PART THREE

Your Universe
Please log in to read the full chapter

Winter and I got closer as the years went by. And that closeness became even more when she finally confessed her feelings to me.

"Karina. I find myself guilty" bigla niyang sabi habang naglalakad kami sa seaside. She invited me and my family sa isang vacation kaya andito kami ngayon sa La Union. When she said that, napatigil ako sa paglalakad.

"Guilty of what?" Taka ko namang tanong. Ang random naman kasi.

"Guilty of being in love with you beyond a reasonable doubt. And if loving you is a crime then I am willing to do a life sentence" seryoso nitong sabi.

Nahampas ko siya bigla at dahil napalakas ito ay natumba siya sa buhangin. Bakit naman kasi ganun siya magpakilig?

I helped her up and hugged her. "Then I should say that my verdict is that we are now partners in crime"

Akala mo ikaw lang ha.

My family easily accepted our relationship. Matagal na kasi nilang alam na eventually ay magiging kami din naman daw. Simula pa nung natalo ni Winter si daddy sa chess. Nalaman ko din na nung araw na iyon ay nagpaalam na kaagad si Winter sa family ko na may balak siyang manligaw pero will just act on her plan once the case is closed and kapag naramdaman na niyang fully healed na ako. Ayaw din naman daw niya akong madaliin. She was patient and would always ask me kung okay lang ang mga bagay bagay. Hindi naman siya required pero she never fails to update me lalo na kapag nasa work siya. So when she finally told me her feelings, I gladly reciprocated. Hindi rin naman siya mahirap mahalin. I mean, what more could I ask for? Si Winter na iyon eh. She had been nothing but kind not just to me but also to my family, even my friends likes her.





Winter and I had been officially together for six months now at dahil madalas na rin namang sa bahay natutulog si Winter, I asked her if she wants to move in. Siyempre nagpaalam muna ako sa parents ko pero dahil bet na bet nila si Winter ay madali lang sila pumayag.

"I would love to live with you, baby, pero only for a few months lang"

She then told me na binili niya ang empty lot sa tabi ng bahay namin.

"When I saw that it was for sale, hindi na ako nagdalawang isip na bilhin. I know you'd like to be able to visit your parents from time to time and you could still do that while we have our own place. Which is literally next door"

I was yet again, rendered speechless when she said that.

"Oh baby, have I told you how much I love you? If not, then let me tell na mahal na mahal na mahal kita"

And so she moved in sa bahay namin pansamantala habang tinatapos pa ang construction ng magiging bahay namin.





Hindi rin naman talaga all rainbows and butterflies ang relasyon namin ni Winter and for the first time, we had our first fight.

"Ang sabi mo, maaga ka makakauwi. I didn't know na ang definition mo pala ng maaga is umaga" irita kong sabi sa kanya when she didn't come home last night at eto nga ay kakarating lang niya ng 7 AM. Naabutan na niya kaming kumakaen ng breakfast.

"Baby, I'm really sorry. I really was planning to go home early but then I bumped into my batchmates in high school and invited me for drinks. I also didn't realize that my battery was low so I didn't have the chance to charge it. The condo was closer so I slept there last night" pageexplain niya. It's not that I don't trust her. Nagexpect lang ako na magkakaron kami ng alone time since naging busy din talaga siya sa case na hinahandle niya.

She was trying to hug me at amoy ko ang alak sa kanya. Most likely natulog lang talaga siya sa condo niya dahil yun pa din ang suot niya. But as she came closer, a familiar scenario flashed before me. And the next thing I saw was Winter on the floor holding her crotch as she writhe in pain.

"Bunso, may tumatawag sa-... NICHOLAS! HALIKA DITO!" Sigaw ng nanay ko pagpasok niya ng kwarto namin ni Winter at nakita nga siyang nasa sahig.

Agad ko ding nilapitan si Winter. "Baby, I'm so sorry. I'm so sorry" sabi ko when I realized what I had done.

Pagpasok ni daddy ay agad naman niyang binuhat si Winter at kiniwelyuhan at sinuntok. Kaya naman pinigilan ko na bago pa siya makaisa pa.

"Dad, stop! Kasalanan ko. Bitawan mo na si Winter. My, pakuha na lang ng ice pack, please?"

Binitawan naman kaagad ni daddy si Winter at pinaupo ko na siya ng maayos. Pagbalik ni mommy ay kinuha ko na ang ice pack and placed it on her crotch. Kita ko naman kaagad ang relief sa mukha nito. Pinunasan ko na din ang labi niyang dumugo dahil kay daddy.

My parents waited until maging okay na si Winter kaya naman I explained what happened.

"Pasensya na, Winter ha. Akala ko kasi ano eh..."

"O...okay lang tito. What I did probably triggered Karina. Pero hinding hindi ko po kayang saktan ang anak ninyo. Hindi lang po talaga ako nakauwi kagabi kasi nakainom po ako at ayoko din pong magdrive ng malayo kaya sa condo ko po ako natulog. Hindi na rin po ako nakapagpalit ng damit kaya naamoy niya ang alak sa akin which made her remember that night. Pasensya na din po kung pati kayo nagalala"

Ako yung nakasakit sa kanya pero siya pa ang humingi ng pasensya. Winter Kim, bakit ba ang perfect mo?

