Chapter 1

Ang Kwento ni Panyang. Bow.

 

Hi. Ako si Panyang. Pangit noh? Alam ko naman ehh. Huwag na umangal. Stefanie talaga pangalan ko. Epal lang ung Panyang. Chos lang. Ako ata ang bida dito. Ata kasi nga nag-uumpisa palang. Alangan naman pangunahan ko na agad si Steffumammu eh baka magalit hindi na tapusin story na ito. Eh di pati kayo magagalit. Abnoy lang. Hindi katulad ng ibang bidang babaeng fictional characters dito, maganda ako, pang model lang naman height ko, mayaman ako. Ay hindi, sina Daddy at Mommy ang mayaman. Hingi lang ako ng hingi. May dalawa akong kapatid. Si kuya Sidney at si ate Shamecka. Pareho silang model. Spoiled ako ng kuya ko kaya nga siguro nahilig ako sa mga panglalaking laro at kung anu-ano pang ka-ekekan ng mga lalaki. Hindi katulad ng ate ko, hindi ako mahilig sa fashion. Kung siya high heels ako Toms/Supra lang. Kung siya skirt ako skinny jeans. Kung siya off-shoulder ako oversized shirts and so on and so forth. Kaya hindi kami magkasundo. Pareho silang sa exclusive school nag-aaral. Ako public school lang. Ayaw ko dun kasi required sa mga babae ang magskirt. Ehh sa ayaw ko nga. Kaya sa tulong ni kuya at ni daddy, naconvince namin si mommy na sa public school ako mag-enroll. So yun nga, pumayag naman si mommy pero dapat may bodyguard. Pero siyempre ayaw ko may bodyguard na sunod ng sunod sa akin. Yung obvious ba. Gusto ko ung para lang silang ordinaryong tao. Yung magpapakita lang kung kailangan ko ng tulong. Echos ko lang paki niyo ba? ^^ . Isa pang ayaw ko yung hinahatid ako pagpupunta sa school. May scooter naman ako so tama na un. Sino ba naman ang nag-aaral sa public school ng nakasakay sa Lamborghini? Baliw lang di ba? So yun nga. Basta ayaw kong malaman nila na mayaman ako para walang ilangan sa grupo namin ng mga tropa peeps ko. Ako din pala ang *eheem..eheem* captain ng basketball team namin sa school. Siyempre ulit si kuya, daddy at ate lang may alam nun. Mababaliw ata c mommy pag nalaman niyang ang prinsesa nya naglalaro nun. Pinanglalaban din kami sa iba't ibang school na siyempre natatalo namin. Isang school lang ang hindi namin matalo. Yung school nina kuya. Badtrip naman kasi mga players nila. Mga madadaya , binibili ata nila yung referee ehh kaya talo kami pag sila kalaban. Tsaka mga amazona sila, siko dito siko doon. Sabunot dito sabunot doon. Mapapaaway nga sana ang kuya ko nung last naming laro, yung p*tang ina kasing pangit na un itulak ba naman ako. Buti na lang hindi ako nasugatan. Pero ako naman hindi nagpatalo. Siyempre tinulak ko din. Kaya yun nagkagulo na. Disqualified kami. Ampotek lang di ba? Wala ehh, hindi naman ako tomboy. Malapit na. Haha. Biro lang. Bitter lang. Bigo eh. Sawi.
 
Nung 12 years old kasi ako dun ako nastart ma-inlove. Landi ko lang di ba? Pee Bee Bee Teens? Hindi naman. Nainlove ako nun sa bestfriend ng kuya ng enemy na tatay ang basketbolista sa kanto na mahilig sa isaw na tinda ni Aling Eula sa may simbahan. Biro lang siyempre. Praning lang di ba? Basta nainlove ako sa bestfriend ni kuya. Sino ba naman hindi maiinlove kay Kurt? Ang sweet niya sa akin noon. Naging puppy love ko siya. Namis-interpret ko yung sweetness na ampotek na un. Haha. Nagawa ko pang magconfess sa harap ng madaming tao. Na-intriga kayo noh? Ganito kasi yung ngyari. Flashback please:
 
* 'Okay. Next one to give her message to the birthday boy is his bestfriend's sister Stefanie Kwon Park. Let's give her a round of applause.'- MC
 
' Sis ikaw na. Dalian mo na. Punta kana sa unahan. ' sabi ni kuya Sidney sa akin. Ako naman si ineng, natatarantang pumunta sa unahan. Siyempre feel na feel ko nung inalalayan ako ni Kurt paakyat ng stage. Sheet! Hindi ako maghuhugas ng kamay. PBB teens lang sa landi ehh. Siyempre naka ngiti ako sa lahat ng tao sa harap ko. Mostly mga kaibigan nina kuya nandun. So nagsimula na nga ako.
 
 
 
'Hmm. Kuya Kurt ( kuya my face ), thank you sa lahat ng mga binibigay mo sa akin tuwing pumupunta ka ng bahay. Minsan nga inaaway ako ni kuya kasi daw mas madami ka pang binibigay sa akin kesa sakanya. (tawanan silang lahat). Huwag ka sana magsawa ha? ( tawanan ulit) hehe. Hindi, biro lang. Eto totoo na 'to. Alam mo kuya, crush kita. Love na nga ata ehh. (paksheet. Over sa landi promise. Natahimik lahat. Nabigla si mama. Nabigla din ako kasi biglang tumayo yung kaibigan ni ate tapos biglang pulupot sa braso ni Kurt. (Paksheet ulit. Girlfriend na ata kaya un bigla ulit akong bawi). Hindi, joke lang ulit. (nakahinga sila ng maluwag tapos tawanan ulit). Hehe. Joker lang talaga po ako. *face palm* Eto na talaga promise, Happy Birthday kuya. Sana matanggap ka na sa University na gusto mo. Alam ko naman kaya mo un. Un lang po. Happy birthday ulit. Ung regalo ko para sayo akin na lang ha, limited edition na jersey un ehh. Last na nga ung nabili ko para sayo. Akin na ha? Hehe.' Yun na lang nasabi ko. Tawanan na naman silang lahat. Lumapit si Kuya Kurt sa akin tapos niyakap ako ng mahigpit. Sheet lang kuya ha. Tsansing ka men. Pero siyempre, grab the opportunity ako. Grasya yun eh..
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet