Chapter 01

Dos Tres
Please log in to read the full chapter

Sa Pilipinas mo lang talaga mararanasan ang sampung libong sabay-sabay na kamalasan, lalo na kapag late ka. Katulad ngayon, 10 minutes na lang bago mag-start ang klase pero nakaupo pa rin ang kalahati ng pwet ko sa siksikang jeep na 'to. Ewan ko rin kung bakit dito ako sumakay. Tinanggap ko na lang sana ang alok ni Mikha na sunduin ako para sabay kami pumasok. Pero sabagay, sa kotse ni Mikha, walang free mukbang ng basang buhok. Nalasahan ko pa yung cream silk ng babaeng katabi ko, ayos din.

 

*Mikha Lim sent you a message.*

Mikha: Tagalan mo pa

Colet: traffic beh. ikaw magmaneho, gusto mo?

Mikha: Lapit na si Sir. Nakita ko kanina sa may faculty bago ako umakyat.

Colet: ito na pababa na. pasave ako seat please. :)

Mikha: Creepy ng emoji mo. Bilisan mo na.

 

Hindi ko na nireplyan si Mikha at ibinulsa na lang ang phone ko. Malas na nga ang simula ng araw ko eh, baka madagdagan pa kapag nadukot 'to. Actually, last month nadukot na rin phone ko. Kaya nga yung phone pa ni Mama na basag ang screen yung gamit ko ngayon.

 

Dali-dali akong tumakbo papasok ng gate. Hindi naman malayo ang Engineering Building eh. Ang problema is pa-uphill 'to and as someone na hindi naman nag-iexercise, tagaktak na ang pawis ko nang makarating sa building. Isa pang challenge sa COE is super daming hagdan ang need akyatin. Buti na lang sa second floor lang yung classroom ng sched namin.

 

Nang madaanan ko ang 2nd year CE - A, nagtama ang tingin namin ni Gwen. Tinaasan niya lang ako ng kilay, feeling ni gaga. Sana all regular pa diba? Kung hindi lang talaga si Kalbo naging prof ko sa Integral Calc nung first year second sem edi sana nakaupo na ako sa tabi ni Gwen ngayon. Pero sabi nga nila, kapag kalbo raw is mainit palagi ulo dahil walang buhok na nag-cocover sa sikat ng araw kaya okay, understandable.

 

"Hindi naman halata na nagmadali ka 'no?" natatawang sambit ni Mikha sakin nang makaupo na ako sa tabi niya. Medyo marami na rin kami sa classroom pero wala pa rin si Sir.

 

"Tumakbo ako, teh. Maka-text ka kasi akala ko naman andito na si Sir. Jombagin ka ng kamao ko." Natawa na lang nang tuluyan si Miks.

 

"Orientation lang daw tas attendance. Actually, may paper na 'yun for attendance eh. Asan ba 'yun?"

 

"Bakit 'di mo na lang ako nilagay?!"

 

"Tangeks, need signature. Ayun! Miss, excuse me?" tawag ni Mikha sa babaeng two rows from us. "Pwedeng paabot ng attendance after mo? Thank you." dagdag niya pa.

 

"Buang ka talaga. Pinirmahan mo na lang sana." sabi ko habang nagpupunas ng pawis. Ang init talaga sa school na 'to. Isang ceiling fan lang ang meron aside sa stand fan sa tabi ng table ng instructor. Sana man lang marealize ng gobyerno na kahit state university e need din ng magandang environment to foster learning. Nagulat ka sa english ko ‘no?

 

Naramdaman ko na lang na may nakatayo na sa tabi ko. Yung girl pala na may hawak ng attendance.

 

"Ay, salamat po." sabi ko and tumango na lang siya before umalis. Maya-maya pa ay dumating na rin si Sir. Nag-orient lang naman konti kaya dinismiss na kami agad. Sabagay, first day pa lang naman ng second sem kay

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
blink_once3001
#1
Chapter 1: Next po. Please.
howdoyouknowmee
558 streak #2
Oohhh BINI on aff! Upvoted and subscribed!