what's next?

Driving Me Crazy

 

"Winter! Sabay ba tayo sa bus? Kapag hindi, pasakay naman." Pangungulit ni Ryujin.

 

"Huy! Akala ko ba tropa lang? Bakit kayo magsasakayan, Ryujin ha.." Eskandalosang react ni Liz, teammate din nila. 

 

"Gago ka beh, sakay kasi sa kotse. Pogi kaya ng bagong car nito ni Winwin." Kunot-noong sagot ni Ryujin.

 

"Shut the up challenge, failed." Walang-emosyong sabi ni Winter na pinapagitnaan ng dalawa nyang teammates. 

 

Iniwan nya ang dalawa at mabilis naglakad palabas sa gym. Nagshooting drills lang sila para nasa kondisyon mamayang game. Actually si Winter lang ang may gawaing ganito tuwing game nila, di niya lang alam kung bakit nandun ang dalawang mokong pagkarating nya kanina. 

 

Hanggang sa makalabas sila sa gym ay nagbabangayan pa rin sila, buti na lang at wala na masyadong tao dahil may klase na ngayon ang buong highschool department. 

 

Highschool gym kasi ang gamit nila, iba pa yun sa main gym ng school, basta nasa highschool building lang sila. 

 

"Ano? Pwede ba pasakay sa bago mong baby, g ka ba?" Nakabuntot pa ring tanong sa kanya ni Ryujin. 

 

Napabuntong hininga na lang si Winter bago sumagot sa kaibigan. 

 

"Nope, di pwede, Ryu. Next week na lang dun sa isang auto." 

 

Napahawak naman si Ryujin sa dibdin at onti-onting lumuhod para simulan ang kadramahan nya. 

 

"Ang sakit sakit sa puso, ganito na pala ang mga tropa ngayon." Pag-iinarte nya habang paluhod na. 

 

Bago pa siya tuluyang makaluhod ay binatukan na siya ni Liz. 

 

"Arte mo bading, tara na. Parang sasapakin na tayo nitong si Winter eh." Aya ni Liz kay Ryujin para pumunta sa athletic's office kung saan sila nagsstay bago sila umalis papunta sa mga venue ng games nila. 

 

Nagpaalam na sila sa isa't isa, hindi pa kari didiretso si Winter sa office dahil pupunta pa sya sa gazebo sa likod ng highschool building. Katulad nung shooting bago ang actual game nila, isa rin 'to sa mga pre-game ritual ni Winter. 

 

Kapag may laban, pupunta sya sa maliit na gazebo sa likod ng highschool building tapos magmemeditate don o makikinig sa music habang nakahiga sa isang mahabang bench. Nung una nya kasi 'tong ginawa, effective na mas naging focused sya sa game, simula nun ay ginagawa niya na ito kada may laban sila. 

 

Naputol ang meditation ni Winter nung maramdaman niya ang presensya ng ibang tao, pero hindi muna sya nagmulat ng mata dahil may hula na sya kung sino ito. 

 

"For the game later, Capt?" Tanong nito kay Winter.

 

Tumango lang si Winter bilang sagot at nanatili lang nakapikit habang pinapakiramdaman ang katabi niya. 

 

"You'll do great later, love.. and we all know that." Dagdag pa nito at tuluyan nang umalis. 

 

Nagmulat ng mata si Winter at ang unang umagaw sa pansin niya ay ang strawberry nutriboost na nakalagay sa tabi niya. 

 

Iilan lang ang mga taong nakaka-alam na paborito niya ang inumin na yun kaya napangiti na lang siya sa nakita. 

 

Mukhang mananalo nga talaga kami mamaya, binigyan ba naman ako ng favorite drink ng favorite person ko eh. Nako po! 

 

 

 

 

 

 

"Hi everyone, i'm here now with our Player of the Game. So Winter, kamusta naman yung game? Anong ginawa nyo to secure this win?" Tanong ng courtside reporter kay Winter habang nasa harap ang cameraman. 

 

"Uhmm, ayos lang naman siya. We just did what we're doing sa training, adjust, listen to coach, and hardwork lang." Ngumiti si Winter pagkatapos sumagot. 

 

"There we have it guys! Before tayo matapos, may gusto ka bang batiin? Family? Friends? Go on." Encourage nito sa atleta. 

 

"Oh yeah, hello po sa family and relatives ko in Cavite. To my friends who's watching and syempre to my girlfriend." Ngumiti siya matapos magsalita pero hindi nakatakas sa pandinig niya ang paglakas ng hiyawan. 

 

"So there we have it guys! Congrats again, Winter." Pagtatapos ng post-game interview. 

