Lingon I [BONUS]

One Seat Apart
Please Subscribe to read the full chapter

Bonus:

 

Pierce Samuel Concepcion 

 

“Ma, nasaan yung jersey ko?” Sigaw ko habang kinukuha ang pitsel sa ref namin dahil nauuhaw ako. Siguradong nasa sala lang si Momma at nanunuod ng TV dahil day off niya ngayon, at tiyak na nilalambing si Doms.

 

Pagharap ko ay may nakita akong batang babae na napahinto habang nakatingin sa akin. 

 

“G-Good afternoon po! Sorry for intruding, hinahanap ko po ang kitchen niyo kasi I’m thirsty.” Mukhang kaklase ’to ni Doms pero hindi pamilyar sa ’kin. Maputi ito at maliit ang mukha, may nunal din sa bandang ilalim ng labi niya. Maliit siya para sa akin pero mas matangkad pa rin kay Doms.

 

“Kuya, ’wag ka ngang manakot! Alisha, ’di ba sabi ko sa ’yo sabay na tayo? I thought naligaw ka na naman!” Hinawakan ni Doms sa kamay ’yong batang babae at hinila siya papunta sa pantry namin.

 

“Hoy, Doms. Sino ’yan?” Curious lang ako sa bata na ‘to mukhang close sila eh ngayon ko pa lang nakikita sa bahay namin. Madalas kasi magsama ng kaibigan si Doms dito sa house namin.

 

Minsan ay nakakainis ang ingay nila tuwing bababa ako ng sala kaya ayoko rin naguuwi siya rito ng mga kaibigan niya ng madalas.

 

“Girlfriend ko kuya, bakit?” Masungit nitong sagot at tinaasan niya pa ako ng kilay.

 

What the hell?!

 

“G-Girlfriend?! Hoy, Doms, naririnig mo ba ’yang sinasabi mo?!”

 

“Yes, loud and clear, kuya. Like I said, girlfriend ko siya! You're so annoying!”

 

“Alam ba ’yan nila Momma?!” Nilapitan ko ito at nilayo sa girlfriend niya kuno. Ilang taon na ba ’tong kapatid ko?! Twelve pa lang ‘to at kung ano-ano na ang nalalaman.

 

“Kuya, legal na kami, duh. Momma and Dada approved of us,” angat-balikat nitong sagot at naglabas pa ng dila sa akin.

 

Hinila niya yung babae palapit sa kanya kaya tinitigan ko ito ng matalim. Mukhang takot ito dahil para itong tuod na nakatayo at nakaiwas ang tingin sa ’kin. “Look, I have a girlfriend tapos ikaw wala!” Tangina?!

 

“Bakit ba ang ingay mo Pierce? I can hear you from the living room, ano'ng problema?” Bungad ni Momma. 

 

“Ma, alam mo ba ’tong mga pinagsasabi ni Doms?” Tinuro ko yung dalawang bubwit sa harap ko. “Ikaw, Doms, ha, kapag hindi mo nilayuan ’yan,” warning ko. Hindi ako sinunod ni Doms pero dali-daling lumayo ang ‘girlfriend’ niya sa kanya.

 

“Aba, oo! Aren't they cute, Pierce? Ang bait-bait pa ng sweetheart niya! Napakagalang at malambing.” Tatawa-tawang sagot ni Momma sa ’kin.

 

“Ma, ano ba! Ang bata pa ni Doms and you're allowing her? Tsaka saan niya naman napulot ’yang bata na ’yan!” Turo ko sa bata na halatang paiyak na. Wala akong pake sa nararamdaman niya! Bakit ba sila hinahayaan ni Momma?!

 

“Pierce, let them have fun while they’re young, they've got nothing to lose. Alam mo, bakit hindi ka maghanap ng girlfriend or boyfriend? Whoever you want, hijo, I support you. Mabait naman ’yang si Alisha wala kang dapat ikagalit.” Nakakaasar at nakakawalan ng pasensya ang sinasabi ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 6: ang interesting naman ng story na'to
howdoyouknowmee
552 streak #2
Upvoted and subscribed!