Ang Manifestations

Rina baby!
Please log in to read the full chapter
Hello ulit! This was supposed to be included dun sa kahapon kaso masyadong mahaba hehe. Again, thank you for reading Rina baby! 

Ngayon lang nalaman ni Winter na baka nga pala may expiration date pala ang ‘real kilig’ thing nya. 

 

Lunes. Lunes na ngayon, at feeling nya malapit nang ma-expire yung kilig nya sa happenings nung wednesday. Di pa ulit na e-extend!

 

Di ba 'to kayang i-EXTNDKILIG to 2366?

 

Hanggang ngayon kase ay di pa natutuloy ang 'kain together' nila ni Karina. 

 

Kung hindi kase si Winter ang busy, si Karina naman ang madaming ginagawa–if hindi S.A. related things, mga kung anong kineme naman na org-related (at technically, may classes pa din ito to attend to).

 

Pero rest assured naman si Winter na hindi parte ng kadelulu-han nya yung nangyari nung wednesday kase from time to time ay nagkaka-chat naman sila ni Karina.

 

Kinikilig din naman sya nang slight kase diba at least nakakausap nya pa rin ang crush nya, pero syempre, iba pa din kase pag personal. 

 

Iba yung kilig, mas intense!

 

Malimit ay kamustahan lang o kaya naman ay updates if free ba sila o hindi ang laman ng chats nila ni Karina.


 

Noong huwebes:

Karina Yoo: Hi Winter! I'm really sorry, di ako pwede ngayon :((

Karina Yoo: I had to attend to Miss Jho after ng class ko :(( Baka hapunin na ako pagkatapos.

Winter: Hi, good afternoon! It's okay, it's okaay. We can adjust it naman kahit bukas hehe


 

Noong biyernes:

Karina Yoo: Hi ;) busy ka today?

Winter: Hello sorry late reply!

Winter: I don't think i can today :((

Karina Yoo: Oh.. it's okaay

Winter: May pa practical test si Ms. Jody Tupackin tapos baka mag-interview kami sa beneficiary namin after class :(

Karina Yoo: Ms. Jody? as in Ms. Cruzat? hahahaha why Tupackin

Winter: it's a reference dun sa everything everywhere all at once! Si joby topacky ata yon

Winter: plus sakto kase topakin 'yon, si Ms. Jody hehe

Karina Yoo: ohhh no 🤐🤐🤐

Karina Yoo: adjust natin tomo or kahit kelan basta tuloy hehe ingat kayoo mamaya and goodluck sa test!


 

Noong Saturday:

Winter: Hey, good morning. Anong sched mo sa monday?

Karina Yoo: I have one class sa umaga, then SA duties kay Miss Jho til 3pm

Karina Yoo: unless may additional na ipapagawa si Miss Jho, i think I'm free na 3pm onwards

Winter: oh okaay

Winter: Is it okay if we re-sched sa monday na lang? kahit sa pa hapon?

Winter: Madami kaming farms na pupuntahan ngayong araw to collect image datasets since wala kaming mahanap sa net 😖 plus I don't think pwede ako bukas since sunday is rest day  🥺 

Karina Yoo: oh okay okaay, no problem. Baka may puntahan din kami ni ate bukas. We can go sa monday! 

Karina Yoo: I have a practice with my orgmates todaay skl hehe

Karina Yoo: You take care today, Win. Ingat!

Winter: Thanks, Karina! you take care too! Good luck sa practice!


 

At ngayon, monday na nga.

 

Kahit na may usapan sila na monday ang 'kain together' nila, inilalagay pa din ni Winter ang loob na may possibility na anytime ay pwede ulit 'yon ma-cancel dahil sa unexpected lakads or activities na need nya or ni Karina gawin.

 

Katatapos lang ng third period nina Winter. Lunch na nila ngayon. Nag-iisip sya ng kung anong pagkain ang bet nya ngayong tanghalian since manlilibre daw si Ryujin.

 

"Ryu, lomi. Gusto ko ng lomi. Kwatogs tayo?"

