo, panandalian ko nang hindi na iisip ang mga problema ko… “ nakangiting wika ko.

Sumilay ang mga payak na ngiti sa kanilang mga labi, lalo na si Onew na para bang na touch sa mga nasabi ko.

Ang mga ngiting iyan ang ginagamit kong lakas para sa mga problema ko, kung alam niyo lang. Napakasayang malaman na ibinibigay ninyo iyan sa akin, kung alam niyo lang… gusto ko nang lumuha sa sobrang katuwaan.

 

Natapos ang munting pagtitipon na iyon sa pagpapasalamatan namin sa isa’t isa. Ang SHINee ay buong pusong nagpapasalamat sa walang humpay na suporta naming tagahanga, at kami namay taos puso ding nagpapasalamat sa pagbibigay nila ng oras para sa amin.

 

Dali dali na akong lumabas ng silid upang bumalik sa aking ina na nasa Hospital sa kasalukuyan.

“Manager Hyung, maraming maraming salamat po… kahit na nahuli po ako, pinayagan niyo parin po akong makasama, maraming maraming salamat po talaga… mauuna na po ako…”

“Kami dapat ang magpasalamat sa inyo, kayong mga tagahanga ang dahilan kung bakit andito pa rin ang SHINee, hala sige… mag-iingat ka”

Yun lang at nagpaalam na ako. Nang makalabas na ako ng building, Unti unti nang bumabalik ang nakakalungkot at masakit na realidad.

At namalayan ko na lang tumutulo na pala ang aking mga luha habang ako’y nakasakay sa bus patungong hospital.

Kahit Saglit na panahon lang Jin, at least ngumiti ka, sumaya ka at nakalimutan mong may problema ka, hindi naman masamang isipin ang sariling kaligayahan paminsan minsan kahit kaharap mo na ang kabundok na problema.




 

 

“Good Job guys!... kitang kita ko sa mga mata at ngiti ng mga tagahanga niyo paglabas nila na napasaya niyo sila… lalo na si Jin…”ang sabi ng kanilang Manager hyung.

“Jin? Siya ba yung kausap mo kanina hyung?” si Onew.

“May pinagdadaanan ba siya?” tanong ni Jongyun.

Deh! Kung alam niyo lang kung gaano kalaki ang pinagdadaanan niya ngayon, pero bilib ako sa batang iyon, nakuha niyang ngumiti at tumawa sa harap niyo at nakapunta pa siya, akala ko nga hindi na siya makakarating, pero mabuti na lang din at nakapunta siya kahit papaano maiibsan ang problema niya..”

“kaya dapat lalo niyong pagbutihan sa hinaharap, maaring isa lang siya sa mga tagahanga niyo, subalit ang mga hatid niyong kanta at ngiti ay maaaring pinanggagalingan na kanilang mga lakas sa araw araw na buhay… hwaiting!

Napaisip si Onew.

Kaya siguro iba ang ngiti niya kaysa sa iba kanina, may pinagdadaanan pala siya. Bakit parang bigla ay gusto kong malaman ang mga problema niya, para naman makita ko ang kanyang mga tunay na ngiti.




 

 

I know that this is really weird. 

Having this kind of Concept as a story... I don't know... 

Just Don't mind this, if it wasn't good enough. 

 

 

Copyrights. 2012

All Rights Reserved.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bananadubumilk #1
haha..LOL at "paghangang pururot" can't stop laughing with that XDD
..haha,i'm a filipina too if you are :) i really wanna help you about the translating thingy,but your words in tagalog are too complicated to translate in english..i guess... so, I dunno, kekeke.. I like it by the way ^^