FIN - DITO KA LANG

Saan?
Please Subscribe to read the full chapter

Buntong hininga, isang malalim na buntong hininga. Nakaupo si Irene sa may playground, nakasuot ang Politcal Science Major student ng White na shirt, plaid checkered na polo at ang favorite niyang vans na sapatos na bigay ng girlfriend niyang si Wendy.

Tahimik na nagaantay si Irene habang hawak ang cellphone niya, ilang linggo narin kasing hindi sila nakakapagkita ni Wendy kahit na nasa iisang campus nalang sila. Si Wendy, ang college sweetheart niya mula sa All Girls School na pinanggalingan niya. Nag ring ang cellphone niya kaya agad siyang napatingin dito. Nakita niya ang text ni Wendy.

Love: Dumating si papa sorry, I can’t make it, so I’ll just tell you here. Irene, let us end this. I’m sorry. Hindi ikaw ang problem, everything is overwhelming me. Napapagod ako sa lahat nang changes. So please, let us just end this.

Nanghina ang buong katawan ni Irene, napatingin siya sa madilim na langit na kanina ay nababalot pa ng kulay kahel, ilang oras siyang nagantay na dumating si Wendy, hindi niya lubos maisip na ito ang maririnig niya mula sa dalaga pagkatapos nang halos tatlong linggo. “Ang daya mo naman.” bulong ni Irene, dahan dahan siyang tumayo saka nagsimulang maglakad, mabigat ang puso ni Irene.


Sa mga pagkakataon na ganito, may gustong puntahan si Irene, gusto niyang makita ang kahit ilaw lamang sa kwarto ni Wendy na bukas. Nakapasok ang kamay niya sa loob ng bulsa niya habang nakatayo siya sa labas ng bahay nila Wendy. Napangiti siya nung makita niyang bukas ang ilaw ng kwarto nito.

Nilabas ni Irene ang cellphone niya bago siya nag simulang magtype ng reply.

Love: Mahal, silip ka lang kahit isang beses lang. Ito lang hiling ko. Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Please namiss kitang makita, hayaan mo na ako ito lang hiling ko.

Pinipigilan ni Irene ang pagtulo nung luha niya, lalo na nung nakita niyang nahawi ang asul na kurtina, nakita niyang nakatayo si Wendy, nakapajama na ito at hawak nito ang cellphone niya. Bakas sa mga mata ni Wendy ang emotion, pero wala nalang ibang nagawa si Irene kundi titigan ang mukha ng babaeng minahal niya ng halos apat na taon, at patuloy niyang mamahalin. Kumaway si Irene at nanatiling nakatayo si Wendy doon at nakatingin lang rin sa kaniya. “Irene… uulan na umuwi ka na, please. Magsasara na gate sa inyo.” nanatiling nakatayo si Irene, unti unti nang nag si-sink in sa kaniya ang mga pangyayari. Hindi na siya tinawag ni Wendy nang mahal o love.

Napangiting mapait si Irene lalo na nung makita niyang sinara na ni Wendy ang bintana lalo na nung nagsimulang kumulog. Nanatiling nakatayo ang dancer doon at nakita niyang napabuntong hininga nalang si Wendy bago niya tuluyang sinara ang mga kurtina niya. Nagsimulang pumatak ang ulan at wala nang ibang nagawa si Irene kundi umupo sa may sidewalk. Niyakap niya ang mga tuhod niya habang hinahayaan ang sarili na malunod sa mga patak ng ulan at para narin maitago ang mga luha niya.

Hindi namalayan ni Irene kung ilang oras na ang lumipas, nagpatuloy ang pagbagsak ng malakas na ulan, kagaya ng patuloy na pagbagsak ng luha niya, kagaya ng patuloy na pagbigat ng puso niya.

Dahan dahan na tumayo si Irene bago siya sumilip sa huling pagkakataon, alam ni Irene na ito na marahil ang huling beses na pupunta siya ulit sa bahay na ito at pati narin sa Subdivision na ito. Bumuntong hininga ang dancer bago nagsimulang maglakad palayo. Hindi alam ni Irene ay nakasilip si Wendy nung oras na umalis siya, habang patuloy na bumabagsak ang mga luha niya.

Hindi lubos akalain ni Irene na matatapos lang ng isang gabi, ang isang relasyon na pinanghawakan niya ng ilang taon.

