End

The Not-So-Straight Adventure of Karina
Please Subscribe to read the full chapter

 


May dilemma si Karina.

Sa twenty-one years na siyang nabubuhay sa mundo, siguradong sigurado sya, mas mataas pa sa isang daang pursyento, na mas straight pa siya sa straight na linya.


Kung hindi ba naman enough proof ang apat na  ex-boyfriend  niya sa argument na ito, idadagdag niya pa ang mga katangian na nakakapag attract sa kaniya na tanging sa kabilang kasarian lang naman makikita: tall, dark and handsome. At hinding hindi mawawala ang pinaka unang requirement, dapat may six pack abs. 

Hindi naman sa hayok si Karina sa abs kaya huwag niyo daw siyang husgahan, gusto niya lang titigan yung mga mala pandesal sa tyan ng jowa niya.  To each our own, sabi nga nila.

Apat na physical attributes lang naman ang hanap niya at dapat ay present ang lahat ng iyan. Kaya nga kahit na kasing haba ng riles ng tren ang pila ng mga manliligaw niya, aapat lang ang pinapasok niyang mang gulo sa buhay niya.

Strikto kasi itong si Karina. 

Ang motto niya nga, 'Why would you even set a rule if you will give an exemption?'.


Kaya kahit gaano pa ka green flag ang manliligaw niya at botong boto doon ang mga kaibigan niya, kung kulang ng kahit isa sa apat na nabanggit kanina ay ekis na agad ito sa kaniya. Wala siyang pinag bigyan kahit isa kaya nga ang tawag sa kaniya sa university nila ay 'Iron Queen'. Mas matigas pa kasi sa bakal ang paninindigan niya. 

 


Ngayon, magbalik tayo kay Karina at kung bakit gising na gising pa rin siya kahit na alas tres na ng madaling araw.

Paano ba naman kasi, hindi matanggal tanggal sa isipan niya iyong babae kanina, si Candidate number 5, Winter Kennedy Kim.

At dahil gulong gulo at litong lito ang ating bida ay hindi na siya nag alinlangan pang sumangguni kay Pareng Google.

 

'Bakit hindi mo maalis ang tingin sa isang babae?'

 

'Normal bang magandahan sa kapwa mo babae?'

 

'Bakit bumibilis ang tibok ng puso mo kapag nakikipagtitigan ka sa kapwa mo babae?'


'Normal bang mag palpitate kahit hindi ka umiinom ng kape?'


Sa tagal tagal ng pag reresearch niya, iisa lang ang nakuha niyang kasagutan, attracted siya kay candidate number 5.


Hindi naman sana problema na attracted siya sa babae dahil hindi naman homophobic si Karina. Bukod kasi sa binansagan ngang  'rainbow generation' ang batch nilang magpipinsan dahil  si Karina lang ang 'straight' sa kanila, ally ang ating bida dahil lagi siyang present at full support kapag nag aattend ng pride march ang anim na iba pa. 

Ang rason lang naman kung bakit naiinis siya ngayon  ay hindi malunok ng pride niya na nag kagusto siya sa taong ni isa sa mga katangiang hanap hanap niya ay walang tinamaan.

 

Balikan ulit natin ang checklist ng ating bida. 


Unang una, tall. Ekis na agad. Paano ba naman kasi ay nalaman niya noong nagpapakilala ang  kandidata kanina na 161 cm lang ang height nito. Hindi hamak na mas maliit sa height ni Karina na 169 cm.

Pangalawa,  dark. Hindi morena ang babae, tisay pa nga. Parang mas maputi at mas makinis pa nga ang balat sa kaniya. Ilang beses ring sumagi sa isipan niya na lapitan ang babae kanina at tanungin kung anong skin care niya.


Pangatlo, handsome. Hindi na siguro kailangan pang magpaliwanag ni Karina para dito. Napakalayong maging gwapo si candidate number 5. Sobrang ganda kasi nito.   Iyong tipong hahabulin mo ng tingin kapag dumaan siya sa harapan mo. Iyong tipong pwedeng pwede na siya ihanay sa 100 most beautiful face in the world. Ganoon ang level ng ganda niya.


