fin.

Driving Me Crazy

 

Three weeks na ang nakalipas noong nagsimula ang ganitong set-up nila. 

 

Nagreklamo si Karina nung nakaraan sa Ate Irene niya na nahihirapan na siya sa pagco-commute. 

 

Gustuhin nya mang magcondo at dorm ay ayaw naman ng mga magulang nila dahil siya ang bunso ng pamilya.

 

Second sem na niya ngayon bilang 1st Year Communication student at buong first sem nila ay uwian siya mula Parañaque hanggang Manila. 

 

Wala naman sana siyang reklamo kung maayos lang ang mga daan at transport system na kakaharapin niya. 

 

Ang kaso, laging traffic sa south na parang hindi nauubusan ng sasakyan kaya hirap na hirap siyang makauwi. 

 

Okay, wag na lang yung traffic dahil matagal nang nandun yun pero yung transport system talaga, di naman siya magrereklamo kahit traffic kung may sariling sasakyan nga lang siya. 

 

Ang problema lang, ayaw pa rin siyang payagan ng pamilya niya na bilhan ng kotse at magdrive. Naiinis na nga si Karina pero naiintindihan nya rin naman kung saan nanggagaling ang pamilya niya. 

 

Nung nagreklamo siya last three weeks ago ay nasolusyunan din naman ang problema niya, kaso sa paraang di niya rin alam kung maiinis ba siya o matutuwa. 

 

Nandun kasi si Taeyeon that time, fianceé ng Ate Tiffany niya. Nabanggit nito na may pinsan siyang schoolmate ni Karina at uwian din from Manila to Cavite. 

 

May sasakyan daw ito pero mag-isa lang naman bumabyahe kaya pwede niya itong paki-usapan na isabay si Karina papasok at pauwi. 

 

Dahil tiwala naman ang magulang nila Karina sa Ate Taeyeon niya ay nakiusap ito na baka pwedeng ganun na nga lang ang gawin. 

 

Hindi naman alam ni Karina kung matutuwa ba siya o maiinis kasi di nga siya hassle pero para naman siyang gradeschool dahil sa paghatid sundo, kaya tinanggihan niya ito. 

 

Kaso sa mga sumunod na araw pagkatapos ng pag-uusap nila tungkol dun ay pumayag na rin si Karina dahil nahihirapan talaga siya. 

 

Hindi niya (at ng pamilya niya) lang inexpect na isang araw, may hihintong Jeep Wrangler sa labas ng bahay nila at ang laman nitong driver ay si Winter Kim. 

 

Si Winter Kim na senior highschool student at kilala sa school nila bilang one of the top highschool basketball player in her generation. 

 

 

***

 

 

Hindi naman din pala mali ang desisyon nila, mabait kasi si Winter at magalang. Considerate at thougthful din ito kaya madalas na nahihiya si Karina sa kanya kahit mas matanda siya dito ng isang taon. 

 

Bago magpark si Winter ay lagi niya munang binababa si Karina sa walkway na malapit sa building nila, mas malapit kasi yung parking sa highschool building kaya ganito ang napag-usapan nila. 

 

"Ate Karina, baka umulan mamaya. May payong ka ba?" Paalala ni Winter bago bumaba si Karina. 

 

"Yup, meron ako dito Win. Thanks." Ngiting sagot niya, ngumiti lang pabalik si Winter at tuluyan nang bumaba sa kotse si Karina. 

 

Umagang-umaga pa lang ay napabuntong hininga na siya agad nung makita si Yeonjun na nag-aabang sa labas ng building nilang may hawak na paperbag. 

 

"Good morning, Karina. Ito pala small breakfast lang galing dun sa café, para lang may energy ka for the morning." Ngiting abot nito sa paperbag. 

 

"Thanks for this, Yeonjun. You don't need to do this, alam mo naman yung sagot ko, di'ba?" Mahinahong pagtanggi at pagpapaalala niya sa lalaki. 

 

"I know, hayaan mo lang ako iprove yung sarili ko, Karina. I'm not asking for anything naman." Ngiting sagot nito sa kanya. 

 

Wala na siyang nagawa at tumango na lang dito. Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap nila dahil nagpaalam na ito at may kanya-kanya silang klase. 

 

"Let me guess, Jaehyun?" Bored na tanong ni Giselle, bestfriend niya. Umupo muna sya at nag-ayos ng gamit na kakailanganin. 

 

"Yeonjun." Maikling tanong niya at inabot kay Giselle ang paper bag. 

 

"Oh, may pa-breakfast na din siya ngayon? Well, free breakfast pa rin naman 'to." Natatawang saad ng kaibigan. 

