(I'M) SWEETER THAN CANDY

(I'M) SWEETER THAN CANDY
Please Subscribe to read the full chapter

 

hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at parang bigla akong sinipag mag-linis ng kwarto. well, hindi naman siya marumi in the first place, pero mukhang sinasapian ata ako ng anghel nang kasipagan.





 

at ito nga ako ngayon, naglilinis ng kwarto na hindi naman gano’n karumi. hindi ko nga alam kung saan ko sisimulan eh pero sige na nga go with the flow na lang.




 

sinimulan ko munang tiklupin ulit ang mga damit ko, inayos ko ulit kahit ayos naman na. dear angel nang kasipagan, layuan mo na nga ako.




 

nang makatapos ako sa mga damit ay inayos ko naman ‘yung mga books at ibang papel na nakalagay sa cabinet ko at sa bookshelf. hindi naman ako nahirapan ayusin kasi nga, maayos na siya.




 

inayos ko na rin ‘yung mga instruments ko dito sa kwarto. hindi malaki ang kwarto ko ha, sakto lang siya para sa akin, at saka wala naman akong masyadong gamit dito kasi nasa lumang bahay namin ‘yung iba. 




 

pati na rin ‘yung mga stuff toys at plushies na bigay sa akin ng mga kaibigan ko.




 

sinimulan ko nang linisin ang ilalim ng higaan ko, dahil hindi ko masyadong pinapansin ‘to. eh puro mga kahon lang naman ang nakalagay dito.




 

gamit ni ate, mga lumang libro at ‘yung piano keyboard ni papa. syempre, pati na rin ‘yung mga lumang gamit ko. 




 

at dahil nga sobrang sipag ko maglinis ngayon, tinignan ko lahat ng nasa ilalim ng higaan ko. pero parang dapat pala hindi ko na ginawa kasi napukaw agad ‘yung atensyon ko ng isang maliit na box.




 

nandito pala ‘to, akala ko natapon ko na.




 

gusto ko nang kalimutan kasi kung ano man ang mga nakalagay doon. ewan, ayoko lang maalala kasi nga dapat na ‘yon kalimutan.




 

hindi ko alam kung bakit pinili kong unahin na kuhanin ‘yung box na ‘yon, eh dapat nga itapon ko na.




 

binuksan ko na ‘yung box at ang bumungad sa akin ay ‘yung mini diary ko nung first year high school ako. jusko, jeje days ko pa mga nakasulat dito. parang ayaw ko basahin.




 

kaya naman, tinanggal ko muna at tinignan pa ang ibang nakalagay. puro balat ng candy ang laman nung box na ‘to, pati na rin ‘yung plastic ng ice cream. 



 

ewan ko ba naman kung bakit iniipon ko pa ‘to noon. parang tanga lang eh, gano’n ba talaga ako magka-crush dati? cringe so much. buti nalang naiwasan ko na.




 

nakita ko rin dito ‘yung mga toys na galing sa happy meal. 




 

may shrek, may trolls, may mga cute dogs na parang style keychain, may angry birds at may lego. ang tiyaga naman nung ex crush ko dati na bumili ng happy meal para lang ibigay sa akin ‘yung mga toys kasi raw hindi naman niya magagamit.




 

sus, mga dahilan talaga niya eh.




 

mayroon din na tatlong rubiks. naalala ko noon, sobrang uso ‘yan kaya tuwing may dala mga kaklase namin na rubiks, nanghihiram kami. kahit hindi naman talaga ako marunong.




 

pero nagulat ako nung birthday ko, binilhan niya ako ng tatlo. isang maliit na parang keychain tapos dalawang malaki. 




 

sabi niya kapag daw nawala ‘yung isa, at least may pang spare ako. 




 

and guess what? siya rin ‘yung nagturo sa akin kung paano mag rubiks. ang totoo nga niyan, sa kaniya lang ako nakatingin nung tinuturuan niya ako. oo na, cringe na nga. 




 

eh pero kasi naman, nakakapanghina ‘yung way niya nang pagsasalita. 





 

lalim mga bes.




 

parang mariana trench lang ang kalaliman eh, paano naman akong makakapag focus sa pagtuturo niya ‘di ba?




 

tapos ayon, magically natutunan ko siya kahit hindi naman ako nakikinig sa pagtuturo niya. naglaro pa nga kaming dalawa eh, pabilisan daw tapos kung sinong matatalo ay manlilibre ng ice cream. aba, syempre ginalingan ko.




 

alam kong nagpatalo lang siya kaya kunwari hindi ko alam.




 

crush din yata ako no’n eh, charot.




 

ang last na nakalagay sa maliit na box na ‘to ay ‘yung mga ballpen na hiniram ko sa kaniya na ayaw niyang ibalik ko. sabi niya itabi ko na lang raw kasi palagi akong nawawalan ng ballpen.




 

may nagnanakaw siguro ng mga faber castell kong ballpen. chz.