At higit sa lahat, ang lalong nag pawindang sa mundo ni Karina ay walang abs itong si Winter. Kahit na isa o dalawa, nada, wala, zero.  Flat na flat ang tyan, maging ang puson nito. 

 


May dillema si Karina. 

Wala pa siyang pinagbigyan kahit na sino, kahit pa ang mga manliligaw niyang naging kaibigan niya muna. 

Kaya naman hindi niya alam kung magpapanggap siyang  walang naganap na 'eureka' moment kani kanina lang o pikit matang yayakapin ang bagong discovery about sa ual preference niya.

 

 

*****

 

 


Third year ECE student si Karina. Sa katunayan ay hindi rin niya alam kung bakit nag engineering siya. Wala kasi siyang maisip na course dati kaya nag enroll nalang siya sa kursong kaunti lang ang nakapila. Ngayong third year na siya, alam na niya  kung bakit hindi pinipilahan ang kursong ito.  

Swak na swak lang kasi ito para sa mga taong  may malalakas na guardian angel - iyong tipong dalawa o tatlong oras lang ang  tulog gabi gabi para mag review upang makakuha ng pinaka aasam asam na tres. 

Huwag mo ng hilingin ang uno o dos, kahit ang mga santong mahilig mag himala, hindi kayang ibigay sa iyo iyan.


Good thing, hindi na buburn out si Karina kahit na ganito ka kumplekado ang kurso. Sa katunayan ay sa tuwing kinakamusta ng ate Irene niya ang bida ay enjoy na enjoy pa  itong nagkwekwento about sa mga subjects at projects niya. Hindi tuloy alam ng ate niya kung masokista ba ito  o sadyang mataas lang ang pride nito para amining nahihirapan siya sa kursong siya lang din naman ang pumili.

 

 


Bored na bored na si Karina.

Isang linggo na mula ng matapos ang sem kaya naman ay nakatambay lang siya sa bahay .

Hindi niya naman mayaya ang ibang kaibigan dahil may kaniya kaniyang lakad din ang mga ito kasama ang mga pamilya. Mag sosoul searching daw muna ang mga ito bago sila sumabak at makipaglaban sa walang katapusang math at computations.


"Rina, wala ka bang balak lumabas ng bahay? Aba, isang linggo ka ng nag kukulong diyan sa kwarto mo??"


Tamad na tamad na nag unat ng katawan si Karina. 

Alas nwebe na kasi pero naka pulupot pa rin siya sa kumot niya.

Ganito na kasi ang routine niya sa loob ng isang linggo.

Gigising. Kakain. Maliligo. Manunuod ng movie or maglalaro ng mobile games. Matututulog.Repeat.


Kung gaano ka mundane ang araw niya ay kabaliktaran naman ang sa ate niya. Araw araw naman kasi itong may lakad kasama ng jowa nito.


"Wala naman po akong pupuntahan," pupungas pungas pang naglakad papunta sa banyo si Karina. 

Hindi na binalingan ang ate niyang nakasandal sa may pintuan niya habang naka krus ang mga kamay.


"Wala ka bang friends na pwedeng puntahan?"


Napaikot naman ng mata si Karina bago tuluyang naghilamos ng mukha. Hindi niya kasi alam kung bakit tanong ng tanong ang ate niya. 

 

Pagkatapos ng ginagawa ay hinatak ang tuwalyang nakasabit malapit sa cabinet ng banyo niya saka pinunas sa mukha.


" Busy sila ngayon. Nagyaya na ako nung isang araw pa."


"Good timing!  Nagyayaya sila tita. Doon daw muna tayo hanggang  fiesta nila."

 

"Aba, himala at sasama ka? Wala kayong lakad ni ate Seul? " Pang iinis ni Karina sa ate niya. Mukhang  effective ang pang iinis niya dahil naka kunot na ang noo nito at nag dire diretso lang para umupo sa kama niya.


"Magpapamiss muna ako sa kaniya. Baka magsawa na siya sa mukha ko."


Karina chuckles before placing the towel back to where she got it from. 

 

"Ate , ang kapal talaga.  Kunware nalang hindi kita narinig noong isang araw na nag mamakaawa para puntahan ka."

