SC 1 : Si Candidate no. 5

The Not-So-Straight Adventure of Karina
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Bakla si Winter.

 

 

Bata pa lamang siya ay alam na niya agad.

 

 

Napansin niya kasi na ang hinhin niya kapag nakikipaglaro siya sa mga kaklaseng babae samantalang gusto namang sabunutan ang mga kaklase niyang lalaki dahil sobrang lilikot at gugulo ng nga ito. 

 

Isa pang nakapag bigay sa kaniya ng senyales ay noong grade 7 siya. May ballroom performance kasi sa dance subject noon at dahil hindi pantay ang ratio ng babae at lalake, hindi maiiwasang parehas na babae ang maging magkapareho. Tuwang tuwa si Winter ng siya ang pinili na gawing partner ng muse nila dahil unang una, nagagandahan siya dito, at pangalawa, makakaiwas na siya sa pangugulit ni John. (Jirits pa rin hanggang ngayon si Winter dito, paano ba naman kasi, nahuli niyang nangulangot at pinunas sa sariling damit tapos ang lakas pa ng loob na pilitin siyang maging partner. )

 

Hindi naman na nag worry si Winter sa natuklasan tungkol sa sekswalidad at malayang niyakap ang kaniyang colorful na pakpak. 

 

Hindi naman kasi naging problema kay Winter ang pagiging bading.

 

Nasabi naman na niya sa mama niya ang totoo. Sa katunayan ay ang mama niya pa ang mas unang nakapansin kesa sa kaniya.

 

 

Alam na rin naman ng nag iisang ate niya na si Taeyeon.

 

 

Maging ang beshie niya ay tanggap na rin naman siya - paano kasi ay parehas lang naman silang baliko. (Totoo nga ang birds of the same feather, be gay together)

 

 

Ang hindi lang naman makaintindi ng gender preference niya ay ang mga manliligaw niyang kasing haba ng traffic sa EDSA. Sa totoo lang, naiinis na rin talaga si Winter sa mga ito. 

 

Ilang beses na niyang sinabi na hindi siya interesado pero tila bingi at sarado ang isip ng mga manliligaw. Ang paniniwala kasi ng mga ito ay nagdadahilan lang naman si Winter dahil ayaw nitong magpaligaw sa kanila.

 

 

Ay,may isa pala palang hindi nakakaintindi sa kanila ( bakla din kasi ang ate niya kaya hindi naman siya nahirapang mag come out #Saythankyouate) - ito ay ang atichona nilang kapitbahay, si Aling Anita.

 

Sa katunayan ay ito din ang dahilan kung bakit napasali si Winter sa pageant kahit na hindi naman niya ito hilig.

 

 

Ito kasing homophobic nilang kapitbahay, kung ano ano ang sinasabi at pinaririnig sa magkakapatid sa tuwing dadaan sila sa harap ng bahay nito, na kesyo sayang daw ang ganda nila kung magiging bakla lang daw o hindi naman kaya ay mapupunta sila sa impyerno kapag namatay sila. ( Gustong gusto ng sumagot nitong si Winter na kung sakaling mapunta man siya sa impyerno ay alam niyang magkikita sila ni Aling Anita doon dahil sa sama ng ugali nito, pero hindi niya nalang ginawa dahil tinuruan siya ng magandang asal ng mama niya. 'Kenny, anong lagi kong sinasabi? Be kind to animals, diba?')

 

 

Pero syempre, kahit naman walang pakealam si Winter sa mga sinasabi ng iba dahil tanggap at mahal niya ang sarili niya, alam niyang nasasaktan ang mama niya sa tuwing naririnig ang masasakit na pasaring ng kapitbahay nila. Kaya naman ng humingi ng pabor ang mama niya sa kaniya, kahit hindi siya sigurado ay agad pa rin siyang pumayag.