 

Dumiretso si Winter sa dug-out nila at sinalubong naman siya ng mahihinang pagbati at pagtapik sa balikat galing sa coaching staff. 

 

"POG! POG! POG!" (POG = Player of the Game) Sunod-sunod naman ang cheer ng teammates ni Winter nung nakapasok na mismo sya sa room. 

 

Napangiti na lang siya at pabirong sinuntok si Ryujin na nagsimula nung pag-iingay. 

 

"Iba talaga pag inspired! Lord when?!" Asar pa ulit ni Ryujin sa kanya. 

 

"Masyado ka ng nanlalamang sa buhay, boss." Gatong pa ni Liz sa pang-aasar. 

 

"Ako yung senior at captain pero ako yung walang ka-bebe time, nakakasama ng loob ah." Birong pagrereklamo ni Sakura. 

 

Nagpatuloy lang sila mag-asaran habang nagshower naman si Winter para makapag-settle na after game. 

 

"Kanina pa nagriring yan, baka si madam na." Salubong ni Ryujin kay Winter pagkalabas nito sa shower room. 

 

Tinanggap ito ni Winter at binuksan, nakita nya yung tatlong missed call sa kanya kaya napasapo siya sa noo. Nakalimutan niya kasing magsabi na maliligo muna siya, lagot nanaman. 

 

Nagsorry siya sa text at sinabing nag-aayos na siya ng gamit. Pagkasend ng message, binilisan niya na ang pagkilos para makauwi na. 

 

Wala pa naman daw silang team dinner, sa weekends pa daw sabi ng coach nila. 

 

Nanalo kasi sila ngayon at unang nakpasok sa Finals, kaya maghihintay na lang sila kung sino ang makakapasok sa natitirang team na naglalaban at makakaharap nila for the championship. 

 

Okay na rin dahil plano niya talagang magstay at magpahinga lang sa unit nila

 

 

 

Kahit ayaw ni Winter ay wala silang choice kung hindi dumaan talaga sa exit at hindi sa parking para makalabas. May urgent daw kasing nirerenovate dito kaya mas safe kung sa exit na lang dumaan palabas.

 

Hindi naman sa ayaw ni Winter makita ang fans nila, sadyang nagmamadali lang kasi siya at baka kapag hindi niya naman napagbigyan ng photo-op ang iba ay makasira ito sa image ng team. 

 

Nagdouble check ulit ng bag si Winter bago lumabas sa dug-out, nung makasigurado na sya ay naglakad na siya papunta sa exit na malapit sa side nila. 

 

Hindi pa nakikita ni Winter kung gaano karami yung tao pero narinig niya na agad ang hiyawan nung makita nilang paparating ang captain ng team na sinusuportahan at nauuna maglakad palabas. 

 

Nakakatawa nga dahil matagal ng athlete si Winter pero hindi pa rin siya nasanay sa dami ng mga taong nanonood sa kanila. 

 

Hindi rin nakatulong na maraming camera at hindi niya dala ang glasses niya, sumasakit kasi ang mga mata nya sa flash nito. 

 

Huminto muna sya at humingang malalim, tapos ay naglakad na ulit siya at ang unang bumungad ay mga flash ng camera. 

 

Nako po, ito na nga ba ang sinasabi ko. Isip ni Winter. 

 

Pero bago pa siya makababa sa mismong exit, sinalubong siya ni Isa Lee, yung captain ng volleyball team nung school na nakalaban nila kanina. 

 

"Hey, congrats, Winter." Bati nito.

 

Dahil dun ay mas umingay ang paligid, narinig din ni Winter yung sunod-sunod na shutter ng camera pati mga flash nito.

 

"Thank you. I'm sorry, una na 'ko, in a rush eh." Balik niya dito at nagpatuloy na sa exit. 

 

May mga bouncer naman na nakapaligid sa kanya nung nasa labas na sila pero syempre may mga pasaway talagang fan na pilit lumalapit sa kanya kahit sinasabi ng mga bouncer na nagmamadali siya.

 

Tuluyan na sana silang makakalabas kaso bigla namang bumuhos ang ulan. 

 

Paktay! Ngayon pa talaga umulan. 

 

Napakamot na lang ng ulo si Winter at babalik na sana nung marinig niya ang yung bouncer na malapit sa kanya.

 

"Ma'am ayan na po yung sasakyan nyo." Napalingon agad dito si Winter at napangiti sa nakita. 

 

Bumaba lang naman sa driver side ang girlfriend niya at binuksan ang payong na dala nito. 

 

Bago lang siguro yung isang bouncer kasi pipigilan nya sana si Karina sa paglapit nito sa kanya. 

