Ang Babae sa CR

Parang Normal Activity
Please Subscribe to read the full chapter

Kinagabihan habang kumakain kami ni mama. Napapaisip ako sa naranasan ko kanina. Yung tatlong multo na estudyante at yung kaibigan niya na multo sa comfort room namin doon sa library building. My curiosity creep in my whole system dahil sa mga sinabi nila.

 

Hay ewan talaga ito yung hindi ko gusto kapag pinakinggan ko yung mga multo eh! Maraming katanungan yung namumou sa isipan ko!

 

Tsk.. ano ba ang nangyare? Bakit sila nasa skul eh iba yung uniporme nila? Anong ibig sabihin nila na “nasisiraan ang bait?” bumuntong hininga ako first time ko makinig sa isang multo tapos nagka ganito ako! Errr nkakainis!

 

“anak okay ka lang?”

 

“Huh?”

 

Humarap ako kay mama at tumikhim “opo, ayos lang ako.”

 

“kanina kapa kasi bumubuntong hininga diyan.”

 

“baka nag away sila ni ate winter, ma.”

 

“Huy hindi ah!” sabi ko sa kapatid ko. Bihira lang kaya kami mag away ng baby ko no. Tumawa naman si mama sa naging reaksyon ko tapos si papa ngiti ngiti lang sa akin. Aish hindi talaga ako sanay kapag tinutukso nila ako kay Winter. Nahihiya talaga ako.

 

Di naman umimik yung kapatid ko at patuloy lang sa pag kukulikot ng cellphone niya.

 

“Eh ano iniisip mo? Parang ang laki laki ng problema mo ah?”

 

“Wala naman, ma.” Sabi ko ulit. Ano ba to si mama bakit ang lakas lakas niya maka sense kung may iniisip ako? Abot paba to ng kakayahan niya?

 

“Sure?” hay nako.

 

“Opo.”

 

I saw my mother shurgged at bumalik na sa pagkain niya “Baka kasi may maitulong ako sa problema mo.”

 

Ay ano ba yan. Napakamot na lang ako sa ulo nang marinig ko yun. Pero tama naman siya eh. Makakatulong talaga si mama sa pinoproblema ko. At siya lang talaga makakatulong. Tinignan ko si mama habang kumakain still contemplating kung sasabihin ko ba or hindi, baka kasi pag sabihan niya ako eh. Aish bahala na nga!

 

“Actually-“

 

“Oh! Ate diba sa eskwelahan nyo to?” naputol yung sasabihin ko sa nanay ko ng bigla sumingit yung kapatid ko na kanina pa nag seselpon sa hapag. Pina kita niya sa akin yung ibig niyang sabihin na ikinabigla ko.

 

[Isang Estudyante sa isang unebersidad ng San Francisco ang isinugod sa hospital bandang alas singko ng hapon pagkatapos atakihin ng isang Multo?..]

 

Yan yung article na naka lagay. Meron pang mga pulis at ambulansya as a thumbnail ng news. Tinignan ko yung oras at 1 min ago lang yung post. Dalawang oras napala nakalipas.

 

“Basahin mo nga, ton.”

 

“Wala ka bang cellphone diyan ate?”

 

“Wala eh naka charge sa kwarto ko.” Sabi ko sa kapatid ko. “Sige na. Andiyan na eh wag na maarte.” Pag patuloy ko dahil akmang magrarason na naman siya.

 

“Eto na..” tumikhim muna siya “Isang Estudyante nang San Francisco ay isunugod sa ospital pagkatapos matagpuan walang malay at may pasa sa sa mukha sa loob ng comfort room sa mismong paaralan. Ayun sa nakalap namin na balita sa mismong biktima na si Helen after niyang magising, inatake daw siya ng isang multo at pinagsasakal sa kadahilanan na baka na gimbala niya eto sa mismo niya tirahan...”

