FIN - Alas Dose

Alas Dose
Please Subscribe to read the full chapter

Pasko, ika nga nila ang Pasko ay para sa mga bata, ito ang panahon ng pagbibigay ng regalo at ang panahon nang pagmamahalan. Maraming mga bata ang nagaantay sa pagsapit ng Pasko, dahil sa regalo at mga bagay bagay.

Pero para kay Joohyun, iba ang kahulugan ng Pasko. Ang pinakamahalagang okasyon at ang kaniyang pinakaaantay sa lahat. Sa tuwing sasapit ang buwan ng September, wala nang ibang ginawa ang nasabing dalaga kung hindi magbilang at magdasal na mas bumilis pa ang mga paglipas ng araw. Sa bawat araw na nalalagas sa kalendaryo ay ang lalong pag taas ng excitement niya.

“Ang bilis naman ng araw! Hindi ba pwedeng kumalma lang siya.” narinig ni Joohyun ang boses ng kaibigan niyang si Sooyoung, kasalukuyan silang nakaupo sa may Sunken Garden habang nagpapalipas ng oras. “Pero sabagay okay narin! Para matapos na ang sem!” nakatingin si Joohyun sa cellphone niya habang naririnig ang pag rumble ni Sooyoung. Napangiti ang Engineering student nung makita niya ang isang message na kakapasok lang.

Seungwan: Are you sure you don’t want anything else besides sa binili ko sayo? Anything specific?

Napabuntong hininga si Joohyun bago siya nagsimulang mag-type ng reply para sa kaibigan niyang si Seungwan.

Joohyun: Sabi ko naman sayo na wag ka na magabala diba. Basta makauwi kayo ng safe nila Tita okay na yun. See you soon. Matulog ka na diyan.

“Ngiting ngiti ka diyan ah, sino ba yan? Si Bogum?” umirap si Joohyun bago agad na binulsa ang cellphone niya. Inayos rin nito ang bag niya dahil malapit narin ang susunod nilang klase.

“Hindi, si Seungwan yun. Nagtatanong baka may gusto ako pabili.” natawa si Sooyoung bagong dali daling siniko ang kaibigan niya. Napangiwi naman si Joohyun bago nito hinampas si Sooyoung.

“Ay oo nga! Pauwi na si Simbang Gabi girl. Edi masaya na naman ang puso nitong marupokpok kong kaibigan na hindi makahanap ng iba kung hindi si Simbang Gabi Girl.” napabuntong hininga si Joohyun, gusto niyang kumalma dahil nangingibabaw ang kagustuhan niyang balatan ng buhay si Sooyoung. “Ano bang meron yan si Simbang Gabi girl ha?” napahinto si Joohyun, ano nga bang meron si Seungwan at pilit niya itong hinihintay at pilit niyang pinipili kahit na alam niyang mas malabo pa sa mata ng mama niyang si Yoona na magustuhan siya nito.

Anong bang meron si Seungwan na nagpahinto sa mundo ni Joohyun? Sa totoo lang ayan rin ang araw araw na tanong ni Joohyun sa kaniyang sarili. Sa ilang dekada niyang nakilala si Seungwan, hindi niya narin marahil mabilang kung ilang beses na siyang umiiyak sa tuwing kailangan nitong bumalik sa Canada. Simula nung nakilala niya ang ubod ng liksi at masayahing si Seungwan ay parang nakalimutan na ni Joohyun ang salitang marami pang iba.

“Tangina mo! Ayan ka na naman sa nickname mo. May pangalan siya pwede ba!” natatawa si Sooyoung habang naglalakad sila ni Joohyun papunta sa huling klase nila para sa araw na ito.