 

Agad naman syang hinampas ni Ryujin, "Gagi anong kwatogs? Sa may Lipa 'yon Win! Walang kwatogs dito sa Bats!"

 

Napa-sigh na lang si Winter. Nagcra-crave sya talaga sa lomi ng kwatogs kaso masyadong malayo naman ang byahe pa Lipa. One hour lang ang lunch nila.

 

"Doon na lang tayo sa may LS lomi house, Win. Masarap din don! Bagong bukas nung isang linggo lang."

 

Pumayag na si Winter dahil wala din naman talaga syang magagawa atsaka libre na, aarte pa ba sya? At least loming Batangas pa din. 

 

Naglakad na lang sila papunta sa lomian since malapit lang naman iyon sa campus. Habang naglalakad ay iniisip na ni Winter ang mga toppings nang lomi at ang lapot nito. 

 

Itlog, kikiam, meatballs, chicharon, lumpia, ribusado…

 

Natatakam na talaga sya. 

 

Maya-maya pa ay nakatanggap sya ng message mula kay Karina. Agad naman syang kinabahan na mejj na-excite din. 

 

Cancelled kaya ulit o tuloy na?

 

Karina Yoo: Hey Win, tuloy tayo kahit 5pm or kahit 4:30? free na ako ng 4pm :)) nag extend ng one hour lang si Miss Jho hehe

 

Yeeees!! Let's go mga bading!!

 

Winter: okay! kita tayo ng 4:30 sa may lobby?

 

Karina Yoo: okaaaay, see you later then! ;)

 

Dahil doon ay parang mas sumarap ang lomi na kinakain ni Winter. Regular lang ang order nya pero parang naging special bigla.

 

Masarap nga siguro lalo ang lomi pag may kasamang kilig as a side dish. 



 

Pawisan na pawisan sila ni Ryujin nang makabalik sa campus. May dalawang class pa na natitira si Winter bago mag-uwian.

 

Excited na excited na sya. Sobrang ganado sya makinig sa professors at parang kahit isang segundo ay di sya dinapuan ng antok–dahilan para di na din nya kinailangan mag daydream for a while. 

 

Na-sense naman siguro ito ni Ryujin, na ngayon ay katabi nya dahil partners sila sa isang activity na pinapagawa ng current professor nila.

 

“Anong meron, Win? Bakit parang ang saya-saya ng mo ngayon?” Nagtatakang tanong sa kanya ng kaibigan.

 

Napatingin naman si Winter kay Ryujin, naging extra conscious if masyado bang malawak ang ngiti nya dahil sa tanong ng kaibigan. 

 

Nag-isip agad sya ng palusot, “Walang meron Ryu, inaalala ko lang yung lomi kanina, masarap nga talaga."

 

Nakita naman nya kung paano kumunot ang noo ng kaibigan, "Huh? Naririnig mo ba ang sarili mo Win? Kahit kelan, never naging ganyan ang feedbacks mo sa mga lomian na na-try natin other than Kwatogs! It's always 'Kwatogs pa rin talaga' for you!"

 

Mukhang mali pa ata ang palusot nya, "Mag-timo ka nga Ryu. Masama bang nasarapan naman talaga ako sa lomi kanina? Halika, ayusin na lang natin yung ppt natin."

 

Nakita nya kung paano umiling si Ryujin pero nagcomply pa din sa sinabi nya, "May something talaga..i even saw you smiling kanina nung sinabi ni Sir Cruz na may reporting activity tayo…seriously, ayaw mo kaya ng reporting!"

 

Di na lamang pinansin ni Winter ang kaibigan. Sa halip ay sinimulan nya ang pag-aayos ng ppt nila for reporting.

 

She does hate reporting. Sino ba namang hindi? It's just that sinisipag lang sya ngayon talaga. Siguro ay gawa ng lomi. She's so eager to finish everything bago mag 4:30.




 

"Okay, class dismissed! See you next meeting, guys!"

 

4:05 pm. Pasalamat talaga sya kay Mrs. Reyes na mahilig mag pa-dismiss ng maaga! 