-

Malakas parin ang ulan, nakasakay si Wendy sa jeep, inaantay niyang mapuno ito hawak niya ang payong sa may kamay niya. Tahimik na pinagmamasdan ang patuloy na pagbagsak ng ulan. “Manong bayad po, isang UP lang po estudyante, kakasakay lang” napalunok si Wendy nung marinig niya ang boses na yun, nakita niya si Irene na nakahoodie lang na black suot nito ang specs niya at nakita ni Wendy na wala na naman itong dalang payong. Sigurado siya na nasa bag na naman ito ni Irene at ayaw niya itong ilabas dahil mababasa lang.

Naalala pa ni Wendy na isa ito sa mga gimmick ni Irene noong highschool sila para makasama niya pa ito ng mas matagal. Nakita niyang sinuot ni Irene ang headset niya, bakas sa mga mata ng dancer ang pagkamalamlam at halatang halata mong umiyak ito buong magdamag. Gusto ni Wendy na tanungin kung nakauwi ba siya ng maayos kagabi, nakaabot ba siya sa cut-off ng gate sa subdivision nila. Pero walang lakas ng loob si Wendy, pagkatapos niyang makitang umiiyak si Irene sa may labas ng bahay nila, nawala lahat ng lakas ng loob niya.

Nagsimula nang umandar ang jeep, walang ibang nagawa si Wendy kundi isipin kung ano ang nararamdaman ni Irene. Sabay silang pumara nung makita nila na paliko na ang jeep, walking distance lang naman ang building na nila mula dito pero sobrang lakas talaga ng ulan. Nakita ni Wendy na sinuot ni Irene ang hood ng hoodie niya kaya dali dali siyang bumaba at binuksan ang payong niya. “Irene, share ka na sa payong ko.” napatingin ang dancer kay Wendy at mabilis itong tumakbo palayo, nakita ni Wendy kung gaano tumakbo ito palayo dahil nakita niya ang mga luha nito ulit.

Wala nang ibang nagawa si Wendy kundi bumuntong hininga, humigpit ang hawak niya sa payong niya saka siya nagsimulang maglakad papasok sa building nila. Dito nagsimula mag sink in kay Wendy ang mga naging desisyon niya. Nawala na si Irene sa buhay niya, ang nagiisang taong naging pahinga niya, at ang nagiisang tao na tumanggap sa kaniya nang buo.

Masakit pero kailangan ni Wendy na panindigan ang mga naging desisyon niya sa buhay. Hinayaan niyang mawala ang nagiisang taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin at alagaan siya. Wala na si Irene sa buhay niya simula nung nagpatalo siya sa mga bagay bagay sa paligid niya.

-

Nakapikit si Irene nung maramdaman niya ang tapik ni Joy sa balikat niya. “Ate Irene, lunch na daw tayo.” umiling si Irene bago pinikit ulit ang mga mata niya, nagtaka si Joy kaya siniko niya si Seulgi na nagulat rin sa inaasal ni Irene.

“Ate Irene, kasabay natin si Wendy.” napalunok nalang si Irene, pero nanatiling siyang nakaupo at nakapikit ang mga mata. Nagulat si Seulgi at Joy dahil madalas ay nagmamadali ang dancer sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Wendy.

“Busog ako, sige na.” mahina ang naging tugon ni Irene, sinuot niya ulit ang headset niya bago tumayo at kinuha ang bag niya. Mas gusto pa ni Irene na tumambay ngayon sa library. Naisip ni Irene na kung maayos ang mga bagay bagay sigurado siya na sinundo na sana niya si Wendy ngayon sa classroom niya para kumain sila ng sabay, iba na talaga ang mga takbo ng bagay ngayon. Hindi na siya si Irene, hindi na siya mahal ni Wendy.

Para kay Irene, para nalang nagising si Wendy na isang araw at napagtanto niya na hindi na siya nito mahal. Humigpit ang hawak ni Irene sa bag niya nung sumagi sa isip niya ang mga katagang ilang taon na binitawan at sinasambit sa kaniya ni Wendy. Gaano ba kabilis magbago ang lahat? Sa loob ng halos apat na taon, naisip ni Irene kung saang banda siya nagkulang.

Pagkabukas ng elevator, nakita ni Irene si Wendy, napalunok ang dancer bago ito umusog para makapasok ang freshmen at ilang barkada nito. “Uy Irene, maglulunch ka ba?” narinig ni Irene ang boses ni Sua, isa sa mga close friend ni Wendy na naging kaibigan niya narin. Sobrang awkward sa loob ng elevator. Naisip ni Irene na hindi pa siguro nasabi ni Wendy sa mga kaibigan niya na wala na sila.