“Ay, ayaw mo ba na binibigyan siya ng nickname ng ibang tao? Bakit kayo ba?” napahinto na sa paglalakad si Joohyun, pati si Sooyoung ay natawa lalo na nung makita niya ang mga nanlilisik na mata ni Joohyun na handa siyang wakasan sa oras na ito. Alam naman ni Sooyoung na hindi itutuloy ng kaibigan niya ang gusto nitong gawin pero natutuwa talaga siyang asarin si Joohyun pag dating kay Simbang Gabi girl.

At napaisip si Joohyun, ano nga bang karapatan niya para magalit or mainis. Hindi naman sila.

-

Kinakabahan si Seungwan, hindi niya rin lubos maintindihan bakit iba ang kaba na nararamdaman niya ngayon. Salungat ng malamig na klima sa Canada ang sumalubong sa kaniya sa paglabas niya ng eroplano. Sinabihan naman na siya ni Joohyun na hindi malamig ngayon sa Maynila at lamang pa nga ang mainit na panahon. “You look so tensed anak.” napatingin si Seungwan sa mama niya habang hawak nito ang plastic na binili niya sa may Duty Free bago siya nag board kanina.

“Nope ma, pagod lang siguro.” napangiti nalang si Jessica bago tinapik ang ulo ng anak niya, alam niya namang kinakabahan ito dahil isang taon rin simula nung huli silang nagkita ni Joohyun, at walang araw na hindi nababanggit ng nasabing dalaga ang pangalan ng engineering student niyang kababata.

“Sus hindi ba dahil kinakabahan ka na makita ulit si Joohyun?” sa pagkabanggit palang ng pangalan ng dalaga ay agad nang namula ang tenga ni Seungwan, hindi naman ito napalampas ng mama niya na napailing nalang habang nakapila sila sa counter sa immigration. “Balita ko, may pasok pa si Joohyun paano kayo makakapasyal niyan.” mabilis ang tibok ng puso ni Seungwan habang nakatayo doon at nagaantay, parang gusto nalang sumingit ni Seungwan para makalabas na siya agad ng airport.

“Finals na nila ma, siguro di ko muna siya guguluhin para makapagfocus siya.” bakas kay Seungwan ang pagkasabik na makasama si Joohyun, sa loob ng isang taon, marami siyang gustong ibahagi na inipon niya at mas pinili na hindi sabihin kay Joohyun sa tuwing magkausap sila bago matulog ang dalaga at bago siya pumasok sa university rin.

Kahit na may labing apat na oras na namamagitan sa kanilang dalawa, at kahit na nasa magkabilang dulo sila ng mundo palaging gumagawa ng paraan si Joohyun na makausap niya ang kaibigan kaya naman laging nagpapasalamat si Seungwan sa tuwing naguusap sila. “Ikaw matitiis mo na di guluhin si Joohyun? Ngayon pa nga lang nakikita ko na kung gaano ka naiinip” umirap nalang si Seungwan bago dali daling pumunta sa immigration counter. Inabot niya narin agad ang passport niya bago siya tumingin sa likod niya at nakita niya ang Mama Jessica niya na nakangisi, bakas sa mga labi at mata nito na inaasar niya si Seungwan.

Pagkatapos sa immigration, nauna nang bumaba si Seungwan para antayin ang mga maleta nila ng mama Jessica niya sa may conveyor belt. Hindi na talaga makapagantay si Seungwan na makalanghap ng hangin sa Maynila at higit sa lahat ay makita si Joohyun pagkatapos ng isang taon na pagaantay. “Ma, isa nalang yung pink mo na maleta nalang wala.” natawa si Jessica nung makita niya ang mga maleta na nakalagay na sa cart. Hindi naman halata kay Seungwan na sobrang excited na siya.

Pagkadating ng maleta ni Jessica, si Seungwan na mismo ang naglagay sa cart bago sila tuluyang lumabas na. Dahil buwan ng Disyembre, expected na ni Seungwan ang dami ng tao. Kagaya lang ito nang mga nakaraan niyang uwi. Napahugot ng malalim na hininga ang dalaga at nung makita niya ang mga taong nagaabang sa may salamin ay hindi niya mapigilan ang pag ngiti. Nakakita siya ng mga batang nagaantay habang kasama ang mga mama nila, ito ba ang diwa ng pasko ang muling makasama ang mga taong mahalaga at mga mahal mo sa buhay?