 

 

 

Natapos ang first round ng classes kaya vacant nila at saktong lunch time din. Tinatamad daw lumabas si Giselle kaya sa cafeteria na lang ng main building nila naisipan kumain. 

 

2 hours ang vacant nila kaya may time pa sila para tumambay muna sa kung saan nila maisipan, pero mostly sa library or freedom park lang sila tumatambay kapag ganito. 

 

Lunch went well, walang asungot na umaligid kaya for a while, Karina was relieved. 

 

Napgdesisyunan nilang tumambay sa freedom park and they're aware sa mga titig na nakukuha nila. It's not new since after ng 1st sem ay parang nakilala sila sa school despite being freshies pa lang. 

 

Paanong hindi? Sikat kasi si Giselle sa tiktok, informative and aesthetic ang contents kaya mabilis pumatok sa mga followers. 

 

Ang peaceful nilang pagtambay ay nabulabog ng bulungan sa likod na kumuha ng atensyon nila. 

 

Nakita nila si Jaehyun na inuudyukan at mahinang tinutulak ng mga kaibigan para ibigay ang hawak na maliit na box sa kanya. 

 

"Uhm hi, Karina.. and Giselle. Iaabot ko lang 'to para sa inyo." Abot niya sa maliit na box. 

 

"Thank you." Ngiti at tango ni Giselle dito. 

 

"I just want ask lang din if free kayo sa Friday? Invite ko lang sana kayo sa game namin." Tanong ng manliligaw niya sa kanilang dalawa.

 

"I'm sorry, Jaehyun. Hindi ko kasi sure, dahil madaming submission this week eh." Sagot ni Karina sa manliligaw. 

 

"It's okay, ask na lang ulit kita before Friday." Ngiting sagot nito. 

 

"Just like what I told Yeonjun, you don't need to do this, Jaehyun. Pwede naman tayong friends but yun lang kaya kong i-offer." Honest na paalala ni Karina. 

 

"Alam naman namin yun, Karina. Just let us, okay na yun." Ngiting sagot ulit nito at nagpaalam na. 

 

Nakita niyang binuksan ni Giselle ang box at iba-ibang chocolates pala ang laman nito. 

 

"Alam mo pwede talaga siyang model, athlete pa kaya ang ganda rin ng built." Comment ni Giselle sa tabi niya. 

 

Tumango na lang si Karina dito habang nakapikit at pilit na nirerelax ang sarili. Pangalawa na 'to ngayong araw kaya medyo naiirita na siya. 

 

 

 

 

 

 

The rest of their day went well, yung mga classes din nila hindi masyadong hardcore ang discussions. Parang sinakto ng tadhana na light discussions lang ang class nila para hindi na dumagdag sa sakit ng ulo ni Karina. 

 

Kakadismiss lang ng prof nila for last subject nung naramdaman ni Karina ang pagsiko sa kanya ni Giselle. 

 

"12 o'clock, your makulit na manliligaw." Napatingin siya sa tinutukoy nito at nagpakawala ng mahabang buntong hininga sa nakita. 

 

Si Kai na senior nila at captain ng dance troupe, ang pinakamakulit na manliligaw ni Karina. 

 

Pinauna na niyang lumabas si Giselle kaya nauna na rin itong maglakad. Tinanguan niya si Kai at lalagpasan na sana nung tinawag siya nito. 

 

"Karina, do you have a minute?" Tanong nito kaya napatigil siya, ganun din si Giselle at hinintay siya. 

 

Hindi katulad nung naunang dalawa, wala itong dala na tahimik ipinagpasalamat ni Karina. 

 

"Mabilis lang 'to, promise. Free ka ba sa Saturday? May performance kami and sa auditorium lang siya gaganapin. I'm inviting you sana if pwede kang makamanood?" Alanganing tanong nito. 

 

"Hello, kuya. Madami po kasing submissions this week kaya baka hindi po ako makapunta. I'm sorry." Magalang niyang pagtanggi. 

 

Tumango ito sa kanya at hindi na nagsalita kaya lumakad na ulit siya paalis. 

 

Noong malapit na sila sa labas ng building ay bigla namang bumuhos ang ulan. Napa-facepalm na lang si Karina dahil naalala niya ang sinabi ni Winter sa kanya kanina. 

 

Bigla niya ding naalala na wala nga pala siyang payong dahil hiniram ng ate nya kahapon papasok sa work. Naramdaman niya nanaman tuloy ang pagkairita niya. 

 

Ilang minutes pa man din ang lalakarin nila sa walkway bago makapunta sa road kung saan pwede ang pick-up at drop-off. 

 

"Gi, may payong ka?" Tanong niya sa kaibigan. 

 

"I don't have, hoodie lang gagamitin ko. Nandyan naman na si Kuya Anton sa labas." Paliwanag nito sa kanya. 