Hindi nalang umimik ang political science major, tahimik na nagdasal na sana ay makarating na siya kaagad sa floor kung nasa saan ang library. Nung bumukas ang pinto ng elevator nag excuse me nalang ang dancer bago siya dahan dahan na lumabas. “Hyun!” nakita ni Irene na lumabas si Wendy sa elevator, napahinto ito lalo na nung abutan siya ni Wendy. “You need to eat. Yung gamot mo hindi ka makakainom kapag wala kang kain. Yung ulcer mo Hyun.” humigpit ang hawak ni Irene sa bag niya, halos mamula na ang kamay niya dahil sobrang bumibigat lalo ang nararamdaman niya. Ilang araw narin ba siyang nalilipasan ng gutom, linggo na kung tutuusin, nagsimula nung hindi siya kausapin ni Wendy. “Please help yourself, take care of yourself.” tumingin si Irene sa mga mata ni Wendy sa unang pagkakataon, masakit pero kailangan niyang kayanin ang lahat. Ng mga bagay na ito.

“Why do you care pa?” napahinto si Wendy, napasinghap ang Engineering student at wala nang ibang nagawa si Irene kung hindi ngumiti ng mapait. Mahirap pero kailangan na ni Irene na unti unting tanggapin na wala na ang lahat. “I’m okay, don’t worry about me.” kasabay ng pagtalikod ni Irene ay ang pagbagsak ng mga luha niya.

Ang tanging hiling ni Irene ay ang manatiling masaya si Wendy sa bawat araw.

-

Ilang buwan ang lumipas, bihira narin makita ni Irene si Wendy, sa loob ng anim na buwan, walang ibang naramdaman si Irene kung hindi pangungulila. Masakit parin ang lahat para kay Irene. Tahimik na nakaupo si Irene sa may central garden, sa isang bench, nagbabasa ng libro at nakikinig sa musika na ibinahagi sa kaniya ni Wendy. Naramdaman nalang ni Irene na umupo si Yeri sa tabi niya. “Ate? I hope you don’t mind me sitting here ha.” tipid na tumango si Irene bago niya nilipat sa susunod na pahina ang libro na binabasa niya. Nanatiling tahimik si Irene kaya nagsalita ulit si Yerim. “Nami-miss mo ba siya?” napahinto si Irene sa paglipat sana ng pahina ng libro, napalunok ito saka sinarado ang libro. May kasabay na pagbuntong hininga mula sa dancer.

“Oo, araw-araw. Walang araw na hindi ko hinahanap yung mukha niya, na hindi ko inaantay na bumalik siya.” may mapait na ngiti sa labi ni Irene bago siya tumingin kay Yeri. Hindi alam ni Irene na ganito lang kadali para sa kaniya na sambitin ang aminin na walang araw na hindi siya nangungulila kay Wendy.

“Ate can you share paano kayo nagkakilala at paano naging kayo?” may maliit na ngiti sa labi ng senior high school student. Wala narin namang ibang nagawa si Irene kundi bumuntong hininga at nagsimulang ilahad ang kwento.

Ang kwento nila ni Wendy.

Second year na si Irene, hindi niya lubos maisip na natapos ang first year na wala siyang ibang ginawa kundi sumayaw sa dance club sa tuwing may event sa school. Isa ang first day sa mga pinaka ayaw ni Irene, dahil maraming oras na naman ang igugugol nila sa court, maraming magtatanong kung saan ang eto o ganyan.

“Rene, are you sure okay na yang baon mo?” tumingin si Irene sa mama Yoona niya, mabilis na tumango ang dancer bago humalik sa mama niya. Alam niyang nagmamadali kasi si Yoona ngayon kaya hindi siya napagluto nito kaya naman binigyan niya nalang ng extra allowance for today si Irene para maipangbili niya sa cafeteria. “Call me if you need me, okay? Susunduin ka ni Yaya later okay?” tumango si Irene bago tinanggal ang seatbelt niya, bitbit na ni Irene ang bag niya bago siya mabilis na kumaway sa mama niya at dali daling bumaba.

Papunta na sana si Irene sa may classroom nung may makita siyang isang babae sa may tapat ng bulletien board, maikli ang buhok nito at meron siyang blue na bag. “Hi, do you need any help?” napasinghap naman si Irene nung magtama ang mga mata nila, ito na ata ang pinakamagandang dilag na nakita niya.

May ngiti sa labi nung babae, ito ang unang beses na nakita ni Irene ang babaeng ito kaya sigurado siya na new student ito. “I am a new student kasi, I just wanted to ask kung saan itong tba na room?” hindi napigilan ni Irene ang paghagikgik niya at pag ngiti niya kaya naman tumaas ang kilay ng babae sa harap niya.