 

"It's okay, kuya. Girlfriend ko po." Dire-diretsong bigkas ni Winter, medyo napalakas pa nga kaya halos lahat ay napalingon sa direksyon ng nobya nya. 

 

Lumapit si Winter dito at kinuha ang payong gamit ang kanang kamay. Yung kaliwang kamay naman ay naka-intertwined na sa kamay ng girlfriend niya. 

 

"Hello, everyone! Meet the nation's main dancer, Karina Yu, my girlfriend." Announce ni Winter sa mga tao. 

 

Mas lalong umingay ang paligid at may mga reporter din na nag-uunahan makalapit upang magtanong, mas lumala din ang flash ng mga camera kaya naisipan na nilang umalis sa venue. 

 

Next time na lang siguro magpapa-interview si Winter, magpapahinga muna sya at magpapa-baby kay Karina. 

 

 

 

 

 

 

Pero nabawi lahat ng pinaplano ni Winter nung makarating na sila sa condo pero tahimik pa rin si Karina. 

 

Dumiretso ito sa kusina at naiwan si Winter sa couch na hindi mapakaling nag-iisip kung anong nagawa niya. 

 

Gago ka kasi, Winter! Kung maka-announce ka parang ikaw lang nagdedesisyon sa relasyon. 

 

Marami pang tumatakbo sa utak ni Winter pero natigil ito nung umupo si Karina sa lap nya. 

 

"I'm sorry lo—" 

 

Hindi na natapos ni Winter ang sasabihin nung siniil siya ng halik ni Karina. 

 

"I don't like sharing, okay? Akin ka lang." Nakatitig sa mata nyang sabi ni Karina pagkatapos siya nitong baliwin. 

 

SHET.

 

GRABE KA NAMAN LOVE KO.

 

HINDI NAMAN AKO READY DUN. 

 

UMINIT TULOY BIGLA, GAGO UMAYOS KA NGA WINTER. 

 

Napalunok muna si Winter at nagklaro ng lalamunan bago magsalita. 

 

"Of course, love. Sa'yo lang, ikaw lang." Sagot niya habang nakatitig din sa mga mata ni Karina. 

 

"Next time, can you cover your face? Ang pogi mo kasi kaya ka habulin eh." Nakangusong reklamo ni Karina. 

 

"Ang dami ko rin kayang kaagaw sa'yo! Quits lang tayo, Ms. Choreographer." Natatawang sagot niya sa girlfriend. 

 

"Pero no one can make me scream like you do." Bulong ni Karina sa kanya. 

 

GOOD LORD. 

 

"Love naman! Wag ka na nga diyan sa lap ko, lipat ka na! Dito ka na lang din sa couch, tabi na lang tayo." Namumulang utos ni Winter kay Karina. 

 

Tinawanan lang siya nito pero hindi pa rin lumilipat ng pwesto. 

 

"You're so red, baby!" Tawang-tawa pa rin si Karina sa reaction ni Winter. 

 

"Pero okay, sige. Later na lang, you can go roug—" 

 

"Karina naman eh!" Reklamo pa ulit ni Winter. 

 

Tawa lang naman nang tawa si Karina dahil sa reaction na nakukuha niya galing kay Winter. Napailing na lang si Winter sa lakas ng tama ng girlfriend niya.

 

Parehas silang bunso and mas bata siya pero hindi niya akalaing mas playful at makulit si Karina sa kanya. 

 

Nagmumukha na tuloy akong mayabang ngayon, guys. 

 

Paano ba naman kasi? Hinahatid-sundo ko lang dati, tapos.. Ha! Ha! Girlfriend ko na siya ngayon. 

 

Ako lang 'to, sus. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


.. and that's a wrap! 

sorry po if hindi siya yung expected part 2 nyo huhu, dapat kasi wala na talaga since busy ako sa uni and org but yeah, nandito tayo ngayon hehe :>

thank you for reading! always mag-iingat and see you sa next! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 2: Cutieeee
EzraSeige
#2
Chapter 2: Uwu 😣😤😍💙❄
yuyuyujimin #3
this issss sooo cuteee omg 😭😭
bltro_
#4
Chapter 2: 💙💙💙
Ardem_Joseph23
18 streak #5
Chapter 2: May next pa!
howdoyouknowmee
547 streak #6
Chapter 2: Owemgee may updatee huhu
TYTFshipper
269 streak #7
Chapter 1: i believe more po pls 🥹🤭
snowychacco
#8
Chapter 1: aaaaaaaa ang cute !! hoping may part 2 po ito <3 pero no pressure otor! ><
yujisaurus
#9
Chapter 1: hala bitin HAHAHAHAH pero this is cute. i hope to read more from you po! thank you for this fic!
Seulrenity23 #10
author part 2 pls 🥹🥹🥹