NAP

I hope so , they hope so, You don't think so

 

 

 

JERU's POV

 

 

 

Badtrip na mga kaibigan yun !

'kala ko pa naman alam nila yung buong plano ko. Hindi pala. At gusto pa nilang itigil ko na. Ano sila sinuswerte ? Kung kelan nag - eenjoy na 'ko ititigil ko pa. Never !

 

Pagkagaling ko sa canteen kung san ako nag walkout ,dumiretso na ko sa room ng next subject namin.

Sumilip ako sa bintana , nakita ko walang tao.

Ok 'to makakatambay ako sa loob.

 

Pumasok na ko at isinara ang pinto para walang makahalata na may tao.

Ginamit ko ang pag-iisa ko para mag-isip

 

 

flashback

 

 

 

Habang nasa basketball practice ang BUDS.

Masayang ibinalita ni Jeru sa mga barkada niya ang napagkasunduan nila ni Claire.

''Mga par pumayag siya !''

 ''Saan pumayag ? Saka sinong Siya ??'' pagtataka ni Patrick sa ibinalita. Huminto ito sa pagdidrible ng bola para marinig ang sagot ng kaibigan

''edi si Claire ! Pumayag na siyang maging alalay ko !'' nakangiting sagot ng lalaki. Sabay agaw sa bolang hawak ni Patrick at binato sa ring. Shoot !

'' ANO ? SI CLAIRE ?! ALALAY MO ?!'' tanong nung tatlo. In chorus ! Lumapit ang mga ito sa kanya na seryoso ang mga mukha. Inaabangan ang sagot ng kaibigan.

''Oo , siya . Bakit ? May problema ba ?''

 

''wala naman par...pero bakit alalay ? Saka anong pumasok sa utak mo at naisip mong ayun ang ipagawa sa kanya ?'' wika ni Kent habang nakaakbay sa balikat ng kaibigan.

''pag naging alalay ko kasi siya sakop na lahat. Gagawin niya lahat ng sasabihin at ipapagawa ko. Saka diba siya naman nag alok nun na gagawin niya lahat mapatawad ko lang siya?'' pagpapaliwanag nito. Dinampot ulit ang bola para ishoot ngunit naudlot ng magtanong si vince

''so anong plano mo, aalilain mo talaga siya ? Par ,babae yun !''

Nanahimik saglit si Jeru. Napaisip siya sa tanong at paalala ng kaibigan. Ano nga ba ang plano niya? Hindi niya din alam dahil yung unang dahilan kung bakit siya pumayag sa alok ni Claire ay para gumanti. Pero hindi niya alam kung paanong ganti ang gagawin niya.

''Itotorture ko sya then sasaktan emotionally.'' simpleng sagot nito. At pinagpatuloy ang naudlot nag pagshoot sa bola na seryoso ang mukha.

Kitang-kita sa mukha ng tatlong kaibigan nito ang gulat at pagtataka sa narinig nilang sagot.

Tinutulan man nila ang planong gawin ng kaibigan ngunit wala rin silang nagawa. Kahit kailan kasi , hindi pa nakinig sa kanila ang kaibigan. Kung ano ang desisyon nito , ayun na ang masusunod.

 

 

 

End of Flashback

 

 

 

 

Pumayag na sila sa plano ko tapos ngayon. Aish.

''Mongs?'' may tumawag sa'ken , pamilyar yung boses. Si C.L siguro. Siya lang naman may lakas loob na tumawag sa'ken ng mongs.

Lumapit ako sa pinto at sumilip kung may tao nga dun.

Nakita ko siya nakatayo. Parang naghihintay pagbuksan ng pinto .

Bakit kaya hindi siya pumasok ? Classroom naman namin 'to.

''oh. CL bakit ?'' patanong kong bati sa kanya. Nagulat ata siya ,biglang nanlaki yung mga mata niya.

Medyo matagal din bago siya nakasagot.