“Sorry, I just think na you are so cute. TBA means, to be announced, sinosort pa siguro yung classroom per section when they provided your schedule.” napaface palm naman ang babae sa harap niya, namumula pa ang cute na pisngi nito kaya napangiti lalo si Irene. Napansin niyang wala pang ID ang babae kaya naman nagmabutiing loob narin si Irene bilang isang old student. “Wala ka pa palang ID, gusto mo samahan na kitang kuhain? Para makapag tap in ka din.” tumango naman ang babae at parehas nalang silang napangiti.

Dali daling sinamahan ni Irene ang babae sa office. Lumabas naman agad ang ninang ni Irene na si Seohyun. “Oh anak, anong problema?” nakangiti si Irene bago tinuro ang babae sa tabi niya. Ngumiti si Seohyun bago tumingin kay Irene. “Ay ang anak ko, parang ngayon lang kita nakitang tumulong ah. Hello, cute na cute siguro sayo itong inaanak ko sayo. Anong kailangan mo?” namula naman si Irene bago mabilis na umupo sa couch sa may office, tinago pa ni Irene ang mukha niyang namumula sa bag niya at para mawala ang kaba niya ay kinuha niya pa ang Ipad niya. “Ay talagang nagantay ang inaanak ko ah. Okay na, nakuha na ni Wendy ang ID niya anak.” dali daling tumayo si Irene halos mahulog pa ang Ipad niya dahil sa sinabi ng ninang niya.

“Ninang! Ihahatid ko lang siya sa line ng section niya come on.” nag shrug si Seohyun bago tinapik ang ulo ni Irene, may nakakalokong ngiti sa labi nito bago niya hinatid palabas ang dalawang estudyante. Pagkalabas nila ay napakamot sa batok niya si Irene bago siya awkward na ngumiti. “I apologize sa behavior ng ninang ko, can I see your ID?” dahan dahan na inabot ni Wendy ang ID niya kaya naman binasa nalang ni Irene ang section ni Wendy. “Wow you must be smart. Section 1 ka.” napailing agad si Wendy kaya naman ngumiti si Irene bago niya tinuro ang linya kay Wendy

“Thank you… Irene?” tumango si Irene bago niya pinakita kay Wendy ang ID niya, nag thumbs up naman si Wendy kaya dali daling kumaway si Irene sa kanya at tumakbo papunta sa line ng mga second year.

At hindi lubos maisip ni Irene na doon magsisimula ang isa sa mga bagay na babago sa pananaw niya at sa takbo ng buhay niya.

Naglalakad si Irene sa may second floor, hindi niya alam kung bakt niya ginagawa ito, gusto niyang makita si Wendy na nasa loob ng classroom niya. “Parang tanga si Joohyun, torpe crush mo ba si Wendy?” binatukan si Irene ng pinsan niyang si Chorong. Natatawa pa ito dahil nakita niya na naman si Irene na naglalakad sa floor ng mga first year students.

“Miss Suarez? Saktong sakto!” nagulat si Irene nung lumabas ang isang teacher mula sa classroom nila Wendy, binuksan pa nito ang pinto kaya kitang kita si Irene nang mga first year, karamihan sa kanila ay nakangiti at namumula habang nakatingin sa kaniya kaya naman nakaramdam ng hiya si Irene. “Birthday kasi ni Miss Villamor, and her classmates are requesting you to greet her.” tumaas ang kilay ni Irene, alam niyang birthday ni Irene ngayon kaya nga may regalo siyang binili dito na naiwan niya naman sa room nila sa itaas. Naiinis kasi si Irene dahil hindi sila parehas ng break time ni Wendy kaya mahirap na magkita sila nito.

“Pwede bang sumayaw ka din!!!” narinig ni Irene ang pagsigaw ng seatmate ni Wendy, siniko naman ito agad ni Wendy na namumula at pilit na tinatago ang mukha niya. Tumingin naman si Irene sa teacher nila Wendy na nakangisi ngayon.

“Happy Birthday? Hope you will enjoy your special day.” nakita ni Irene ang pamumula lalo ni Wendy kaya napangiti nalang siya saka nag bow at nagpasalamat sa teacher nila Wendy. Hindi nakalimutan ni Irene na kumindat kay Wendy bago pa nagsara ang pinto kaya naman mas lalo pang namula ang babae.

Masayang tumakbo pabalik si Irene sa Third floor at pumasok ulit sa classroom niya. Hindi na makapagantay si Irene na matapos ang klase nila para maiabot niya na ang regalo niya kay Wendy.

