Chapter 07 [Mini Party]
Bahay - Bahayan“Win ako na muna mag – babantay kay baby Amiya. Kumain ka muna.” Saad ni Ningning. Umiling naman si Winter. Kanina pa nito ayaw mag – patulong sa mga kaibigan niya dahil sa hindi nila malaman na dahilan. Kitang – kita nila na hihirapan na ito pero tumatanggi parin ito na mag pa tulong.
“Tapos na ako kumain. Sige na ako muna.” Saad ni Ningning. Tumingin naman si Winter sa kaniyang kaibigan.
Kanina pa nakakaramdaman ng worry si Winter dahil kanina pa tulog si Amiya at kanina pa nito binabantayan ang pag – hinga ng bata.
“Ning. Bakit puro tulog lang si baby Amiya?” Tanong ni Winter sa kaniyang kaibigan.
“Well. Buong gabi gising si baby Amiya sabi ni Mama Heart. Mukhang excited na umuwi. Sige na kumain kana. Sabayan mo na ‘yang mga bugok na ‘yan.” Birong saad ni Ningning. Natawa na lamang si Winter at hinabilin si Baby Amiya sa kaniyang kaibigan.
Habang kumakain ang lahat ay tumayo naman si Giselle.
“Win. Andito na ‘yung bagong kapitbahay mo. I invited her kasi to come over here para may ka close kana rin bukod kay Tito Benny. Wait lang nasa labas daw siya.” Pag – papaalam ni Giselle sa kaniyang kaibigan.
Hindi naman maintindihan ni Winter ang sinabi ng kaniyang kaibigan kaya tumango – tango lang ito.
“Winter kailan balik mo sa headquarters? Hanap kana kasi ng mga interns sa akin. Puro sila nasaan na si boss amo namin ate Ryu? Nakaka rindi na sila sa totoo lang.” Bulalas ni Ryujin. Natawa naman ang mag kakaibigan.
“I have one month leave. Remember the big news case na cover ko? 1 month leave ang reward ko then you know th-“ Hindi na tapos ang sasabihin ni Winter ng pinigilan ito ni Ryujin.
“Naiintindihan ko Win. Natanong ko lang kasi and later nandito na ‘yung iba nating mga katrabaho at mga intern. Sinabihan ko kasi sila hehehe.” Mahinang pag tawa ni Ryujin. Ngumiti na lamang si Winter at nag patuloy sa pag – kain niya.
Kabilang dako naman ay nasa gate ngayon si Karina at hinihintay ang pag – labas ni Giselle. May dala itong paper bag at mga baby supplies.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments