GROUP WORK

I hope so , they hope so, You don't think so

Chapter  10 GROUP WORK

 

 

 

“aaaaaaaarrrrrrrrrgggggggggghhhhhhh!! Badtrip ang daming assignment !!”reklamo ni Jeru habang binubuklat ang notebook  sa Math . Wala na silang klase dahil absent ulit ang teacher nila sa Mapeh pero hindi parin sila umuuwi para gawin ang group work nila sa Science. Group work it means magkakasama sila ng Buds at ng Bogs , sinadya ang pagsasama ng mga grupo nila sa kadahilanang gusto ng kanilang guro  na matututong gumawa at tumulong ang Buds sa mga gawain pang school.

 

“alam mo pare mamaya na yang reklamo mo dyan saka 5 items lang yang assignment na nirereklamo mo ! mas madami tong report sa science oh ! tumulong ka naman! “sagot ni Patrick sa reklamo ng nauna. Tama nga naman siya limang Find the area of the triangle lang naman yun. Madali lang naman yun diba ??..

“ehh sa nadadamihan ako eh ! saka 5 items more than 1 edi madami na yun !”pabalang na sagot ni Jeru. Sa kaibigan. Nagtawanan ang mga kasama nila sa pahayag na iyon.

“Hoy Jeru ! itigil mo na nga ‘yang pag iinarte mo ! tumulong ka na dito ”sabat ni Kent na may halong pag- uutos. CAT Officer kasi siya kaya ganun. Medyo natahimik si Jeru at pumunta na sa kinaroroon ng lahat ng mga kagrupo. Nasa soccer field sila ng school sa ilalim ng puno ng mangga.

 

“ano bang maitutulong ko dyan saka ano bang report yan ??”tanong nito sa mga kagrupo habang inaayos ang pagsalampak sa damuhan. Walang pumapansin sa kanya dahil busy ang mga ito sa pagdidiscuss kung ano ang dapat gawin sa report nila. Napansin ito ni Jeru kaya. “HOY ! ano bang gagawin ko !?” eksaheradang tanong nito . tumingin sa kanya ang lahat maging ang ibang estudyanteng nagpapahinga sa Field.

 “alam mo pare papansin ka talaga noh ?? kita mong nag-uusapa kami, sigaw ka ng sigaw dyan!” sagot ni Kent sabay  batok sa kaibigan. Nagtawanan ng malakas ang mga kasama nila. “OO nga par, napapadalas na pagiging papansin mo porket hindi ka pinapansin ni Claire” pang aasar ni Vince sa lalaki. Lalong lumakas ang tawanan at nadagdagan pa ang papang-aasar dahil nakisali na pati ang mga kaibigan ni Claire.”ayyiiiiiiiiieeeee~~”pang-aasar ni Krizel sa namumulang lalaki. Binigyan naman ni Jeru ang nang –asar na kaibigan ng kanyang pamatay na ‘DEATH GLARE” at tumayo papunta sa  bench .

 

 

CLAIRE’s POV

Grabe ang saya palang kagrupo nitong mga kaibigan ng master ko. Ngayon ko lang naenjoy ‘yung pagsama ko sa kanila. Kasi madalas kapag magkakasma kami di ko sila nakakausap eh. Kung hindi sila busy kakapraktis ng basketball , si Jeru lang kausap ko. Ayaw niya kong pakausap sa mga kaibigan niya. Sama talaga ng ugali nun gusto niya sya lang nag- eenjoy. Asarr..

So ayun nga, nandito kaming lahat ngayon sa field at nakasalampak sa ilalim ng paborito kong puno at nagtatawanan. Wala naman talaga kaming group report  sa Science eh. Pinagtitripan lang namin si master. Paano ba naman masyadong dinadamdam yung nangyari sa kanya kanina sa room. Remember ? yung nahuli kami ni Ma’am Lena sa room na kaming dalawa lang tapos s’ya kung anu-ano yung naisagot niya sa mga tanung ni Ma’am. Gusto ko s’yang pagtawanan ng bonggang bongga nung mga panahong yun dahil halatang nagpapanic s’ya  pero di ko ginawa kasi malamang isasama nanaman niya sa utang ko daw sakanya.

