Ikaw Parin Ang Pipiliin Ko

Saan?
Please Subscribe to read the full chapter

Law School, halos wala nang mahanap na oras si Irene na makapagsaya. Madalas narin siyang nakatambay sa library, pero para kay Irene, okay lang naman yun dahil madalas ay kasama niya si Wendy sa library habang busy ito na gumagawa ng thesis. Kasalukuyang nakahilig ang ulo ni Irene sa makapal niyang libro habang pinagmamasdan si Wendy na nakakunot ang noo habang diretcho ang tingin sa ipad niya. “Pumunta tayo dito para magreview ka, hindi para tumunganga at titigan ako.” bahagyang natawa si Irene nung marinig niya ang boses ni Wendy, tumingin ang engineering student sa kaniya bago hinubad ang specs na suot niya.

“Tell me, bakit ba ako nag law school?” napailing nalang si Wendy bago inilapit ang mukha niya sa mukha ni Irene, bakas sa mata ni Irene ang pagod. Pinisil ni Wendy ang pisngi ni Irene bago siya nagsimulang mag type ulit.

“Gusto mo mag law school kasi crush mo yung isang lawyer sa isang series na napanood natin a few years ago.” umirap si Wendy na nagpatawa nalang kay Irene, sobrang cute talaga ng girlfriend niya lalo na tuwing nagseselos ito. Napaisip tuloy si Irene kung paano kaya nabuhay si Wendy nung mga panahon na naghiwalay sila ng higit dalawang taon.

“Oh! Si Laurel, my girl.” pinatay ni Wendy ang Ipad niya bago ito nagmadaling magligpit, nagulat naman si Irene kaya dali dali niyang kinuha ang libro niya pati narin ang bag niya. Nakita niyang mas lalong sumimangot si Wendy kaya napalunok nalang ang Law student. “Uy love, joke lang ikaw lang naman gusto ko. Uy.” mahina ang boses ni Irene habang nakabuntot siya kay Wendy na patuloy na naglalakad palabas ng library, napatingin naman si Irene sa smart watch niya dahil nag reminder na ito na may klase na siya in five minutes. “Mahal naman oh! Alam mo naman crush ko lang yun!” inalis ni Wendy ang kamay ni Irene sa may braso niya bago ito nagpatuloy na maglakad, pinipigilan ni Wendy na matawa dahil kitang kita niya sa mata ni Irene ang pagka torn. Nasa kabilang building pa kasi ang klase niya kaya naman kitang kita niya kay Irene ang kaba.

“Sige na baka mahanap mo pa yung Laurel mo sa class niyo. Goodluck sa Recitation.” mabilis na humalik si Wendy sa pisngi ni Irene bago siya nagpatuloy na maglakad palabas ng building. Wala naman nang klase si Wendy para sa ngayong araw, napagpasyahan niya nalang na magpunta muna sa mall habang inaantay niya si Irene na may class class until seven ng gabi.

Pagkasakay ni Wendy sa jeep, nilabas niya ang cellphone niya bago nag send ng message kay Irene.

Love: Antayin nalang kita sa uptown center, best of luck, baka mahanap mo si Laurel diyan.

Napailing nalang si Wendy at natawa dahil sigurado siya na napasimangot na ngayon si Irene dahil ayaw na ayaw nito na nagaaway sila dahil sa mga walang kwentang bagay. Pagkapara ni Wendy, pumasok siya sa isang bookstore, naghanap ng iba’t ibang mga libro. Nagpunta rin ito sa bilihan ng mga accessory, bago tuluyang umupo nalang sa isang coffee shop.

Tahimik na nagbasa ng libro si Wendy habang nagaantay, ilang oras nalang rin naman ang aantayin niya at patapos narin ang klase ni Irene. “Wendy? Wendy right?” napahinto sa pagbabasa si Wendy nung makita niya ang isang lalaki sa may tapat ng table niya. Tumaas ang kilay ng engineering student bago siya tumango at sinara ang libro niya.

“I’m sorry, do I know you?” nakangiti ang lalaki kay Wendy habang hawak nito ang isang venti matcha latte. Hindi mamukaan ni Wendy ang nasa harap niya ngayon, sigurado siyang hindi niya ito kilala. Possible na kakilala ito ng papa niya.