Ilang oras ang lumipas, nakatayo si Irene sa may gate habang hawak niya ang isang sunflower pati narin ang isang box na naglalaman ng necklace, pati narin ang mga paboritong chocolates ni Wendy. “Daig mo pa jowa niya mag effort ha.” naubo naman si Irene sa sinabi ng kaibigan niyang si Solar, pinanlakihan niya ito ng mata dahil nakikita niya na si Wendy na tumatakbo palapit sa kaniya. “Hi Wendy! Happy Birthday sayo.” ngumiti si Wendy saka nag thank you sa mga kaibigan ni Irene. Si Irene naman ay parang estatwa na nakatingin lang kay Wendy, may ngiti sa mga labi niya habang inaantay niyang tumingin si Wendy sa kaniya.

Bakas sa mukha ni Wendy ang hiya, namumula parin ang mga pisngi niya nung nagtama ang mata nila. “Happy Birthday ulit?” medyo natatawa si Irene bago niya inabot ang sunflower at ang kahon na hinanda niya para sa dalaga.

“T..Thank you Irene, n…niyayaya ka pala ni Mommy sa bahay. To have dinner, nasabi niya na rin pala kay T..Tita Yoona.” naexcite naman ang dancer, dahil sa halos isang taon nilang magkaibigan ito ang unang beses na niyaya siya ni Wendy sa bahay nila. Napangiti si Irene dahil kitang kita niya ang pamumula ni Wendy, pati ang tenga niya ay namumula kaya hindi mapigilan ni Irene na pisilin ang pisngi nito.

Nagpapasalamat si Wendy dahil dumating na agad ang sundo niya, nag pull over ang isang black na Sedan kaya napabuntong hininga si Wendy, parang panandaliang kumalma ang puso niya. “Young miss?” tumango si Wendy pero nung tinangkang kuhain ng driver niya ang box at flower na nagmula kay Irene ay dali dali siyang umiling at inilayo ito.

“Don’t touch it.” nagbow ang driver bago niya binuksan ang pinto sa backseat. Tumingin si Wendy kay Irene bago niya niyaya ito na sumakay na sa sasakyan. Tumango naman si Irene bago sila pumasok sa backseat.

Pagkadating sa bahay nila Wendy, bumungad sa kanila si Je

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
reveclean
#1
Chapter 2: Fight for your love Wendy!
juhyuneeeee
95 streak #2
Chapter 2: okay this time si seungwan naman ang lalaban para sa kanila 🥹😭 mahirap mamili sa pagitan ng taong mahal mo at sa pamilya mo pero kung di ka naman nabibigyan ng kalayaan para piliin kung saan ka magiging masaya bakit ka pa mag stay kasama ang pamilya mo 🥲 maraming salamat authornim! wag na po tayo sa angst 🥹😭
ShonshineBae #3
Chapter 2: Thank you author. Naisip ko, sobrang tapang lang ni Irene para ipaglaban si Seungwan sa papa nito at the same time I am so proud na ginawa ni Seungwan na piliin si Irene. I know it's hard to choose between family and the love of your life pero may mga bagay na kailangan mo talagang i'let go para maramdaman mo yung happiness na hinahangad mo kasama ung taong gusto mong makasama habang buhay. I know na magkakaron ng regrets si Seungwan if hindi niya ulit nagawang ipaglaban si Irene and here they are fighting for their love. It's like "Against all odds"
xoloveskimmy21
#4
Chapter 1: dont do that to irene, seungwan, so mean. but im happy for both of you haay, where's my irene kaya?
reveclean
#5
Chapter 1: WenRene end game
EzraSeige
#6
Chapter 1: 😮😣😤
YuRene
#7
Chapter 1: Grabeee. Saan ba makakakita ng ganyang pagibig. 🥺🥺😭
juhyuneeeee
95 streak #8
Chapter 1: jusko ang kaba ko 😭😭😭 grabe ka irene yung pag mamahal mo 😭😭😭 kahit na sobrang ng ginawa sayo ni wendy nanatili ka pa din 😭😭😭 and for wendy medyo inis ako sayo ha sana sinabi mo nalang agad diba? para di ganun umabot pa sa taon talaga eh 😭😭😭😭 pero buti nalang talaga nahanap ulit nila ang isat isa 🥹🥰🥰🥰
wenrenesuperior #9
Nung sinabi ni Irene na hindi siya kailan mang tumigil na mahalin si Wendy kahit taon na ang lumipas. Grabeng pagmamahal yan sobrang genuine.
jancaz08 #10
Chapter 1: Grabe the feels, otornim. Sobrang bagay yung song 🥹 thank you!