 

Totoo naman kasi. Parang kinilabutan si Karina dahil naabutan niyang nagpapa cute sa video call ang ate niya. Isama pa ang pabebe nitong boses, cringe fest talaga.

 

"Tsss. Ewan ko sa iyo!  Anyway, mag reply ka naman kila Minju. Ako ang tinatadtad ng messages nila."

 

Mabilis namang lumabas ng banyo si Karina at hinanap ang phone. Nilagay niya kasi sa airplane mode ito kanina habang nanunuod para walang istorbo.

 

Sunod sunod na pumasok ang mga mensahe ng pinsan niya.

 

Minju: Rinaaaaa, break niyo na daw? Punta ka dito sa amin, kahit hanggang linggo lang.

Kuya Taehyung: Maraming bebe boy dito girl. Samahan kitang mag hunting!🤩

Ryujin:  Manahimik kuya! Sa chicks namin ipapakikala yan. 

Kuya Kai: I think, tama. Sa mga bebe gurl ka nalang Rina, ibalato mo nalang sa amin ang mga fafa. 🤭

Ate Rosé:  Imamanifest ko na na dito mo mahahanap ang iyong honeybunch sugar pie. Hihihi. Sa fiesta ko rin kaya nakilala ang baby Jisoo kooooo 

Kuya Taehyung : Dapat talaga, kinikick sa gc ang mga may jowa 

Ate Rosé : Ampalaya ka lang kasi.  Kung hindi  ka ba naman nagpa bebe edi sana hindi ka hiniwalayan ni J.

Minju : HAAHHAHAHA MASAKIT BA KUYA?

Kuya Kai : Huwag mo daw ni rerealtalk Rosé, baka magulat nalang tayo, biglang umiyak iyan 😆

 

 

Napailing nalang si Karina sa mga nabasa. Tiyak niyang magiging  magulo at maingay ang mga susunod na araw para sa kaniya. 

Ito na naman kasi ang gawing-rainbow-si- Karina agenda  ng mga pinsan niya. Ayon kasi sa kanila, si Karina nalang daw ang natitirang 'straight' kaya hindi sila makabinggo. 

 

Ala sais na ng hapon ng  Huwebes nang maka uwi sila Irene at Karina sa bahay matanda sa probinsya. Nang sumakabilang buhay kasi ang lola niya, si tita Mercedes na ina nila Tae at Minju na ang tumira doon. 

Hindi naman nag reklamo ang ibang magkakapatid dahil ang dalawang tita niya naman ay nakapag patayo na  din naman ng kaniya kaniyang bahay sa loob ng compound nila.  Tanging ang papa niya lang ang nahiwalay sa magkakapatid dahil sa Manila ito nanirahan. Nandoon kasi ang trabaho ng mag asawa.


Mahigit na apat na oras ang byahe nila papuntang probinsya kaya pagod sa pag mamaneho si Irene. Silang dalawa lang kasi ang nauna at susunod nalang ang mga magulang sa Sabado. 

Marunong din naman na mag maneho si Karina kaya lang ay hindi pumayag ang ate niya na maghalinhinan sila. Paano ba naman ay kaskasera kasi itong nakakabatang kapatid niya kaya feeling niya ay mauuna pa siyang makapunta sa langit bago makapunta sa bahay ng tita nila.

 


Para namang fiesta na sa bahay ng tita niya. Paano ba naman kasi ay nagtipon tipon ang lahat ng mga kamag anak sa bahay matanda.

Nagyaya kasi ang ibang pinsan ni Karina na bonding night nila ngayon kaya kahit pagod si Irene ay go pa rin ito.Hindi naman kasi halata pero namimiss niya na rin ang magugulong mga pinsan.

 Naging maingay na sa kwarto ni Tae dahil doon silang pitong magpipinsan nag lalagi. Nag lalaro kasi sila ng baraha. 

Iyong 'in-between' game. Tawa naman ng tawa ang mga nakakabatang magpipinsan sa tuwing laging mag aall in sila Rosé at Kai tapos parehas pa silang talo.


"Ang daya naman!" Nakakunot na noo na nilapag ni Rosé ang hawak na baraha. Ano pa bang bago? Talo na naman siya.