“You probably don’t know me pa, I’m Colonel Bondoc’s son. Our fathers used to introduce us a year ago. Sa retirement ng dad ko. My name is Suho. I think nakalimutan mo na since it was just a brief introduction then you excused yourself.” nakangiti parin ang lalaki kay Wendy habang nakalahad ang kamay nito sa kaniya. Tinignan naman ni Wendy ito bago nakipagkamay. “I’m so glad to see you again, I heard na you are studying in UP, I’m an Atenean kasi so I was really hoping to see you around Katipunan.” awkward na ngumiti si Wendy bago tumango tango lang, uminom pa si Wendy sa kape niya bago nagstart magligpit ng mga gamit niya. “Are you with someone? Or you are just studying here alone?” tumingin si Wendy sa cellphone niya at napapikit siya dahil may fifteen minutes pa bago matapos ang klase ni Irene, siguradong matra-traffic pa ito dahil rush hour na. Napabuntong hininga naman si Wendy lalo na nung kumulo bigla ang sikmura niya. Medyo maaga kasi silang naglunch kanina ni Irene dahil maagang natapos ang class nila Wendy. “Someone’s hungry, I know a very good restaurant here. Come on, my treat.” mabilis na umiling si Wendy bago siya tumayo mula sa upuan. Marunong naman si Wendy rumespeto dahil narin sa Papa niya, masyado siyang trinain nito na matutong makibagay.

“Sorry, I think I really need to go.” nagmamadaling sinukbit ni Wendy ang bag niya bago siya lumabas sa coffee shop. Agad rin nilabas nito ang cellphone niya para magtext kay Irene. Nakasalubong ang kilay ng engineering student habang nag ta-type.

Love: I’ll wait nalang sa Genki sushi, take your time. Ingat sa pag drive.

Pagkapasok ni Wendy, nagsimula nalang siyang mag order ng mga paborito ni Irene. Tahimik na nagbabasa si Wendy nung maramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Napangiti naman ang engineering student nung makita niya si Irene na may dalang bouquet ng bulaklak. “Sorry na po.” nakapout pa si Irene habang nakatingin kay Wendy, di naman napigilan ni Wendy ang pagsibol ng ngiti niya. Nagtanim rin siya ng mabilis na halik sa labi ni Irene.

“Sorry ka kasi walang Laurel sa room niyo?” natawa ng bahagya si Wendy lalo na nung makita niya suminangot ulit si Irene. Nilapag ni Wendy ang bulaklak sa may mesa bago niya hinalikan ang pisngi ng girlfriend niya. “Oo na, I was joking lang naman kanina, but thank you sa flowers, love.” sinubuan agad ni Wendy ng tempura si Irene na napailing nalang rin.

Nagsimula narin silang kumain ng tahimik, napatingin naman si Irene kay Wendy dahil tahimik rin ito at parang may iniisip na malalim. “May problema ba?” nagulat pa si Wendy, nilapag niya ang iniinom niya bago siya tumingin kay Irene. Medyo confused ang law student kaya sumandal siya sa balikat ni Irene.

“Someone approached me earlier, nakaupo kasi ako sa Starbucks kanina while waiting for you.” tumango naman si Irene bago siya nagpatuloy sa pagkain. Napaayos naman ng upo si Wendy bago siya tumingin kay Irene, nangako siya kay Irene na palagi niyang sasabihin sa kaniya kapag may mga bagay bagay na bumabagabag sa kaniya. “He was actually the son of my father’s friend. Sabi niya we used to meet a year ago during the retirement of his father.” nakita ni Wendy kung paano napalunok si Irene, tahimik lang na nakikinig ang law student. Uminom pa ito ng tubig kaya naman kinuha ni Wendy ang kamay ni Irene bago niya hinawakan ito. “I was just… uhm the timing is just…” napalunok rin si Wendy, nakita niyang napabuntong hininga nalang si Irene bago ito tumingin sa staff para magrequest narin ng bill nila. “I’m sorry…” umiling si Irene bago pinisil ang pisngi ni Wendy, pero sa loob ng isip niya napapaisip si Irene kung ano ang mga bagay na posibleng nangyari sa loob ng dalawang taon na wala siya sa tabi ni Wendy.

