Sequel

Alas Dose
Please Subscribe to read the full chapter

Akala ni Joohyun panaginip lang ang lahat, ngunit nung dumilat siya at nakita niya si Seungwan na mahimbing na natutulog sa tabi niya napagtanto niya na hindi ito isang panaginip. Hindi alam ni Joohyun na may mas hihigit pa pala sa saya na gumising siya na may message mula kay Seungwan. Wala palang binatbat ang good morning message ng girlfriend niya sa magising habang nakayakap ito sa bewang niya at nakasiksik sa may leeg niya. “Tulog ka pa, maaga pa Hyun.” narinig niya ang mababang boses ni Seungwan bago niya hinigpitan ang yakap niya sa bewang ng Iska. “I can sense na you are smiling, baby.” natawa si Joohyun bago niya tinapik tapik ang likod ng girlfriend niya, naramdaman niya rin ang paghinga ni Seungwan sa may leeg niya bago ito humalik sa may panga niya. “I can get used to waking up beside you.” bumilis ang tibok ng puso ni Joohyun habang nakatingin lang sa girlfriend niya. Hindi talaga maisip ni Joohyun kung gaano kagaling si Seungwan na pakiligin siya.

Napagtanto ni Joohyun na kahit bata palang sila iba na talaga ang angking galing ni Seungwan na pakiligin siya.

Sa murang edad, maraming bagay pang hindi alam si Joohyun, pero para sa isang batang katulad niya sigurado siya na si Seungwan ang paborito niyang kalaro sa lahat ng bata sa kanila. Kahit na medyo malayo ang bahay ni Seungwan sa kanila madalas niya parin itong nakakalaro sa may parke at madalas niya itong kalaro sa may seesaw.

Natutuwa kasi si Joohyun sa kaniya bukod sa parehas na sila ng height, madalas pang ngumingiti si Seungwan na kasing liwanag ng araw. Hindi maintindihan ni Joohyun kung bakit sobrang saya niya sa tuwing nakikita niya si Seungwan na tumatakbo na papunta sa parke kung saan sila madalas naglalaro.

Kasalukuyang nakaupo si Joohyun sa may swing, tahimik siyang naglalaro habang tinitignan ang mga batang tumatakbo. “Joohyun! Naglalaro kami ng ice ice water! Sali ka ba!” narinig ni Joohyun ang boses ni Seulgi habang hinihingal pa ito dahil tumakbo siya mula sa dulo ng court hanggang sa kung saan nakaupo si Joohyun.

“Hindi na, dito nalang muna ako.” pumamewang si Seulgi habang nakatingin kay Joohyun, nagtaka naman siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit masama rin ang tingin sa kaniya ni Seulgi.

“Bakit ba ayaw mo makipaglaro sa iba? Hindi mo ba ako kaibigan?” napatayo si Joohyun sa swing dahil nagulat siya sa tinanong sa kaniya ni Seulgi. Mabilis na umiling si Joohyun bago siya humakbong palayo, nakita niyang lumapit si Seulgi kaya naman nagpatuloy sa pagatras si Joohyun hanggang sa mapaupo na siya sa damuhan.

“BAKIT MO INAAWAY SI JOOHYUN!!” nagulat si Seulgi nung marinig niya ang boses ni Seungwan, maliit na bata si Seungwan pero sobrang lakas ng boses niya. Pati yung mga ibang bata sa paligid ay nagulat sa lakas ng boses niya. Dali dali rin itong tumakbo para matulungan si Joohyun na tumayo. “Hindi ka ba nasaktan?” hindi maintindihan ni Joohyun kung ano ang nararamdaman niya, nakatingin lang siya kay Seungwan habang umiiling. “Wag mong aawayin si Joohyun! Bad ang nangangaway!” tinago ni Seungwan si Joohyun sa likod niya habang nakatingin kay Seulgi. Salubong ang kilay ng babae sa harap niya pero hindi nagpatinag si Seungwan.

“Ayaw niya ko kalaro eh!” hindi na pinansin ni Seungwan si Seulgi, dali dali siyang humarap kay Joohyun bago sila nagsimulang tumakbo papunta sa paborito nilang seesaw. Si Seungwan pa ang tumulong kay Joohyun para makaupo siya at hindi naman mapigilan ni Joohyun ang pag ngiti niya nung makita niyang nakangiti si Seungwan habang nahihirapan siya sumampa.