 

Patuloy parin binabasa ng kapatid ko yung article habang tahimik naman kami dito nakikinig. Si mama patuloy lang sa pagkain samantala si papa ay parehas ko na tumigil muna sa pag subo. Eto na ata yung sinasabi ng tatlong estudyante na mas lalo siya naging agresibo. Medyo mahaba pa yung article na ayun pa kay helen hindi daw siya makapaniwala na nangyare yun sa kanya dahil hindi siya na niniwala sa multo not until nangyare sa kanya. Alam niya din daw na usap usapan yung about sa cr sa may library pero nakalimutan niya sa kadahilanan na tinatawag na nga siya ni mother nature.

 

Hindi ko alam kung mas lalo ako maguilty sa nangyare or maawa dahil hindi siya makaka pasok muna dahil sa insidente. Alam ko na dapat ko talaga sila tulungan kasi baka mas malala pa ang magiging outcome ng pagyayare or worst madamay pa yung eskwelahan dito. Tinignan ko si mama pero parang wala lang sa kanya. Si papa naka tingin din sa kay mama.

 

“Ma...”

 

“Ayoko, Karina.”

 

Ha?

 

“Po?”

 

“Alam ko na kelangan nyo ng tulong ko para kausapin yung multo na nasa news. Actually alam ko na yung nangyare dahil tinawagan ako ng eskwelahan niyo after ng pangyayare na yan.” Uminom siya ng tubig “at tinanggihan ko.”

 

Natigilan din yung kapatid ko sa ginagawa niya at nakita ko na may katanungan din siya sa sinabi ni mama. Kahit di bumuboses yung kapatid ko, makikita mo talaga sa mukha niya ang pagtataka. Hindi naman kasi tumatanggi si mama sa mga ganitong bagay lalo na may katuwang naman siya para kausapin yung multong umatake. Si papa talaga di na nag salita pa at mas pinili na lang makinig.

 

“Baket, po?”

 

“Gusto ko ikaw yung tutulong sa kanila, anak.” Tinignan ako ni mama. Oh lord! Eto na nga ba yung sinasabi ko eh! “Ngayon na yung oras na kelangan mo gamitin yung kakayahan mo na meron ka.”

 

“Pero ma naman, alam nyo naman po na hindi ko kaya diba? Baka naman ma, kayo ho muna-“

 

“Hangang kelan ba yang pagtakas mo sa abilidad mo anak?” My mother sighed na nagpayuko sa akin.

 

“Kelangan mo tanggapin na may taglay kang galing na pinamana ng mga ninuno natin. Handa naman kita tulungan eh. Nandito naman ako kapag gusto mo matutunan yung iba at kung may hindi kapa na intindihan. Tandaan mo, humihina na ako.” She sighed.

 

Pero di ko naman kasi to ginusto at hiniling eh. Gusto ko mainis dahil hindi ko man lang maranasan maging mapayapa yung pamumuhay ko ng walang sagabal. Kung tutuusin kung pwede ko lang malipat yung ganto ginawa ko na.

 

Pero wala eh. Nandito na yun. I was born with it.

 

“Yan ba yun iniisip mo kanina?”

 

Tumango ako “Kinausap po ako ng tatlong multo sa eskwelahan. Kaibigan daw po nila yung multo na umatake.”

 

“Oh diba kahit yung multo nga sayo na mismo lumalapit. Ibig sabihin meron silang tiwala sayo.” My mother reached my hand “Alam ko kaya mo yan, anak. You just need to embrace kung anong meron ka.”

 

“Tama ang mama mo, anak. Siguro ngayon na yung oras para harapin mo kung sino ka talaga.” He smiled “Naniniwala kami ng mama mo sa’yo, Karina.”

 

Nagyon ko lang narinig na nag salita yung pamilya ko ng ganito regarding sa pagiging shaman ko. Si papa kasi hinahayaan niya lang ako kung ano yung desisyon ko pero ngayon, doon siya nag side kay mama.

 

“Try mo lang ate, wala naman mawawala eh.”

 

Inirapan ko lang kapatid ko sa sinabi niya. Che! Palibhasa kasi limited lang ang pagiging shaman niya!