"Madaya ka diyan! All in ka kasi ng all in, hindi mo muna sinusukat  ang risk at probability na matatalo ka." Balik na tugon ni Irene sa pinsan.


"Wooooooo! Risk at probability! Iba talaga si ate! HHAHAHHA " kantyaw ng iba kay Irene kaya naman nag inarte itong nag hahawi hawi ng buhok na parang nasa commercial ng Palmolive. " Ako lang ito guys!"

 

Halos lahat ng laro sa baraha ay nalaro na nilang magpipinsan. Tongits, unguy unguyan at pares pares. Nagyaya pa ngang mag poker itong si Kai pero hindi daw alam laruin nila Ryujin at Karina kaya hindi na nila natuloy.

 

 

Pagkatapos nilang maglaro ay nagpagpasyahang mag movie marathon. Sa pitong mag pipinsan ay sila Irene at Minju lang ang matatakutin kaya wala na silang magawa ng horror ang genre na napiling panuorin ngayong gabi.

Hindi pa naman nakaka sampung minuto sa panunuod pero ramdam ng lima na malapit na silang mabingi. Salitan kasi sa pag sigaw ang dalawa, wala pa namang jump scare pero hindi talaga sila matigil tigil.

"San ka pupunta?" Agad na tinanong ni Tae ang kapatid ng bigla itong tumayo at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto nila.


"Nauuhaw na ako kuya."


Tumayo naman agad ang lalaki at nag volunteer na kukuha ng maiinom kaya bagsak ang balikat na bumalik si Minju at nakisiksik sa mga pinsan sa kama.


"Tatakas ka pa gurl ha" sita ni Ryujin sa pinsan. Alam na alam na nila ang ugali ng isa, kunware nauuhaw pero hindi na babalik iyan dahil ayaw na niyang ituloy ang panunuod. 


Lalong umingay ang kwarto nang bumalik si Tae na may dalang tatlong bote ng emperador.  Napailing naman si Karina, unang araw palang nila pero parang balak ng magsunog ng baga ang mga pinsan.

At gaya ng inaasahan, ang balak na movie marathon ay nauwi lang sa kwentuhan. Kung saan saan umabot ang topic nila. 

Nariyang binalik ang mga katatawanang pangyayari noong bata pa sila ( lagi kasing dito sa probinsya nagbabakasyon sila Irene at Karina kapag wala na silang klase) , noong umuwi silang putikan dahil hinabol sila ng mga baranggay tanod( nagyaya kasing mag lakwatsa ang kuya Kai nila kaya sumama naman ang anim, ang kaso nga lang ay nakalimutan nilang may curfew pala noon. Ang ending, napilitan silang humiga at magtago sa palayan para lang hindi sila mahuli ng nga tanod ) , noong nanga sabit sabit sila sa bakod ng farm ng lolo Berto nila (kapatid ng lola nila) dahil nag cracrave daw si Rosé at gustong kumain ng mangga ( sarado ang gate ng farm kaya wala silang choice kung hindi umakyat, okay lang naman sana dahil sanay sa akyatan ang pito pero dahil madilim at alas kwarto palang ng madaling araw, hindi nila napansin na nag sabit pala ng panibagong linya ng barb wire sa pinakataas ng bakod ang tauhan ng lolo nila.  So imagine mo nalang na umiiyak ang pito dahil sa mahahapding sugat habang kumakain ng manggang ninakaw lang nila) , pati ang pang yayaring muntik ng makipag suntukan sila Taehyun at Kai sa mga dayo noong fiesta four years ago ( kasalanan din kasi ng mga dayo, ilang beses ng sinabi nila Irene at Rosé na hindi sila interesado pero hindi yata makuha sa salitang No ang mga ito. Medyo memorable din pala ang gabing iyon dahil doon nakilala ni Rosé ang honeybunch sugar pie baby niya. )


Hindi rin mawawala ang kamustahan about sa work life ng apat na nakakatanda at school life ng tatlo. 


At higit sa lahat, ang highlight ng gabi ( o mas tama na tawaging madaling araw dahil alas dos na), ang pinaka favorite topic ng magpipinsan - ang love life ng bawat isa. 

