Take One: España

Quiapo
Please Subscribe to read the full chapter

 

Minsan naiisip ko nalang maging full on pabigat sa pamilya ko. Ayaw ko na mag-aral. Parang maaga ako makakalbo kakaaral. 

 

Pero syempre, eme lang yon. Hindi pwede maging tamad sa panahon ngayon, hindi din naman kami super yaman kagaya ni Henry Sy. Akala ko dati isang malaking joke time lang yung mahirap daw sa college, akala ko kasi depende sa course yon— kagaya sa Engineering or kaya Architecture ganon pero nung ako na yung nag college parang gusto ko na agad sumuko? 

 

Parang gusto ko na lang maging anak ni Small Laude.

 

Winter Iver Laude, oh diba? Taray pakinggan, di niyo keri! 

 

Pero seryoso. 

 

Parang umaabot na ata ako sa point na nabburnout na ko? Halos tatlong sabay sabay na research papers yung pinapagawa sa amin sa majors. Sabi nga ni RJ “panlalait nalang sa iba ang pahinga natin” oh diba kundi ba naman tunay na gago. 

 

Wala ng proper rest, hindi na nauuso sa amin ang 8hrs-10 hrs na tulog. Gigising ng maaga, papasok, gagawa ng requirements, tulog then repeat. Ang lakas maka-Al James ng vibes namin.

 

Ako na to, Al James. Pwede ka na magpahinga muna. 

 

Sa awa ni Papa G, 3rd year college na ko ako sa tinatawag na pugad ng mga ghoster na walang iba kundi UST. Wala talaga akong bet na course dati pero nung narinig ko yung Psychology, naisip ko parang ang ganda pakinggan so ayon nalang kinuha ko. Huling huli ako ng wow mali sa course na to, puro research pala ginagawa dito. Pero okay lang naman, nageenjoy na ko, no backing down na. 

 

“Win, tara Noval nagugutom na ko” aya sa akin ni RJ pagkatapos ng class namin sa Theories. 

 

Halos 3hrs kaming nakaupo sa klase namin kanina at walang break time yon kahit 5mins, kaya’t nagsisitunugan ang mga buto ng mga kaklase ko paglabas ng room. 

 

“Nasaan si Ning?” tanong ko dahil hindi pumasok ang bakla sa first class, hahabol na lang daw siya. Akala mo hindi naghihirap sa mga subjects kung umabsent. 

 

“On the way na daw, nasa Q.Ave na daw siya” sagot saakin ni RJ pagkalabas namin ng gate. 

 

At walang ibang sumalubong saamin kundi ang mapanghing amoy ng Noval. Grabe ka na talaga 2023?! Shutang Noval to, walang improvement? Mapanghi nung Freshie ako hanggang ngayon din. Baka naman mapanghi pa din to hanggang paggraduate ko? 

 

“Sisig Express nalang?” agad naman akong tumango dahil kung hindi ko pa nasasabi, ako ay isang ultimate sizzling sisig enjoyer. 

 

Sisig supremacy forever! Sisig over any ulam talaga. 

 

“Saan naman tayo mamaya after—” agad ko namang nahila si RJ dahil may humaharurot na sasakyan at itong si RJ daldal ng daldal. 

 

Andami ding tangang driver kitang asa malapit sa pedestrian tas haharurot. Kung siya ipaharurot ko kay Queen Dura? 

 

“Oh ano tanga, muntik ka pa mamatay” tawa ko kay RJ dahil kitang kita sa mukha nito na kinabahan siya. Namutla bigla si tanga eh. 

 

Agad naman akong hinampas ni RJ nung nakarecover na siya sa kaba niya. Tawang tawa lang ako kasi parang lumabas talaga sa katawan niya yung kaluluwa niya. 

 

Kaya kids, don’t forget to look both ways bago tumawid. 




 

-



 

“Shuta mga mhie muntik na ko mapaaway sa kalsada kanina” hingal na hingal na sabi ni Ningning habang may hawak na buko juice. Parang tinakbo pa ata yung haba ng Noval dahil parang naligo sa sariling pawis to. 

 

Puro nalang ata sila kamalasan sa kalsada today? 