“Joohyun! Wag mo nalang pansinin yun si Tulgi! Bad siya! Di natin siya dapat bati!” tumango tango si Joohyun habang nagpapatuloy sila na naglalaro ni Seungwan sa may seesaw. Nakita niyang nakangiti si Seungwan habang tinuturo niya ang nagtitinda ng ice cream. “Sana sa susunod makabili na tayo kay manong tenenen!” napatingin si Joohyun sa nagtitinda ng ice cream bago siya tumingin ulit kay Seungwan na kumakaway pa sa nagtitinda ng ice cream.

“Gusto mo ba ng tenenen?” tumango si Seungwan bago siya bumaba mula sa seesaw nung makita niyang bumaba narin si Joohyun. Dali dali siyang lumapit sa kaibigan niya bago sila nagsimula magpunta sa may damuhan para maupo.

“Mukha siyang masarap eh sabi ko kay mama na ibili niya ko sabi niya bawal daw kasi baka ubuhin ako.” nakatingin si Joohyun sa nagtitinda ng ice cream determinado siyang makabili nito para mapakain niya si Seungwan. “Ikaw ba? Gusto mo rin ba ng tenenen?” umiling si Joohyun bago siya umusog para makabulong siya kay Seungwan.

“Ayaw ko siya dati, pero kasi sabi mo gusto mo siya parang gusto ko narin.” natawa si Seungwan bago niya hinila si Joohyun para humiga sa damuhan, tumatama ang sikat ng araw sa mga mukha nila pero masaya si Joohyun na kasama niya si Seungwan ngayon.

“Sabay tayo dapat lagi gagawa ng mga first natin ha!” nakita ni Joohyun na naka taas ang pinky finger ni Seungwan kaya wala narin siyang nagawa kung hindi makipag pinky promise.

At sa mga oras na yun, pinangako ni Joohyun na susuprise niya si Seungwan gamit ang tindang ice cream ni Manong Tenenen.

“Mama! Kapag ba nagtulong ako sayo sa tindahan bibigyan mo ako ng pambili?” napatingin si Yoona sa five year old na Joohyun, nakatayo ito sa may tindahan nila ng ulam habang nakasuot ng pink na apron na pinilit niyang ipabili sa mama Yoona niya. Nagtaka naman si Yoona dahil hindi naman humihingi ng kahit anong pera si Joohyun, ito ang unang beses.

“At bakit naman aber? Hindi ba pwedeng tulungan mo lang si Mama?” nag pout si Joohyun habang hawak niya ang isang sandok, diretcho ang tingin niya sa mama niya bago siya umupo sa may monoblock. “Sige na, ano ba ang gusto mong gawin sa pera?” parang kuminang ang mata ni Joohyun bago siya nagmadaling tumakbo papunta sa mama Yoona niya. Hindi naman mapigilan ng mama niya na matawa dahil ang cute cute ni Joohyun na parang nanghihingi ng candy.

“Gusto ni Seungwan ng tenenen mama! Bibilan ko si Seungwan ng tenenen!” nalilito si Yoona kaya umupo siya at kinandong si Joohyun na sobrang ngiting ngiti habang hawak niya parin ang sandok ng isa sa mga paninda ni Yoona.

“Tenenen? Ano yun anak?” natatawang tanong ni Yoona habang inaayos ang ribbon na suot ni Joohyun, madalas kasing naiiwan lang si Joohyun sa bahay o di naman kaya nakikipaglaro ito sa labas pagkatapos matulog kaya naman nagulat si Yoona nung makita niya si Joohyun na dumiretcho sa tindahan nila pagkatapos niyang pumasok sa school.

“Si manong tenenen mama! Yung nakabike!” naisip ni Yoona kung gaano ka pure ang mga bata, napangiti siya bago pinisil ang pisngi ni Joohyun na dali daling umingit dahil ayaw na ayaw niyang ginaganun siya ng mama Yoona niya. “Gusto ni Seungwan ng tenenen kaso ayaw siya bilan ni Aling Jessica! Kasi baka ubuhin daw siya.” tumango tango naman si Yoona bago siya tumayo dahil may pumasok na customer, agad rin itong binati ni Joohyun buti nalang at si Aling Taeyeon lang ito. “Ano pong bibilin niyo aling Taeyeon?” nakangiting bati ni Joohyun bago siya tumungtong sa upuan niya para makita niya ang mga ulam na tinda ng mama niya.