 

 

Ngayon, siguro nagtataka na kayo? Ano nga ba ang connection ni Aling Anita at ng pagsali ni Winter sa beauty contest? Simple lang naman - umatake kasi ang pettiness ng mama ni Winter.

 

 

Nagwawalis sa bakuran ang mama ni Winter ng marinig niyang binibida ng kapitbahay ang dalagang anak sa mga kumare nito.

 

"Naku, mare . Tiyak na malake ang tyansa na manalo ang anak mo ng korona. Tignan mo at ang ganda ganda at ang tangkad o."

 

 

"Naku mare syempre, kanino pa ba magmamana? Sa akin lang naman diba? "

 

Gusto nalang masuka ng mama ni Winter sa narinig. Ang plastic kasi ng kumare ng kapitbahay. Hindi naman kasi maganda ang anak nitong si Anita, matangkad lang. Hindi hamak na mas magaganda ang mga anak niya.

 

Kaya nga bitter itong kapitbahay nila at todo parinig, kasi kahit naman pilit na pinapamukha ng bunsong anak niya na hindi siya interesado sa mga lalaki ay ang haba pa rin ng pila ng mga manliligaw samantalang wala ni isang umaakyat ng ligaw sa anak nito.

 

"Nag pasa na ba ng application ang anak mo? Baka maubusan siya ng slot ha."

 

"Magpapasa palang siya bukas Mare. Huwag kang mag alala, wala namang ibang interesado na sumali sa block natin."

 

 

Nang mga sandaling iyon, nakabuo na agad ng masamang plano ang mama ni Winter.

Dali dali siyang pumasok sa loob ng bahay at kinausap ang bunsong anak. Nang pumayag ay tinawagan agad niya ang kapatid ( si kap ng barangay nila) at nagpatulong para malakad agad ang application ng anak.

 

 

Kinabukasan, masayang umiinom ng kape ang mama ni Winter sa terrace ng bahay nila. Rinig na rinig kasi ang galit na galit na sigaw at pagmumura ng kapitbahay nila. Sigurado siyang nakarating na dito ang balitang hindi na pwedeng sumali ang anak dahil nakuha na ang slot para sa lugar nila.

 

'Ang sarap naman ng coffee na ito, lasang buti nga sa iyo'.

 

 

 

 

 

 

 

"BESHIEEE, BAKIT HINDI KA PA NALILIGO?"

 

Agad na nilayo ni Winter ang phone sa tenga. Pakiramdam niya kasi ay mabibingi siya sa lakas ng boses nito.

 

"Besh, maaga pa naman."

 

 

"ANONG MAAGA PA? 1 :15 NA, 3:30 LANG ANG CALL TIME!"

 

 

Nakahilata lang si Winter sa kama. Akala mo walang event na dadaluhan mamaya.

 

" Ning, what if mag back out na lang kaya ako?" Tanong ni Winter sa kaibigan. Sa katunayan ay ayaw na talagang umalis ni Winter, hindi niya alam kung bakit tamad na tamad siyang kumilos ngayon. Baka malapit na ang buwanang bisita niya.

 

 

" BADING KA! SINASABI KO SA IYO, AYUS AYUSIN MO MGA DESISYON MO SA BUHAY!!"

 

 

Nilipat ni Winter sa loud speaker mode at nilapag ang phone sa kama. Nangangawit na rin kasi siyang mag hawak.

 

"Chill ka lang besh. Ang puso, baka atakin ka."

 

 

"At may gana ka pang magbiro ha? Sinasabi ko sa iyo Kenny ,kapag hindi ka pa nakaligo pagdating ko diyan, ingungudngod talaga kita."

 

Natatawa nalang sa isipan si Winter. Ito kasing kaibigan, parang pinag lihi sa sama ng loob, lagi nalang nakasigaw. Mabuti na nga lang at understanding ang naging jowa nito.