-

 

Kinaumagahan, maaga pa rin ako nagising sa alarm clock ko. Alas sais pa lang ng umaga at 7:30 pa yung pasok ko. Nag reply muna ako sa jowa ko na papasok na ng skul dahil may 6 am class siya bago ko ulit sinubukan matulog.

 

“Good Morning..”

 

“Hmm morning..” walang gana ‘kong sabi sa babae naka tayo malapit sa aking study table. Naka puti siyang bistida na maamo ang mukha. Maganda yung aura niya at sigurado ako na mabait siya, narinig ko yung mahina niyang tawa na parang bata tapos wait....

 

Sandale!

 

Napamulat ako ng mata ng napag tanto ko na isa siyang kaluluwa sa loob ng kwarto ko!

 

HALA!

 

SA LOOB NG KWARTO KO?!

 

PAANO?!

 

BAKET?!

 

KELAN?!

 

 Napabalikwas ako sa kama ng wala sa oras at tinignan yung babae na patuloy parin nakangiti sa akin. Aba parang natutuwa pa siya na natataranta ako ngayon ah.

 

“Paano ka nakapasok?!”

 

“Tumagos ako sa pader?”

 

“Paano?!”

 

“Tumagos nga! Kulet!” she rolled her eyes on me. Oh my god! “Teka alam mo naman na multo ako no?”

 

“Malamang! Pero paano ka nakapasok?! Dapat hindi ka pwede nakapasok dito!” sa pagkaka alam ko next month pa yung expiration ng talisman ko na naka dikit sa bintana at pader ng kwarto ko ah. Bumaba ako sa kama ko at tinuro yung naka dikit. “Paano mo to nalampasan?!”

 

Kumunot yung noo niya “Papel? Baket anong meron diyan?” Lumapit siya doon at hinawakan yung papel na ultimo kukunin niya pero bago niya pa makuha, pinigilan ko siya.

 

“Wag!” jusko. Nagulat naman ata yung babae dahil napahawak siya sa dibdib niya. Tumingin ako sa labas at nakita ko na lang yung ibang multo na nakalutang na malapit sa bintana ko.

 

“Uy. Hi friends..” kumaway pa siya sa kanila pero sinirado ko na yung blinds ko dahil nakakatakot sila.

 

Ano daw?!

 

“Ay.. ang rude mo naman. Alam mo ba na kelangan nila ng tulong?”

 

“Wala akong paki alam sa kanila. Pero teka nga paano mo nalampasan yan eh talisman yan para di makapasok yung mga nilalang na katulad mo!”

 

“ah kaya pala. Yan pala yung sinasabe nila sa akin.” Tumango tango siya. Napasinghap ako “Wag mo balakin na kukunin to! Kundi yari katalaga sa akin!"

 

Naguguluhan ako bakit di siya tinatablan?! Kumuha ako ng insenso at sinindihan eto tapos tinapat sa kanya pero umubo lang siya pagkatapos niya masinghot yung usok “alam mo, maganda nga yang insenso pero ilayo mo nga yan. Nauubo ako eh.” Tinulak niya yung kamay ko.

 

Luh?! Hindi man lang tinablan?! Dapat mawala siya eh! Expired na rin ba tong insenso ko?!

 

“Pero huy ha seryoso kelangan mo talaga sila tulungan.”

 

“Wala akong pake sa kanila!” gulong gulo na ako ngayon jusko paanong may naka puslit na multo dito sa kwarto ko? Nakita ko yung pag simangot ng kaharap ko “Wag kang mag sabi ng ganyan. Naririnig ka nila kahit multo lang yan sila may feelings din sila no.”

 

Aba’t nag guilt trip pa?! Pambihirang multong to! Teka nga parang nawawala na ako sa pinag uusapan namin ah!

 

“Pero paano ka nga nakapasok? Alam mo ba na nilagay mo yung sarili mo sa piligro sa pag pasok sa isang pamamahay ng shaman?”

