Chapter 02

Dos Tres
Please log in to read the full chapter

Halos lahat siguro ng tao ngayon e cellphone ang isasagot kung tatanungin sila ng "Ano ang bagay na hindi mo kayang mawala?". Sabagay, nasa digital age na rin naman tayo kaya understandable na parte na talaga ng everyday life natin ang telepono. Pero kung si Mama ang tatanungin niyo, siguradong maiiba sagot niya. Gaya na lang kanina.

 

"Ma, nag-text si Aling Lydia. Order daw isang bilaong pansit. Kukunin daw bukas alas onse ng tanghali" sabi ko kay Mama habang nagsasapatos. Buti na lang talaga at medyo malaki pa ang oras ko bago pumasok ngayon.

 

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin sumasagot si Mama.

 

"Ma? Yung pansit—" naputol na lang yung sasabihin ko nang madatnan ko si Mama na nagsusulat.

 

"Ma, ano 'yan? Okay, Lid. Pabigay na lang kay Colet yung bayad. Daanan niya dyan mamaya. Ba't mo pa sinusulat? Pwede naman natin itext eh." sabi ko kay Mama.

 

"Eh, andyan naman sayo cellphone ko. Paano ko itetext?"

 

"Ako mag-memessage. Eh diba, sabi ko naman sa'yo na gamitin mo muna yung keypad sa aparador? Gumagana naman 'yun eh. Ibabalik ko rin naman cellphone mo kapag nakuha ko na yung sa scholarship ko next month." Tumango na lang si Mama. Actually, baka nga tumango lang siya para umalis na ako.

 

Si Mama kasi e hindi nakapagtapos kahit elementary kaya hindi niya talaga gamay ang technology. Sa sobrang busy niya magtrabaho para sa amin ng kapatid ko, nawalan na siya ng time para sa ganyan. Ni wala nga siyang Facebook eh. Yung first phone niya is yung Cherry Mobile na keypad na nakatengga na lang sa aparador ngayon. Mabilis din kasi yun ma-lowbat na kahit 60% pa ay namamatay na kaya rin siguro ayaw na ni Mama gamitin. Pero huwag ka, almost 7 years din 'yon sa kaniya ha.

 

Kung tatanungin niyo asan ang magaling kong ama, sagot ko lang naman palagi is “Nalunod sa lugaw.” Nung bata kasi ako, wala akong maalalang memory kay Papa. Everytime naman na tatanungin ko si Mama e ‘yan ang isasagot niya. Pero one time, nung grade 8 yata ako, nakwento sakin si Mama na hindi raw patay si Papa. Sorry kung inassume ko agad na patay siya okay?

 

Mabait naman daw si Papa eh. Nung nabuntis niya si Mama, hindi naman daw siya tumakbo sa responsibilidad niya. Ang family kasi ni Mama is galing din talaga sa marginalized community, wow. Galing sa hirap, okay na? While yung family naman ni Papa is hindi naman exactly mayaman pero may kaya, comfortable ganon. Kaya nung time na nabuntis si Mama, medyo naging hindi maayos ang connection ni Papa sa family niya.

 

Hindi naman daw umalis agad si Papa eh. Kaso nung three years old na ako, nabuntis uli si Mama at ‘yun na yung kapatid ko na si Chin. Pagkatapos daw manganak ni Mama, kinabukasan, hindi na nagpakita si Papa ever again. Kaya rin siguro wala kaming maalala ng kapatid ko since bata pa kami. Nakita ko picture ni Papa once and masasabi kong hindi ko siya kamukha. Kamukha ko si Mama while kamukha naman ni Chin si Papa. Simula noon, wala na talaga ako kinilalang tatay figure sa buhay ko. Bukod sa maaga namatay ang parents ni Mama, never din talaga nag-effort ang family ni Papa na makipagconnect sa amin. them, charot.

 

Kaya nung na-receive ko yung scholarship grant ko last year, binilhan ko talaga agad ng cp si Mama. Deserve niya rin kasi ng treat sa pagiging nanay at tatay all at once. Kahit secondhand lang, at least maayos at nagagamit niya. Makakatulong din kasi 'yon once may mag-contact sa kaniya na customer sa bilao business namin. Kaso nga lang, 'yun nga, nadukot yung phone ko kaya napilitan siyang ibigay na muna sakin yung kaniya para raw may magamit ako.

