Take Two: Quiapo

Quiapo
Please Subscribe to read the full chapter

Hinigpitan ko ang hawak ko sa bag habang nagmamadaling umakyat ng 3rd floor. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagising sa alarm ko. Nagulat ako 7:15 na tas 9:00 yung first class ko. 

 

Takte traffic pamandin lalo’t oras na ng pasok.

 

Hindi na ko naguniform kakamadali ko at nagwash day unif nalang para mas mabilis ako makakakilos. 

 

Habang asa FX naman ako ay nagvibrate yung phone ko. 

 

Tiger Bombits

 

[7:45am] Sharon Cuneta Dupe: *tiktok link* 

 

[7:45am] Sharon Cuneta Dupe: excited na ko mamaya!! Ang uuwi ng maaga, sasamain talaga! 

 

[7:46pm] Yunababes: ligalig mo ‘te, umoo na kami kahapon diba? HAHAHAHAHAH

 

[7:46pm] Chaer-up!: ayan gow away!! 

 

[7:46pm] AreJey: pahula natin kung kelan tatahimik si Ning

 

[7:47am] Sharon Cuneta Dupe: kayang kaya kita sakalin ngayon RJ, manahimik ka diyan! 

 

[7:47am] Sharon Cuneta Dupe: @retsam taglamig saan ka na bff? Inaaway na nila ako dito!! 

 

Wala pang 8 am, buhay na buhay na agad sila. 

 

[7:49am] retsam taglamig: pag itong phone ko nahablot, ikaw may kasalanan ah? 

 

[7:49am] retsam taglamig: Kakalagpas ko lang Examiner St., aabot naman ako before 9 

 

 

Pagdating ko naman ay nakita ko na wala pa yung prof kaya’t dali dali din akong pumasok, nakikipagkwentuhan naman si RJ sa ibang kaklase namin at itong si Ningning ay nanonood na nung tiktok ni Bestie with pink hair. 

 

“Himala atang muntik ka na malate” sabi ni Ningning at binaba ang phone niya.

 

“Di ko narinig alarm ko kanina, madaling madali ako kumilos shuta” inis kong sabi at kinuha ang suklay na inalok niya saakin. Mukha na naman sigurong binagyo itong buhok ko. 

 

“G tayo mamaya ah” paalala nito sakin at saktong pumasok na yung prof. Hindi talaga siya titigil hangga’t di namin napupuntahan yang manghuhula sa Quiapo. 

 

Nagunat muna ako ng leeg at balikat dahil mahaba habang bakbakan na naman to sa Abnormal Psych. 

 

-

 

“Onti nalang talaga kanina hihimatayin na ko” sabi ni RJ habang hinihilot ang noo nito. Totoo din naman kasi, 8:00 start nung class then 12:00 na siya natapos sakto. Original schedule is until 10:00 lang pero wala naman daw kaming next period kaya’t nagextend ng ganon. 

 

Pakiramdam ko kitang kita na sa noo ko yung ugat sa sobrang information overload. Naghalo-halo na lahat ng terms mula Bipolar Disorder hanggang Anxiety Disorder. Di ko na alam paano igagapang ang 3rd year ko, totoo nga sinasabi ng mga senior na sa 3rd year ang ultimate bagsakan. 

 

Alexa, play Bagsakan by PNE, Francis M. and Gloc 9. Chariz!

 

“Kain muna tayo bago pumunta sa pagawaan” aya ni Ningning saamin at minessage na sila Chaeryeong na palabas na kami. 

 

“Angkong?” tanong ko habang nagpapaypay, sobrang init today grabe parang hindi na normal to? Kahit tumayo ka lang pinagpapawisan ka talaga tas ang lagkit din ng hangin. Ito ang deadly combo na pinaka ayaw ko pag mainit.

 

“RJ baka masuntok kita lumayo layo ka nga sakin” inambaan ko si RJ at lumayo dito, mainit na nga dikit pa ng dikit saken? ‘Te baka magmelt tayong dalawa neto. 

 

“Winter pangalan pero init lagi ng ulo, crazy moments” asar pa nito saakin, inambaan ko ito na hahabulin at kumaripas na nga ng takbo agad. Takot din pala sakin to eh.

 

“Hu-” ay ‘ke gago! May nabunggo si RJ. Muntik pang tumumba si ate girl buti nalang nahawakan ni RJ agad. 

 

Narinig kong tumawa si Ningning sa tabi ko. Nakakahiya maging tropa si RJ kahit kailan, hindi lang ito yung time na may muntik na siya mapatumba— like literal na tumba. Mahilig kasi makipag habulan yan tas hindi tumitingin sa dinadaanan kaya ayan. 

 

“Ay hala sorry po!” paulit ulit na nagssorry si RJ kay ate na parang natulala na ewan. Tinignan ko naman uniform nito parang hindi naman ata nagaaral dito? Nakacivilian tas wala din ID na suot, kahawig niya din yung sa How to Train your Dragon.

 

Yung color white na dragon yung kahawig niya. 

 

“It’s okay, don’t run next time” akala mo kung sinong maamong tuta si gaga. 