Nagtagpo ang landas nila nung mga panahong wala siya sa buhay ni Wendy, napaisip si Irene kung ano ang mga bagay bagay na pwedeng magbago ngayon. “No, thank you for telling me.” nilabas agad ni Irene ang card niya saka binigay sa staff, ngumiting tipid siya kay Wendy bago inantay na bumalik sa kaniya ang card niya. Si Wendy naman ay tahimik lang na nakatingin kay Irene. Pagkabalik ng card ni Irene tinapik niya si Wendy. “Ihatid na kita, baka hinahanap ka na ni tita.” wala namang naging choice si Wendy kung hindi sumunod nalang.

Tahimik sila sa loob ng sasakyan, hawak ni Wendy ang isang kamay ni Irene habang nakatingin lang siya sa may bintana. “Hyun, I love you.” nakita ni Wendy ang pag ngiti ni Irene bago nito hinalikan ang likod ng kamay ni Wendy.

“I love you too, Wan, so much.” parang ayaw ni Wendy na matapos ang gabing ito, pero nung huminto ang sasakyan ni Irene sa may tapat ng bahay nila wala na siyang naging choice kung hindi mag pout. “I’ll see you tomorrow, okay? Good night. Magtetext ako pag nasa bahay na ako.” tumango nalang si Wendy bago siya bumaba, hawak niya ang bulaklak na binigay ni Irene at hirap na hirap siyang kumaway. “Go in, I’ll go na rin pag nakapasok ka na.” ngumiti nalang si Wendy bago siya pumasok sa loob ng bahay nila, narinig niya ang pag busina ni Irene bago niya isara ang pinto.

Pero agad nawala ang ngiti ni Wendy nung makita niya ang isang sasakyan sa garahe nila. Napabuntong hininga si Wendy bago siya tuluyang pumasok sa loob. Naririnig niya na agad ang pagtatalo sa loob. “Hinahayaan mo kasi siyang mag stay sa labas! Tignan mo ang oras Jessica! Mag aalas nwebe na!” napahinto sa paglalakad si Wendy, ito na naman ang buhay niya, bumalik na ang papa niya mula sa assignment niya sa America.

“May thesis si Wendy! Normal lang na gagabihin siya ng uwi! Anong akala mo sa anak mo ha?!” padabog na sinara ni Wendy ang pinto kaya naman parehas na napatingin ang Mama at Papa niya sa kaniya. Kitang kita ni Wendy kung paano sumama ang tingin ng papa niya nung makita niya ang hawak niyang bulaklak.

“I’m home ma, aakyat na po ako, maaga pa ako bukas.” nagsimulang maglakad si Wendy paakyat nang hagdan pero agad na hinablot ng papa niya ang hawak niyang bulaklak, nahulog rin ang bag ni Wendy pati ang mga gamit niya.

“Kanino galing to? Ganito mo ba pinapalaki tong batang to ha? Jessica! Puro ka kasi kunsinte ng kunsinte! Tignan mo, diba sabi ko sa kaniya hiwalayan niya yung babaeng yun mas naging maganda ang buhay niya! Pero eto na naman tayo!” nakatingin si Wendy sa mga gamit niya na nahulog, dinampot nalang ni Wendy ang Ipad at ang cellphone niya bago siya nagmamadaling umakyat sa kwarto niya. “KINAKAUSAP KITA SEUNGWAN!” tumingin si Wendy sa papa niya habang nakatayo siya sa may hagdan. Mabigat ang puso ni Wendy at wala siyang ibang maramdaman kung hindi ang galit ngayon.

“Is this how you will greet me after almost three years Pa? Hindi mo parin ako tanggap. Hindi ka parin masaya? I tried my very best to make you proud. I broke someone’s heart, I made myself and her suffer. Tangina! Pagod na pagod na ako! Please, just let me rest!” nakita ni Wendy ang pagtulo ng luha ng mama niya kaya napabuntong hininga nalang si Wendy bago tuluyan na pumasok sa kwarto niya. Pagkasarado ng pinto ay tuluyan nalang na napaupo si Wendy at tuluyang bumagsak ang luha niya.

-

Pagkatapos magshower ni Irene, humiga siya at dali daling kinuha ang cellphone niya. Nakita niya ang isang text mula kay Wendy na nagpataas ng kilay niya.

Love: Call me if you are done studying na love, I want to hear your voice.

Dali daling tinawagan ni Irene ang girlfriend niya. Pagkatapos ng isang ring ay agad rin itong sumagot. “Hyun… I love you so much. Please please remember that.” ramdam ni Irene ang bigat ng paghinga ni Wendy.

