HMNYK: Tsiminea

HMNYK: Tsiminea
Please Subscribe to read the full chapter


 

“Lagi ko!” Dinig na dinig ko pa ang boses ni Benjamino kasabay ng pagkalampag n’ya sa pinto. Ang masasabi ko lang, Deserve!

 

“D’yan ka muna sa labas!” Anunsyo ko at muling naupo sa study table ni Benjamino. Oo, sa study table n’ya kasi kwarto n’ya naman ‘to. Nandito ako sa kanila kasi balak namin magkaroon talaga ng movie night kasama si Ate Irene at si Miss Law na finally pinagbigyan na n’ya manligaw after how many years.

 

“Lagi ko, papasukin mo na ‘ko please po.” ‘Kala mo naman inapi ko ‘tong si Benjamino kung makapaglitanya sa labas ng kwarto.

 

“Hindi, d’yan ka muna.” Hindi ko na pinansin ang sunod-sunod na tawag n’ya at nagfocus na lang sa kaharap kong iPad.

 

Epal naman kasi ‘tong prof namin!

 

Kung kelan naman last day na before Christmas Break bukas saka naisipan mag-announce na magpapa-long quiz s’ya. E’di heto ako at nagc-cram ng pagre-review! Akala ko naman papasok lang kami bukas for attendance, tapos ito daw pala ang attendance n’ya!

 

“Lagi ko, hindi ka ba naaawa sa’kin? Nakaupo na ‘ko sa sahig oh, ang lamig-lamig ng sahig dito sa labas.” Ang lakas-lakas ng boses ni Benjamino, pero may pake ba ako? S’yempre wala.

 

“Mamaya ka na muna please, hindi ako makapag-review kapag magkasama tayo sa kwarto. Ang gulo-gulo mo.” Pagkatapos ko magsalita nanahimik naman s’ya.

 

Mga limang minutong katahimikan.

 

Feeling ko, over time, nasanay na rin s’ya sa kamalditahan ko kaya hindi na s’ya nagpapapigil sa kung ano mang gusto n’yang gawin.

 

“Lagi ko, iiyak ako dito, sige ka. Susumbong kita kay Mommy!”

 

Jusko lang!

 

“Susumbong kita kay Ate Irene, sabihin ko inaabala mo ako.”

 

“Ih!”

 

“Hoy, out of character na ‘yan! Hindi ka naggaganyan!” Dinig ko ang pagta-tantrums n’ya sa labas ng pinto pero hindi ko pa rin pinansin. Nag-send ng transes ang kaklase ko sa gc ng block namin, and gusto ko s’ya i-kiss sa noo. Hulog s’ya ni Lord sa time na ito!

 

‘To ba naman kasing prof na ‘to, hindi nagbibigay ng copy ng lectures n’ya kahit ‘yung books na ginagamit n’ya ayaw sabihin sa’min!? Mukha ba kaming manghuhula!?

 

Tapos ‘yung ginagamit n’ya pa na powerpoint presentation, parang ginawa lang talaga para may ma-present s’ya sa harapan!

 

Course Code at Course Name lang ba naman kasi ang nakalagay!

 

Anong gagawin ko sa Pharmacology na nakasulat sa presentation!?

 

“Papasukin mo na ‘ko, Lagi ko. Bigay ko sa’yo ‘yung book ko d’yan kung ano man subject ‘yan.” ‘To talagang si Benjamino.

 

“Sabihin mo na lang sa’kin sa’n mo nilagay.” Tumayo ako at naglakad papunta sa bookshelf n’ya. Puro med-related na books ang nandito, may konting self-help books tapos novels ng mga ‘di ko kilalang author, pero mas madami ‘yung manga at ibang Marvel comics na ngayon ko lang nakita.

 

“Papasukin mo muna ako.” Ano ba ‘tong taong ‘to?

 

“Sabihin mo na lang sa’kin.”

 

“Papasukin mo muna kasi ak—Aray ko naman, Ate!” Dinig ko pa malakas na reklamo n’ya. Binatukan siguro ni Ate Irene. I say, Deserve!