 

Kahit na pinagbantaan ng kaibigan ay hindi natinag si Winter. Matapos kasi ng tawag nila ay pinagpatuloy pa nito ang panunuod ng kdrama. Kilig na kilig kasi siya sa chemistry ng dalawang bida.

 

 

Napatigil lang sa panunuod si Winter ng makarinig ng katok sa pinto. Pumasok ang ate niya at naupo sa kama.

 

"Baby, tinawagan ako ni Ning. I make sure ko daw na maliligo ka na." 

 

 

Agad namang iniwan ni Winter ang pinapanuod at lumapit saka yumakap sa kapatid. 

 

 

"Ateeee, magagalit ka ba if hindi ako tumuloy ngayon?" Malambing na tanong ni Winter.

 

Niyakap lang siya pabalik ng kaniyang ate. "Okay lang naman sa akin kung ayaw mo na. Hindi naman kita pipilitin. Kaya lang Kenny baby, for sure magagalit ang bestfriend mo. Mas nakakatakot pa naman siyang magalit kaysa kay mama."

 

Tumango tango lang si Winter. Alam niya naman na talagang magagalit ito sa kaniya kung sakali . Sa loob kasi ng dalawang buwang paghahanda para sa araw na ito ay lagi itong kasa kasama ni Winter. Manager na nga ang tawag kay Ningning ng mga organizer ng pageant. 

 

 

"And nandito ka na rin naman. Lets not waste those two months na nag practice ka uhmm? Sayang naman ang mga damit mo, ang ganda ganda ng mga napili niyo ni Ningning."

 

 

 

 

 

 

 

 

Nakasimangot na si Winter. Hindi pa naman nagsisimula ang parada pero pakiramdam niya ay pagod na pagod na agad siya. Nakadagdag pa ang sakit ng paa niya dahil sa 5 inches na suot.

 

 

" Besh, pwede bang magpalit ako ng footwear? Ang sakit na kasi ng paa ko."

 

 

"Pero beshie, iyan kasi ang katerno ng dress mo. Atsaka diba napag usapan na natin dati na magprapractice kang mag suot ng heels sa bahay niyo para masanay ang paa mo at hindi masaktan ngayon ?"

 

 

Okay. Medyo guilty si Winter. Hindi niya kasi sinunod ang napag usapan. Paano ba naman, ang gusto ni Ning ay buong araw na nakasuot ng heels ang isa kahit nasa bahay lang siya. Ang hirap kaya noon. Alangan namang nakaheels pa rin siya kapag nagluluto o naglilinis siya ,diba?

 

Mukhang nahulaan naman ni Ningning kung bakit nanahimik ang kaibigan . "Wait... Wait... Hindi ka nag practice sa bahay niyo?"

 

 

Pilit na ngiti nalang ang binigay ni Winter. Alam na niya na any moment ay mag aala armalite na itong kaibigan niya kaya inunahan na niyang lambingin. Yumakap agad siya sa mga braso nito.

 

"Eh kasi beshieeee, na busy ako sa pagsusulat ng mga kanta. May malaking gig kasi sila kuya Marko next week kaya nanghihingi sila ng tulong sa akin. "

 

Writer kasi ng banda si Winter. Sa katunayan ay dati siyang member nito pero nahinto dahil nahihirapan na rin siyang pag sabayin ang pag aaral, pag tugtog at ang mga charity works nito.

 

Kaya lang ay masyado niyang mahal ang musika kaya nagsusulat sulat pa rin siya kapag may time.

 

For Winter, music is her language. It is a form of outlet to release the craziness inside her head. Dito na niya kasi binubuhos lahat ng mga bagay na hindi niya masabi, mga salitang ayaw na niyang pakawalan pero alam niyang lalamunin ang pagkatao niya kapag kinulong lang sa puso at isipan - gaya ng pag hihinagpis niya ng mga panahong namatay ang papa nila sa aksidente, ang inis kapag dumadating ang mga panahong ginagago sila ng tadhana dahil puro kamalasan lang ang nangyayari sa kanilang pamilya at higit sa lahat, ito rin ang naging outlet niya para ilabas ang sakit na nararamdaman para sa babaeng dalawang taon na niyang gusto pero malabong magustuhan din siya pabalik.

