Unang Sulyap

One Seat Apart
Please Subscribe to read the full chapter

If I’m only allowed to adopt one pet in this lifetime, I would choose a fox kaso hindi siya possible kaya aso or pusa na lang yung option ko. Pero, ano ang mas better? I love both of them, hindi ba pwedeng mag-adopt ng tig-isa? Kaso hindi ako marunong mag-alaga ng hayop. Sarili ko nga ang hirap alagaan, yung magiging future pet ko pa kaya.

 

I sighed.

 

“Ma’am, si Kite na lang po! I nominate Wisdom Kite Concepcion!” Biglang nag-pop yung bubble sa loob ng isip ko nang marinig ko yung buong pangalan ko. Sino na naman ang nag-nominate sa ’kin? Last semester ako na ang naging Vice President, tie nga kami ni Pres, siya na ang napili dahil nagbato-bato pick kami noon.

 

“Huwag na ma'am, gawin na lang natin muse si Kite!” Lumingon ako sa kaklase kong nagsabi no’n at nag-taas ng kilay sa kanya. 

 

Muse ka diyan. No way.

 

I don't like being the muse, mas gugustuhin ko pang maging Pres na lang. Okay na sa 'kin magkaroon ng maraming responsibilities keysa ilaban sa pageant. 

 

Second semester na kasi kaya napagdesisyunan ng buong klase na magre-elect ng officers, hindi ba sila satisfied sa performance namin last semester?

 

“Hoy, ano’ng muse? Mas bet ko kung si Isha magiging muse natin,” comment nung isa. 

 

Yes please. Siya na lang i-nominate niyo ’wag ako, siya rin naman ang muse last time.

 

“Settle down, class. Nasa nomination pa lang tayo ng President, mamaya pa ang muse and , okay? Kalma lang.” Hay, bakit kasi wala si Rakki ngayon? Hindi man lang siya nag-chat sa ’kin na a-absent pala siya. Sa totoo lang, mahal niya pa ba ako o may iba na?

 

Lumingon ako sa aking gilid, nahuli kong nakatingin si Isha sa 'kin at agad naman siyang umiwas ng tingin. May isang upuan na gap between us, nasa gitna kasi namin si Rakki at dahil nga absent siya ngayon ay walang naka-upo rito. 

 

Strict kasi si Ma’am sa “No proper seat, no attendance” policy niya kaya wala ng gustong lumipat ng upuan ever since, may mga nagtangka pa rin pero lahat ng galaw nila ay alam ng mga officers kaya lagi silang nare-report kay Ma'am.

 

Kung makulit sila, mas makulit kaming mga officers.

 

I’m trying to tune out my surroundings kasi wala ako sa mood makipag-participate sa class election at kung sino man ang name na nakalista sa board ay itinataas ko na lang ng kamay. Alam ko naman kung sino yung trustworthy of their position dito.

 

Nagtuloy-tuloy lang ang election hanggang sa matapos ang klase kay Ma'am. In the end ay sa secretary position ang bagsak ko. Ako tuloy ang nagsulat sa board after. Pinapatawag din kami ni Ma’am after school, for sure ay may ino-notify ito samin.

 

“Kite, sabay ka na samin?” Alok ni Baobei kaya umiling ako at binigyan siya ng ngiti.

 

“Hindi, okay lang, thank you. Susunduin ako ni Wacky,” sabi ko habang kinukuha yung wallet ko sa bag.

 

“Kami na lang sasabay sa inyo!” Sigaw ni Drei sa tabi namin at inakbayan si Baobei.

 

“Yung boses mo naman, Drei!” Hawak-hawak ni Baobei yung tenga niya kung saan directly sumigaw si Drei. Pinanganak yatang naka-loudspeaker si Drei kaya laging 100% yung volume niya tuwing nagsasalita.

 

“Tara na kasi, Bao, parang naman kasing hindi mo—” Hindi ko na narinig yung sinabi niya dahil biglang tinakpan ni Baobei yung bibig niya at kinurot sa tagiliran. Nagsimula na naman sila sa away nila na parang aso’t pusa. 