Tahimik lang naman si Karina at minsan ay nakikitawa tawa habang nakikinig sa mga pinsan niya. Nakaka dalawang baso palang kasi siya, mahina ang tolerance sa alak kaya laging dinadaanan lang ng baso, ayaw na din naman kasing maulit ng mga pinsan niya ang nangyari kung saan nag wala ito ng malasing ng todo.  

Ayaw na rin namang malasing ni Karina, hiyang hiya pa rin talaga siya hanggang ngayon sa tuwing maaalala niya ang kahihiyang ginawa niya, sa kung paano niya hinamon ng dance showdown ang halos lahat ng makakasalubong sa daan pauwi sa bahay ng tita niya. (Doon din napatunayan ni Karina na pinalaki nga siya ng bomb, paulit ulit na spaghetti pababa ,spaghetti pataas lang kasi ang dance move niya noon.)


Narito ang summary ni Karina tungkol sa mga ganap sa makulay na lovelife ng mga pinsan at kapatid niya.


1. Happily in love pa rin ang ate niya sa long term girlfriend friend nitong si Seulgi. Ilang beses pa ngang kinantyawan dahil hindi pa daw ba nagsasawa si Seulgi sa pagmumukha ng ate niya e halos araw araw na silang nagkikita. Bukod kasi sa magkatrabaho ay same department din sila. Hindi pa nakatulong na every weekend e lagi nalang silang may date. Hindi naman na iingit si Karina, happy naman siya para sa ate niya. Kasi simula ng naging sila ay naging madalang nalang syang inisin at pag tripan ng ate niya.


2. Hindi alam ni Karina kung gusto bang maging tito of Sta Cruz ng kuya Kai niya. Sobrang busy daw kasi ito sa work kaya hindi na napag tutuunan ng pansin ang love life. May mga nag aaya naman sa kaniya na lumabas, ang kaso nga lang ay mukhang maging ang tadhana ay tutol sa kaniya. Sa tuwing may naka schedule kasi itong date, biglang magkaka emergency sa trabaho nito kaya laging nacacancel nalang.  Noong una ay medyo okay pa sa mga kausap ng kuya niya na naiintindihan na masyadong demanding at busy ang schedule ni Kai dahil doctor ito, ang kaso nga lang ay sa paulit ulit na pag cancel, sumuko na rin daw sila.  Deserve daw nila ng taong sila naman daw ang ipri priority. 


3. Broken pa rin ang kuya Tae niya.  Kasi naman ang isang ito, ang ayos ayos ng relasyon nila ng kuya Jungkook pero dahil masyado daw siyang naboboring kasi walang masyadong ganap ay lagi na itong nag hahanap ng bagay na pag aawayan nila. Hanggang dumating sa puntong napagod na sa kakaintindi ang isa at nakipag hiwalay na. Ang masasabi lang naman ni Karina ay #DESERVED.  Gusto mang makipag balikan ni Tae ay masyadong mataas ang pride nito para mag first move. Kaya ang ending ay todo parinig lang ito sa ex sa mga socmed. 


4.  Mukhang malapit ng ikasal si Ate Rosé niya.  Nagkwento kasi ito na may nakita siyang box na may singsing sa cabinet ng jowa niya last month. Hindi naman nagulat ang ibang mga kasama. Tatlong taon na rin kasi silang mag jowa at halos doon na rin tumira si ate Rosé sa condo ni ate Jisoo dahil lagi siyang nag oovernight kapag nag oovertime sa trabaho. Mas malapit kasi ang condo nito sa workplace niya.


5. Basted pa rin si lover girl Ryujin, wala namang bago doon. Sa apat na buwan na nangliligaw siya sa kaklase nito, ay wala naman talagang naging progress. Kung hindi kasi siya tititigan ng masama sa tuwing kinakausap ni Ryujin, ay dededmahin o lalagpasan lang siya ng tingin. Hindi naman na nasasaktan si Ryujin, namanhid na din ata ito. Ilang beses na siyang pinag sabihan ng ate Rosé niya pero matigas pa rin ang paninindigan. Tuloy lang daw ang laban hanggang hindi pa kinakasal si Yeji. Sabi niya nga , 'kung may tyaga, may nilaga'. Napapailing nalang si Karina habang nakikinig sa pinsan. Malakas kasi ang kutob niyang hindi nilaga, kung hindi papaitan ang makukuha nito .