Sandaling napaisip si Seungwan, dahil para sa kaniya, ang pasko ay ang mga oras na muli niyang nakakasama ang nagiisang tao na kaniyang mahal. Kailangan mang bumilang ni Seungwan ng tatlong daan at anim na put’limang araw ay sigurado siyang magiging worth ito lalo na kung makikita niya muli ang ngiti ni Joohyun.

At sa oras na natanawan niya si Joohyun na nakatayo habang nakatingin sa mga taong kasabay niya lumabas ay parang nakalimutan na ni Seungwan ang konsepto ng oras, lalo na nung magtama ang mga mata nila at nakita niya muli ang ngiti ng kaibigan niya.

Si Jessica na mismo ang kumaladkad kay Seungwan dahil parang naestatwa na ito, ang Tito narin ni Joohyun na si Minho ang nagtulak ng mga bagahe nila. “H..Hi.” parang gusto ni Seungwan na sumabog at magpakain nalang sa lupa dahil nautal siya sa unang pagbati niya kay Joohyun. Nakita niyang nakatingin ang kaibigan niya sa kaniya bago tinuro ang jacket niya. “A..Ah! Oo nakalimutan ko tanggalin kaya siguro pawis ako.” awkward na tumawa ang Canadian bago niya hinubad ang jacket niya, nakita niya rin ang mama niya na tinatawanan siya.

“Kumusta yung flight mo? Wala ka bang jetlag?” mabilis na umiling si Seungwan bago nag thumbs up. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nanginginig habang nakatingin kay Joohyun na nakangiti lang sa kaniya. “Tara na siguro? Para makapagpahinga narin kayo. Welcome back to Manila, Seungwan.” napangiti nalang rin si Seungwan bago siya nagsimulang maglakad sa tabi ni Joohyun.

Nauna nang maglakad ang mama nila at naiwan naman si Seungwan at Joohyun sa likod. Nakangiti si Seungwan habang hawak niya parin ang Duty Free ni Joohyun. “Thank you pala for always being there to welcome me sa Manila.” nakita ni Seungwan na napangiti si Joohyun bago ito tumingin sa kaniya, bakas sa mukha ng Iska ang saya kaya hindi mapigilan ni Seungwan na mapangiti rin lalo.

“Well, di ko naman kaya ipako ang pangako na binigay ko sayo nung time na kailangan mo na umalis fourteen years ago.” naalala pa ni Seungwan kung gaano siya umiyak nung malaman niya na kailangan na nilang umalis ng Maynila para sa trabaho ni Mama Jessica niya sa Canada. Napakahirap para kay Seungwan na iwan ang bahay na kinalakihan niya sa loob ng pitong taon, at higit sa lahat ay mawala’y ng tuluyan sa pinaka-matalik niyang kaibigan na si Joohyun.

“That was fourteen years ago na?” tumango si Joohyun bago sila sumakay sa loob ng Van, naupo ang dalawang magkaibigan sa likod. Nakita ni Seungwan kung paano ngumiting tipid si Joohyun.

“December 12, 2009, sa tapat ng Bakery nila Ate Hyoyeon.” itinago ni Joohyun ang sakit sa pagtawa bago siya sumandal sa may bintana, si Seungwan naman ay walang ibang magawa kung hindi tumingin nalang sa kaibigan niya. “Grabe yung iyak mo noon, tapos ako pilit kong pinipigilan yung pagiyak ko kasi ayaw ko na isipin mo na ayaw kong umalis ka. Ayaw kong umiyak sa harap mo kasi ayaw ko na mahirapan ka at mas ipilit mo na magstay ka dito.” napalunok si Seungwan, lampas isang dekada na pero ngayon lang nila napagusapan ito.