 

“Ate naman!” Ang lakas-lakas ng boses ni Benjamino, imposibleng ‘di s’ya dinig nina Doc Yoo.

 

“Bakit ka ba sigaw nang sigaw d’yan?! Pinaakyat tuloy ako ni Mommy, baka daw tinakpan ka na ni Hyacinth ng unan sa mukha.” Pati ako ay napatawa sa sinabi ni Ate Irene. I mean, hindi naman s’ya malabo pero hindi ko rin naman gagawin. Annoying talaga si Benjamino pero sayang naman ang ganda n’ya kung tatakpan ko lang ng unan sa mukha ‘di ba?

 

“Si Hyacinth kasi, ayaw ako papasukin sa loob!” Para s’yang batang nagrereklamo sa Ate n’ya.

 

“Ano bang ginawa mo?”

 

“Grabe, ako agad!?”

 

Aba, s’yempre?! Alangan naman ako!?

 

“Kasi ikaw ang nasa labas? Kung si Hyacinth ang nasa labas, s’ya ang tatanungin ko.” May point si Ate Irene! S’yempre! S’ya palagi ko kakampi!

 

“Nagre-review s’ya.”

 

“Kaya pala, tara na lang sa baba. Samahan mo kami ni Seul manood.”

 

“Ayaw ko nga! Maglalandian lang kayo sa harapan ko!” Kahit hindi ko kita, alam kong nakanguso na ‘tong si Benjamino. Napatawa na lang ako nang mahina habang tinitingnan kung nasa’n ba libro n’ya sa Pharma.

 

“Kesa naman si Hyacinth abalahin mo d’yan. Mamaya mo na landiin ‘yung bata, busy pala mag-review.” Dinig ko pa ang pagkaladkad ni Ate Irene kay Benjamino pababa sa hagdan.

 

“Lagi ko, save me! Save me, Lagi ko!” Napailing na lang ako at kinuha ang libro na hinahanap ko. Ilagay ba naman daw sa pinakataas ng shelf e’di gumamit pa ako ng upuan para lang makuha!

 

Mamaya ko na lang lalambingin si Benjamino. Mabilis naman s’ya tumiklop. Joke.

 

For now!

 

Kailangan ko muna i-digest ‘tong lahat.

 

Need ko rin mag-notes.

 

Hindi applicable sa’kin pagno-notes sa iPad so naglabas na lang ako ng yellow paper galing sa bag ni Benjamino at ginamit ‘yun. May pangalan n’ya pa ‘yung unang page pero sinulatan ko na. Pake ko kung may nakasulat na, ‘Katarina Benjamino F. Yoo’, ‘yung taas ng page? ‘Kala mo naman talaga nagnonotes ‘yan s’ya.

 

Nanghihingi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Hello hello errone!!! Here's a small gift hehe, @yeojaszero on twt! :))

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
898 streak #1
Chapter 1: HAHAHAHAHAHA cutieeeee
Eybrelros #2
Chapter 1: HAHAHAHA ang kyut nakakamiss kayo buti pala napasilip ako dito
Lalalisayah #3
Chapter 1: Now ko lang nakita 😭😭😭😭🧎‍♀️
u_ujiman #4
NGAYON KO LANG TO NAKITA
justsomeanimelover
#5
Chapter 1: Hahaha kulet ampp
mellifluouswan
1709 streak #6
Chapter 1: halaaa grabe namiss ko sila ateng naka white scrubs at baby girl!!!! huhuhuhu cute cute pa din nila
crimson_snow #7
Chapter 1: Nakakailang re-read ako ng HMNYK every time I need ng pick-me-up story to make me feel better, so this is such a nice gift 🥹 Thank you zero!!
ryujinie__
700 streak #8
Chapter 1: CUTIES 🤧💙
httpdaniyoo #9
Omg I miss them!! Thank you for this, author!
kordeisty
#10
Chapter 1: Namiss ko sila so much 🙇‍♀️🙇‍♀️