Madami kaming tawa pati napag-usapang kung anu-ano. Andun na yung dapat daw magsama na lang ang Buds at Bogs bilang isang grupo total naman parehas lang naman kami ng mga hilig eh. Pare-parehas kaming malalakas mantrip . oh well not in a bad way naman. Di kami yung tipong ng bubully ng mga junior samen. Mga senior na kasi kami. Medyo kilala din sa school dahil sa kung anu-anong gulo pati activities na sinalihan namin. Saka parehas din ang mga grupo namin ang isa sa mga pinagkakatiwalaang grupo sa school. Madalas kasi kami yung umaawat sa mga nagrararumbalan sa oval. Yung mga ganun. Basta ang daming similarities ng grupo namin kaya ang sagot. Hindi na separate group ang Buds at Bogs iisa na na lang kami. Magkakasama na kami kapag may time. Ayun J

 

 

Ang haba ng napag-usapan naming lahat pero napansin kong hindi masyado nakikisali samen si Jeru. Taga tawa lang siya hindi siya masyadong nagsasalita tapos pag tumitingin ako sakanya madalas nahuhuli ko siyang nakatingin sken then biglang mag-iiba ng tingin. Paulit-ulit yun parang may problema sya na di ko mawari.

Sinubukan ko siyang lapitan para tanungin kung may problema sya pero bigla siyang tumayo at nagpaalam uuwi. Hindi sana ako papayag eh pero naunahan ako nila Kent. Pumayag na sila kaya ayun umuwi na siya.

Ilang minuto lang inaya ko na din silang umuwi. Anung oras na rin kasi. Nag uwian na lahat ng tao sa field kaya pumayag na din sila.

We bid our goodbyes and see you tomorrow then nagkanya-kanya na kaming umuwi. Kami ni Designed magkasabay dahil we live at the same subdivision tapos sila may mga sundo.

 

Pagkadating ko sa bahay dumiretso na ko sa kwarto ko. Nagbihis then nagpahinga. Di na ko kumain. Wala ako sa mood eh. Tinignan ko yung phone ko na simula nang nagpunta kami sa field ay hindi ko pa nasisilip. 30 messages and 4 missed calls. Tinignan ko yung mga pangalan nang mga nagtext karamihan puro galing sa kpop clan ko . buburahin ko na sana lahat ng mapansin kong may naiibang pangalan. ‘MONGS’ binuksan ko yung text niya.

“Mukhang nag-enjoy ka sa kanila ah. Kapag saken di ka tumatawa ng ganyan. 3”

Bakit may Broken Heart saka anong pinagsasabi niyang pag sakanya hindi ako tumatawa ng ganun ? anung problema nun ?

Magrereply na sana ako sa text niya ng biglang nagring ang phone ko

MONGS CALLING…..

tumatawag siya. Sinagot ko yung phone.

“hello..?”pambungad niya. Parang ang hinahon niya naman ngayon. Madalas pag tumatawag siya sa’ken palaging pambungad niya yung pamatay niyang HOY! Eh.. ngayon hello ? hawnays J

“oh.. hello..bakit napatawag ka ?”tanung ko sakanya. Namali ata ako ng tanong ,  tuwing ganitong oras naman talaga tinatawagan niya ko eh. Dapat yung tanung ko ‘may problema ba ?’ ehh..wala ayun na.. hayaan na nga..

“anong bakit? Eh palagi naman akong tumatawag sayo ng ganitong oras diba ?”sagot niya. Kitams.. mali yung natanung ko ehh.. kailangan kong magpalusot.

“may tumatawag na bang iba ?” pahabol niya pa..hala syaaa..

“ahh..ehh..ano..bakit parang may problema ka?? Ang tamlay ng boses mo eh”sabi ko..medyo matagal bago siya nakasagot.

“ehh..kasi mainit ulo ko.. sige na nga BYE!”then he hung up the phone . see..? ugali talaga nung monggoloid na yun.. tatawag tapos bigla kang bababaan ng phone. Tsk.

