miss.

kisses and misses.
Please Subscribe to read the full chapter

 

Lumipas na ang ilang araw pero ni-minsan hindi pa kami nag pansinan ni Karina. Hindi naman nagtataka ang mga kaklase namin dahil alam naman nilang lahat ang nangyari, and in the first place hindi naman kami talaga magkaibigan.

 

May mga pagkakataon na nahahagip siya ng mga mata ko, pero agad din naman akong umiiwas kapag lilingon na siya. Sagad na talaga ang inis ko. Hindi man lang kasi mag sorry. Minsan pa nahuhuli ko na nakatingin siya, pati sina Ryujin at Yeji, tapos bigla silang tatawa.

 

Nakakainsulto. Mukhang totoo nga ang chismis na kahit silang tatlo ang pinakasikat dito, lahat ng babae hindi sila gusto dahil masasama ugali nila. Dati hindi ako naniniwala, pero ngayon naniniwala na.

 

“Hoy, pumunta kayo bukas ha.” Pasigaw na sabi ni Ningning paglabas namin ng classroom.

 

“Oo nga.” Sabi naman ni Lia. “Ewan ko lang dito kay Winter at Giselle baka tamarin na naman.”

 

“Hindi nga, promise.” Tumatawang sabi ni Giselle. “Ikaw, Winter?”

 

“Depende sa mood.” Maikli kong sagot.

 

Alam naman nila na hate ko talaga mga activities na ganyan. Foundation day, ano ‘to, highschool? Ang maganda lang sa event ay yung free food. Yung ibang agenda required pa gumalaw. Mas gugustuhin ko nalang mahiga sa bahay maghapon.

 

“Ang KJ mo talaga.” Pang asar ni Lia bago kami maghiwa-hiwalay.

 

Six o’clock na nung matapos akong mag shower. Nakapajama at ready na akong humiga sa malambot kong kama. Pa-landing na ang puwet ko sa bedsheet nung biglang tumunog ang doorbell. Wala pang tatlong minuto, sumigaw si Taeyeon, pinsan kong kasama ko sa bahay. “Winter, may naghahanap sayo.”

 

Napakunot noo ko. Wala naman akong inaasahang bisita at magkakausap naman kami nina Giselle, Ningning, at Lia sa groupchat. “Sino yan, ate?” Sagot ko mula sa second floor.

 

Hindi ko sigurado kung narinig ba niya o hindi dahil hindi naman na siya umimik. Napilitan tuloy akong tumayo at bumaba sa hagdan. Isang hakbang nalang pababa ang natitira nung nahagip ng mata ko ang babaeng nakaupo sa sofa. “Karina?! Bakit ka nandito?!” Halos mapatalon ako sa gulat.

 

“Ganyan ka ba bumati ng bisita?” Ngumiti lang siya. Ang plastic talaga!

 

Napalingon ako kay Taeyeon na nakatingin naman sa aming dalawa na para bang litong-lito. “Ah, si Karina nga pala. Kaklase ko, ate.” Paliwanag ko bago siya tumango at umakyat na rin sa kwarto niya.

 

Nung kami nalang ni Karina ang naiwan sa sala, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, na akala mo naman mahahanap ko ang sagot kung bakit siya bigla nalang sumulpot nang walang pasabi. “Anong ginagawa mo dito? Stalker ka ba, ha?”

 

Kumunot noo at ilong niya ng bahagya bago niya tuluyang dedmahin ang tanong ko. “Hindi ka ba nagbabasa ng website? Pinost na ni Principal Siwon yung article. Pero maraming nagcomment na hindi daw totoong mag best friend tayo. Puro trash talk na inabot ng pangalan mo, at syempre pati ako nadamay na naman.”

 

“Nadamay? Eh, ikaw naman talaga may kasalanan.” Sumbat ko.

 

“Mag isip ka nga. Ang simple lang ng gagawin natin, magpapanggap lang tayong mag best friend ng isang araw. Pagkatapos nun, okay na, malilinis na pangalan nating dalawa.” Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob na makipag eye contact pa at umasa na papayag ako.

 

Kahit ano pang sabihin niya, desidido na ako. Wala nang makapagbabago ng isip ko, kahit gaano pa siya kasarap humalik. Wait, ano ba ‘tong pumasok sa isip ko. Ang dugyot mo, Winter. Sinaway ko ang sarili ko. “Bakit ba ang kulit mo? Ayaw nga kitang kasama.” Mariin kong sinabi.

 

Nagcross arms siya at sumandal na may halong pagmamaktol. “Bakit nga?” At home na at home siya makaupo. Ang kapal talaga ng mukha.

 

“Syempre, baka kapag pumayag ako, halikan mo na naman ako at mahawa pa ako ng AIDS.” , ano ba ‘tong mga pinagsasabi ko? Ang stupid mo talaga, Winter.

 

Naubo siya sa gulat. Alam kong hindi siya umaarte lang dahil kung ano sa kalagayan niya, mabibigla din buong pagkatao ko. “A—ano? Una sa lahat, wala akong balak halikan ka ulit. Pangalawa, wala akong AIDS. Pangatlo, ni-minsan hindi ko naisip makipag sayo.”

 

Napa-facepalm nalang ako. “Ano namang kinalaman ng dito?”

 

“Sa anong way ka pa ba pwedeng mahawa ng AIDS?”

 

“Hindi—hindi nga yan ibig kong sabihin.” Defensive kong iwinagayway mga kamay ko sa hangin.

 

Bigla nalang nag ningning ang mga mata niya. Palibhasa nakaisip na naman ng bagong ipang aasar. “Ah, pinagnanasahan mo siguro ako, ‘no? Lesbian ka ba?” 

 

Ako, lesbian? Siraulo talaga ‘to. Namula mukha ko sa sobrang kahihiyan. “Umuwi ka na nga sa inyo, bwisit ka.” Halos pasigaw kong sabi bago ko hilain kamay niya at itulak siya papalapit sa pinto.

 

“Teka—teka lang. Hindi pa nga natin napag uusapan yung plano bukas.” Reklamo niya habang tinutulak ko siya palabas.

 

Nung nakalagpas na siya sa frame ng pintuan, napangiti ako na may halong pagmamalaki. “Dalhin mo na pauwi pati mga bacteria mo. Bye.” Ipinahid ko mga palad ko sa isa’t isa, pakunwaring diring diri at naglilinis.

 

Kampon siguro talaga siya ni satanas. Bigla nalang kumulog at bumuhos ang napakalakas na ulan. Wala pang ilang segundo, basa na agad ang mga buhok at damit niya. “Hala, wait lang, Winter. W

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
triggeredace
#1
Chapter 2: 😁
listless_radish
#2
Chapter 1: Bitin huhuhu.
Nakapagtataka kung bakit ganun ugali ni Karina kay Winter kung totoong gusto niya nga ito.
Excited na ako sa next update