 

 

 

"Babe, ito nalang ang ipasuot mo kay Win. Mahaba naman ang suot niya, hindi naman makikita ng mga tao."

 

Tuwang tuwa si Winter ng inabot ang sandals na may 2 inches na heels sa kaniya ni Giselle. Laking pasalamat niya talaga dahil nandito ito at may makakatulong siya sa pakikipag usap kay Ningning. Dragon tamer ata ito sa past life niya, napapaamo niya kasi itong bestfriend niya.

 

 

 

 

 

 

 

Ngayon palang napatunayan ni Winter na pwede na siyang maging artista. Ang galing galing niya kasing magpanggap na masaya habang kumakaway at ngumingiti sa mga nanunuod kahit ang totoo ay pagod at masakit na ang katawan niya. Sa mga oras na ito ay gustong gusto na niyang umuwi at humilata sa kama nito. 

 

 

"Baby, nauuhaw ka ba?"

 

Tanong ni Taeyeon sa kapatid. Siya lang kasi ang kasama nito sa pagparada.

 

Naiwan kasi si Ningning at Giselle sa may plaza, inaayos at binabantayan ang mga gagamitin ni Winter mamaya para sa pageant proper. Ang ina naman nila ay busy na nagluluto ng dinner nila para sa kanila.

Napagpasyahan kasi nila na pagkatapos ng parada ay uuwi muna si Winter para makaligo at makakain. Iyong pagkain naman ng dalawang magbabantay sa plaza ay ihahatid nalang ng ina.

 

 

Umiling lang si Winter sa kapatid. Hindi naman kasi siya nauuhaw. 

 

Ilang sandali lang ay lumapit si Taeyeon at bumulong, "Heads up lang,Kenny. Malapit na tayo sa bahay ng crush mo."

 

 

Agad na umayos ng tayo si Winter at tumingin sa kapatid. Tinuro turo nito ang mukha na waring nagtatanong kung okay pa ba ang itsura niya. Nag thumbs up lang ang kapatid sa kaniya. Okay, maganda pa siya, hindi pa kailangan mag retouch.

 

 

Malayo palang siya ay natanaw na agad niya ang babae, nakatayo ito katabi ng mga pinsan pero parang may sariling mundo dahil nakatulala lang ito sa harap.

 

'Hayyyy, Karina I will give up everything to travel inside your mind.'

 

Matagal ng kilala ni Winter si Karina. 

 

Una niyang nakita ang babae sa isang facebook post kung saan nakatag ang kaibigan. ( Picture sa family reunion ang nakita niya. Mag second cousin ang dalawa. Apo kasi ni Lolo Berto na kapatid ng lola nila Karina si Ningning).

 

Agad naman siyang nagtanong tungkol sa babaeng nakakuha ng atensyon niya.

 

 

"Beshie, nope,nope. Its a no. Wag yan. Masasaktan ka lang. Straight yang si Rina e."

 

 

Nang malaman kay Ningning ang tungkol kay Karina ay pinilit niyang ibaon ang attraction dito. Alam niya kasing walang patutunguhan kung papalalimin pa ang nararamdaman niya.

 

 Masyadong mahal niya ang sarili niya para iparanas ang ganoong klaseng heartbreak.

 

 

Pero may mga bagay pala talagang kahit anong pigil ay kusang babalik, iyong tipong kahit ibinaon mo na sa pinaka malalim na parte ng utak mo, maiisip at maiisip mo pa rin ito - gaya ng pagtingin ni Winter kay Karina.

 

At ang nag pa trigger ng damdamin ni Winter? Walang iba kung hindi si bomb Karina.