“Pwede bang bilin ko na itong anak mong pag ka cute cute Yoona.” natawa naman si Yoona bago umiling at niyakap si Joohyun na napangiti nalang rin kay Aling Taeyeon. “Pabili ako nitong Sinigang, tapos samahan mo narin ng isang kanin.” sumaludo si Joohyun bago siya tumingin sa mama niya, nagaantay ng utos nito.

“Sige na takalan mo si aling Taeyeon ng kanin. Marunong ka diba?” tumango ng mabilis si Joohyun bago siya agad na nagpunta sa may lagyanan ng kanin. Napatingin nalang parehas si Yoona at Taeyeon kay Joohyun. “Alam mo ba, nagulat ako gusto niya daw tumulong dito aba akala ko naman nagmamalasakit, yun pala gusto magkapera para mabilan ng ice cream si Seungwan.” natawa ang magkaibigan habang pinapanood si Joohyun na nilalagay sa plastic ang tinakal niyang kanin, kitang kita mo na matalinong bata si Joohyun dahil maayos niyang nagawa ang isang task na nakikita niya lang na ginagawa ng mama niya.

“Nakakatawa siguro ano kapag nagkatuluyan silang dalawa.” napaisip si Yoona dahil kitang kita niya sa mga mata ni Joohyun ang determinasyon na makatulong at makaipon ng pera. “Ang cute cute nila maglaro palagi silang may sariling mundo.” nagulat si Yoona nung makita niya si Joohyun na nakatayo na ulit sa tabi niya, inilagay niya na mismo ang plastic ng kanin sa plastic ni Taeyeon. “Salamat Joohyun, ang galing galing mo naman.” ngumiti si Joohyun bago nakipag apir kay Aling Taeyeon.

“Para sa tenenen ni Seungwan!” nagbayad narin si Taeyeon bago tinapik ang ulo ni Joohyun na nagpasalamat nang paulit ulit kay Taeyeon. Si Yoona naman napailing nalang bago inutusan si Joohyun na gumawa ng iba pang bagay.

Natapos ang araw, nakatayo si Joohyun sa harap ng Mama Yoona niya na nakangiti may hawak na one hundred pesos. “Ang galing galing naman ng assistant ko ngayong araw. Salamat anak.” inabot ni Yoona ang one hundred na kinagulat naman ni Joohyun, hindi kasi siya nasanay na humahawak ng pera dahil nagbabaon siya ng pagkain sa school. “Kumain kayo ng tenenen ni Seungwan bukas ha?” agad na niyakap ni Joohyun ang mama niya bago siya ngumiti at tumalon talon papasok sa kwarto niya, dali dali ring kinuha ni Joohyun ang purple na bunny wallet na binigay sa kaniya ni Seungwan nung nakaraang pasko.

Hindi na makapagantay si Joohyun na makita si Seungwan bukas.

Kaya naman nagantay si Joohyun, nagantay siya sa may swing buong araw hanggang sa lumubog ang araw. Ilang beses niya ring narinig ang pag daan ni Manong Tenenen pero hindi niya nakita si Seungwan. Malungkot na naglakad pauwi si Joohyun hawak hawak niya ang wallet niyang purple bago niya narinig ang pagkulog, nagmadali siya sa paglakad pauwi pero naramdaman niya ang pagpatak ng ulan.

Napabuntong hininga nalang ang five year old na si Joohyun pero naramdaman niya na may humila palapit sa kaniya habang may hawak na payong. “Joohyun uulan na, bakit nandito ka pa sa labas?” narinig niya ang boses ng mama ni Seungwan, si Aling Jessica, may hawak itong payong at may hawak rin na tempra na gamot. “May sakit si Seungwan kaya hindi siya nakapaglaro sa labas ngayon.” nung marinig yun ni Joohyun ay nakaramdam siya ng lungkot at pagaalala. Tumingin siya kay aling Jessica habang pinipigilan ang pagiyak niya. Ayaw niyang nasasaktan talaga si Seungwan.

“Pwede ko po ba siyang bisitahin?” napangiti naman si Jessica bago siya tumango, nagsimula narin silang maglakad papunta sa bahay nila. Hindi rin nakalimutan na tawagan ni Jessica si Yoona para ipaalam na nandito si Joohyun sa kanila.

