2/3. Ningning

886
Please Subscribe to read the full chapter

Kakatapos ko lang basahin ang liham na iniwan mo para sa akin dati. Pasensya kung ngayon ko lang binuksan at binasa.

 

Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga katanungang bumabalot sa isipan ko.

 

Bakit ngayon lang?  Bakit ang manhid ko? Bakit hindi ko inisip ang nararamdaman mo noong panahon na hinahabol mo ako? Bakit hindi naging tayo.

 

Marami pang katanungan ang tumatakbo sa isip ko, nakakapanghinayang, nakakalungkot, nakakainis.

 

Gusto kong sumabog sa galit sa sarili ko, sa tadhana, kay kupido at sayo.

 

Tandang tanda ko yung panahon na una tayong nagkita. Bigay sa akin ng ate ko yung candy na inagaw mo, sorry kung sinapak kita sa mukha noon. 

Kasi naman bakit ka mang-aagaw ng candy eh ang mura mura lang nun, kaya kiniss na lang kita para hindi ka magsumbong kay mommy hehehe.

Yun kasi ang ginagawa sa akin ng mommy ko tuwing umiiyak ako, kinikiss ako para tumigil na ang pag-iyak ko.

 

Ngayon ba pwedeng ikiss mo ako?

 

 

Grade 5, kaklase kita nun at talagang maingay kami lagi kasi ikaw ang laging pinaguusapan namin magkakaklase. Ang ganda ganda mo kasi eh tapos etong si Jimin crush ka pa noon pero buti na lang hindi natuloy kasi nakita niya ang tropa mo na si Minjeong. Lagi kami maingay kasi lagi ko silang sinasaway na akin ka lang kasi best friends forever tayo (at para hindi ka nila agawin sa akin).

Marami ang lalake na nagsasabi na gusto nila ako pero ako sayo lang ang tingin, ang aga ko pa lang nabading sayo Giselle akalain mo yun? Sabi ko nga sayo ang chararat nila tapos ang aasim pa tuwing hapon samantalang ikaw amoy kang johnson baby powder na ang sarap yakapin kahit pawisan ka.

 

Pwede bang payakap ngayon?

 

 

Grade 8, ramdam ko na gusto mo na ako nun kasi naman tuwing lalapit sa akin si Mark lagi ka na lang nagsusungit sa kanya. Alam mo ba na kaya ko siya pinayagan manligaw para inconfirm ko na may gusto ka sa akin? Hindi rin naman kami nagtagal dalawa. Siguro mga dalawang linggo lang? Hindi ko kasi talaga siya type eh pero ayun dahil mabait siya at sinabi ko na ikaw ang gusto ko talaga, pumayag siya na magpanggap kaming dalawa para mahuli namin kung magseselos ka. Kitang kita kung gaano ka lukot ang mukha mo tuwing kasama ka namin sa canteen, tapos ang taray taray mo sa kanya tapos pagdating sa akin para akong baby mo na kulang na lang subuan mo ako ng pagkain para hindi matapon.

 

Sadya lahat ng ginagawa namin, binibigyan nya ako ng ice cream o kali man ay chocolates para kainin ko tapos hindi niya ako binibigyan ng tubig para sa tumbler mo ako iinom, ang talino ko diba? Paano ba yan Giselle hindi mo alam na nag kiss na pala tayo dati kaso indirect nga lang :(

Super corny talaga ng mga pick up lines ni mark non jusko "Thesis ka ba? Kasi idedefend kita." eh grade 8 pa nga lang tayo tapos quiz nga sa english bagsakin pa siya eh. Tapos naalala ko rin na tinry namin na ipadate ka kay Jeno para hindi ka naman magisa tuwing kakain kami sa canteen hahaha

In the end, mission success kami sa plano namin kasi napatunayan namin na baka gusto mo rin ako. Kaso gusto ko ikaw yung unang aamin kasi kahit anong gawin mo hinding hindi talaga ako aamin sayo (nung panahon na yon).

 

 

Grade 9, hindi mo sinabi kung ano ang nangyari nung grade 9 tayo. Akala ko alam mo na gusto kita kasi nagsend ako ng confession letter sa isang event natin sa school. Akala ko halatang ako yung nagbigay ng appreciation letter at ng tula patungkol sayo.... Pero ang sabi mo nga lang nun ay baka pinag-ttripan ka lang nila Ryujin at Minjeong :( Nakakainis ka kasi akala ko magegets mo na ako yung nag bigay nun kasi initials ko yung unahan ng bawat linya ng tula! Pero tuloy pa rin ang buhay, ang daming babae ang nagkakagusto sayo non ha lalo na yung bruhang si Somi na laging nakalapit sayo tuwing kumakain tayo sa breaktime tapos panay din ang singit tuwing pauwi na tayo. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya kasi ang pa epal niya talaga sa love story natin (ay oh akala mo talaga)

 

Pero sana ngayon Giselle tanggapin mo ang pagmamahal ko sayo kapag nagkita tayo muli.

 

 

Grade 10, Akala ko eto na yung time na aamin ka sa akin na gusto mo ako, yun pala inamin mo lang na katulad kita. Pero proud ako sayo kasi ang tapang ng ginawa mo na yan, sana pala sinabi ko na rin sayo na parehas tayo. Akala mo hindi ko mapapansin yung sinabi mong traits ng taong gusto mo? SOBRANG HALATA NA  AKO YUN HOY! May pangiti ngiti ka pa habang sinasabi mo yun tapos yung mata mo parang inlove na inlove ka tapos hindi mo naman aaminin sa akin na gusto mo ako? Aba naman talaga Giselle.

 

Pwede ba na sana ako pa rin hanggang ngayon? Pag umamin ka sa akin Giselle talagang magpakasal na tayo agad para wala ka ng kawala sa akin!

 

 

Grade 11, Nagtataka ako kasi nag stem ka. Ang alam ko kasi eh ICT ang kukuhanin mo kasi diba mahilig ka mag computer? Pero ngayon alam ko na kaya ka pala nagstem kasi gusto mo ako sundan HAHAHA ang landi mo beh! P

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jemekins #1
Chapter 2: Cant wait for a satisfying ending kahit pa angst to. Somehow nakakarelate ako both sa character ni giselle at ning. May nangyari kasi na similar sa akin at ng ex ko nung college.
jemekins #2
Chapter 1: Why i didnt read this immediately? Omg so good. Tagal ko hinintay ganitong angst ningselle au.
kimruwei #3
Chapter 1: Sakit naman nun :(
Sehunteryegg #4
wow, first ningselle heart break 👍