“Ayaw mo na umalis ako?” umiwas ng tingin si Joohyun bago siya tumawa saka siniko si Seungwan. Nakita ni Seungwan kung paano mabilis na tinago ni Joohyun ang kaniyang emotion kaya wala nang nagawa ang Canadian kundi tumawa nalang rin.

“Oh Joohyun! Saan nga ulit yung kainan na sinasabi mo?” nagpasalamat si Joohyun dahil pansamantalang naiba ang topic at nakaiwas siya sa mapangmatyag na mata ni Seungwan.

-

Ito ang unang araw ni Seungwan sa Maynila, maaga siyang nagising kaya napagpasiyahan niya na pumunta kina Joohyun, dala niya rin ang susi ng sasakyan niya dahil gusto niyang ihatid ang kaibigan sa UP.

Pagkahinto niya sa harap ng bahay ng mga Villanueva, nakita niya agad ang mga mata ng kapitbahay nila Joohyun. “Nandito na pala yan.” narinig ni Seungwan ang boses ng isang lalaki na nakatambay sa tindahan nila Aling Hyoyeon. Napalunok nalang si Seungwan bago niya pinindot ang doorbell sa bahay nila Joohyun.

Tinignan ni Seungwan ang paligid, marami ring nagbago sa loob ng isang taon. Kulay blue na ang kulay ng gate nila Joohyun, dati ay kulay white ito. Marami naring ibang tinda si Aling Hyoyeon naging mini grocery at bakery na ito. Saglit na napaisip si Seungwan, kung ang mga bagay sa paligid ay nagbabago, may pagasa rin bang magbago ang tingin sa kaniya ni Joohyun?

Narinig ni Seungwan ang pagbukas ng gate at nakita niya si Joohyun na may kagat pang pandesal habang may tuwalya pa sa ulo. Bakas sa mukha ng dalaga ang gulat. “Seungwan? Anong…. halika pumasok ka.” si Joohyun na mismo ang humila sa kaibigan niya papasok ng bahay nila.

Agad na nagmano ang Canadian kay Yoona na nakangisi habang pinapanood si Joohyun na nagmamadaling magayos. “Good morning po, hahatid ko po sana si Joohyun sa school.” tinuro ni Yoona ang upuan sa may dining table kaya wala nang ibang nagawa si Seungwan kung hindi umupo rin.

“Ay talaga ba anak? Kumain ka na ba? Gusto mo ng kape?” iiling na sana si Seungwan pero si Joohyun na mismo ang nagabot sa kaniya ng tasa ng kape pati narin ng pandesal na may palaman na itlog.

“Kumain ka, ayan ka na naman sa pag sk-skip mo ng agahan.” hindi mapigilan ni Yoona na mapatingin kay Joohyun, kilalang kilala niya ang anak niya. Napailing nalang ito bago uminom sa kape niya at pinanood ang dalawa na kumain rin ng umagahan.

“Done?” tumango si Joohyun bago niya sinuot ang ID niya, kukuhain niya na sana ang bag niya pero naunahan siya ni Seungwan at siya na mismo ang nagbitbit nito. “Tita, mauna na po kami. Hatid ko muna po si Hyun.” nagmadaling lumabas si Yoona ng kusina at pansamantalang iniwan ang niluluto nitong paninda.

“Ay sige anak, ingat kayo. Joohyun, magusap tayo mamaya.” nagtaka naman si Joohyun pero tumango ito bago humalik sa pisngi ng mama niya. Narinig niya ang pagbulong ni Yoona. “Alam ko na yang mga tingin mo na yan anak.” napairap nalang ang Iska bago siya mabilis na lumabas ng bahay, si Seungwan naman ngumiti lang at nagbow bago nito pinatunog ang sasakyan niya.

