Chapter 1

Parang Normal Activity
Please Subscribe to read the full chapter

 Naalimpungatan ako sa aking mumunting panaginip at bahagya ng nagising. Gusto ko sana bumalik ulit sa pag tulog dahil maaga pa naman pero kahit anong pilit ko, tila nawala na talaga ang aking antok. Sayang ang saya ko pa naman dahil kapag tulog, para lang akong normal na tao at walang pino problema tapos kasama ko pa yung mga mahal ko sa buhay.

 

Pero di bali na atleast nauna pa ako sa alarm ko magising.

 

“Anak!”

 

“Gising na po ako, ma!”

 

“Very good!”

 

I sigh. Panibagong araw na naman ang aking tatahakin sa pag pasok sa skul. Okay lang sana kung wala akong ibang iniintindi pero hindi eh.

 

I look outside on my window at agad naman akong napa simangot. Jusko lalo lang sila dumadami sa labas. Ilang beses ko na ba sinasabe na hindi ako makakatulong sa kanila?! Bakit ang tigas pa rin?! Tsk sinirado ko na lang ulit yung blinds ng bintana ko dahil parang kinikilabutan ako sa mga nakikita ko.

 

Maya’t maya tumunog ang aking cellphone hudyat na kelangan ko na kumilos dahil kung hindi baka malate ako sa klase at makakatikim na naman ako ng community service bilang parusa.

 

Hmp akalaim mo yun kasi kahit college na ako meron parin kaming community service bilang parusa kapag malate kami sa subject na to. 

 

Inayos ko muna ang aking higaan tsaka yung mga naka dikit dito sa aking mga dingding at bintana. I need to check kung may bisa paba or kelangan ko na palitan kasi mayayari ako kapag nawala ang bisa ng dasal sa mga ito. Pati na rin yung pag sindi ko ng insenso dito sa kwarto ko.

 

Baka magulat na lang ako na meron na pala naghihintay sa akin dito mamaya pag dating ko sa eskwelahan.

 

Hay..

 

After I checked na okay pa ang lahat, kinuha ko na ang aking tuwalya para maligo.

-

“Mag iingat ka, anak ha?”

 

“opo, ma”

 

“yung bracelet mo sout mo?”

 

Pinakita ko naman kay mama yung sout ko na bracelet hudyat na di ko nakalimutan na isout yun. Jusko baka mabaliw ako kung sakali malimutan ko yun.

 

Tumango naman si mama habang nag liligpit sa aming pinagkainan. Yung bunso ‘kong kapatid nauna na sa akin umalis at si papa naman umalis din kaninang alas singko ng umaga para mag bantay doon sa barangay hall. May nag rambulan naman kasi na mga kabataan kaninang madaling araw kaya kelangan pumunta ni papa doon para mag imbistiga. Hay nako kung sana nakikita lang nila yung mga nakikita ko sure ako na walang gulo mangyayari dito.

 

Pero hindi eh.

 

Sadyang isa talaga ako sa pinaka maswerte na tao nabiyayaan ng ganitong regalo.

 

Pagkatapos ko mag paalam kay mama at dinouble check ang aking gamit, lumabas na ako ng bahay na ulitimo’t wala lang.

 

“pssst..”

 

“Huyyy...”

 

“Tulongan mo naman kami oh..”

 

“sige na.. para makatawid na kami..”

 

“oo nga..”

 

Aish! Kunwari wala ako naririnig.. act normal tayo ngayon.

 

“Miss..”

 

Pinikit ko ang aking mata at umiwas ng bahagya noong naramdaman ko yung pag bulong sa akin as I let a whimper out. Tumaas din yung mga balahibo ko ng dahil sa Malamig sobrang lamig na akala ko nasa loob ka ng freezer. Pero agad din naman siya napa atras ng ilang metro palayo sa akin.

 

“Alam ko naririnig mo kami! Wag ka nga mag bingibingihan diyan! Kelangan namin ng tulong mo!” Sigaw niya na ultimo ng galing sa lupa..

 

Hnggg doon kayo humingi ng tulong sa nanay ko! Wag sa akin!

 

Di ko na lang ulit sila pinansin at mas pinabilis ko na lang yung lakad ko. Hanggat sa tumigil na sila at di ko na sila masyado marinig.

 

“Karina!” napasinghap ako at humarap sa basurahan kung saan yung tumawag sa akin.

 

Jusko naman. Ngumingiti sa akin yung babae at pinaypayan ako gamit ang kaliwang kamay na parang gusto ako na pumunta doon sa kanya.

 

Ayoko nga! Ang dungis dungis niya at baka marumihan pa ako. Hirap kaya mag laba ng damit yung nanay ko! Umiling ako sa kanya at tumakbo na palayo.

 

Tapos nakakatakot pa yung itsura! Para siyang tao sa evil dead! Nasa loob siya ng trashcan at yung ulo niya lang at magulong buhok ang nakikita!

 

I could feel a shiver run down on my spine dahil doon!