Pero parang may problema talaga siya. Ano kaya yun ??? malalaman ko din yun bukas.

Nagready na ko para matulog. Nagpray na ko then tinurn off ko ang lights at humiga.

 

 

 

 

 

Kinabukasan sa school

 

“CLAIREEEEEEEE!!” si Jeru tinatawag si Claire. Makasigaw kala mo malayo yung tinatawag , nasa harap lang naman niya.

Nakatingin lang sa kanya si Claire, sa gulat na din sa mga pinagkikilos nito. Simula kasi sa 1st subject nila puro utos na lang ito sa kanya. Isa na dyan ang sagutan ang test paper niya sa Math. Yes, grabe na pagiging tamad ni Jeru pati test inaasa na kay Claire. As in  sa kanya na pinasasagot lahat. Pangalan lang yung kay Jeru the rest kay Claire na. naghihinala na nga yung teacher nila dun dahil sunud-sunod na exam na parehas ang ang score nila.. kapag 43/50 si Claire 43/50 din si Jeru. 

“ano ba yun ?!”sagot ni Claire sa lalaki.. nakakunot na ang noo nito at magkasalubong na din ang kilay.. bakas na sa mga mukha niya ang pagkairita sa lalaking kanina pa utos ng utos sa kanya.

“sulat mo ko ng assignment sa eco dali!” utos ni Jeru na may halong pagmamadali.. inaabot niya ang notebook kay Claire ngunit hindi niya ito tinatanggap.

“ano ba Claire ?! sulat mo na ko dadating na si Sir !” dagdag pa nito… nagulat siya ng biglang hinawi ni Claire yung kamay niya at umalis papunta sa mga kaibigan nito.

“HOY CLAIRE!!!!!”pigil nito pero hindi siya nito nilingon at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa mga kaibigan. Nakaramdam ng inis si Jeru kaya naibato niya ang notebook na hawak niya. “peste!” .

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
blackvipkwon
#1
HAHAHAHA! no comment xD

btw. THanks For Reading ! :D
dizzyventura
#2
ako kaya si Mrs. Kwon mang-aagaw ka Claire...HAHAHAHA

update soon ^_^
dizzyventura
#3
ang cute naman nito :)) update soon ^___^
blackvipkwon
#4
di ko din alm.. Hoho xD

Bahala na si BatTop .
Tatapusin ko ,hanggang pasukan xD
DesignIsVip #5
pag eto nienglish mo..

fan mo na ko. AHAHA

ienglish mo to para mas marami makakabasa.

yung ibang mga kauri kasi natin snob sa mga filipino fic dito e.

kaya .. TAPUSIN MO TO !

pero wag naman mabilis.

ha?

awiiwii CLMONGS FTW!
DesignIsVip #6
science teacher ba yung maam nila? sa science room ba sila nakatulog? HAHAHA XD

WIIH ambad ni Mongs ><
kapag ikaw ma-ano kay CL, HMM! Humanda ka!

sana mas detailed yung Master x Slave thing nila para masaya :DD

ampoga .. AYI!
CLMONGS FTW!

hmm, i smell something fishy~ baka may gusto yung isa sa mga boys kay Claire? kung makapagtanggol, IMBA!


ano kinikilig?

PBB TEENS? PBB TEENS?

lols;

UPDATE PA PLEASE!
Tapusin mo to teh!
DesignIsVip #7
Teh, sino yung lalaking mataba? wala kong maalala.. AHOHO //
blackvipkwon
#8
i Love Pink ..
Alam mo yann.. Haha

Pag iisipan ko paglipat nito sa english ^_^
DesignIsVip #9
Akala ko nagsub na ko. di pa pala. ayan dalawa na population ng sub mo.

HANGGALING.
i-english mo to para masaya :D
(idelete mo nalang mga comments ko. HAHA)
DesignIsVip #10
Ayan. may Foreword.
makapagpink, WAGAS?
HANGGALING NOMON~
update update .