“Do you want me to pick you up?” napasinghap si Wendy at doon na napagtanto ni Irene na kailangan siya ni Wendy. Kailangan siya ng mahal niya. “I’ll be there. Come on mahal, prepare ka ng things mo. I’ll pick you up from that hell.” hindi binaba ni Irene ang tawag, dali dali siyang lumabas ng bahay nila, napatingin pa si Yoona sa anak niya dahil nakita niyang sakto na palabas si Irene ng bahay nung kumuha siya ng tubig mula sa kusina. “Sunduin ko lang si Seungwan, ma babalik din po ako.” tumango nalang si Yoona bago tumayo sa pinto at pinanood si Irene na nagmamadaling magmaneho palabas ng bahay nila.

Dali dali namang kinuha ni Wendy ang mga gamit niya sa school, hindi narin siya nagdala ng damit dahil may ilan ilan naman siyang damit sa bahay nila Irene dahil minsan ay nags-stay siya doon tuwing weekend.

Pagkalabas ni Wendy ng kwarto niya, nakita niya ang mommy Jessica niya, may dala itong pagkain.”Wendy, anak? Saan ka pupunta?” napalunok si Wendy habang nakatingin sa mommy niya. Humigpit ang hawak niya sa bag niya bago tumingin sa paligid niya. “Tulog na ang papa mo anak, kumain ka naba?” tumango siya bilang sagot, napangiti naman si Jessica habang nakatingin sa anak niya.

“Yes po, nagdinner kami ni Irene before kami umuwi. Uhm… Mommy, pwede bang duon muna ako kina Irene? I… I just need her during this times.” tinapik naman ni Jessica ang balikat ng anak niya. Bakas sa mata ng engineering student ang takot kaya tumango nalang rin si Jessica. Narinig rin ni Wendy ang isang familiar na tunog ng sasakyan sa labas ng bahay nila.

Pagkabukas ng pinto, nakita ni Jessica si Irene na naka pajama at jacket, nakatingin ito sa mag ina. “Tita, good evening po.” kumaway si Jessica bago tinulak si Wendy palabas ng gate nila bahagyang tumatawa pa ito. “Sa amin na muna po si Wan, tita.” kinuha ni Irene ang mga gamit ni Wendy bago binuksan ang pinto para sa girlfriend niya.

“Sige na anak, kahit wag mo na ibalik.” natawa nalang si Irene bago kumindat kay Jessica, dali dali rin itong sumakay sa sasakyan niya. Bumusina si Irene bago tuluyang byumahe pauwi sa kanila.

Tahimik sila sa loob ng sasakyan, nakahawak si Wendy sa isang kamay ni Irene habang si Irene ay diretcho lang ang tingin sa may kalsada. “Gusto mo ba dumaan muna sa mcdo?” umiling si Wendy bago tumingin kay Irene, kita niya ang mahigpit na hawak nito sa manibela.

“Mahal, I’m not leaving you.” tumingin si Irene kay Wendy bago ito bumuntong hininga, humigpit ang hawak ni Irene sa kamay ng girlfriend niya. Tumingin si Irene kay Wendy nung nagkaroon ng red light. “Do you trust me?” walang pagaalinlangan na tumango si Irene kaya napabuntong hininga nalang rin ang engineering student. Alam ni Wendy na hindi na siya papayag na muli pang mawala si Irene sa buhay niya.

Pagkadating nila sa bahay nila Irene, nakatayo si Yoona habang may ngiti sa labi niya, agad ring niyakap ni Yoona si Wendy kaya naman dali daling dinala na ni Irene ang gamit ng girlfriend niya sa kwarto niya. “Nakabalik na pala dad mo?” tumango si Wendy bilang sagot sa tita Yoona niya, kasalukuyan silang nakaupo sa may sala habang umiinom si Yoona ng tea at si Wendy ay tahimik na nakaupo. “Is he… you know forcing you to break up with Hyun again?” umiling si Wendy bilang sagot, tumingin ito sa mata ng mama ng girlfriend niya. Alam niyang trinato na siya ni Yoona na parang sariling anak niya.