 

Agad na nagpaalam si Winter kay Ryujin. Buti na lamang at may dance practice ito kasama ang mga orgmates nya ngayon, kaya di talaga sila sabay uuwi. 

 

Binigyan sya ni Ryujin ng tingin na nangingilatis, siguro ay curious pa din sa unusual bright and optimistic aura na meron si Winter ngayon. Buti na lamang at di na nagtanong ito at hinayaan na syang umalis.

 

Agad syang bumaba sa lobby without forgetting na dumaan muna sa banyo. Syempre kinailangan muna nyang mag-ayos kahit papaano! 

 

Pinuyod nya ang kulay ginger nyang buhok into pigtails. Di naman ganun ka-oily ang face nya so naglagay na lang sya ng lip balm then konting liptint. 

 

Nang makarating sya ng lobby ay 4:20 pa lang. Buti na lamang at di nya dala ang laptop nya ngayon, dahil sobrang hassle if ever. 

 

Wala pa naman si Karina kaya umupo na lang muna sya sa may dulong upuan sa tapat ng registrar. Habang nakaupo ay iniisip nya kung ano ang pwede nilang pagkwentuhan ni Karina mamaya.

 

Napaisip naman si Winter ng mga topics na pwede nilang pag-usapan. Kaso ang hirap lang lalo na kung si boss Jho lang naman ang kumbaga 'common ground' nila?

 

What if ma-bored si Karina sakin?

 

Di pa naman sya talaga ma-imik sa di nya ganon ka-close. 

 

Kinakabahan na naman tuloy sya. Idagdag pa ang mataas na possibility na makasabay nya ito pag-uwi kase magkasama naman na silang kakain.

 

Habang kinukutkot ang keychain na nakasabit sa bag nya, patuloy ang pag-iisip ni Winter tungkol sa mga posibleng mangyari mamaya.

 

Maya maya pa ay naramdaman niya na may umupo sa kanang tabi nya. Naka focus pa din ang tingin sa keychain, naramdaman nya ang pag-kulbit ng katabi nya.

 

Napatingin naman agad si Winter sa katabi. Sumalubong sa kanya ang kulay dark brown at nakangiti na mga mata nito. 

 

"Uy, Karina." Agad naman na ngumiti si Winter dito. Parang nararamdman nya na naman ang pagtibok ng isang mata nya dahil sa kaba.

 

As usual, ngumiti naman pabalik sa kanya ito, "Hi. Kanina ka pa nag-iintay?"

 

Parang biglang bumilis yung 'lubdublubdub' ng heart ni Winter.

 

"H-hindi naman. Kadadating ko lang din."

 

Nakita nya ang pagtango ni Karina sabay pag-scrunch ulit ng ilong nito, "Okay. Let's go na?"

 

Winter then nodded at her. Isinuot nya ang kanyang mini but not so mini backpack at tumayo. 

 

Tumayo din si Karina at noon lang napansin talaga ni winter ang buong itsura nito.

 

Naka-uniform pa din ito—white blouse, maroon scarf at black pencil skirt—ngunit wala na ang saklob na part din ng unif, at ang black blazer na may maroon linings ay natiklop sa may braso kung saan nakasabit din ang shoulder bag nito.

 

Naka half-ponytail, half-down ang buhok nito. 

 

At dahil naka-heels si Karina ay mas nakaka-intimidate tuloy lalo ang tangkad nito.

 

Parang nanliliit lalo si Winter kahit naka-heels din naman sya.

 

Di tuloy agad siya nakalakad agad. Para syang nasampal ng kagandahan at katangkadan ni Karina.

 

"Winter? Tara?"

 

Tumango naman si Winter. Sabay silang naglakad ni Karina patungong main gate. Nang makalabas sila ng campus, ay narinig nyang nagsalita si Karina.

 

"Winter, uhm, actually, dinala ko yung car ko ngayon. Uhm, I think kase, para mas mabilis yung byahe natin lalo na kung gagabihin man tayo. Is that okay with you?"

