#SC - Smile
Minjeong’s Life Tapestry[Minjeong’s]
Kanina pa ako dito sa labas ng kwarto ni Jiminie, hindi ko alam paano kumatok– I mean, alam ko paano, ang mas prinoproblema ko kasi ay ano ang sasabihin ko kapag kumatok na ako at bumukas ang pinto.
Pag-uwi kasi ni Jiminie kanina, may napansin ako na kakaiba sa kanya. Medyo matamlay siya tingnan. Understandable naman since galing siya ng work pero parang never ko pa siya nakita naging ganun katamlay eh.
Even nung niyakap ko agad siya hindi siya nagfreeze ng ilang seconds like she usually does. Akala ko nga na nasanay na siya sa wakas, pero naramdaman ko na may something off sa aura niya.
So, naisipan ko na tanungin siya if may problema or may maitutulong ba ako. Simple lang naman pero hindi ko magawa.
Kinakabahan ako na parang ewan! Naka-ilang breathing exercise na ako dito, nanakit na ang lalamunan ko at hindi ko pa din magawa kumatok sa pinto niya.
“Ha!” Bahala na nga!
Maingat at nakapikit akong kumatok.
Walang sumagot. Dahan-dahan akong dumilat at ‘yung wooden door niya lang ang bumati sa akin.
Kumatok ako ulit. At ulit. Ng Ilang beses na. Walang sumasagot.
At some point, nawala ‘yung kaba ko at napalitan ng inis at medyo worried na din kasi bakit hindi niya pa din binubuksan ang pinto e konti nalang bubutasan ko na ‘to.
“One last…” bulong ko sa sarili. One last at tatawag na ako ng pulis.
Nung kakatok na ulit sana ako biglang bumukas ang pinto.
Natigilan ako ng niluwa nito si Jiminie na kakalabas lang ng bathroom ata dahil naka-suot siya ng bathrobe at basa ang buhok niya.
“Hey, sorry, I was in the shower. Do you need anything?” tanong ni Jiminie habang pinupunasan ang buhok niya.
Bigla ako napalunok nang narealize ko sino ang nasa harap ko. Bumalik ang kaba ko at muntik ko na makalimutan ang purpose ng pagkatok sa kwarto niya.
“A-Ah, ano,” iwas tingin ko na sabi pero kita ko sa peripheral vision ko na Jiminie tilted her head, waiting for my response.
Ano nga ulit ginagawa ko dito?
Kung saan-saan na napadpad ang mga mata ko as if mahahanap ko ang rason ko sa kapaligiran ko, at sakto na dumapo ang mata ko sa basa na buhok ni Jiminie.
“T-tulungan kita,” sambit ko.
“Tulungan? With what?”
“Actually, ‘wag nalang–”
“With my hair ba? I would appreciate that, my hair dryer is broken eh,” putol niya sa akin pero she did it gently kung possible ba ‘yon. Possible ‘yon, nagawa niya nga eh.
Nakahinga ako ng maluwag nang narinig ko ang reply niya, “May hair dryer ako sa kwarto, tara?”
“O-Oh, in your room?” I tilted my head this time.
Akala ko okay lang? Ba’t parang naghesitate siya bigla?
“Oo? Ayaw mo ba?”
Umayos siya ng tayo, “No. I’m fine with it, let’s go,” she smiled softly at tsaka sinirado ang pinto ng kwarto niya.
Hinila ko si Jiminie papunta sa kwarto ko at agad ko siya pinaupo sa harap ng vanity table.
I smiled excitedly while I prepared the hair dryer, sinulyapan ko si Jiminie na nakaupo ng tuwid. Akala mo tuloy first time niya magpagupit sa isang salon tapos wala siyang tiwala sa hairdresser niya.
"Chill ka lang, hindi naman kita kakalbuhin," biro ko pero tumango siya as if seryoso ako. Hoy naman, hindi naman talaga kita kakalbuhin.
Tumayo ako sa likod niya at hawak ang hair dryer, “Start na ako, ha?” pagpaalam ko at tumango lang ulit siya.
Sinimulan ko na ang task ko, patuyuin ang buhok ni Jiminie. I was so focused sa ginagawa ko na hindi ko napansin ang papikit-pikit na mata ni Jiminie.
Minamassage ko din kasi ang scalp niya since kamay ko ang ginamit ko na pang suklay ng buhok niya. Madalas ko nga pala ‘to gawin sa kanya kapag pinapahiga ko siya sa lap ko.
Tumingin ako sa salamin at bahagya napatawa nang makita ko ang pagpipilit ni Jiminie ‘wag pumikit, pati nga ‘yung ulo niya pasway-sway na eh.
“Patapos na ako,” mahina kong sabi sa kanya, though I doubt narinig niya ako dahil sa ingay ng hair dryer.
Nang matapos na nga ako ay nilapag ko ang hair dryer sa lamesa, hinarap ko si Jiminie na halata sa mukha ang antok.
Walang nagsalita sa aming dalawa kaya inunahan ko na.
“Um, kumain ka na ba?”
“I haven’t actually,” sagot niya with a sleepy smile, and I frowned in return.
Late na siya umuwi ngayon pero wala pa siyang dinner? Usually, nakakain na siya eh.
“May natira pa sa niluto ko kanina na adobo, gusto mo ‘yon?” tanong ko, “nagcrave kasi si Ning kanina at nagpaluto kaya ayon,” dagdag explanation ko nang hindi siya sumagot agad.
Umiling si Jiminie, “I think I’ll pass on dinner today,” ayan na naman siya sa matamlay niyang aura. May mali talaga pero hindi na ako naka-imik kasi tumayo na siya.
“I’ll sleep nalang, you should too, Minjeong,” lumapit siya para yakapin ako ng mabilis, “Good night, thanks for drying my hair. I appreciate it.”
I could only watch Jiminie leave my room. Hindi ko man lang siya natanong kung may problema ba siya or ano. Napabuntong-hininga nalang ako at nag-ayos na para matulog.
Pero kahit nung nasa higaan na ako si Jiminie pa din ang nasa isip ko. Hindi matanggal sa isip ko na may mali sa kaniya, parang may dapat akong gawin.
Tinititigan ko lang ang ceiling habang kinakausap si baby.
“Ano kaya magagawa natin, baby?” tanong ko sa anak ko as if sasagutin niya ako, “hindi ka din ba makatulog, baby? Worried ka din ba kay Jiminie, baby?”
I caressed my bump, “Worried… oo, worried ako. Hindi kasi siya ganyan, baby.”
Pagkatapos ang chikahan namin ng anak ko, napagdesisyonan kong tumayo at kumuha ng gatas para makatulog ako since late na din.
From the second floor pa lang nakita ko na open ang l
Comments