“No tita, hindi po, he is not aware about everything and even malaman niya. I promise I won’t hurt her again.” tumango si Yoona bago hinawakan ang kamay ni Wendy, kita niya ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa mga mata ng engineering student. “I don’t want to hurt Joohyun again, tita, she’s my world. Mahal na mahal ko po siya.” tuluyang bumagsak ang mga luha ni Wendy kaya naman wala nang ibang nagawa si Yoona kundi yakapin siya ulit.

Nakita ni Yoona na bumaba narin si Irene mula sa kwarto niya, puno ng pagtataka ang mata ng Law student. “Ma, bakit mo pinaiyak si Seungwan?” napailing nalang si Yoona bago tinatapik si Wendy na natawa nalang rin sa tono ng boses ng girlfriend niya. Tumingin si Wendy sa mga mata ni Irene.

At sapat na ang saglit na segundo na nagtama ang mga mata nila para maintindihan ni Irene na seryoso si Wendy na hindi siya nito iiwan.

-

Nagising si Irene nung tumunog ang alarm ni Wendy, mahimbing parin na natutulog si Wendy sa tabi niya habang nakasiksik ito sa may leeg ni Irene. Dahan dahan na inabot ni Irene ang cellphone ni Wendy para patayin ang alarm. May pasok si Wendy ngayon samantalang si Irene ay wala kaya napagdesisyunan nalang ni Irene na ipagdrive ang girlfriend niya at antayin nalang ito sa library. “Mahal, gising na po, may pasok ka pa.” napangiti si Joohyun nung humigpit lang lalo ang yakap ni Wendy sa kaniya. May pagbuntong hininga pa ang engineering student.

“5 more minutes, dito ka lang.” umayos ng higa si Irene para pag masdan ang mukha ni Wendy, nakapikit parin ito, hindi naman napigilan ng law student na magiwan ng halik sa labi ng girlfriend niya na agad namang napangiti. “Good morning, I can get use to waking up and seeing you agad.” nag eskimo kiss sila bago tuluyang umupo si Wendy sa kama para maginat, kung magiging honest si Wendy, isa ito sa mga pinaka mahimbing na tulog niya.

“How’

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
reveclean
#1
Chapter 2: Fight for your love Wendy!
juhyuneeeee
95 streak #2
Chapter 2: okay this time si seungwan naman ang lalaban para sa kanila 🥹😭 mahirap mamili sa pagitan ng taong mahal mo at sa pamilya mo pero kung di ka naman nabibigyan ng kalayaan para piliin kung saan ka magiging masaya bakit ka pa mag stay kasama ang pamilya mo 🥲 maraming salamat authornim! wag na po tayo sa angst 🥹😭
ShonshineBae #3
Chapter 2: Thank you author. Naisip ko, sobrang tapang lang ni Irene para ipaglaban si Seungwan sa papa nito at the same time I am so proud na ginawa ni Seungwan na piliin si Irene. I know it's hard to choose between family and the love of your life pero may mga bagay na kailangan mo talagang i'let go para maramdaman mo yung happiness na hinahangad mo kasama ung taong gusto mong makasama habang buhay. I know na magkakaron ng regrets si Seungwan if hindi niya ulit nagawang ipaglaban si Irene and here they are fighting for their love. It's like "Against all odds"
xoloveskimmy21
#4
Chapter 1: dont do that to irene, seungwan, so mean. but im happy for both of you haay, where's my irene kaya?
reveclean
#5
Chapter 1: WenRene end game
EzraSeige
#6
Chapter 1: 😮😣😤
YuRene
#7
Chapter 1: Grabeee. Saan ba makakakita ng ganyang pagibig. 🥺🥺😭
juhyuneeeee
95 streak #8
Chapter 1: jusko ang kaba ko 😭😭😭 grabe ka irene yung pag mamahal mo 😭😭😭 kahit na sobrang ng ginawa sayo ni wendy nanatili ka pa din 😭😭😭 and for wendy medyo inis ako sayo ha sana sinabi mo nalang agad diba? para di ganun umabot pa sa taon talaga eh 😭😭😭😭 pero buti nalang talaga nahanap ulit nila ang isat isa 🥹🥰🥰🥰
wenrenesuperior #9
Nung sinabi ni Irene na hindi siya kailan mang tumigil na mahalin si Wendy kahit taon na ang lumipas. Grabeng pagmamahal yan sobrang genuine.
jancaz08 #10
Chapter 1: Grabe the feels, otornim. Sobrang bagay yung song 🥹 thank you!