 

Nagulat nang very very slight lang naman si Winter. Di nya alam na marunong pala itong mag-drive. Isa pa,  ang expected kase talaga nya ay magco-commute sila ni Karina. 

 

Medyo nahihiya din syang makisakay sa kotse ng isa, pero mas nakakahiya naman ata na tatanggihan nya ang alok nito. Sayang din naman ang effort ni Karina na dalhin ang kotse. 

 

She can sense na parang medyo kinakabahan din si Karina. 

 

"Uhh, pero if mas okay sa'yo magcommute, okay lang din naman. We can totally do that too naman. I can j–"

 

Bago pa matapos ni Karina ang sasabihin ay hinawakan sya ni Winter sa braso para makuha ang atensyon nito. 

 

Pagkatapos ay nginitian nya ito bago nagsalita, "Pwede naman yung car mo, Karina. I'm totally okay kung byahe tayo, pero since dala mo na din yung kotse mo, I'm super okay with that too."

 

Nginitian ulit ni Winter si Karina for extra assurance. It turns out na di lang pala sya ang worried sa lakad nila ngayon and somehow that realization helps Winter to calm down.

 

Nakita naman nyang tumango ito at ngumiti din pabalik sa kanya.

 

Nang makarating sila sa isang parking lot malapit sa campus, Winter found Karina's white Ford EcoSport ng i-unlock ito ng kasama nya.

 

Parang bumalik yung kaba nya.

 

Nahihiyang sumakay sya nang pinagbuksan pa sya ni Karina ng pinto. 

 

Ito na ba ang simula ng EXTNDKILIG ko? Pinagbuksan ako ng pinto shet! Baka naman mabigat lang talaga yung pinto?

 

Once na makapasok ay nagregister agad ang mabangong amoy ng sasakyan ni Karina.

 

Pinagmasdan ni Winter ang loob at una agad nyang napansin ay ang cute car accessories sa may dashboard at may mirror dash cam nito.

 

Sa may dashboard ay ang ilang cute-size na crocodile at dinosaur plushies habang sa may gitna ay naka pwesto naman ang figurine ng chubby croco na nakaupo.

 

Sa may mirror dash cam naman, along with the rosary ay nakasabit ang isang cute hanging ornament: swinging dinosaur pendant. 

 

Nang makasakay si Karina ay nakita ni Winter kung paano chineck muna nito ang temperature at inassure na both of them are wearing their seatbelts. 

 

Pagkatapos ay nakita nya itong tumingin saglit sa kanya at ngumiti, "Anong cravings natin for today, Winter?"

 

Napaisip naman sya sa tanong nito. Ano nga ba? Parang masarap yung butter garlic fried chicken..

 

Pero nahihiya naman si Winter magdemand kay Karina. Treat na nga sya nito tapos pasakay pa sya sa kotse..baka kung anong isipin sa kanya nito. Plus okay lang naman talaga sa kanya kahit anong kainin nila.

 

Napatingin naman saglit si Winter kay Karina, iniisip kung ano ang isasagot nya. 

 

Nakatuon ang tingin nito sa kalsada habang nakangiti. Pero pansin ni Winter ang medyo panginginig ng isang kamay nito habang nakahawak sa manibela.

 

Parang naririnig nya din ang boses ni Ms. Cruzat na nagsasabing, "Ayan, puro kayo hiya! Anong mapapala nyo sa hiya?"

 

Narealize ni Winter na parehas lang silang kinakabahan at siguro'y worried pa rin ni Karina. 

 

But Karina is obviously trying her best na wag magpadala sa worries nya. Kaya siguro nilakasan din nito ang loob na magtanong because she genuinely wants to know what Winter wants.

 

Oo nga naman. Winter realized that she should do the same thing too, and so she felt the need to answer her honestly.

 

"Uhm..Butter Garlic fried chicken. Parang masarap 'yon ngayon." 

 

Nakita naman ni Winter ang pagtango ni Karina. Parang mas lumawak ang ngiti nito, "Okay, Butter Garlic fried chicken sounds good. I certainly know a place.."