 

Hindi alam ni Karina na nakasunod pala si Kai sa kanila kaya nung marinig niya ang pagtawag nito sa kanya ay napapikit siya nang mariin.

 

Hindi niya alam kung bakit pero parang nakahinga siya nang maluwag noong makita si Winter na naglalakad sa walkway at may dalang payong. 

 

"Ate—"

 

"Karina, wait—" 

 

Hinatak niya si Winter na nagulat at pinagsaklop ang mga kamay nila.

 

"Baby! Buti na lang may payong kang dala. Kuya Kai, girlfriend ko po."

 

Hindi niya na rin alam kung anong pumasok sa utak nya at kung bakit niya nagawa yun. 

 

Kitang-kita nya ang gulat na reaction ni Kai pati na rin ang pagtakip ng bibig ni Giselle at paglaki ng mata nito dahil sa sinabi niya. 

 

Ramdam niya naman ang pagkastiff ni Winter sa tabi, malamang ay gulat din dahil sa sinabi niya. 

 

"What? Since when?" Hindi makapaniwalang tanong ng bestfriend niya nung makarecover ito. 

 

"We need to go. Ingat kayo sa pag-uwi ni Kuya Anton, Gi. Bye, kuya! Ingat!" Paalam niya sa dalawa at hinila na si Winter paalis. 

 

Mukha namang nakarecover na si Winter dahil pinagbuksan siya nito ng pinto at hinintay makapasok sa loob ng sasakyan para hindi maulanan. 

 

Nung makasiguradong nakapasok na si Karina, umikot sa driver side si Winter para makapasok din sa sasakyan at nilagay ang payong sa backseat. 

 

Napansin ni Karina na hindi pa sila umaandar, hindi pa nga ata nas-start ni Winter yung kotse. Pero nanatili lang siyang tahimik dahil nahihiya pa rin siya sa ginawa. 

 

Kahit na tahimik si Karina ay pinapanood niya naman sa peripheral view ang bawat galaw ni Winter, para bang nagkaroon siya ng special ability at hypersensitivity. 

 

Kinakabahan din siya dahil hindi niya mabasa ang reaction kanina ni Winter. Kahit ngayon ay wala pa rin itong reaction sa mukha kaya natatakot talaga siya. 

 

Pinanood niya lang si Winter na magstart ng kotse hanggang sa narinig niya itong huminga ng malalim, napansin niya na din ang maliit na ngiting naglalaro sa labi nito. 

 

"So, girlfriend, huh?" Baling nito sa kanya habang may mapang-asar na ngiti. 

 

"Just drive na lang!" Namula si Karina nang todo at pinalo sa balikat ang nakababata na tawang tawa lang sa driver seat. 

 

"Seatbelt po, girlfriend." Asar pa rin ni Winter dito. 

 

"Win, please? Stop naaa." Pagmamaktol ni Karina. 

 

"Okay, okay. Hindi na, ito na." Natatawang sagot ni Winter. 

 

"Pero oks lang naman sa'kin ate, pabor naman kung totohanin natin eh." Nakangiting pahabol ni Winter na diretso lang ang tingin sa daan. 

 

"Ewan ko sa'yo!"

 

Yun na lang ang tanging nasagot ni Karina, hindi dahil sa hiya.. well, isa na yon. Pero parang mas nanaig yung pagpigil niya ng kilig kaya namumulang tumahimik na lang ulit siya hanggang makarating sa kanila. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


hello! sudden idea lang 'to kaya oneshot lang, it's inspired by my friend kasi ganun yung set-up nya ngayon, minus the part na ginawang girlfriend yung sinasabayan niya.  

i'm still thinking if gagawan ko ba siya ng part 2 hehe :>

anyway, i hope you enjoyed the story! ingat kayo lagi! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 2: Cutieeee
EzraSeige
#2
Chapter 2: Uwu 😣😤😍💙❄
yuyuyujimin #3
this issss sooo cuteee omg 😭😭
bltro_
#4
Chapter 2: 💙💙💙
Ardem_Joseph23
18 streak #5
Chapter 2: May next pa!
howdoyouknowmee
547 streak #6
Chapter 2: Owemgee may updatee huhu
TYTFshipper
269 streak #7
Chapter 1: i believe more po pls 🥹🤭
snowychacco
#8
Chapter 1: aaaaaaaa ang cute !! hoping may part 2 po ito <3 pero no pressure otor! ><
yujisaurus
#9
Chapter 1: hala bitin HAHAHAHAH pero this is cute. i hope to read more from you po! thank you for this fic!
Seulrenity23 #10
author part 2 pls 🥹🥹🥹