 

Iniwan ko na sila at lumabas ng classroom. Sasalubungin ko na lang si Wacky. Nasa kabilang building pa kasi siya, pwede namang sa canteen na lang kami magkita pero she insisted na sunduin ako. Sabi ni Drei ay baka may pinopormahan si Wacky sa building namin.

 

“Kite! Wait lang for me!” Bigla akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Isha sa likod ko.

 

“Ano 'yon? May ihahabol ka ba? Later mo na lang ibigay sa uwian na.” May mga hindi pa kasi nagpapasa ng requirements noong last semester at ito na yung final week nila para humabol. 

 

Umiling siya. “No, sabay na tayo bumaba?” Muntik na tumaas ang kilay ko sa kanya pero tumango na lang ako.

 

Ngumiti siya kaya nakita ko yung dimple niya sa pisngi, nilipat ko ang tingin ko sa harap at tumungo na pababa.

 

Tinanong niya kung bakit absent si Rakki which I also don't know why pero nag-usap naman kami kagabi at wala naman siyang sakit. Baka tinamad lang.

 

“Kite!” Tawag ni Wacky at kumaway sa'kin. May dala siyang lunch box as usual, mahilig kasi siya magluto kaya nakakatipid din ako ng baon dahil sa kanya.

 

“Hey, Chesca!” Bati ng katabi ko kay Wacky.

 

“Alisha..?” Tumingin sa akin si Wacky kaya pinandilatan ko na lang siya ng mata kasi hindi ko rin alam kung bakit kasabay ko si Isha ngayon.

 

“Bye, Kite! Sabay ulit tayo bukas, no?” Kumaway-kaway pa siya at ngumiti ng labas ang gilagid bago nag-jog papunta sa gawi ng friends niya.

 

“Close na ulit kayo?” Tanong ni Wacky.

 

“Hindi naman, sumabay lang sa'kin dahil wala si Maya.” Si Maya ang laging kasama ni Isha sa room pero gaya ni Rakki ay absent si Maya ngayon.

 

“Bakit naman siya sasabay sa'yo? You don't even talk to each other.” Nag-shrug na lang ako sa tanong niya. May point naman siya, kaunti lang ang interactions namin ni Isha. Tuwing group activity lang or magtatanong sa 'kin paminsan-minsan about sa acads through chats.

 

“Kumain na lang tayo, Wacks. Ano ba ’yang niluto mo ngayon?” Naglakad kami papunta sa loob ng canteen para maghanap ng pwesto.

 

“Alfredo pasta, first time ko lutuin ’yan nakita ko kasi dumaan sa feed ko and it looked delicious, so naghanap ako ng recipe kagabi.” Umupo muna kami bago niya nilapag yung lunch box sa table.

 

Mainit pa yung tupperware nang ilabas ko ito sa lunch box at pag-open ko ay naamoy ko agad yung pasta. Amoy pa lang grabe na!

 

First bite-…-yum! Wacky never fails to make something delicious talaga.

 

Kung ano-ano lang pinag-usapan namin ni Wacky habang kumakain kami, ang bilis din namin naubos yung pasta. Ang sarap kasi.

 

“Painom sa tumbler mo, ah?” Paalam ni Wacky at ginantihan ko siya ng tango.

 

“Bibili ako ng softdrinks, want any?” I asked.

 

“Nope, I'm already full dahil sa pasta,” She replied pagkatapos uminom sa tumbler ko.

 

Habang nakapila ako sa canteen ay nilibot ko ang aking paningin saglit. As usual, maraming bumibili at nakita ko pa sila Baobei at Drei, nag-aaway na naman sila. It's not different from my usual view here sa school, it's like any other day lang naman.

 

“Ate, isa pong Coke mismo please.” Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko pero biglang may nagsalita sa likuran ko.

 

“Make it three na po, ate.” Si Isha. Humarap ako sa kanya at nakita ko na naman siyang nakangiti ng maluwag sa akin.

 

“Don't worry, libre ko na ’to para sa inyo ni Chesca.” Hindi na ako nakapalag pa kasi inabot ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 6: ang interesting naman ng story na'to
howdoyouknowmee
552 streak #2
Upvoted and subscribed!