 

Napangiti na lang din si Winter, finally letting her worries go, she decided to just relax (kung keri nya nga talaga), and fully enjoy their 'lakad'. 

 

Binalot ng katahimikan ang byahe nilang dalawa. Pero di naman na alintana ni Winter iyon, at feeling nya ay ganon din para kay Karina. Surprisingly, it's a good, comfortable type of silence; parang unti-unti nang natutunaw ang awkwardness.

 

Pero paminsan-minsan ay tatanungin din sya ni Karina–about sa thesis nila, about kay Miss Jho as their adviser, at about sa paboritong number nya sa electric fan. Charot! 

 

Joke lang. Hindi sya tinanong ni Karina tungkol sa paboritong number sa electric fan, pero tinanong sya nito tungkol sa diabetes nya.

 

"Hey, Winter? Can I ask something na medyo personal?"

 

Mula sa tinitignan nyang jowang magka-angkas sa labas ay inilipat nya ang tingin sa katabi nyang nagdri-drive. 

 

"Hmm…depende. Ano ba ang mga gusto mong malaman?"

 

"Uhm, about your diagnosis? yung sa diabetes? like kelan or pano mo nalaman?"

 

Nabanggit nga pala ni boss ang pagiging diabetic ko last time.

 

Ikwinento naman ni Winter willingly ang mga nangyari two weeks before the sembreak, kung paanong naghinala ang mga taong kasama nya sa bahay dahil sa biglaan nyang pagpayat. 

 

Di naman sya ganoon katabaan talaga. Pero pansin din kase ang pangangayayat sa cheeks nya. Binalewala lang iyon ni Winter, thinking na siguro ay stress lang sya sa pag-aasikaso ng thesis nila.

 

Ngunit na-kwento nya isang gabi ang malimit nyang pagka-uhaw kahit mahilig naman na sya uminom ng tubig dati pa. Malimit din syang mapa-ihi at madalas mangimay ang mga kamay at paa nya.

 

Na-alarma lalo ang mga tito at tita nya nung nasabi ni Winter na nangangati din sya. Hindi naman iyon dahil sa pawis dahil dati pa man, kahit pinapawisan sya ay di sya nangangati nang ganoon. Sa sobrang pangangati nya ay nagka-rashes na ang likod at hita nya.

 

"Edi ayun, uncomfy na din yung pangangati ko talaga kaya pumayag na ako magpa-check up. It turned out na sobrang taas pala ang sugar ko kaya ganon."

 

Nakita naman ni Winter na tumatango-tango si Karina habang nakaipit ang mga labi at pasimpleng sumusulyap-sulyap sa kanya.

 

Nagpatuloy si Winter nang pagkukwento, saying na kaya siguro sya nagkaroon at a young age ay dahil nga nasa lahi nila iyon at sobrang hilig din talaga nya sa matatamis. 

 

Bahagyang ngumiti naman ng kaunti at tumango si Karina, "For someone na mahilig sa sweets, it must be so tough..how did you, uhh cope up with it?"

 

Bumalik ang tingin ni Winter sa may bintana, pinapanood ang iba't-ibang sasakyang tumatakbo, "Well, nalungkot talaga ako nung una, siguro hanggang ngayon, may instances na ang frustrating na ewan na I can't eat my favorites. Mahirap baguhin ang nakasanayan, so nung una talaga grabe yung pag-pipigil ko, medyo emotional na ewan.." 

 

Patuloy na nagpaliwanag si Winter, "Di naman din totally bawal all the time. When I managed to lower down my blood sugar, nakakain naman na ulit ko ng sweets, 'yun nga lang ay let's say once or twice a week na lang. Plus, iniiwasan ko na din yung sobra-sobra ang sweetness."

 

"Siguro ay may instances pa din na mahirap magpigil, pero I'm glad na you're doing well in keeping yourself healthy.." Napalingon naman si Winter kay Karina.

 

Nakita nyang nakangiti pa din ito habang nagdri-drive Kita din nya na parang may sinabi o binulong pa ito, pero di nya narinig kaya pinagsa-walang bahala na lang nya.

