3 - Night(in)gale
Before Sunrise
MAVY's
Nang masundo namin ni Athena si RKp sa Ruano ay dumaan rin muna kami sa isang convenience store malapit sa condo building ko dito sa may P.Noval.
As usual, more like snacks ang mga binili namin dahil nga raw magaall nighter kami ngayon at makiki-sleepover sila. Hindi na rin naman bago sakin 'to dahil madalas naman namin ginagawa ang pag ssleepover sa unit. Okay naman rin sakin since malaki 'tong unit dahil nga penthouse itong binili nila Mommy Min sakin kahit ayaw ko.
"Are you done?" I asked Athena and she nods. "Yea, I bought you jellys and chocolates too. You want ice cream ba?"
"Hmm, I think meron pa ako sa unit. Okay na yan, Leil."
"Okay.. RK! Let's pay na!"
Agad namang sumunod si RK kay Athena papuntang counter para magbayad ng mga pinamili.
"It's almost dinner, guys. Ano gusto niyong kainin?" Yuri asked us.
"Ikaw magluluto, Yul?" tanong naman ni Yujin. "Hindi. Nagtatanong lang ako bakit?"
Then, what? They all looked at me.
"Ano pa nga ba? Fine, I'll cook. What do you want?"
"Sinigang!"
"Adobo yung tuyo!"
"Sisig!"
"Fried Chicken!"
"Oh, edi kayo na magluto!" sigaw ko sakanila.
"Nagtatanong ka malamang sasagot kami!"
"Namo ka talaga, RK!"
"Back to you, tanga!"
"Hay nako, nagumpisa na naman kayo. Kung ano na lang nandyan, Maverick." hay nako, wala talaga kaming palag lagi kapag si Yuri na ang nagsasalita eh. Wala eh, nanay namin 'to.
She's the only one who can tame us.
"Okay! Okay! Princess?" Athena looked up and pouts. "Fine, I'll help you na nga.."
Natawa ako ng lumapit siya sakin at saka ko ginulo yung buhok niya, "Good. Tara na!"
Athena Soleil. People call her Athena but we call her Princess Leil (Lei). Halata naman siguro diba? Siya ang bunso saamin at ang prinsesa ng barkada. Childhood bestfriend ko si Athena, sabay na rin kasi kaming lumaki dahil sa mga parents namin na magkakaibigan rin.
"Chop chop chop, princess!"
"Che! Give my hand a massage later!"
"Oo na.."
Ending Beef Broccoli ang naluto namin ni Athena. Since I always have fresh veges sa fridge edi why not. I learned how to cook kay Naynay Yooji, bonding namin ang pagluluto eh. Naynay is a chef though, she's one of the best swimmer gold medalist who's now the owner of the famous restaurant in town.
Naynay Yooji always do my grocery, minsan rin kasi ayaw niya ako kasama sa grocery dahil kung ano ano daw dinadampot ko like Mommy Min. Pati sa cereals ko nadamay.. Kasalanan 'to ni Mommy eh! I always got 3 cereals since I was a kid, ngayon dalawa na lang paano ako mamimili sa Fruit Loops, Cinnamon Toast Crunch at sa Frosted Krispies?!? I hate you, Mommy Minjeong!
"Dinner's ready, kiddos!" Sigaw ni Athena ng matapos kaming maghain.
"Woww! Ang bango naman!"
"Sarap nalalasahan ko na agad! Kainan naaa!"
"Kumain na lang kayong dalawa, ang daldal."
"Opo."
"It tastes good, Maverick! Infair! Ang lambot ng beef ha!" Yuri looks satisfied na naman sa niluto ko. Well, lagi naman silang ganyan.
"Hiniwa ko na din kasi ng super nipis para madali lumambot."
"I've got to learn pano mabilis lumambot yung beef!" natatawang sabi ni Athena. Napailing ako. I don't even know if that works pero I saw Naynay doing that thing kaya!
"Ano yun, princess?"
"Eh bat ka natatawa?" tanong ni RK at Yujin.
"Papalambutin mo siya with fork."
"You mean lalagay mo sa pinapakuluan mong beef yung tinidor?" tanong naman ni Yuri.
Athena nods her head na ikinatawa naman nung dalawang baliw.
After dinner, kanya kanya na rin kaming pwesto. Mommy Min build us a study room dito sa penthouse kaya madali na rin samin 'to. This unit ours not just mine. Itong study room ang pinakamalaking room dito sa penthouse sumunod ang art studio ko sa tabi nitong study room. Pero minsan si Athena lang ang nakakasama ko doon since Yuri prefers her time alone kapag nagppaint.
<
Comments