PART ONE

Your Universe
Please log in to read the full chapter

Kakaalis lang ng waitress after refilling my third or fourth cup. Medyo na.judge din niya ako pagkatapos niya i.pour ang kape. Hindi ko na lang pinansin. Hindi naman kasi talaga ako masyadong umiinom ng alak so sa kape na lang ako magpapakalasing. Baka sakaling matabunan ng palpitation yung nararamdaman ko.

Bakit nga ba ako nakatambay ngayon sa isang al fresco cafe sa BGC?

Hindi lang naman kasi ako sinipot ng ex ko. What do I expect? Ex na nga eh. I just wanted some sort of proper closure. Yun lang talaga hinihingi ko. Pero obviously, hindi ko na makukuha iyon. Ang tanga tanga ko at naniwalang pupunta talaga siya. Kahit pa ang huling reply niya sa akin ay she'll try daw. I guess mali sa part kong inassume ko na maisip niya na bigyan nga ang limang taon naming relasyon ng proper closure. Sino ba naman ako ngayon para bigyan pa niya ng atensyon eh nagawa nga niyang mag.cheat sa akin.

Hindi ko na namalayan na napalitan na ng mga ilaw mula sa street lights ang kaninang maliwanag na paligid dahil sa araw. Napatingin ako sa wrist watch kong regalo pa niya nung huling anniversary namin and was shocked to realize na halos limang oras na din akong nakaupo. Kaya hindi ko rin masisisi si ate waitress na i.judge ako dahil wala naman din akong ibang inorder kundi kape at isang croissant.

I turned off my phone. Alam ko din namang wala na akong makukuhang message sa kanya. Hindi rin alam ng mga friends namin ang totoong nangyari dahil magaling akong magtago. Hindi rin naman talaga nila pinipilit akong magkwento pero alam nilang hindi kami okay ni she who must not be named.

I should have seen it coming. Matagal na din siyang medyo distant at cold sa akin kahit pa nakatira kami sa isang condo.

Yep. We decided to live together after our first anniversary. Naalala ko pa na sobrang sarap ng feeling na gigising kami tapos magtutulungan kami sa pagluto ng breakfast then sabay din kaming papasok.

Another yep, sa isang company lang kami nagtatrabaho. Tapos sabay din kami magla.lunch at siyempre sabay kaming uuwi. Then kahit pa pagod na kami sa trabaho, siya pa madalas mag.asikaso ng dinner namin kaya ako naman ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Ang domestic lang talaga.

We even have conversations about our future, like about sa kasal and all. Yung tipong anong magiging motif, sino mga imbitado, saan gagawin at kung ano ano pa. Napagusapan din namin kung ilan magiging anak namin at kelan namin sisimulan bumuo ng pamilya. Masaya kami sa isa't isa... hanggang sa naghanap pa siya ng iba.

It started nung nalipat siya ng department. Pareho kasi kaming nasa marketing and development pero matagal na niyang gusto malipat sa analytics and when an opportunity opened up, grinab niya talaga ito. I was happy for her and we even celebrated that night. But ever since then, I felt something was off.

Three years in and wala naman masyadong nagbago sa galawan namin sa condo. Apart from minsan ay hindi na kami nagsasabay mag.lunch sa office at ang madalas niyang pag.overtime. Inintindi ko naman ito. Senior kasi namin sa college ang head ng analytics kaya kilala ko ito and I know how stressful her department is. Pero dahil kilala ko ang head nila kaya minsan ay nagtatanong ako kung may mga projects sila na need ipagovertime. She didn't think differently everytime I ask so she tells me na dahil may malapit na ma.close ang deal kaya pinagsstay niya ang team niya na kasama ang ex ko. They closed the deal and I was told by their head na wala pang bagong projects so why did my ex continued to 'work overtime'? Yun pala ay may iba siyang tinatrabaho.

May naririnig na akong tunog ng gitara somewhere malapit sa cafe kung nasaan ako. Uso naman talaga sa area na ito ang busking. Maganda ang boses ng kumakanta at para bang may sineserenade ito. Or probably yun lang talaga ang set list niya? Curiousity got the best of me kaya I asked for the bill, paid and left. Sinundan ko ang direksyon kung saan nanggagaling ang music and hindi na ako nagulat na marami na ang nakapalibot dito. Kanya.kanyang tutok ng phones sa kumakanta at may ibang nakikisabay din sa pagkanta. Hindi ako masyadong familiar sa kanta pero maganda naman ang melody. Dalawa pala sila at ang cool lang din nilang tignan dahil pareho silang naka.white shirt at leather jacket, pareho pa silang short hair.

"Salamat po sa pagsuporta. If may mga gusto po kayong i.request na kanta or kung gusto niyo pong maki.jam, lapit lang po kayo" sabi nung babae pagkatapos niya kumanta. "Ako po pala si Wendy and kapatid ko naman po ang gitarista. Palit naman kami as she sings the next song"

Nagpalitan sila ng mic at gitara at unang strum pa lang ay medyo naluha na ako. Alam na alam ko yung kanta dahil isa iyon sa current playlist kong naka.loop.

Time has a way of healing, or so they say
So why am I still left here cryin'?

I couldn't help but sing along when it came to the mid part of the song. Damang dama ko yung lyrics.

What more is it that you need
Right now clearly it's not me
Despite everything I did for you
Excused if I'm surprised
Was the moment that I found out that we were through, oh

Caught you in the arms of another
I've been dying everyday since then
Caught you in the arms of another
I've found out about you

Hindi ko na pinansi

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
54 streak #1
Chapter 3: Grabe ang ganda!
TakuyaKen
#2
Chapter 3: ang ganda
idkwhatnametouse #3
tell me something.. char yung title kasi. seated hehe