1/3. Giselle

886
Please Subscribe to read the full chapter

Maraming pwede mangyari sa sampung minuto.


Pwede kang umidlip kapag pagod ka, pwede kang manuod ng mga palabas sa iyong telepono para maibsan ang iyong pagkainip.

 

Pwede ka rin naman kumain muna para malamnan ang iyong tiyan o kaya naman ay makipagkwentuhan sa iyong mga kaibigan para kahit papaano ay mabigyan ka ng aliw kahit na panandalian.

 

Maraming pwede mangyari sa sampung minuto, pero.

 

Pero siguro maraming bagay ang tumatakbo sa isip mo noong panahon na yun.

 

Hindi ko alam kung ang kapal ba ng mukha ko para manghingi ng sampung minuto sayo pagkatapos hindi magparamdam sayo ng sampung araw.

 

Siguro kahit nga ata sampung segundo ay hindi mo ako pagbibigyan, gusto ko lang naman humingi ng dispensa sa aking mga ginawa. Sa aking reaksyon sa biglaan mong pag-amin sa akin noong nakaraan.

 

Natakot lang naman ako na baka biro lang lahat ng sinabi mo, sinanay mo kasi akong puro kalokohan at katatawanan lang para sayo ang mga katagang iyong binibitawan. Akala ko sa panahon na yun ay nagbibiro ka lamang lalo na sa sinabi mo na unti-unti ka ng nahuhulog sa akin. Malay ko ba kung anong hulog ba ang gusto mong iparating.

 

 

Tanda mo pa ba yung panahon na pinakilala tayo sa isa't isa ng ating magulang? Kasi ako tandang tanda ko pa, sinapak mo pa nga ako nung inagawan kita ng candy eh. Dumugo yung labi ko sa sobrang lakas ng bigwas mo, umiyak nga ako eh pero pinigilan mo ang pagpatak ng luha ko sa paraang paghalik sa pisngi ko. (bading na ata ako simula bata pa lang).

 

 

Naging kaklase kita nung grade 5, ang ingay nyo lagi magkakaibigan tuwing nasa room. Naalala ko nga pinopormahan ka pa ng mga kaklase nating lalake pero ayaw mo kasi lagi mong sinasabi sa akin ay ang chararat nila. Hindi ko nga alam kung ano ibig sabihin niyan pero sinasakyan na lang kita sa mga trip mo.

 

 

Naalala ko pa nung na confirm ko na gusto na kita nung pinormahan ka ng sikat na varsity player na kaklase natin nung grade 8! Ang baho baho non pero pinatulan mo, varsity player din naman ako ahh kaso chess nga lang hehe. Pero umiyak ako nun kasi pinayagan mo siyang manligaw sayo tapos ako naman si torpe galit na galit sa kanya.

 

 

Ang pangit nyo tignang dalawa. Hindi naman sa bitter pero nakakainis kasi talaga kayo maglambingan sa canteen, ang papangit pa ng mga pickup lines na binibigay nya sayo tapos hindi ba nasakit ang lalamunan mo sa purong cornetto na binibigay nya sayo? wala man lang pasunod na tubig kaya in the end sa tumbler ko pa ikaw umiinom.

Buti na lang talaga hindi kayo nagtagal hahaha isang taon ko din tiniis ang kakornihan nyo noh tapos nirereto mo pa ako sa tropa nun na lalaki eh bading nga ako (well di mo naman alam) kaya kadiri talaga tapos binigay mo pa ang number ko para kamo hindi ako naiinggit sa inyong dalawa.

 

 

Nag grade 10 tayo at nalaman mo na rin ang mga sikreto ko, hinuhuli mo kasi ako kung sino ang gusto ko. Pwede ko naman sabihing ikaw nung panahon na yun pero natatakot ako kasi ang alam ko ay straight ka at siguro dahil na rin sa matagal na tayong magkaibigan. Hindi naman sa natatakot akong mareject mo pero natatakot kasi ako na magbago ang tingin mo sa akin at iwan mo ako kaya ang sinabi ko na lang ay ang mga katangian mo.

 

Mabait, madaldal, matalino at masipag, mapagmahal sa magulang, magaling kumanta, maganda magsulat, maganda ang mga mata, cute pag ngumiti at sobrang dami pa ang pwede ko sabihin tungkol sayo pero syempre ayaw ko naman ipahalata kaya tinigil ko na roon.

 

 

Grade 11, parehas tayo ng kinuha na strand. Stem! hindi naman ako matalino sa math pero sige sumama ako sayo kasi syempre gusto kita eh. Hindi ko nga alam kung katangahan ba yung pagsunod ko sayo kasi muntik na ako pagalitan ng nanay ko nung nagkaroon ako ng line of 7 sa card!  Walang hiyang basic calculus kasi yan eh. Pero yun thank you kasi sinal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jemekins #1
Chapter 2: Cant wait for a satisfying ending kahit pa angst to. Somehow nakakarelate ako both sa character ni giselle at ning. May nangyari kasi na similar sa akin at ng ex ko nung college.
jemekins #2
Chapter 1: Why i didnt read this immediately? Omg so good. Tagal ko hinintay ganitong angst ningselle au.
kimruwei #3
Chapter 1: Sakit naman nun :(
Sehunteryegg #4
wow, first ningselle heart break 👍