 

Muling ibinalik ni Winter ang tingin sa may kalsada. Parang nangangati ang lalamunan nya dahil sa tuloy-tuloy na pagsasalita kanina. 

 

Ngayon lang sya nagkwento nang ganoon kahaba sa iba bukod kay Ryujin. Lagi nyang shino-short cut ang mga kwento pag tungkol sa sarili nya. Isang tanong, isang sagot kumbaga. 

 

But then with Karina, hindi alam ni Winter kung bakit pero basta basta na lang nagtuloy-tuloy ang pagkukwento nya. 

 

Maybe it's the genuineness in Karina's questions? Or maybe it’s Karina’s genuineness mismo.. 


 

Siguro'y tumagal nang 40 minutes ang kabuuang byahe nila. Pagdating nila sa kakainan nila, bumungad kay Winter ang isang Restobar na parang minigarden. Napapalibutan ito ng iba't-ibang uri nga mga halaman at bulaklak.

 

Sa unang tingin ay parang malaking modern house lang ito, pero dahil sa mga signage at ilaw sa labas ay mapapag-alaman din itong isang restobar.

 

Nang papasok na sila ay mas nakita ni Winter nang malapitan ang mga halaman at bulaklak. Agad naman syang nahalina at natuwa. She made a mental note na balikan ang mga ito mamaya pagka-kain nila.

 

Napansin din nya na may malawak garden ang resto na pwedeng pag tambayan at lakadan sa may side patungong likod ng bahay.

 

Sa loob ng resto ay ramdam ni Winter ang preskong aura ng lugar. May something instrumental na tumutunog pa sa background.

 

Umupo sila ni Karina sa isang table sa may balkonahe kung saan tanaw ang garden sa tabihan ng resto. Winter is looking at garden, silently admiring the view nang biglang dumating ang isang crew at ini-abot sa kanila ang menu.

 

Nagpasalamat naman sya sa crew at tumango habang inaabot ang menu, "Thank you po."

 

"Loving the view?" Nalipat ang tingin ni Winter kay Karina na nakangiting nakatingin pabalik sa kanya. Siguro ay napansin nito na kanina pa nga nya ninanamnam ang itsura ng buong restobar, lalo na ang garden nito.

 

Napangiti sya sa kaharap, "Mhmm. Ang relaxing siguro lalo maglakad-lakad dito pag may time or pag masyado ka nang drain."

 

Nakita nyang tumango si Karina at inilibot ang tingin sa kabuuan ng resto, "It is. I went here with the fam last time. We can walk doon mamaya sa may garden sa likod, if you want."

 

Excited naman na napatango si Winter. Bukod sa gustong-gusto nya yung mga scenery na ganito, eh parang gustong-gusto nya din yung kasama nya ngayon. 


 

Di nagtagal ay namili na sila ni Karina ng o-orderin. Sobrang dami nang foods na pamimilian sa menu, meron din talagang mga putaheng pang-pamilyahan. Meron ding snacks and finger foods.

 

Nung tinanong sya ni Karina if may iba pa syang gusto bukod sa Butter Garlic Chicken, sinabi nya na lang na Mozzarella sticks dahil bet nya din 'yon.

 

Narinig ni Winter na binanggit ni

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hiccups_ #1
Kailan kaya siya magigising na hindi na delulu???
Trumfeet #2
Chapter 3: k lng nmn
Trumfeet #3
Chapter 1: Potah nmn ssob terwinTT
yuji954 #4
Chapter 3: ang cute cute nila sjshsjsjaj me when !!!!! crushie baka naman
wenbluu
#5
🥹🥹🥹
IceWolf23 #6
Chapter 2: the hsm reference tho♡
bigboy123
144 streak #7
Chapter 3: Kyot 🤭🤭
astrum11
#8
Chapter 3: Aaaaa i want more huhu thank you so much for writing this po 🥹💗
IceWolf23 #9
Chapter 1: cutieeeee
Wemon_ #10
Chapter 3: ang kyot kyot nilang dalawa!! aliw pa rin talaga sa delulu era ni win