Pagkapasok nila sa bahay nila Seungwan, nakita niya ang kaibigan niya na natutulog sa kama niya may kulay blue na nakalagay sa noo niya habang balot na balot ito ng kumot. “Bigla kasi siyang nilagnat kagabi, hindi ko rin alam kung bakit, mataas ang lagnat niya kagabi pero ngayon medyo okay naman na siya.” lumapit si Joohyun sa kama ni Seungwan bago siya naglakas ng loob na hawakan ang noo ng kaibigan niya, pinagmamasdan lang ni Jessica si Joohyun na humihikbi. “Inaantay mo ba si Seungwan buong araw?” napatango nalang ang bata bago siya umupo sa maliit na espasyo sa kama ni Seungwan. Pinagmamasdan niya ang maamong mukha nito habang natutulog. “Pasensya ka na Joohyun ha, sigurado ako na pag okay na si Seungwan, makakapaglaro na kayo ulit.” pinunasan ni Joohyun ang luha niya bago niya tahimik na pinagmasdan ang kaibigan niya.

Sa mga oras na ito, walang ibang hiling si Joohyun kung hindi gumaling na si Seungwan para makapag laro na sila ulit.

Pero hindi lubos akalin ni Joohyun na aabot sa punto na kailangang maospital ni Seungwan. Kagagaling lang sa school ni Joohyun nung makita niya ang Mama Yoona niya na nakaupo sa sofa nila. “Mama, pwede ba ako pumunta kina Seungwan? Nanalo ako ng laruan sa school! Gusto ko ipakita sa kaniya!” tumatalon talon pa si Joohyun habang hinuhubad ang suot niyang uniform, nakita niyang napabuntong hininga ang mama Yoona niya kaya napahinto si Joohyun.

“Anak, hindi pwede eh, dinala si Seungwan sa Ospital kasi hindi bumubuti yung kalagayan niya.” napaupo si Joohyun habang nakatingin sa mama niya, hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang naiyak habang pilit na iniintindi ang mga bagay. Kahapon lang ay nakita niya si Seungwan na nakangiti nung binisita niya ito.

“Mama… p…pwede ba tayo magpunta kay Seungwan? Gusto ko siya makita.” wala namang lakas ng loob si Yoona na humindi sa anak niya, lalo na nung makita niya itong umiiyak habang mahigpit ang hawak sa laruan niya.

Pagkadating nila sa Hospital sakto namang gising si Seungwan kaya naiwan ang dalawa sa loob ng kwarto. Nakaupo si Joohyun sa may kama habang nakatingin lang kay Seungwan. “Joohyunie, may pagkain ako, gusto mo ba kumain?” umiling si Joohyun habang nakatingin sa kamay ni Seungwan na may dextrose, hindi maisip ni Joohyun kung gaano kasakit ang mga tinurok kay Seungwan at di niya mapigilan na maiyak na naman.

“Seungwan, hindi ba masakit?” hinawakan ni Joohyun ang kamay ng kaibigan niya ng dahan dahan, para bang takot na takot siya na madiinan man lang sa kahit anong aspeto. Mabilis na umiling si Seungwan bago pilit na umupo, kitang kita na nanghihina ito pero pinilit niya parin ngumiti.

“Hindi, kasi sabi ni mama, kapag nag pa ganito ako mas bibilis ako gumaling.” humihikbi si Joohyun kaya naman pinunasan ni Seungwan ang mga luha niya gamit ang isa niyang kamay. “Pag mabilis ako gumaling, mas mabilis tayo makakapaglaro ulit.” hindi na alam ni Joohyun kung ano ba ang nararamdaman niya, siya mismo ay nalilito, pero nung marinig niya yun kay Seungwan wala na siyang iba naramdaman kung hindi ang kasiyahan dahil alam niyang hindi lang siya ang sabik na makapaglaro sila ulit.

“Promise magpapagaling ka agad ha, para makakain tayo ng tenenen pag labas mo.” tumango si Seungwan bago niya itinaas ulit ang pinky finger niya, may ngiti sa labi niya kahit na may sakit siya na nagdala rin ng ngiti kay Joohyun.