"O siya, magpahinga ka na muna ha. Baka hindi pa kami magka.apo niyan eh" nakangiting sabi ni daddy bago sila lumabas ng kwarto.

"Baby, sorry talaga ha. Masakit pa ba?" Nagaalala kong tanong. Wala naman kasi akong idea kung gaano kasakit masipa dun.

"I'll be fine baby. Like I said, it probably triggered what happened sa iyo kaya reflex mo ang gumalaw. Wala kang kasalanan"





When we finally moved into our new home, we had a house blessing and invited our family and friends. It was a two-story house with three bedrooms and two-and-a-half bathrooms. Malawak din ang living room and kitchen sa baba, and a two-car garage. She let me decide on most of the furniture, dahil siya naman ang nasunod sa paint job. And over all, our house really shows our own personalities.

"Very minimalist ang peg ha" sabi ng kaibigan kong si Ningning.

"Oo nga. Simple pero ang elegant tignan lahat" dagdag naman ng girlfriend niyang si Giselle.

Everyone was having a good time dahil masasarap din ang food na hinanda namin. Proud ako kasi girlfriend ko ang nagluto ng mga iyon. Hindi rin mawawala ang alak kaya naman nakapalibot na ang mga kaibigan namin sa isang mahabang table sa garage. May sinet.up ding karaoke si Wendy na talaga namang gamit na gamit.

"I'd like to dedicate this song to my lovely girlfriend, Karina" hindi ko napansin na wala na pala siya sa tabi ko dahil nakikipagkwentuhan din ako sa mga kaibigan ko.

Sa araw-araw
Tanging ikaw ang
Palagi kong hinahangad
Laging tanaw sa 'yo ang ilaw
Na nagsisilbi kong liwanag

Labis ang ngiti kapag ika'y kaharap
Ramdam ko ang pagmamahal giliw
Namumukod-tangi ka at walang katulad
Ikaw lang ang para sa 'kin

Sa 'yo lang sa 'yo lang ako uuwi
Kaya naman

We all sang pagdating ng chorus at kahit pa ang gulo ng mga kaibigan namin ay para pa din kaming may sariling mundo at nakatingin lang sa isa't isa. And just like the lyrics says, pinagtagpo kami ni Winter sa tamang pagkakataon. And I can't wait for what the future has for us.





Dalawang taon na kami ni Winter at araw araw pa din niya akong pinapakilig kahit sa mga simpleng bagay na gagawin niya. Simula ng magsama kaming dalawa sa iisang bahay, more often than not ay may pabreakfast in bed siya. Tuwing lunch naman ay kung hindi siya uuwi para sabay kami ay magpapadala siya ng pagkaen. At pagdating ng dinner ay salitan na kami sa pagasikaso. Work from home na din kasi ang nahanap kong work kaya naman I make sure na ako na ang gagawa ng ibang chores. Pero on random days ay makakatanggap ako ng flowers na palaging may kasamang note. Then not ten minutes later, magmemessage siya asking if I received it.

Kahit gaano pa naging busy si Winter with the cases she's handling, I will always be her priority. Lalo na when I told her something.

Kakauwi niya lang galing sa isang dinner celebration from a winning case and I know how excited she was na maipanalo iyon dahil ang appelant ay ang ex ng ex niya. She told me when the case was handed to her na sisiguraduhin niyang mabubulok sa kulungan ang lalaking iyon. Alam ko din na she's not just going to win the case for her sake pero most importantly para maging totally at peace na ang ex niya at pamilya nito which of course includes Wendy.

"I wish you could have seen his face when the judge was giving the verdict, baby. Priceless talaga" masaya niyang kwento while removing her suit.

She went on telling me about the guy having multiple panganays dahil sa iba't ibang babaeng kinakama nito. "Akala niya madadaan sa pera ang lahat eh hindi naman niya pera iyon to begin with. Iyak talaga siya kanina eh lalo na nung hindi na siya pinapansin ng daddy niya..."

"What do you think of being a daddy yourself?" Pagsingit ko habang nagkkwento siya at nakita ko ang paglawak lalo ng ngiti niya when she realized what I just said.

"F...for real, baby?" She asked habang nakayakap na sa akin. And I just nodded. "I...I'm gonna b...be a dad? W...we're gonna be p...parents na?" Dugtong pa niya habang naiiyak.

So I showed her the pregnancy test and the confirmation from the ob-gyne na pinuntahan ko kanina.

"Thank you baby! Thank you for this wonderful news! The hell, walang wala yung pagkapanalo ko kanina. This is the best news!" At inulan na niya ako ng halik which led to us making love that night.

We decided na huwag munang sabihin sa kahit kanino ang pagbubuntis ko. Sakto din kasi na malapit na magpasko so dun na lang namin sasabihin.

When Christmaas Eve came, we were gathered sa sala ng bahay namin, exchanging our gifts. Katatapos lang iabot sa amin ang regalo nila mommy and daddy and ni ate kaya binigay na namin ang mga regalo na namin sa kanila.

"Ay bakit pare pareho naman kami?" Tanong ni ate while inspecting the me

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
54 streak #1
Chapter 3: Grabe ang ganda!
TakuyaKen
#2
Chapter 3: ang ganda
idkwhatnametouse #3
tell me something.. char yung title kasi. seated hehe