 

Infairness maganda si ate mong nakabunggo ni RJ ah? 

 

Mukhang di makabasag pinggan tas itong kaibigan ko parang hobby naman magbasag ng pinggan. 

 

Nauna na kami ni Ningning dahil gutom na gutom na din kami, kaya naman na ni RJ yon mag-isa. 

 

Buti nalang at onti ang tao sa angkong today at makakaupo pa din kami. Susunod nalang daw si Yuna dito dahil may hinahabol pa na prof habang si Chaeryeong ay on the way na. 

 

“Kakapal ng mukha niyo, bakit niyo ko iniwan don?” 

 

“Bakit? Kailangan mo ba ng spokesperson don?” sagot pabalik ni Ningning bago tumayo at umorder. Tinawanan ko naman si RJ, ayan bobo kasi. 

 

“Grabe mga ‘te! Super init today” halos pasigaw na sabi ni Chaeryeong pagkatapos nito isara ang payong buti nalang onti ang tao today kaya hindi super nakakahiya. 

 

“Naharang pa ko ng mga kaklase ko para dun sa isang group case namin” taray talaga ng friend group namin, halos lahat nabburn out na. 

 

Ay shet Friday na today! 

 

Makakapagpahinga na din ako ng bongga! 

 

“Tanginang init yan” bungad ni Yuna pagkapasok niya at bukas na din yung dalawang botones ng poloshirt niya. 

 

“Taray Yuns, wet look ka today?” asar pa lalo ni RJ dito. 

 

Sa awa ni Papa G, hindi pa naman kami nagaaway away kahit sobrang dadali uminit ng ulo namin. 

 

“RJ kung gusto mong makauwi sainyo ngayong weekend hindi mo ko pipikunin” at saktong dumating na ang order namin. 

 

First bite ay Thank you Lord! 

 

Sobrang solid talaga ng Angkong for me pero hindi ko din gets yung online argument about kung ano mas masarap if Angkong ba or Dimsum Treats? 

 

Parehas lang na dumplings yorn? 

 

-

 

“Buo pera ko mamaya niyo nalang ako bayaran” sabi ni Ning ng makasakay kami sa jeep dahil sa Quiapo lang naman kami magpapagawa, alangang magbus pa kami?

 

Hinubad ko naman ID ko dahil pakiramdam ko ay nasasakal na ako dito. Sumandal muna ako dahil bigla na naman naging traffic. 

 

Ang tanging agenda lang naman sa Quiapo ay magpagawa ng salamin at “magpahula” ayon kayla Chaeryeong. Kung saan naman masaya mga kaibigan niya don din siya agad eh. 

 

Ito kasi si Ningning kung ano ano naiisip, pwede namang sa EO nalang magpagawa? Dun pa siya sumiksik sa maraming tao. 

 

Saktong naibaba naman kami sa tapat ng Simbahan ng Quiapo kung saan tumigil muna sila saglit para magdasal. Hindi man ako sagrado Katoliko ay malaki pa din ang respeto ko sa mga naniniwala dito, hindi din naman ako agnostic or atheist— hindi lang talaga ako pala simba kagaya ng iba. 

 

Nagbukas ako ng payong na agad inagaw ni Yuna dahil mas matangkad nga ito saakin. 

 

Pag nasa Quiapo talaga ako, hindi ko maiwasan na mapaisip na andami talagang tao sa Manila. Marami ding kwento sa likod ng bawat tao.

 

Minsan kasi ay sinabihan ako ni Ate Seulgi nung minsa’y na habulutan ito sa Plaza. Sabi niya hinayaan niya nalang daw yung wallet niya kesa habulin kahit may 300 na laman ito baka daw kasi mas kailangan nila yon. Baka daw labag din sa loob ng magnanakaw ang ginagawa niya, last resort kumbaga. 

 

Nagalit pa nga si Ate Taeyeon nung panahon na yon, masyado daw mabait si Ate para sa mundo. Pero totoo din naman sabi ni Ate Seulgi, hindi naman natin alam yung kwento nila, so sino tayo para manghusga diba?

 

Kinalabit ako ni Chaeryeong at napatigil ako sa pagiisip. 

 

“Tara na?” 

 

Hawak hawak ni Yuna ang laylayan ng damit ko sa takot nito mawala sa dami ng tao. Very bunso vibes siya today sa paghawak sa damit ko. Sakto din kasing Friday kaya sobrang dami talagang tao. 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ariamkid
hello po! this AU will be on hold muna since our resident baby girl, Karina is now dating!! (affectionate), will or will not continue this au :))

Comments

You must be logged in to comment
iilwueee
#1
Chapter 2: yey thank you po sa update!!
EzraSeige
#2
Chapter 2: Ito na yon Winter ang The One mo 😣😤💙❄
TakuyaKen
#3
Chapter 2: haha oo si karina n yan Win
kgsbjh #4
Chapter 1: karina pakigalaw ng baso
stillintoyu
198 streak #5
seateddd
howdoyouknowmee
546 streak #6
Uyy uyy uyy
ryujinie__
700 streak #7
Omg 🤩
TakuyaKen
#8
Chapter 1: karina ung katabi fx?