''wala lang. Nakita kasi kitang nagwalkout sa canteen kanina eh.. Saka malapit ng mag bell kaya pinuntahan na kita, alam ko kasi dito ka na dumiretso.'' ayun yung sagot niya. Gusto kong ngumiti sa sinabi niya pero pinigilan ko. Baka mamaya ano pa maisip nito. Ano ko kinikilig ?

PBB TEENS ?! XD

''ahh... Oo nga magbebell na. Lika ,dito nalang tayo sa loob maghintay ng bell'' inaya ko siya pumasok sa loob ng kwarto. Kaming dalawa lang tapos madilim pa. Di ko na kasi binuksan yung ilaw para di mapansin sa labas na may tao.

''hmm. Mongs, ay. Jeru pala.. Hanggang kailan ba 'tong setup natin ?'' nagulat ako sa tanong niya. Bakit naman niya biglang natanong yun ? Napapagod na kaya siya ? Di ko pa nga nagagawa yung gusto kong gawin eh.

''hangga't hindi ko pa sinasabi'' sagot ko sakanya.

Biglang nag iba yung emosyon ng mata niya. Parang naiiyak. Pero di ko na lang pinansin. Baka inaantok lang siya kaya ganun.

''mahaba pa oras bago magbell , tulog ka muna. Ako matutulog lang din'' sabi ko sakanya. Tumango lang siya pakatapos binaba na niya ang ulo niya sa desk. Magkatabi kami ng upuan. Yumuko na din ako para gumawa ng tulog. Medyo malapit yung ulo  ko sa tagiliran niya.

 

 

 

 

 

 

 

JERU's POV

 

''Sila Claire at Jeru ba un ??''

''natutulog silang magkaakbay !''

''malapit ng magbell ,gisingin na natin sila baka maabutan sila ni ma'am !''

''wag ! Hayaan niyo sila ,lipat muna tayo ng pwesto''

 

 

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko yung mga boses ng babae sa labas. Natutulog daw kaming magkaakbay ?

Dinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Nakita ko si Claire mahimbing ang tulog. Nakita ko din kamay ko nakahawak sa likod niya. Teka ? Kamay ko sa likod niya.

Dahan-dahan kong inalis yung kamay ko sa katawan niya. Mahirap na baka magising at ano pa isipin niya.

''hmmmmm'' ginalaw niya ung ulo niya. Nakaharap na siya sa'ken pero tulog pa din.

''maganda naman pala sya'' mahina kong sabi. Totoo maganda siya. Simple nga lang pagiging maganda niya . Yung tipong kahit walang make-up ok na. Saka ,makinis yung mukha niya kumpara sa ibang babae dito sa skul.

Matagal tagal ko din siyang tinitigan. Sa sobrang tagal ata di ko napansin na dumilat na siya.

''mongs, anong oras na ?'' nagulat ako ,kaya di ako kaagad nakasagot.

''uy ! Anong oras na ?'' tanong niya ulit habang nagkukusot ng mata. Aww. Ang cute ^_^

''ah ? Anu 12:30 maaga pa !'' di ko alam kung saan galing yung sagot na yun bigla na lang lumabas sa bibig ko. Nagpanic ba..

''sure ?'' tanong niya pa ulit. Tumango lang ako.

'' eh bakit nasa labas na silang lahat pati si ma'am?'' sabi niya sabay turo sa pinto. Lumingon ako sa direksyon ng daliri niya. Sabay tayo.

''ah eh~ hehe.. Nakatulog pala ko kala ko maaga pa.. Good afternoon ma'am'' sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Shet. Pahiya ako dun ! Saka nakita kaya nila ?

Iba yung mga ngiti ng mga tao sa labas eh. Hays. Di naman siguro. Tulog pa si Claire nung tinanggal ko ung kamay ko saka.... Naputol yung pagdedepensa ko sa sarili ng..