6.  Sabay sabay naman na kumanta ang mag pipinsan ng ' Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko o siyang kumakatok sa puso ko? Wooooaahhh. ' nung pagkatapos mag kwento ni Minju. Ito naman kasing pinsan ni Karina, litong lito sa nararamdaman ngayon. Matagal na kasi siyang may gusto sa best friend nito, pero ilang anesthesia ata ang naiturok at napaka manhid. Tapos may nanliligaw din sa kaniya, same school pero magkaibang course. Noong una daw ay alangin siyang payagang manligaw dahil may iba na siyang gusto pero mukhang magkalahi sila ni Ryujin na never say never  dahil hindi ito umatras at mas lalo pang nag pursige. ' Let me love you the way you deserve to be love. ' Kinilig naman ang sang kabaklaan habang kinukwento ni Minju ang linyahan ng manliligaw niya.


At ito na nga, na kay Karina na ang spotlight.  Wala namang bago sa love life niya. Dalawang buwan na siyang single at wala pa siyang nakikilala na may apat na katangiang hinahanap niya. Hindi din naman kasi uso sa kaniya ang three month rule, hindi niya naman kasi sineseryoso ang mga naging jowa niya.

Paano ba naman kasi ay halos isang buwan lang din naman ang tinatagal nila. Bukod kasi sa pare parehong na tick nila ang apat na requirements ni Karina ay may iisa pa silang pagkakapareho. Niligawan lang naman daw nila si Karina para ipagyabang sa mga kaibigan nila - trophy girlfriend ika nga ng karamihan. 


Hindi naman nasaktan si Karina. Sa katunayan ay wala naman talaga siyang pake sa mga ito. Pumapayag lang naman siyang makipag date dahil nabobored siya sa bahay. 


"Alam mo naman kasi Rina, ang bababaw naman kasi ng standard mo. Tall, dark and handsome? Ano iyon, Richard Gomez lang ang peg?" At ito na naman po ang walang kamatayan na pang ookray ng ate niya sa kaniya sa tuwing pinag uusapan ang buhay pag ibig nila.


"Feeling ko talaga insan, para ka talaga sa babae."

At sinimulan na nga ni Ryujin ang agenda nila.

Hindi naman sineseryoso ng isa ang pang aasar ng mga ito. Kasi kung bakla siya, bakit wala pa siyang nagugustuhan na babae sa twenty one years na nabubuhay siya diba?


"Malakas ang radar ko bebe gurl. Nakatago palang ang colorful wings mo."

 

 

 


Hindi na nakakapagtaka kung tinanghali na ng gising ang mag pipinsan. Mag aalas singko na rin naman kasi sila nakatulog. 

Kanina pa wala ang mga matatanda dahil namalengke daw ang mga ito kaya bukod sa kanilang pito ay ang tito Juancho lang ang kasama nila , siya yung tatay ni Kai.


" Rina, tawag ka ni mommy. Kausapin ka daw. " Inabot ng nakakatanda ang hawak na cellphone sa kapatid.

"Hello po ,My?" Mahinang sambit ni Karina sa cellphone. Ayaw niya na rin namang magising ang mga pinsan dahil paniguradong maba bad mood ang mga iyon.  

Pagkatapos kasing mag tanghalian ay nagsibalikan sa kwarto ang nga ito, may mga hangover pa daw kasi kaya mag babawi ng tulog. 

Napapailing nalang si Karina kasi ang lalakas ng loob mag aya ng inuman pero ito, tumba naman kinabukasan. 

"Rina anak , bukas pa kami  ng  gabi kami makakauwi ng papa mo diyan. May biglaang meeting daw sila sa umaga." Panimulang bungad ng ina. "Nabilin naman na kita sa ate mo kaya mababantayan ka niya. Huwag ka ring malikot diyan at nakakahiya sa mga tita mo."


Napa ungot naman ang bida. " Mommy naman. Ang tanda tanda ko na po, hindi niyo naman na ako dapat pagsabihan pa."