 

Araw araw ko sila nakikita since bata pa ako pero di parin ako nasasanay na maka kita ng mga ganon. May iba kasi na ayos yung itsura na ultimo parang tao lang tas meron naman na sobrang nakakatakot talaga yung mukha nila yikes! Ayoko makita ng mga ganon!

 

It gives me nightmares!

 

Nakakalayo na ako sa kung saan yung babae at nakumpirma ko na walang ibang elemento ang aking tinatahak, sinimulan ko na uli mag lakad. Malapit lang naman yung eskwelahan kung saan ako nag aaral kaya ayos lang na lakarin ko tsaka nauna naman ako sa alarm ko eh kaya sigurado ako na di ako malelate.

 

Kung nagtataka kayo I have this ability to see things na hindi nakikita ng iba. Nasa dugo namin yun bilang isang shaman. Oo isa kaming shaman at minana ko to sa pamilya nila mama. Lahat kami sa mother side ay nakaka kita at nakakaramdam lalo na yung mga first born na anak and also we help them to cross the bridge sa mga multo na di pa mahanap yung liwanag. Maliban lang sa kapatid ko na hindi talaga fully activated yung senses niya kaya kahit papano hindi siya lapitin ng mga multo. At wala siyang taglay talaga katulad ko. Bakit? Kasi ako ang matanda sa amin eh so ako lang yung may potential. Oh dba? Ang swerte ko lang talaga.

 

Anyways, Sa mundo kasi nato, Akala ng iba is when we died, Our souls will eventually go to heaven. Pero no, when we died our souls will stay muna sa mundong ibabaw.

 

Bali kami yung parang consultant nila kung meron pa sila ipinapagawa na hindi nila na gawa habang buhay pa sila like kausapin ang pamilya or may ipapabigay. Pagtakatapos non, they will going to cross the bridge of after life at doon naman mahahatulan kung pwede naba sila iakyat sa langit or ibaba sa empyerno. Madali lang actually at hindi naman kasi to bago sa lugar namin, kilala naman si mama sa taglay namin kakayahan dahil marami na siya na tulungan ang problema lang ay ako. Hindi pa kasi ako handa eh. May mga spells kasi at kung ano ano pa kaya nahihirapan ako tsaka ano.. natatakot ako.

 

Alam ko kelangan ko na tulungan si mama dahil unti unti na din nawawalan ng lakas si mama. Sighh okay lang sana kung yung mga namatay lang in a natural way yung mga kaluluwa ang dali dali lang pero kapag kritikal na, like avenging ghost, evil spirits at kung ano ano pa, nahihirapan ako. Tsaka di rin namin yan ma cater ng maayos. Masyado kasi sila aggressive at kelangan namin sila pa kalmahin pa para maka usap minsan hinihingi nila ay beyond na sa kaya namin.

 

Like hello? Hindi namin kaya pumatay no! Malalagot kami niyan sa diyos namin at sa amin mga ninuno kapag may nilabag kami sa batas.

 

Ayaw ni mama ng ganon pero tina try niya naman tulungan with the help of our cousin. Siya ang expert sa mga ganon kaya niya talaga makipag usap at harapin ang mga nilalang na nilalamon ng poot at galit.

 

Dumating na ako dito sa school at umupo sa bench ng lobby namin. Siguro magbasa basa muna ako dito habang naghihintay meron din kasi kaming quiz sa isa naming major subject so I better refresh those lesson na pinag aralan ko kagabi.

 

Kukunin ko na sana yung libro na pag aaralan ko ng makita ko yung libro na pinagpa aralan ni mama sa akin. Sigh..

 

“anak, hindi sa lahat ng oras nandito ako para tulungan ang mga tao na kelangan ng tulong kaya hanggat maari pag aralan mo yang libro na bigay ni lola mo..”

 

Nalala ko naman yung palaging sinasabi ni mama sa akin. Pero sa tuwing sinusubukan ‘kong aralin, meron sa loob ko na may kulang. Parang ano parang hindi bukal sa loob ko.

 

“babe..” napabalik naman ako sa aking ulirat ng marinig ko yung boses na nagpapasaya sa akin.

 

“hi..” I smile

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mitsii_chickin
#1
Chapter 2: Sabi na si ning yung multo e 😭
ryujinie__
697 streak #2
Chapter 2: HAHAHHAHAA ningning 🥹
CincoYoo
#3
natatawa ako sa title😭
howdoyouknowmee
542 streak #4
Owemgeeee!! Di ko matapos tapos basahin yung last 2 chaoters ng JOMML dahil ayaw ko siyang matapos sa isip ko huhu tapos meron ulit bago yeyy!!
crimson_snow #5
Chapter 1: You're back! Loving the new au already and buti na lang morning ko to ni-read otherwise I think masstuck sa brain ko yung last scene 🫣
listless_radish
#6
Ang witty ng title, I like hahahaha
ryujinie__
697 streak #7
Subscribed and upvoted!