 

Ginabi na ng practice ang banda nila Winter. Siya kasi ang gitarista nila, kasama ang pinsan niyang si Marko ( anak ni Kap) na siyang lider nila, si Jennie ( ate ni Ningning) na vocalist, si Chaewon na sub vocalist at pianist at si Manuel, ang drummer nila .

 

Balak pa nga siyang ihatid ng pinsan sa bahay nito pero tumanggi siya dahil nagpasundo naman na siya sa ate niya.

 

Pero pagdating ng ate niya ay balak nalang bawiin ni Winter ang sinabi sa pinsan. Wala kasing dalang motor ang kapatid. 

 

"Maglakad nalang tayo,baby Kenny. Maganda naman ang gabi, maraming stars."

 

 

At iyan nga ang pangyayari kung bakit alas onse na ng gabi at eto silang magkapatid, naglalakad papauwi.

 

Tahimik at panaka naka silang nagkwekwentuhan ng bigla silang mapahinto dahil may natanaw silang mga maiingay, halatang lasing ang mga ito dahil pasuray suray.

 

 

Tatawag na sana ang ate niya sa tito niya para magpadala ng tanod pero agad niya itong pinigilan ng mamukhaan ang isang nandoon.

 

Hindi alam ni Winter kung saan ba siya dapat mas magulat.

 

Sa biglaang pagkikita nila sa personal ni Karina?

 

 

O sa biglang pagtawid nito sa daan at lumapit sa kaniya para hamunin siya?

 

 

"Heeyyyy! Lesh make a beeet. " Sabay turo nito sa kaniya.

 

 May pagka slurred ng kaunti ang pronunciation nito pero naiintindihan pa naman ni Winter.

 

Agad namang pumagitna si Taeyeon sa dalawa para protektahan ang kapatid pero hinawakan lang siya nito sa braso at ningitian.

 

"It's okay ate. I know her."

 

Tumingin si Winter sa lasing na lasing na babae. 

 

Ganito pala ang magaganda, kapag nalalasing mas lalong nagiging cute.

 

"Uhmm. What bet?"

 

 

"I beeeet that chu can't doooo this."

 

 

Sabay na napatingin sa isa't isa ang magkapatid dahil sa gulat. Ito kasing kaharap nila ay biglang gumiling giling.

 

 

Tuwang tuwa naman ang mga pinsan ni Karina dahil todo cheer pa sila habang vinivideohan ito.

 

 

Nakangisi nalang si Winter habang umiiling , sigurado siyang hiyang hiya si Karina kapag naalala na niya ang pinag gagawa ngayong gabi. 

 

 

 

 

Simula ng gabing iyon, palagi ng bumibisita sa isip ni Winter ang babae. Hindi niya rin namamalayan na siya na rin ang naging laman ng mga kantang isinusulat nito.

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Taglamignanaman
Sa comment ko na nilagay. Di daw kasi kasya😬

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
jigujellyyy #2
hdhsjsjsjjs this is so cuteeeeeeeeeee
sepvenanje #3
aasa pading mag kasunod
sepvenanje #4
Chapter 2: naka vote na ba lahat? vote na kayo para ma featured
lemon_seju
#5
Chapter 2: sobrang cute pls 😭
Coleeee #6
Chapter 2: Yung ang taas ng standards mo sa lalake kasi baccla ka pala trope HAHAHAHAHA! Omg bingo na yung magpipinsan. And katuwa yung family nila. Full support sa "ituloy ang kabaklaan" agenda.
ske3p-er #7
Chapter 2: cute naman 😭 sarap abang-abangan
wintzkie #8
Chapter 2: Ang cutie naman ng bebe rina na yan . Bading na bading kay winter 🤭😉 .
shiro11 #9
Chapter 2: THIS IS SO CUTE!!!! 😭😭😭
sepvenanje #10
guys mag vote kayo, deserve niya ma featured