Sa oras na nagsiklop ang mga daliri nila, alam ni Joohyun na hindi niya kailangan magantay ng matagal. Dahil sigurado siya na makakakain narin sila ng tenenen ng magkasama.

Sa wakas dumating narin ang araw na nakalabas na si Seungwan mula sa Hospital. Unang una niyang ginawa ay pumunta sa Playground, nakita niya si Joohyun na kalaro si Seulgi habang tumatakbo. Napahinto si Seungwan habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung anong gagawin kaya naman umupo nalang siya sa may swing. “Seungwan! Gusto mo ba tumali?” napatingin si Seungwan sa boses ni Winter na hinihingal pa. Mabilis na umiling si Seungwan habang nakayuko parin.

Tumayo nalang si Seungwan bago siya nagsimulang maglakad umuwi, narinig niya ang pagtunong ng bike ni Manong Tenenen kaya naman mas lalo niyang naramdaman ang lungkot. “Sabi mo kakain tayo ng tenenen, tapos di mo na ako friend.” nagsimulang maglakad si Seungwan pero nagulat siya nung may humablot sa kaniya palapit.

“Seungwan! Seungwan! Kanina pa kita hinihintay! Halika na! Bibili na tayo ng tenenen!” bakas sa boses ni Joohyun ang saya habang hawak niya ang kamay ng kaibigan niyang si Seungwan. Hindi alam ni Seungwan kung ano ba ang dapat niyang maramdaman, pero agad din siyang ngumiti nung makita niya si Joohyun na hawak ang purple na wallet na binigay niya. “Anong gusto mo Seungwan?” nakatayo sila sa may harap ng bike at pilit na tumatalon talon para makita ang mga tinda ni Kuya.

“Kuya tenenen! Ano! Ano po masarap!” ang saya saya ni Seungwan na nagtatanong kaya pati si Joohyun ay napapatalon narin, tinuro naman ni Kuya ang blueberry at strawberry na ice cream “Hyun! Hyun eto nalang blue and pink!” tumango tango si Joohyun bago inabot kay Kuya Tenenen ang bayad, nakangiti si Seungwan nung iaabot na sa kaniya ang ice cream.

Pagkakuha ng sukli agad rin silang umupo sa may swing, nakangiting nakatingin si Joohyun kay Seungwan na busy na kumakain. Worth it ang pagtulong niya sa tindahan nila lalo na nung makita niya ang ngiti ni Seungwan.

Habang palubog ang araw, magkasama nilang kinakain ang Ice cream, naisip ni Joohyun na gusto niyang masanay na kasama niya si Seungwan sa bawat paglubog at pagsikat ng araw.

-

Dahil magkaibigan sila, hindi rin maiiwasan ang mga pagkakataon na nagaaway sila. Well kung tutuusin si Seungwan naman talaga ang madalas na may kasalanan. Kung titignan niyo isa talagang makulit at pasaway na bata si Seungwan. Madalas rin silang napapaaway sa tuwing naglalaro sila sa labas.

Isa yun sa nangyayari ngayon, nakita niyang nakaupo si Seungwan habang pinapalibutan ng ilang mga bata. Kakagaling lang ni Joohyun sa bahay nila para uminom ng tubig at ito ang naabutan niya. “Bakit! Tama naman ha! Inaaway mo ko eh nakikitanong lang naman ako kung pwede magsakay ha!” narinig ni Joohyun ang boses ni Seungwan, bakas sa boses niya na pinipigilan niyang maiyak.

Dali daling tumakbo si Joohyun bago niya tinulak ng bahagya ang batang si Moonbyul. Pinagtaasan niya ito ng kilay kaya napaatras sila. “Bakit niyo pinalilibutan si Seungwan! Tigilan niyo siya!” si Joohyun mismo ang nagtayo sa kaibigan niyang si Seungwan, nakita niya rin na may malaki itong sugat sa may tuhod niya. “Sino nagtulak kay Seungwan ha!!” nakapamewang si Joohyun habang tinuturo si Moonbyul at Seulgi na napaatras na naman dahil nakakatakot tignan si Joohyun.

“Joohyun, okay lang ako.” napailing si Joohyun bago niya tinululungan tumayo si Seungwan na kitang kita na pinipigilan ang pagiyak niya. Napabuntong hininga si Joohyun bago siya tumingin pabalik sa dalawang bata.

