Chapter 08 [Photo Album]
Bahay - BahayanMakalipas ang isang linggo ay naging magaan ang lahat para kay Winter dahil sa tulong ng kaniyang mga kaibigan. Ngayon ay isa – isang nag uwian sa mga kaniya – kaniyang mga bahay ang mga kaibigan niya at Ang kapatid naman ni Winter na si Hanni ay kailangan ng bumalik sa dorm nito kaya silang dalawa na lang ni baby Amiya ang maiiwan sa bahay.
“Yung mga itinuro ko sa’yo Winter ‘wag mo kakalimutan. Sa weekend na ulit ang balik namin. mag – ingat kayo ni baby Amiya rito okay.” Pag – papaalala ni Ningnig.
“Win mamimiss kita.” Malungkot na saad ni Yujin. Natawa naman ang mag – kakaibigan at hinila palayo si Yujin kay Winter.
“Napaka oa. Ikaw muna bahala kay Hanni sa dorm. May isang taon ka pa sa college Yujin. Ayusin mo na this time at hindi kana gagawa ng desisyon na makakasira sa pangarap mo bilang architect.” Pag – papaalala ni Winter sa kaniyang kaibigan. Tumango – tango naman si Yujin.
“Ikaw naman Hanni. Ayusin mo ang pag – aaral. H’wag mo kaming isipin ni baby Amiya rito. Kakayanin ko okay.” Saad ni Winter. Ngumiti naman si Hanni at niyakap ang kaniyang ate.
“Ning at Gi. Maraming salamat talaga sa inyong dalawa kung wala kayo sa tabi ko baka hindi ko kakayanin. Maraming salamat talaga.” Akmang yayakapin ni Wint
Comments