 

Pag makita to ni mama sigurado babalik to sa pinang galingan niya! Aha! Tama! Tawagin ko kaya si mama-

 

“Kung ano yang binabalak mo wag mo nang gawin!” Irap niya “Grabe ka talaga napaka sama mo! Hmp! Alam mo, mas malala kapa sa multo nakakasalamuha ko araw araw.”

 

At pinag hambing pa ako sa multo??? Jusko naman!

 

“eh ano bang kaylangan mo? Alam mo kung kaylangan mo ng tulong ko hindi talaga kita matutulungan!”

 

“Hindi ko naman kasi sinabi na kaylangan ko ng tulong mo no. Nandito lang ako para may makausap ako. Hmp! Baka nga ako pa maka tulong sayo diyan eh.”

 

I Scoffed. Ako? Tulongan niya? At anong tulong naman aber? Bahala na nga tinatamad na ako aalahanin kung ano man yang pinag sasabi niya. Ang gusto ko lang bakit siya nakapasok sa loob ng kwarto ko?!?!?!?

 

“at sa tanong mo, di ko alam paano ko yan nalampasan. Basta naka pasok na lang ako sa kwarto mo pagka house to house tour ko.”

 

House to house tour?!?!? Ibang klase, anong akala niya? Nagbabaksyon ganon? Tinignan ko siya ng blanko at unti unti ko tinaas yung kamay ko na may bracelet.

 

Last panangga ko na talaga to!

 

Tignan natin kung di pa siya mapapaalis. Baka may basbas to ng nanay ko na magaling-

 

“Oh gagawin ko diyan?” tumaas yung kilay niya at mas lalo ko pa nilapit yung kamay ko pero for the second time. Tinaboy niya lang yung kamay ko palayo sa kanya. At eto pa ha! Nahawakan niya yung bracelet ko na di siya nasasaktan?!

 

Hayuf!

 

“Alam mo ang weird mo!” umalis siya sa pwesto niya at umupo sa kama ko. B-bakit di siya natablan?! “Gusto lang sana kita kaibiganin dahil halos mag kasing edad lang tayo. Wait ilang taon kna?”

 

“25.” Sagot ko sa kanya. Pero nagtaka ako bat ako sumagot? Aish! Nababaliw na ba ako?

 

“23 ako. So di nga tayo magkalayo ng edad.” Tumango tango siya at nilibot yung paningin niya sa loob ng kwarto ko.

 

“Hmmp ganto pala ayos ng kwarto mo. Infairness maganda ha at masyadong malinis pwera lang talaga sa mga naka dikit dito na nagpapa sira ng view.” Ngumuwi siya. Jusko ano bang klaseng multo to?! Multo ba to ng future? Or baka namn naka experience ako ng glitch na panahon ngayon? Dahil kung umasta to parang tao eh!

 

I shake my head “Teka nga.. ano bang pakay mo sa akin ha?” nakapamewang ‘kong tanong.

 

“wala, may naramdaman kasi ako sayo nakakaiba eh. Basta hindi ko ma explain kung ano yun presensya mo, yun yung humila sa akin dito kaya naka tayo ako ngayon sa harapan mo” Ngumiti siya. Talaga bang multo to? Kagaya ng una kong kita sa kanya wala siyang balak na masama sa akin ang light din ng atmosphere na naka palibot sa kanya “anyways... let me introduced my self.” She cleared .

 

“I’m ningning. Ikaw si Karina diba?”

 

Anak ng tokneneng. Kahit pangalan ko alam niya din.

 

Hay buhay.

-

 

“Ma, alis na po ako..” isinukbit ko yung bag sa balikat ko at hinarap siya na nag pupunas ng mesa.

 

“Sige, ingat ka ha? At yung bilin ko sa’yo.”

 

I sighed. Eto yung regarding sa kagabi na issue. Kinausap niya ako ng masinsinan sa kwarto ko at tinuruan sa kung ano ang pwede ko gawin. Oo haharapin ko yung multo pagkatapos ng first subject. Kinakabahan pero bahala na talaga.