 

Nung makasakay ako ng jeep, halos maluha pa ako dahil sa nanay ko. Kasi kahit sobrang hirap ng buhay, hindi niya kami tinalikuran ng kapatid ko. Instead, mas nagpursigi siya. Kaya nung bumagsak ako, grabeng breakdown talaga ang ginawa ko kasi ayoko ma-delay. Once ma-delay, lalong tatagal ang sakripisyo ni Mama. Nung sinabi ko 'yun kay Mama, sabi niya lang na "Okay lang 'yan. Ma-ttake mo pa naman 'yan sa susunod. Pasado na 'yan sa sunod, huwag ka mag-alala." Grabe talaga ang mga nanay. Gagawin ang lahat para sa anak. Saludo ako sa mga mommy dyan. Happy mother’s day po! I love you. AY!

 

Hay, buti na lang talaga na-master ko na ang act of avoiding tearing up. Kasi kung hindi, baka nag-viral na ako with a caption “Babae, biglang naghinagpis sa jeep.” Oa diba?

 

"Colet!"

 

Bukod sa medyo malabo ang mata ko, hindi ko rin talaga maaninag kung sino yung tumawag sa akin, sa dami ba naman ng estudyante dito eh. Baka imagination ko lang 'yun?  Maglalakad na sana ako nang may humawak sa balikat ko.

 

"Huy! Ang patay malisya ha" natatawang sabi ni Jhoanna habang humihingal. Galing ba sa fun run 'to? Pawis pa ang noo.

 

"Uy! Ikaw pala 'yun. Sorry hindi ko kasi nakita kung saan galing" sabi ko politely. Politely?!

 

Excuse me naman kasi. Syempre pa-sweet girl muna kasi hindi naman talaga kami close nitong si Jhoanna. Bukod sa achiever 'to, matatalino rin kasi ang palagi niyang kasama last sem kaya hindi kami masyado nagkakausap.

 

"GE 3 mo ngayon?" tanong ko para at least man lang ay hindi awkward. Sumabay na rin kasi siya sakin maglakad, alangan magkunwari akong hangin lang siya diba?

 

"Oo. Actually, classmates tayo sa minors. By the way, thank you ulit sa pag add sakin sa gc ng Block B nung isang araw ah?" cheerful niyang sabi. Ang daming energy ha.

 

"Ilang beses ka na nag-thank you, Jho" natatawa ko namang sagot. Sa chat nag-thank you rin 'to eh. Pati ba naman sa personal?

 

"Bawal mag-thank you uli?"

 

Umiling na lang ako sa katabi ko. Ang taas ng energy niya today, hirap pantayan eh. Katatapos ko nga lang ireminisce mga golden nanay moments ni Mama sa jeep, sumunod naman tong si Jhoanna. Tama nga siguro, there's always a rainbow after the rain.

 

Nung makarating kami sa classroom ay wala pa si Mikha kaya pumili na ako ng upuan and nireserve siya. Nagulat na lang ako nang tumabi sa kaliwa ko si Jhoanna.

 

"Wow, ayaw mo tumabi dun kila Lopez? Diba close kayo?" asar ko sa kaniya. Balita ko kasi na close 'to sila kaya lang nagkaroon ng problem sa student council last sem kaya medyo naging awkward.

 

Tumawa na lang si Jhoanna at pinandilatan ako. "Marinig ka huy. And close din naman tayo ah? Diba?" tanong niya with an expectant look.

 

Close ba kami? Napapaisip din ako eh. Baka close kami para sa kaniya kasi close naman siya sa lahat. Super friendly rin kasi nito.

 

"Pwede na" asar ko kaya pabirong inirapan niya ako.

 

Hindi rin nagtagal at dumating na yung instructor namin.

 

Makalipas ang 30 minut

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
blink_once3001
#1
Chapter 1: Next po. Please.
howdoyouknowmee
558 streak #2
Oohhh BINI on aff! Upvoted and subscribed!