''mr.Esplana.. Pwede bang paki explain kung bakit KAYONG dalawa ay nandito sa room ng hindi pa oras ng klase ? At saka ,bakit kayo magkatabi ?''...

Dinig na dinig ko ang tawa ng mga kaklase ko sa labas ng dahil sa tanong ni Ma'am . Gusto ko silang sigawan para tumigil , pero di ko magawa. Nahihiya ako. Ano ba yan !

'' ah...ma'am kasi po...''

'yah.. Jeru mag isip ka ng magandang sagot !' I scolded myself.

''wala po kasing magawa sa labas eh ,kaya dito na lang kami''

Napahinto ako sa nasabi ko. Lalong lumakas yung tawanan ng mga kaklase ko. Gahd ! Ano ba yung nasabi ko ? Ang bobo talaga ! Potek !

''oh so dito may nagagawa KAYO kaya dito kayo nag stay ?'' hirit pa ni ma'am na lalong nagpalakas ng tawa ng mga kaklase ko. Ramdam ko sa katawan ko. Namumula na ko sa kahihiyan. Di na ko makapag isip. Ayoko na rin magsalita baka lumala pa lalo...

Nanahimik ako. Tumahimik din sila. Si Ma'am parang ng aasar nakangisi pa... Argh !

 

 

'' ah. Ma'am sinamahan ko lang po sya kasi po parang nagkatampuhan sila ng mga kaibigan niya kanina eh.''

pagpapaliwanag ni Claire kay ma'am.

Hay. Salamat nagsalita din. Kala ko hahayaan niya lang na mali isipin ng mga tao dito. Nako !

''ohh~ I see miss Espinosa.'' sagot ni ma'am

ayun lang yun ?

Pagdating sa kanya naniwala ka agad ? Tapos sa'ken may follow up question pa ? Haneeepp.

 

''Alright class ! We're gonna start  our lesson now , come in and take your proper seat!'' 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
blackvipkwon
#1
HAHAHAHA! no comment xD

btw. THanks For Reading ! :D
dizzyventura
#2
ako kaya si Mrs. Kwon mang-aagaw ka Claire...HAHAHAHA

update soon ^_^
dizzyventura
#3
ang cute naman nito :)) update soon ^___^
blackvipkwon
#4
di ko din alm.. Hoho xD

Bahala na si BatTop .
Tatapusin ko ,hanggang pasukan xD
DesignIsVip #5
pag eto nienglish mo..

fan mo na ko. AHAHA

ienglish mo to para mas marami makakabasa.

yung ibang mga kauri kasi natin snob sa mga filipino fic dito e.

kaya .. TAPUSIN MO TO !

pero wag naman mabilis.

ha?

awiiwii CLMONGS FTW!
DesignIsVip #6
science teacher ba yung maam nila? sa science room ba sila nakatulog? HAHAHA XD

WIIH ambad ni Mongs ><
kapag ikaw ma-ano kay CL, HMM! Humanda ka!

sana mas detailed yung Master x Slave thing nila para masaya :DD

ampoga .. AYI!
CLMONGS FTW!

hmm, i smell something fishy~ baka may gusto yung isa sa mga boys kay Claire? kung makapagtanggol, IMBA!


ano kinikilig?

PBB TEENS? PBB TEENS?

lols;

UPDATE PA PLEASE!
Tapusin mo to teh!
DesignIsVip #7
Teh, sino yung lalaking mataba? wala kong maalala.. AHOHO //
blackvipkwon
#8
i Love Pink ..
Alam mo yann.. Haha

Pag iisipan ko paglipat nito sa english ^_^
DesignIsVip #9
Akala ko nagsub na ko. di pa pala. ayan dalawa na population ng sub mo.

HANGGALING.
i-english mo to para masaya :D
(idelete mo nalang mga comments ko. HAHA)
DesignIsVip #10
Ayan. may Foreword.
makapagpink, WAGAS?
HANGGALING NOMON~
update update .