“Wag na wag niyo sasaktan si Seungwan!” habang naglalakad sila pauwi sa bahay nila Seungwan, hindi mapigilan ni Joohyun na maiyak dahil alam niyang nasasaktan si Seungwan pero pinipigilan nito ang pagiyak. “Bakit hindi ka umiiyak? Hindi ba masakit?” tumango si Seungwan bago sila huminto sa paglalakad, hindi rin alam ni Joohyun kung ano ba ang dapat niyang gawin. Pero nung makita niya si Seungwan na nakatingin sa kaniya, di niya napigilan na tuluyang umiyak.

“Hindi mo naman kailangan na makipagaway para sa akin.” pinunasan ni Joohyun ang luha niya bago siya humakbang palayo kay Seungwan. “Kasi kaya ko naman yung sarili ko Hyun. Bad makipagaway.” napalunok si Joohyun, hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng bigat at sakit sa puso niya. Parang pakiramdam niya ay mali ang ginawa niya.

“So sinasabi mo na mali yung ginawa ko?” tumango si Seungwan kaya naman tuluyan nang humakbong palayo si Joohyun. Dali dali nitong pinunasan ang luha niya habang nakatingin ng diretcho kay Seungwan. “Sabi mong mali yung makipagaway, pero ikaw nakikipagaway ka. Gusto lang naman kami ipagtanggol. Kasi kaibigan kita.” at ayun nalang ang huling nasabi ni Joohyun bago siya tuluyang tumakbo pauwi.

Pagkadating niya sa bahay nila, pilit niyang tinatago ang mga luha niya sa Mama Yoona niya pero dali dali siya nitong pinigilan at hinawakan sa braso. “Joohyun? Anak anong nangyari.” pinunasan ni Yoona ang luha ni Joohyun. Humihikbi ang bata habang nakatingin sa mama niya.

“Mama, hindi na ako gusto kaibigan ni Seungwan.” napangiti si Yoona dahil napagtanto niya na sobrang cute pala talaga ng mga a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
towonderandwander #1
Chapter 1: Pinagpapawisan mga mata ko. 🥹
mklarisse_ #2
Chapter 2: Sobrang ganda 😭😭😭 thanks for this chap!! Happy to see the backstory n their present 🥹 mapapa sana all ka nalang talaga grabe this kind of loveee
todayis_wenrene #3
Chapter 2: hahaha si menace seungwan na nagpaiyak kay ate seunghee niya ang napicture out ko dito 😆 at ang taba ng utak mo, author, dun sa tenenen 😂😂

medyo nabitin lang ako dun sa nagst backstory pero keri lang, fluff ng pala dapat tayo dito ☺️ thank you so much author! Happy new year! Looking forward to your future stories! 🩷🩵
baejoonism #4
Chapter 2: Aww super cute nilaa!! 😭 worth it yung mga hardships nila in the end 🥹 thank you otor sa sequel!! 🫶
shadowhunter1640 #5
Chapter 2: Chapter 2: Akala ko nung una si mamang sorbetero yung tenenen. Yun pala yung nasa bike na lumiligid sa hapon. Tenenenen tenenenen tenenenenen 😆 hayup mamang cornetto pala 😆

Baka pwede pa matuloy yung story author-nim? Hehe

Happy new year!!
SEEKER_
#6
Chapter 2: Ang cute hahaha tsaka daming anda ni seungwan pang flight hahaha charot. Bata palang si seungwan may rizz na hahahaha. Naisip ko lang parang mas nauna atang humarot si seungwan kaysa magsalita ng mama at papa hahaha. Happy new year to you!
wandaful77
#7
Chapter 1: More!!!!!! Ang ganda! 😭💗💙
mklarisse_ #8
Chapter 1: sobrang ganda 🥹 simbang gabi girl lines ni sooyoung ang funny talaga 😭 salamat sa pagsulat nito authornim!!! pwede na ako makatulog nang nakangiti
WluvsBaetokki #9
Chapter 1: Nakakabitin otor! Kinilig kasi ako ng bongga!
todayis_wenrene #10
Chapter 1: ung down ang aff pero sige lang sa tyaga magload ang site para mabasa ito 😭😭
grabe, thank you so much sa pagpapakilig 🩷🩵 walang mintis pa rin author. more pa po? 🙏🏼🤲🏼