"Aba Karina, sinisigurado ko lang na hindi ka na mag lalasing at baka kung anu ano pa ang gawin mo."


Napahilamos nalang sa mukha si Karina. Mukhang hindi na talaga siya lalayuan ng pang yayari last year. Kulang nalang ay maglagay siya sa bio niya ng 'Karina Nicole Yu, ang bomb dancer  pag lasing ng Manila'.


"Myyyy, one time lang naman kasi iyon. Hindi na po mauulit."

"Aba dapat lang. Itatakwil talaga kita kapag inulit mo pa. Hindi ka man lang kasi nag iba ng dance moves? Paulit ulit na spaghetti pababa pataas lang talaga? Jusko, kanino ka ba nag mana e parehas kaming dancer ng papa mo?"


At ito na nga, hindi naman nagtaka si Karina kung bakit ganon ang reaction ng mga magulang niya, nasa lahi na ata nila ang pagka siraulo at pagiging weird. Nahihiya daw kasi ang mga ito hindi dahil nagkalat siya sa daan kung hindi napaka generic ng dance moves niya. Napagalitan pa siya ng papa niya ng mapanuod ang video, ' anak naman, tinuruan kitang mag teach me how to dougie nung bata ka, pati yung breakdance, iyon sana ang sinayaw mo para taob lahat ng mga ito.'

 

 

 

Naalimpungatan si Karina sa mahihinang tapik sa balikat niya.


Pagkamulat ay nakita niya namang si Minju na may bitbit na tuwalya, halatang bagong paligo.


"Gising na Rina. Malalate na tayo. "

Takang-taka naman ang isa. Wala kasi siyang maalala na may lakad sila.

Sinilip naman niya ang buong kwarto at siya na nga lang ang naiiwang natutulog.

"Uhmmm. " Pag uunat niya. " Anong meron?"


Mahinang tanong habang nagkukusot ng mata. 


"Manunuod tayo ng pageant." Sagot ni Minju habang nagpapatuyo ng buhok.

 

Napatingin naman sa suot na relo si Karina. 4 :43 pm palang naman kasi. Ang alam niya ay usually gabi ang start ng mga beauty pageant.

 

"Ang aga namang mag start? Diba gabi pa dapat iyon?"


"Mamayang gabi pa nga. Kaso kasi may parade ngayong hapon bago sila tumuloy sa plaza."


Bumalik sa pagkakahiga si Karina bago nag taklob ng kumot sa ulo.


"Parade lang pala. Pasabi, hindi nalang ako manunuod.  "


"Ay naku insan, bumangon ka na dyan. Sabi ni ate Irene, kung alas singko at wala ka pa sa labas ay kakaladkarin ka daw niya."

Tuluyan namang natakot si Karina kaya lalango langong kumuha ng tuwalya at gamit sa bag na dala niya.

May isang salita kasi ang ate niya. Pag sinabi nito ay tiyak na gagawin. Naalala niya pa dati na hindi agad siya bumangon kaya bigla nalang siyang binuhusan ng tubig habang nakahiga.  Ang ending, siya na nga ang nabuhusan, siya pa napagalitan ng parents nila dahil basang basa nga ang kama niya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Taglamignanaman
Sa comment ko na nilagay. Di daw kasi kasya😬

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
jigujellyyy #2
hdhsjsjsjjs this is so cuteeeeeeeeeee
sepvenanje #3
aasa pading mag kasunod
sepvenanje #4
Chapter 2: naka vote na ba lahat? vote na kayo para ma featured
lemon_seju
#5
Chapter 2: sobrang cute pls 😭
Coleeee #6
Chapter 2: Yung ang taas ng standards mo sa lalake kasi baccla ka pala trope HAHAHAHAHA! Omg bingo na yung magpipinsan. And katuwa yung family nila. Full support sa "ituloy ang kabaklaan" agenda.
ske3p-er #7
Chapter 2: cute naman 😭 sarap abang-abangan
wintzkie #8
Chapter 2: Ang cutie naman ng bebe rina na yan . Bading na bading kay winter 🤭😉 .
shiro11 #9
Chapter 2: THIS IS SO CUTE!!!! 😭😭😭
sepvenanje #10
guys mag vote kayo, deserve niya ma featured