 

“Sige po.” Aalis na sana ako ng may na alala ako “ay ma, dito po muna pala matutulog si winter sa makalawa, okay lang ho po ba?”

 

Ngumiti si mama “aba oo naman, alam mo naman di na bago yang nobya mo sa pamilya natin. Welcome na welcome siya dito.”

 

Ay ano ba yan mama. Ngumiti ako sa nanay ko sa sinabi niya. Masaya ako na pamilya na din yung turing nila kay Winter.

 

“Oi!”

 

I groaned. Eto na naman siya.

 

“Alam mo ngayon pa lang talaga ako nakakalakad sa gantong panahon. Usually kasi sa loob lang ako ng bahay dahil wala akong kasama.”

 

Nakikita ko yung ibang multo na pinag titinginan kami siguro nag tataka paano ako nalalapitan ng isang to. Syempre naririnig ko parin yung mga sinasabe nila.

 

“ang ganda pala ng paligid no? Ngayon ko lang napansin.”

 

Hindi ko na lang siya pinapansin kasi baka akalain ng ibang tao baliw ako na nagsasalita mag isa. Pero ibang klase talaga ang multo na to. Para siyang bata na mangha na mangha sa mga nakikita sa palibot niya ultimo aso sa daan bini-baby talk niya. Pang ilang buntong hininga ko na ba to? Kanina pa kasi siya nag sasalita mag isa tapos parang wala lang naman sa kanya na di ko siya pinapansi or sinasagot yung tanong niya.

 

“Lam mo ba di ko ma alala kung ano yung buhay ko bago ako naging multo. Pilit ko inaalala yung nakaraan ko pero wala talaga.” May bahid na lungkot yung boses niya. Sabi ni mama kapag daw namatay yung tao meron pa naman sila maalala kung ano yung nangyare sa buhay nila kaya nga sila pumupunta at humingi ng tulong sa kauri namin dahil may mga unfinished buisness pa sila. Mawawalan lang talaga sila ng memorya kung sino sila kapag nakatawid na talaga sila sa kabila.

 

Pero sa stado nitong multo na to, hindi ko alam bakit wala siyang ma alala. Napaisip ako tuloy, nagkaka amnesia din ba ang multo?

 

“Pero malapit yung loob ko sa mga pusa. Siguro dati akong pusa sa past life ko tapos naging taong multo lang.”

 

Hay ewan. Napairap na lang talaga ako sa sinasabi niya.

 

“Ay ngapala pupunta tayo kung saan ka nag aaral?”

 

Tumango ako. Sa lahat ng mga tinanong niya kanina habang nag lalakad kami, eto lang yung tanong na sinagot ko.

 

 “Yieee! Gusto ko yan! Matagal na ako di nakakapunta ng school! Excited na ako!”

 

Sana talaga matutunan ko habaan yung pasensya ko sa multong makulit kagaya niya. Parang wala talaga siyang balak na tantanan ako.

-

 

"Cruiship is another part of a tourism and hospitality industry where everyone’s dream job. Karamihan sa mga kagaya natin ay pangara

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mitsii_chickin
#1
Chapter 2: Sabi na si ning yung multo e 😭
ryujinie__
697 streak #2
Chapter 2: HAHAHHAHAA ningning 🥹
CincoYoo
#3
natatawa ako sa title😭
howdoyouknowmee
542 streak #4
Owemgeeee!! Di ko matapos tapos basahin yung last 2 chaoters ng JOMML dahil ayaw ko siyang matapos sa isip ko huhu tapos meron ulit bago yeyy!!
crimson_snow #5
Chapter 1: You're back! Loving the new au already and buti na lang morning ko to ni-read otherwise I think masstuck sa brain ko yung last scene 🫣
listless_radish
#6
Ang witty ng title, I like hahahaha
ryujinie__
697 streak #7
Subscribed and upvoted!