9 - Reminds Me of You
Before SunriseMAVY's
Maaga nagalarm yung phone ko. Akala ko pa nga may pasok. Pero nah, it's Sunday! And Naynay called me after ko magwash up.
It's grocery errands today! And, magpapadala later si Naynay ng maglilinis ng penthouse while I'm doing my grocery. Hindi kasi makakasama si Naynay today since sobrang busy daw today sa Katha.
After grocery errands dumerecho na rin muna akong Fishermall since lunch na rin naman.
May nakita rin akong Candy Corner, naisip ko lang si Stormie at napabili ako. Naalala ko kasi she likes jellys or gummy candies eh and since bibili akong Airheads and Violet Crumble for my snack corner sa unit.
"Hey.." bati ni Mavy kay Stormie ng makapasok ito sa unit.
"Heyy.."
"Ang dali naman ng passcode mo, why not palitan mo ng mas madali pa?"
Natawa naman itong si Stormie. Paano naman hindi at parang 8 digits yata yung passcode ng unit nito.
"Mama Sky did that tho. She said, that's for my safety. Kahit ako lang naman yung nasa floor na 'to." natatawa ring sagot nito.
Nang makaupo si Mavy sa couch ay agad ring tumabi si Stormie rito.
"So, what brings you here, anyway, Monty?"
"Ah, oo nga, saglit." agad nitong hinatak ang kanyang sling bag at hinanap ang isang plastic ng gummy candies. "Here."
Comments