kiss.

kisses and misses.
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Oh, bakit pangiti-ngiti ka dyan?”

 

“Huh? Hindi ah.”

 

“Oo kaya, tumatawa ka na naman mag isa.”

 

“Hindi, may naalala lang.”

 

“May naalala o may nakita?”

 

“Sino naman?”

 

“Alam mo, Winter, malala na yan.” Nakangiti si Giselle na hinampas ang braso ko bago siya tumayo at naglakad. “Tara na, nagugutom na ako.”

 

Lunch time na, salamat naman. Kalahati palang ng araw pero pagod na kaagad ang utak ko. Iba talaga kapag senior year na, kailangan nang seryosohin ang pag aaral. “Oo na, heto na ‘ko.”

 

Malamig ang panahon dahil January palang. Hindi naman maulan, pero halos katatapos lang kasi ng pasko. First day ng second semester at ganun pa rin naman, walang bago. Kami-kami pa rin ang mga magkaklase at si Giselle, Ningning, at Lia pa rin ang close friends ko.

 

Naglakad na ako papunta sa pinto habang si Giselle naman ay naghihintay sa labas.

 

“Wait lang, ayusin ko lang gamit ko.” Sabi ni Ningning.

 

“Kunin ko lang din pala phone ko.” Sabi naman ni Lia.

 

Nakatayo ako sa pintuan habang hinihintay sila nung tumayo si Karina at ang mga kaibigan niya. Halos lahat naman ng kaklase namin tumayo na pero kapansin pansin talaga palagi siya.

 

Si Karina nga pala ang isa sa mga pinakasikat sa school. Sobrang ganda kasi niya. Sabi nga ng marami, halos hindi na siya mukhang tao, at parang gawa na daw ng artificial intelligence. Sigurado ako lahat ng lalaki may gusto sa kanya. Pero ang mga babae, hindi siya masyadong gusto dahil may pagkamayabang daw siya at mga kaibigan niya.

 

Ewan ko. Hindi ko pa naman siya nakakausap talaga kahit ilang buwan na kaming magkaklase nung first semester.

 

Gumilid ako at sumandal nalang sa bukas na pinto para padaanin sila, pero nagulat ako na si Karina lang ang tumuloy papunta sa pintuan. Si Ryujin at Yeji ay nakatayo lang habang tinitingnan siya.

 

Grabe, ang bango niya. Yan lang ang tanging tumatakbo sa isip ko habang papalapit siya. Malakas kasi ang amoy ng perfume niya at talagang bagay na bagay sa kanya.

 

Nasa kalagitnaan ako ng struggle alalahanin kung anong brand ng perfume ang gamit niya nung halos humiwalay kaluluwa ko sa gulat dahil tumigil siya sa harapan ko.

 

Three inches lang pagitan ng mga mukha namin. “Ka—karina,” mautal-utal kong sabi.

 

Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam ano pang pwede kong sabihin.

 

Kumunot ng konti ang noo niya na para bang naiinis. “, Winter. Bakit ba gustong gusto kita?” Seryoso niyang sinabi bago lumapat labi niya sa labi ko.

 

Nanlaki mga mata ko sa sobrang gulat at tumaas din ang mga kilay ko. Bago pa mag sink in sa akin, narinig ko nalang ang malakas na paghinga ng mga tao sa classroom na tila ba napahingal sa gulat. Gustuhin ko man na pagtuunan sila ng pansin, hindi ko kaya. Dahil ang atensyon ko naka focus lang sa babaeng nasa harap ko.

 

Bakit?

 

Bakit hahalikan ng isang Karina ang kagaya kong nobody lang?

 

Napahakbang ako patalikod pero wala na palang mas i-aatras pa dahil nakasagad na ako sa pinto. “A—ano?” Nanginginig na lumabas sa bibig ko.

 

Bakit niya ako hinalikan?

 

Bakit niya sinabi na gusto niya ako?

 

Ni-hindi kami magkaibigan o nag uusap man lang.

 

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa mga mata ko. At this point parang two inches na lang pagitan ng mga mukha namin. Grabe ang tibok ng puso ko. Kung matanda siguro ako o mahilig sa balat ng lechon baka naatake na ako.

 

Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin. Hindi ko rin alam kung bakit kumakabog dibdib ko. Hindi ko naman siya gusto dahil hindi naman ako biual o homoual.

 

Lahat na ng posibleng rason tumakbo sa isip ko. Nung huminga siya, bahagyang humampas sa labi ko ang mainit na hangin, at tila tumigil sa pag gana ang isip ko.

 

Sa gitna ng katahimikan, bigla nalang nagsalita si Ryujin. “Sabi ko sayo kaya niya eh.” Mayabang niyang sinabi kay Yeji habang tumatawa na akala mo naman ay kinikiliti ng sampung daliri.

 

“Talo pa nga.” Umirap naman si Yeji. “Heto, panalo ka na.” Dagdag pa niya, pero kay Karina na siya nakatingin.

 

Tinignan ako ni Karina mula ulo hanggang paa bago siya tumalikod at pumunta kay Yeji. “Five hundred din yan.” Kinuha niya ang limang one hundred bills na inaabot sa kanya.

 

Nagtatawanan silang tatlo habang nahagip naman ng paningin ko si Giselle na nasa labas ng pintuan at si Ningning at Lia na nakatayo sa tapat ng mga upuan nila. Laglag ang mga panga nila na kulang na lang ay pasukan na ng tig iisang langaw.

 

Pinaprocess ko palang ang lahat pero nung biglang nagtawanan ang iba pa naming mga kaklase, para bang nagdilim ang paningin ko sa sobrang galit.

 

Nagmamadali akong naglakad papunta kay Karina at hinablot sa kamay niya ang hawak na five hundred.

 

“Tangina.” Sa sobrang lakas ng pagkakahila ko, napatalikod siya kay Yeji at napaharap sa akin. “Kung kailangan mo ng pera, magsabi ka. Hindi yung makikipag pustahan at gagawa ka ng katarantaduhan para sa napakaliit na halaga.” Pasigaw kong dagdag bago isampal sa kanya ang five hundred niya.

 

Kitang kita kong bumakat ang palad ko sa kanang pisngi niya habang dahan-dahan namang nahulog ang bills sa sahig.

 

Napahawak siya sa namumulang pisngi niya, nanlalaki ang mga mata, at nakabukas ang bibig na pati siguro pinggan kasya na. Halata mo talagang hindi siya makapaniwala na for the first time sa buhay niya, may sumampal sa kanya.

 

“What the hell.” Pabulong niyang sabi bago tumingin sa akin gamit ang nanlilisik niyang mga mata. Parang konti nalang may lalabas nang pulang laser sa sobrang galit niya.

 

Bago pa siya makapag salita ulit, nagtawanan lahat ng tao sa classroom pati na sina Ryujin at Yeji.

 

“Mahina pala ‘tong bata natin.” Umiling si Ryujin. Halatang dismayado pero tumatawa pa rin.

 

Satisfied ako sa ginawa ko at wala akong pinagsisisihan. Pero nung nakita kong may mga naipong luha sa mga mata niya, parang nanlambot ako bigla. Parang may kumurot sa puso ko.

 

Konsensya siguro ‘to.

 

“Kasi—kasi ikaw eh. Kasalanan mo ‘to.” Instinct na s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
triggeredace
#1
Chapter 2: 😁
listless_radish
#2
Chapter 1: Bitin huhuhu.
Nakapagtataka kung bakit ganun ugali ni Karina kay Winter kung totoong gusto niya nga ito.
Excited na ako sa next update