Tahimik lang sila habang nasa loob ng sasakyan, si Seungwan ay paminsan minsan na humuhuni sa tugtog ng playlist niya. “Hanggang ano oras exam mo today?” naglakas ng loob si Seungwan na magtanong habang nakatingin siya sa kalsada, sakto naman na nagred ang stoplight kaya nakasulyap siya kay Joohyun na nakatingin lang rin sa bintana.

“Hanggang three, dalawa lang test ko today.” tumango naman si Seungwan habang tinatapik ang manibela niya, humahanap ng magandang timing ang dalaga para yayain si Joohyun na magpunta sa perya mamayang gabi.

“I heard kay Aling Seohyun na magbubukas mamayang gabi yung perya, baka may time ka?” nakita ni Seungwan na napahinto si Joohyun sa pagayos ng bag niya, nabalot ulit ng katahimikan ang sasakyan. Parang nagsisi ang Canadian na tinanong niya pa si Joohyun. “Pero if kailangan mo magaral, okay lang, marami pa namang araw to visit that if you want to go there too.” napalunok si Seungwan bago bahagyang tumawa, at nagpatuloy sa pagdridrive.

Pagkatapos ng ilang minuto nakarating narin sila sa tapat ng building nila Joohyun. Si Seungwan na mismo ang nagbukas ng pinto para kay Joohyun kaya naman may ilang tao ang napatingin sa kanila. “Thank you, Wan.” umiling naman si Seungwan bago inabot ang bag ni Joohyun.

“I’ll pick you up later.” tumango si Joohyun, magsasalita na sana ang Iska nung marinig niya ang boses ng kampon ng kadiliman na si Sooyoung sa may di kalayuan.

“ANG NAGSINDI NITONG ILAW!!!!!!!! WALANG IBA KUNDI IKAW!!!!!” nakita ni Seungwan na napapikit si Joohyun bago ito humugot ng malalim na hininga, kumaway naman siya sa Canadian bago nagmadali para takpan ang bunganga ni Sooyoung.

Naiwan naman si Seungwan dun na nakangiti habang pinapanood si Joohyun at ang kaibigan niya.

-

Hindi na alam ni Joohyun kung ano ba ang dapat niyang gawin sa kaibigan niya na parang sugo ni Satanas, tumatawa parin si Sooyoung habang nasa loob sila ng classroom nila. “Para kang tanga! Maguusisa na naman yun mamaya!” iritang irita si Joohyun habang nilalabas ang ballpen at lapis niya. Si Sooyoung naman ay patuloy parin sa pagtawa dahil sobrang natawa rin siya sa ginawa niya kani-kanina lang.

“Aba sabihin mo madam nagprapractice akong mangaroling!” mas humalagpak pa ng tawa ang sugo niyang kaibigan at talagang naiiyak na ito. Si Joohyun naman ay napairap nalang ulit. “Andiyan na ang Star ng Pasko mo Joohyun, taob ba si Bro?” Hindi taob si Bro dahil si Bro ang literal na dahilan kung bakit nandito si Seungwan sa Maynila ngayon. Kaya laging nagpapasalamat si Joohyun kay Bro dahil sa tuwing darating ang araw ng kaniyang kapanganakan, hindi lang siya ang masaya, dahil sobra at higit pa sa sobra ang sayang dala nito sa buhay niya.

“Alam mo! Tangina ka! Tigilan mo ko.” natatawa nalang rin si Joohyun dahil kung ano ano narin ang mga bagay na tumatakbo sa utak niya ngayon. Napatingin nalang siya sa Christmas decor sa room nila.

“Ay gaga ka, sino palang plus one mo dun sa Grad ball natin sa Feb!” naging seryoso ang tono ni Sooyoung dahil bigla niyang naalala ang parating na event nila. Napasandal nalang si Joohyun sa upuan niya.