 

inayos ko ulit ‘yung mga nakalagay sa box at binasa ko na rin ‘yung nakalagay sa mini diary ko. ayan, magkakaalaman na talaga.




 

hindi pa ako nakakatapos sa isang page at itinigil ko na. 




 

ayaw ko na ituloy.




 

tinago ko na lang ulit ‘yung maliit na box, at inayos ‘yung ibang gamit na nakalagay sa ilalim ng higaan ko. 




 

pagkatapos kong gawin lahat ‘yon ay, humiga na ako. ayan na, iniwan na ako ni anghel ng kasipagan. tapos ngayon naman ay sinasapian na ako ng anghel ng kaantukan.




 

nakakaantok pala ang paglilinis ng kwarto. 




 

makatulog nga muna, baka mamaya biglang dumating na sila ate yves at ate chuu. papagalitan pa ako no’n kapag nalamang hindi pa ako nakakatulog.




 

unti-unti ko na rin namang naramdaman ang antok at pumikit na rin ako.













 

ano ba ‘yan nakakatamad naman pumasok, p’wede bang umabsent na lang? first day ko pa lang as a high school student pero tinatamad na agad akong mag-aral.




 

bakit ba kasi need pa mag-aral, as if naman madadala ko sa langit ‘yang mga ‘yan. 




 

alam niyo ba? hindi ako umattend sa flag ceremony kanina. ayoko lang, nakakatamad. ang dami-daming kinakanta tapos may pa zumba pa. edi amoy na kaming pawis kapag pumasok.




 

not a good way to start my high school life.




 

nasa classroom na ako ngayon at nakikinig sa mga kaklase kong nagpapakilala isa-isa. kailan kaya matatapos ang introduce yourself? simula ata kinder ako ginagawa na ‘to. pati ba naman high school? baka naman pati sa college ah. lord p’wede bang enuff na po?




 

malapit na akong matawag at nagpakilala naman itong katabi ko. hyunjin kim ang pangalan niya, parang katulad ko din ata ito na introvert eh. wala kasi siyang masyadong sinabi.




 

ngayon ko lang napansin na kim din pala siya, pero hindi ko naman siya pinsan or what. 




 

feeling ko magiging friends kami.




 

at dahil nga tapos na siya, nagpakilala na rin ako. sinabi ko lang ang pangalan ko pati na rin ang edad at kung anong expectation ko sa subject na ito (english) kahit wala naman talaga akong ineexpect.




 

nagpakilala na rin itong katabi ko sa kaliwa, si hyunjin kasi ‘yung katabi ko sa kanan.




 

kung kanina nasabi ko na introvert si hyunjin well opposite naman itong katabi ko sa kaliwa. choerry daw ang pangalan niya pero tawagin na lang daw siyang che kasi baka raw mahirapan kami sa pag pronounce ng name niya.




 

natapos na magpakilala ang lahat nang may biglang pumasok at hinihingal pa. halatang tumakbo siya dahil hingal na hingal siya.




 

hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi nakayuko pa siya pero nung pinapunta siya sa harap ni ma’am santos at sinabing magpakilala, parang biglang tumahimik ata ang paligid.




 

ang clichè pakinggan pero kasi true nga. 





 

ang ganda niya.





 

hala ka aphrodite may papalit na ata sa’yo.




 

para siyang ano, kpop idol? ano nga ba tawag doon sa mga freelancer ng korea? ah! ulzzang. ayon, mukha siyang gano’n. parang anytime may mag r-recruit sa kaniya para maging kpop idol.



 

“hi, i’m karina yu. sorry for being late, there was just an emergency. let’s get to know each other well! thank you and nice meeting you all.” 




 

hayy lord, kahinaan ko ‘yan.




 

ano ba ‘yan mukhang hindi pa matutuloy ang plano ko na huwag magkaroon ng crush ngayong first year high school.




 

umupo siya sa may bakanteng upuan malapit sa harap, pang two rows siya tapos malapit siya sa may bintana. may nakaupo na kasi sa tapat ng bintana pero ayon, malapit nga siya doon.




 

lord gabayan mo ako sa mga susunod na kabanata ng buhay ko.












 

lumipas ang mga araw at naging medyo close na kami ni karina. katabi ko kasi siya sa isang subject namin, sa tle. cookery to be exact. 




 

nalaman ko na hobby niya pala ang pagluluto at sinabi ko na ako rin, pero hindi ako gano’n kagaling. nakapartner ko nga rin siya sa isang project namin dito sa tle eh.



 

magdedemo lang kami kung paano lutuin ang carbonara. 



 

ang ambag ko lang yata sa pagluluto namin ay mga utensils eh, sorry naman hindi ko alam magluto ng pasta.



 

tinuturuan niya naman ako at surprisingly ang bilis ko natutunan ‘yung mga sinasabi niya.