 

“‘Te magpunas ka nga muna ng pawis, ang dugyot ng look. Hindi tayo ganito” tsaka ko siya inabutan ng tissue. Nakakatanggal talaga ng angas maglakad lakad sa init ng Manila. 

 

Hirap pag isa ka lamang commute girlie, yung mga tipong nagpapacute sa side mirror pag nakaupo sa harap ng jeep. 

 

“Napano ka naman kanina?” tanong ni RJ. 

 

“May nakabunguan akong taga PolSci tas sa sobrang lakas nung impact nalaglag salamin ko te, ayan basag” at nilabas niya ang basag niyang salamin, gaano naman kalakas impact nilang dalawa para mabasag ng ganito yung salamin?

 

Hawak ni Ningning yung isang lens at may crack ito tas bali na din yung mismong frame sa left side. 

 

Si Usain Bolt ba nakabungguan neto? 

 

“Samahan niyo ako sa Quiapo, papagawa ako ulit neto” 

 

“Okay g bukas, gagawa muna ako psych report later” sagot ko. Yang Psych Report ang pinaka matagal gawin saamin, as in super busisi nung prof sa bawat details nung paper. 

 

“Tara kape after neto” andaming naiisip ni Ningning na gastusin talaga.

 

Hirap mapunta sa tropa na akala mo mga apo ni Henry Sy kung gumastos. 

 

“G, saan ba?” ito din mahirap saamin, laging go ang mga tao. Pustahan kulang pa kami neto dahil ibang course sila Yuna at Chaeryeong kaya madalas kaming tatlo lang magkakasama.

 

Si Yuna kasi napunta sa Architecture tas si Chaeryeong sa Political Science tas kaming tatlo Psychology. Same school kaming lahat nung HS tas napagtripang pumasok sa iisang school kaya ito ang ending ng buhay namin.

 

Teka, political science nakabunggo kay Ning? 

 

“Paano mo nalamang Political Science nakabunggo mo?” ngising tanong ko sakanya. Nanlaki mata ni Ning bigla pero bumalik din agad sa normal— huli ka balbon.

 

“Ay oo nga? Paano mo naman nalaman?” takang tanong ni RJ. 

 

“Nakita ko na siya before nung pinuntahan natin si Chaer sa room niya, di ko sure if sit in or kaklase talaga nila yon” 

 

Nagapir naman kami ni RJ sa nalaman namin.

 

“Hmmm, amoy may bakla dito!” 

 

“Huli ka bakla!” 

 

“Para kayong mga bobo talaga, samahan niyo ko bukas baka sunugin ko yang psych report niyo pag nakita ko yan” banta ni Ning saamin at sinamaan pa kami ng tingin. Bineletan nalang namin siya ni RJ. 

 

Tahimik na kaming tatlo habang kumakain nang biglang sabay sabay nagnotif ang messenger namin. 



 

Tiger Bombits

 

[12:30pm] Chaer-up!: San kayo? Same out kami ni Yuna today

 

[12:30pm] Yunababes: babagsak ang hindi magreply 

 

Kita mo na yan? Dinamay pa grades namin. 

 

[12:31pm] AreJey: Sisig Express 

 

[12:31pm] Sharon Cuneta Dupe: Sisig Express, andito kaming tatlo

 

[12:32pm] Sharon Cuneta Dupe: sINONG KUPAL NAGPALIT NG NICKNAME KO?! 

 

[12:32pm] Yunababes: HAHAHAHAHAHAHAH okay sharon cuneta dupe  

 

[12:32pm] retsa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ariamkid
hello po! this AU will be on hold muna since our resident baby girl, Karina is now dating!! (affectionate), will or will not continue this au :))

Comments

You must be logged in to comment
iilwueee
#1
Chapter 2: yey thank you po sa update!!
EzraSeige
#2
Chapter 2: Ito na yon Winter ang The One mo 😣😤💙❄
TakuyaKen
#3
Chapter 2: haha oo si karina n yan Win
kgsbjh #4
Chapter 1: karina pakigalaw ng baso
stillintoyu
198 streak #5
seateddd
howdoyouknowmee
547 streak #6
Uyy uyy uyy
ryujinie__
701 streak #7
Omg 🤩
TakuyaKen
#8
Chapter 1: karina ung katabi fx?