“Mama mo plus one! Gawin ko nalang minus one para di nako aattend.” ayaw rin naman ni Joohyun na umattend ng mga ganoon, sa totoo lang mas gugustuhin niya pa na matulog nalang o makipagusap kay Seungwan kesa umattend pa ng mga ganoong type ng event.

“Ako nalang plus one mo.” narinig ni Joohyun ang boses ni Bogum, parang gusto niyang masuka at magsabi ng masasamang mga words pero nanatili nalang na tahimik si Joohyun dahil naalala niya si Bro, si bro na dahilan kung bakit nandito si Seungwan ngayon.

“Bogum, minus one ka ba?” seryosong tanong ni Joohyun habang diretcho ang tingin sa lalaki, nakapamulsa pa ito sa harap niya habang nakangiti. “Wala kasi akong naririnig na boses mo eh.” natawa si Sooyoung bago siniko si Joohyun na nagpatuloy nalang sa pagbabasa ng libro.

Si Bogum naman natawa nalang bago umupo sa tabi ni Joohyun. “Eh ikaw ba Joohyun? Plus one ka ba?” iritang irita na binaba ni Joohyun ang libro bago tumingin sa lalaki sa tabi niya. “Kasi ikaw ang napili kong plus one ko for the grad ball.” tumawa nalang si Joohyun bago tumingin kay Sooyoung.

“Hala si desisyon.” buti nalang rin at pumasok na ang professor kaya naman naligtas si Bogum sa pangbabara ni Joohyun.

Kung akala ni Joohyun ay nakaligtas siya sa pangbwibwisit ni Bogum, nagkamali s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
towonderandwander #1
Chapter 1: Pinagpapawisan mga mata ko. 🥹
mklarisse_ #2
Chapter 2: Sobrang ganda 😭😭😭 thanks for this chap!! Happy to see the backstory n their present 🥹 mapapa sana all ka nalang talaga grabe this kind of loveee
todayis_wenrene #3
Chapter 2: hahaha si menace seungwan na nagpaiyak kay ate seunghee niya ang napicture out ko dito 😆 at ang taba ng utak mo, author, dun sa tenenen 😂😂

medyo nabitin lang ako dun sa nagst backstory pero keri lang, fluff ng pala dapat tayo dito ☺️ thank you so much author! Happy new year! Looking forward to your future stories! 🩷🩵
baejoonism #4
Chapter 2: Aww super cute nilaa!! 😭 worth it yung mga hardships nila in the end 🥹 thank you otor sa sequel!! 🫶
shadowhunter1640 #5
Chapter 2: Chapter 2: Akala ko nung una si mamang sorbetero yung tenenen. Yun pala yung nasa bike na lumiligid sa hapon. Tenenenen tenenenen tenenenenen 😆 hayup mamang cornetto pala 😆

Baka pwede pa matuloy yung story author-nim? Hehe

Happy new year!!
SEEKER_
#6
Chapter 2: Ang cute hahaha tsaka daming anda ni seungwan pang flight hahaha charot. Bata palang si seungwan may rizz na hahahaha. Naisip ko lang parang mas nauna atang humarot si seungwan kaysa magsalita ng mama at papa hahaha. Happy new year to you!
wandaful77
#7
Chapter 1: More!!!!!! Ang ganda! 😭💗💙
mklarisse_ #8
Chapter 1: sobrang ganda 🥹 simbang gabi girl lines ni sooyoung ang funny talaga 😭 salamat sa pagsulat nito authornim!!! pwede na ako makatulog nang nakangiti
WluvsBaetokki #9
Chapter 1: Nakakabitin otor! Kinilig kasi ako ng bongga!
todayis_wenrene #10
Chapter 1: ung down ang aff pero sige lang sa tyaga magload ang site para mabasa ito 😭😭
grabe, thank you so much sa pagpapakilig 🩷🩵 walang mintis pa rin author. more pa po? 🙏🏼🤲🏼