 

naramdaman ko bigla na nag vibrate ang phone ko sa bulsa ng palda ko kaya naman tinignan ko ito at nakitang may message sa gc namin nila hyunjin.



 

oo, friend ko na siya. tapos may friend pa kami from other section, ewan ko rin paanong nangyari ‘yon. magic ata.




 

tinapay ni hyunjin


 

hyunbread: kinikilig na naman ‘yung isa jan oh, abot mula rito @winbread 



 

choebread: teh baka matunaw ‘yan, ang sabi mag demo daw hindi tumitig.



 

yunabread: tapos idedeny niya ulit na hindi niya crush si karina, eh girl halata ka masyado.



 

minjubread: c’mon win-ie don’t be shy, umamin ka na :>>



 

winbread: tigilan niyo nga akong apat!



 

winbread: hindi ko nga siya crush. maissue lang kayo.



 

yunabread: sus, sinabi mo na ‘yan sissy.



 

choebread: oh nakatingin na sa’yo lagot ka!




 

napatingin tuloy ako bigla sa kasama ko at oo nga po nakatingin na siya sa akin. nakakainis naman kasi ‘tong sila hyunjin dinadaldal pa ako. 



 

“shall we serve it to them na?”  ay lord, ilang beses ko po ba sasabihin na mahina ako sa mga magandang girls na englishera at malalim ang boses? araw-araw mo na lang po talaga ako sinusubukan ah.




 

tumango lang naman ako at inilapag na namin sa harap ng tatlong panel ‘yung niluto namin, ay i mean ni karina na carbonara. mga gamit lang pala ambag ko. 




 

nagustuhan naman ito ng mga teacher namin at hindi naman sa pagmamayabang pero nakakuha kami ng perfect score, which is 100. 




 

galing talaga ni crushie. 




 

ay.




 

hala.




 

hindi ako ‘yon, kambal ko po ‘yon.




 

eh pero sino ba naman ang niloloko ko ‘di ba? sabi nga ng mga friends ko ay obvious na, buti na lang hindi nahahalata ni karina.




 

umupo na muna kami kasi may sasabihin pa daw teacher namin.




 

inabutan ako ni karina ng ice pop “i noticed na you were sweating a lot, must be because mainit today?”  ito ata ‘yung first time na may binigay siya sa akin. 



 

syempre tinanggap ko rin naman, bigay na ng crush ko ‘yan tatanggihan ko pa ba? 



 

kumakain din siya ng ice pop at sabi niya para daw may kasama akong kumain. okay, pa fall ka na po masyado ha.



 

“saan mo pala nabili ‘to?” pinakita ko sa kaniya ‘yung plastic nung ice pop tapos tinuro niya ‘yung canteen na katabi lang ng room namin dito sa tle. tumango na lang ako at ayaw ko na magsalita ulit, nahihiya ako sa kaniya eh.




 

hindi rin naman siya nagsalita at nakikinig lang sa teacher namin. 




 

mukhang bibili na ata ako ng journal ngayon, wala lang kasi trip ko lang. (pero dahil talaga sa kaniya kung bakit ako bibili)













 

napapansin ko lang na everytime na darating ‘yung araw ng tle subject namin, which is every wednesday. palaging may dalang candy si karina, tapos bibigyan niya ako. 




 

hindi po ako nagrereklamo.




 

kasi ang totoo nga niyan ay tinatabi ko lahat ng pinagbalatan ng candy na binibigay niya, kahit nga ice cream eh. i mean kasi, naka popsicle stick ‘yung ice cream.




 

hindi ko rin naman talaga hilig mag diary pero kasi ang daming memorable na nangyari with her eh. 




 

well okay, hindi lang naman about sa kaniya ‘yung mga nakasulat doon pero kahit na. ayoko na lang magsalita, basta halos siya lang laman nung mga entry ko doon.




 

alam niyo ba? syempre hindi pa. last week, tinuruan niya ako mag-drawing! wala kasi ‘yung teacher namin kaya ang dami naming free time. tapos ayon, tinuruan niya ako ng mga basic.



 

hindi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chinisan
baka malito kayo ah, magkaiba po ang font ng present at nung flashback. eitherway, i really hope magustuhan niyo kasi i don't know when ulit ako magsusulat. my ojt will start next week. ( to be in college) :<<

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
271 streak #1
Chapter 1: Cutie naman po 🥹🥰
Elyk297 #2
Chapter 1: Awww ♡♡
EzraSeige
#3
Chapter 1: 😍😍😍
chippiee
#4
💙💙💙
Ardem_Joseph23
#5
Chapter 1: Cute
Kannakobayashi09 #6
Chapter 1: Do you have another winrina au o may plan ka gumawa ng fantasy or royalty genre author? You're good at writing e
Kannakobayashi09 #7
Chapter 1: Hahaha cutie<3
Seulrenity23 #8
Chapter 1: this is so cute 🥺
continue the fluffiness author pls 🥹