End of Flashback

Ang Kwento ni Panyang. Bow.

 

So yun na nga ang nangyari. Basta ayaw ko ng maalala. Masaklap un ehh.. Pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako sawi. Akala niyo un na noh? Hindi pa. Isiningit lang un ng baliw niyong author. Baliw nga lang di ba so anu ini-expect nyo? ^^. Ang dahilan talaga ng pagkasawi ko ay si Drake. Siya ung president ng sports club namin dito sa school kung saan member ako. Kaya lang naman ako nag try out sa Basketball kasi nga gusto kong maging member ng lecheng club na un. So nakapasok na nga ako. Tuwang- tuwa mga kteam ko sa basketball kasi daw magaling daw ako. Three pointer ako men. Talo ko pa nga maglaro yung mga lalaking player ehh. Double purpose din ako sa team. Muse/ player ako. Siyempre ako na pinaka maganda so wala na akong choice. Ako naman for the sake of the team payag naman maging muse. Basta yun na. Biglang nag boom yung girls basketball team. Paksheet ang galing ko kaya! Uber lang sa confidence. Haha. Every time may meeting kami kuntodo paganda ako. Nawawala pagiging half-boy ko. Haha. Friends kami pero not that kind of friends. Kami yung klase ng friends na pag nagkasalubong tamang ngiti lang. Paksheet kasi sa kasupladuhan un ehh. Wala atang kaibigan. Nung bigla siyang bumisita nung practice namin, grabe yung pagpapasikat ko. Wala ng pasa-pasa. Nawala bigla ung salitang team sa vocabulary ko. Basta sabi ko sa sarili ako, Akin 'tong bola na 'to. Akin dapat 'to. Mapapashoot ko 'to. Tinatawagan ko lahat ng kaluluwa ng mga ninuno ako. Sumanib kayo sa bolang 'to. Paksheet na orasyon lang di ba? Nanonood siya nun. Nung tumingin ako saglit sa kinatatayuan niya ayun, nakita kong nakikipaglandian dun sa cheer leader. Ang landiiiiiii! Hanep yan. Nawala na ako sa mood maglaro kaya yun bigla akong semplang nung nagtry akong magdunk. Palakpakan sila. Akala mo nakapashoot ako pero hindi. Sapul lang naman mukha ko sa ring. Parang Sakuragi ng Slumdunk lang ako maglaro eh. Ako? Ako ang reyna ng mga henyo. Paksheet lang sa katangahan di ba? Tawa sila ng tawa. Ako naman sa sobrang kahihiyan diretso ako walk out. Yung makakasalubong ko sinasapok ko. Kahit yung janitor na pasimpleng tumatawa sinapok ko. Siyempre hindi yun ordinaryong janitor. Yung bodyguard ko yun na nagbihis janitor. Ang kumag na yun paniguradong magkukwento kay kuya yun. Palabas na ako ng gym ng biglang may humawak sa braso ko. Parang eksena sa pelikula di ba?
 
"Sandali.." Sheet si Drake. Humarap ako sa kanya in a sloooooww motioon.. I repeat, in a slooooww mooottiiiooonn. With matching hangin pa na nililipad ang buhok ko..
 
 
 
"Yes?" tanong ko naman with matching closing of the eyes rapidly. Sheet lang, hindi ako marunong magpacute. Na-exage ko lang.
 
"May I ask if you would like to go on a date with me?"
 
Sheeet! Namula ako. Biglang naging anghel ang tingin ko sa bruhang kalandian ni Drake kanina. Madaming nagliparang paru-paro. Ang ganda ng paligid. Yung jersey kong pawisan biglang naging gown. Yung gwapong lalaki sa harap ko naging prinsepe. Dating Lee Minho lang naman sa kagwapuhan. Tang ina, sino ba naman ang aayaw? Haha.
 
"Paksheet." yun lang ang tanging nasabi ko. Ganito talaga ako pag kinakabahan. Lahat ng mura nasasabi ko na. Nabigla ata si Drake.
 
"Kung ayaw mo okay lang naman."- kakamot-kamot niyang sabi.
 
"Huh? Ahh ehh anu. Ahm, gusto ko.." sabi ko naman na kunwari nahihiya. Grabe ngiti ni Drake. Dahan- dahan niyang inilapit mukha niya sa akin. Ilang pulgada na lang ang layo ng mapuplang labi niya sa labi ko. Malapit na. Grabe ang tibok ng puso ko. Parang nagkakarera ang mga kabayo sa bilis. Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan dahan ko ding sinalubong ang kanyang labi. Nung naglapat ang aming mga labi biglang nagliwanag ang buong palaigid. Madaming fireworks. Naghiyawan mga tao. Ang sarap sa pakiramdam. Ang....
 
 
 
"Arayyy! Paksheet naman oohh! Sino yun?"- bigla kong sigaw. Paglingon ko yung bestfriend ko pala na si RiRi ang may kagagawan. Epal na bestfriend ko yun. Tssk. Pagtingin ko ulit kay Drake. Nakangisi na siya. Sheet! Anung ginawa ko? Tanga talaga. Tawanan naman mga tao na nakakita sa amin.
 
"Anung akala mo? Hinahalikan kita. Asa ka Panyang. Ang aga-aga pa nananaginip ka na. Haha. Masarap ba ang labi ko? Masarap?" Isang malaking sheet. Tang inang Drake 'to. Tang inang imagination ko 'to. Paksheet.
 
"Nasaan na yung hiniram mo sa akin last week na short?" nakangising sabi ni drake sa akin.
 
"Sinunog ko na." sabi ko sa sobrang inis ko sakanya. Diretso ako takbo palabas. Paksheet na memories ko yun. First year palang ako nun. Hindi na sana nga ako nun papasok pa sa school sa sobrang kahihiyan. Baka makapatay lang ako pag nakakita ako ng tumatawa sa akin. Bayolente ako ehh. Matagal-tagal din bago humupa sa school ang kahihiyang ginawa ko. Yun talaga ang dahilan ng pagkabigo ko. Si Drake putek na yun.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet