Delulu no more?

Rina baby!
Please log in to read the full chapter
Hello! Medyo late pero, thank you for reading Rina baby! Thank you for subscribing to, voting for, and reading this story! I wrote this story on a whim, kaya wala talaga sa plano ang part two hehe pero omg here it is!! Sobrang na-appreciate ko po ang comments! Thank you, thank you so much! Please let me know your thoughts after reading this one :))

 

"Sir Castro, I'm really sorry po if late. Kanina pa po talaga ako dito sa school, kaso bigla po akong naje-jebs. P-pasensya na po at di ko na napigilan."

 

Dalawang minuto. Halos dalawa o tatlong minuto ata na nakatitig sa kanya si Mr. Castro. Tinitingnan siguro kung nagsasabi sya ng totoo.

 

"Okay, Ms. Kim. Pero before you take a seat, can you recall our discussion last meeting about the Verilog language?"

 

Nagpakawala ng malalim na hininga si Winter nang maalala ang ganap kanina nung na-late sya sa class ni Mr. Castro.

 

"Winter kase, sa dami dami ng pwede mong i-dahilan, bakit naman pag-jebs yung naisip mo?" Natatawang tanong sa kanya ni Ryujin.

 

Hindi ko din alam! Pucha, nakakahiya talaga!

 

Napairap si Winter, "Malay ko..nagpanic na lang ako kase shet si Mr. Castro 'yon! Siguro a part of me was hoping na maniniwala sya talaga, kase natural lang naman tumae? Plus, di mo 'yon basta-basta pwedeng pigilan no!"

 

Kung sakali nga na kinwestyon ni Mr. Castro yung dahilan nya, iniisip nya na kayang kaya nya itong i-defend na para bang 'yon talaga ang reason ng pagka-late nya.

 

Brain damaging kaya magpigil ng jebs! 

 

Nakita nyang tumatawa pa din si Ryu, "Pero infairness, nasagot mo yung tanong ni Sir kanina. Di ka man lang nag-stutter beh! Ready na ready ah!"

 

Napa-smirk na lang si Winter. Aba, syempre naman, kahit na certified delulu sya ay di nya malilimutan maglaan ng space para sa learnings and acad-related infos sa utak nya. 

 

May limit sya para delulu hours nya: mga 3-4 times a day lang. Kimmy! 

 

It's safe to say na daydreaming is one of her ways para mag-relax. Nakaka relax naman talaga mag-imagine ng mga bagay o scenarios na pabor sa'yo.

 

"Syempre, si sir Castro din kase 'yon e. Lagi yung nagpapa-graded recit."

 

Napatingin si Winter sa kanyang orasan. 7:15 pm na. Kailangan nya munang dumaan sa research adviser nya para kausapin ito tungkol sa prototype nila. 

 

Nag-message kase sya dito kagabi if kelan ito pwede kausapin personally para mas mai-discuss nang ayos. 

 

Katatapos lang ng title defense last sem bago mag sembreak, at ngayon, start na sila nang pag-gagawa ng prototype. 

 

A week ago ay nagstart na ang second semester, pero ngayon pa lang nya ulit makikita personally ang research adviser dahil ngayon lang ito available.

 

Dapat talaga ay as a group silang pupunta ngayon, kaso umuwi na ang mga groupmates nya kaya mag-isa lang sya ngayon.

 

Napalingon si Winter kay Ryujin, "Umuna ka na Ryu, dadaanan ko pa si Boss Jho, need ko lang kausapin about thesis. Hanggang 8pm pa daw sya dito, sabi nya kagabi."

 

Di naman pumayag ang kaibigan nya, "Anla, samahan na kita, Win. Ayoko pa umuwi, atsaka wala yung mga ka-group mo as usual! Ako na lang kaya kunin mong ka-group?"

 

Napabuntong-hininga na lang si Winter sabay shrug dahil alam nyang hindi magpapatihor ang kaibigan nya. 

 

Habang naglalakad sila ay nagawi ulit ang isip ni Winter sa panaginip nya kanina sa jeep. Shet talaga. Ibang level talaga ng deluluness ang na-unlock nya kanina.

 

Feeling nya ay something na nakakakilig 'yon, kase andun si Karina, pero di nya matandaan yung exact deets!

 

Rina baby..

 

Tho meron syang paulit-ulit na nare-recall: Rina baby.

 

Shems! Di kaya jowa nya doon sa panaginip si Karina? Nakakahiya! 

 

Oo nga't nag-iimagine sya na lovey dovey sila ni Karina pag gising sya, pero ibang level na ata yung kahit tulog sya ay si Karina pa din ang iniisip ng unconscious self nya.

 

Isa pa, ibang level na din ata to ng crush. Di na ata ito happy crush. Ilang taon nya na bang kinukumbinsi ang sarili na happy crush nya lang si Karina? 

 

May happy crush bang mag aapat na taon na? 

 

Si Karina kase! Masyadong crushable, at likeable. Siguro lovable din, pero di din sya sure kase di naman nya personally kilala ito.

 

Sa totoo lang, nung una, yung pagka crush ni Winter ay parang maliit na sindi lang ng apoy sa posporo. She was just really physically attracted to Karina nung first meeting nila.

 

But then she started to know more about that tourism student na na-meet nya sa lobby. 

 

Napag-alaman nya na Karina is one of the ambassadors ng school. And it left a great impression on Winter because obviously, school ambassadors are carefully selected based sa grades, personality, character, communication skills and enthusiasm ng estudyante.

 

Syempre di naman mapipili si Karina if di sya pasado sa mga requirements diba? At kitang kita din naman ni Winter ang commitment nito sa role na nai-assign sa kanya.

 

She would often see Karina sa mga school events and programs—booming with passion as she converses with the students, at minsan, sa mga parents din.

 

Si Karina ang isang perfect real life example ng mga ideal main character na mababasa sa webtoons, comics and fanfictions o mapapanood sa mga coming of age na movies–maganda, matalino, mabait, responsable, magalang at iba pa.

 

Winter have no doubts na Karina is not doing everything for the sake of popularity or just so people could like her. She can definitely see and feel that the girl's just being genuinely herself—always greeting everybody with a sincere and warm smile on her face; always willing to listen and help.

 

Siguro ay noong mga oras na 'yon, habang unting-unting nakikita ni Winter si Karina–sa stage, sa hallways, sa lobby o sa library man—ay unti-unti din na nagle-level up ang pagka crush nya dito.

 

Sa sobrang ideal ni Karina ay di maiwasan ni Winter mapaisip kung ano ang mga weaknesses nito. 

 

For sure meron ito dahil tao lang din naman si Karina at walang taong perpekto no! 

 

Sometimes, Winter would think na whatever weaknesses man ang meron si Karina, if she would be given an opportunity to stay and know those things, she would gladly do so.

 

But then again, parang malabo ata ‘yon. Karina is there, tapos nandito sya. Sa tingin ni Winter ay magkaiba sila nang lane na tinatakbuhan ni Karina kaya malabong magkakasalubong sila.

 

So she settles with imagining just the thought of having the latter by her side. She settles with making another version of Karina in her imagination—kung saan ay kilalang-kilala nya ito, alam na alam ang kalakasan at kahinaan.

 

Somehow, Winter is satisfied with that. Just imagining, but not pursuing those things na she thinks are too good to happen.

 

Naputol ang mga isipin ni Winter nang makarating sila ni Ryujin sa office ni Boss Jho. 

 

Kumatok muna si Winter, "Ma'am Jho? Anjan po kayo?'

 

"Come in, come in!"

 

Agad namang binuksan ni Winter ang pinto at pumasok sila ni Ryujin.

 

"Boss Jho, hello!" 

 

"Good afternoon, Ma'am Jho."

 

Sabay pa sila ni Ryu bumati. 

 

Ini-acknowledge naman sila parehas ni boss Jho, "Good afternoon din sa inyo, at ikaw Winter diba sabi ko kahit boss Jho na lang?"

 

Masyado naman kaseng pang-kalye yung term, eh nasa school kaya kami.

 

"Ma'am Jho, kase masyadong informal yung boss–"

 

"And I told you na masyadong formal ang ma'am Jho. It's totally fine by me na ganon ang tawag mo sakin if nasa harap tayo ng other profs or students pero pag tayo-tayo lang, okay lang naman na boss jho."

 

Alam nya na di magpapatihor ang nakatatanda kaya naman bumigay na sya.

 

"Okay, boss Jho."

 

Nginitian naman sya nito, ngiting tagumpay. Hayy. 

 

Last sem kase ay narinig nito si Winter habang kinakausap ang kanyang groupmates.

 

Since puro lalaki ang groupmates nya, tinatawag nya ang mga ito na boss. Normally ay last-name basis sila ng mga classmates nya. 

 

Pero naisip nya kase na masyadong intimidating kung magbibigay sya ng tasks tapos last-name basis pa din.

 

"Austria, i-aasign ko na lang sayo yung sa related lit ha."

 

Feeling nya e ROTC ang subject nila. Baka lalong ma-pressure ang groupmates nya (pero hindi din kase di naman nila ginagawa yung tasks nila talaga).

 

Nung time na 'yon ay narinig sila ni boss Jho, kaya naman bigla nito i-sinuggest sa kanila na boss Jho na lang daw yung tawag sa kanya para belong sya. 

 

Para daw they can feel na they are a team. Kase they are all in this together daw.

 

"We're all in this together, Winter!"

 

Sorry boss Jho, pero Gotta go my own way ata ang theme song ng grupo na ito.

 

Bigla namang sumingit si Ryujin sa usapan, "Boss jho, sadya bang Jho lang yung name nyo? Parang ang bitin kase e."

 

Napatingin si Winter at si boss Jho kay Ryujin.

 

"Kase diba, pwede namang Jhoana, o kaya Jhona, Jholina, Jhovelyn, Jholibee.."

 

Tutuloy lang ang pag e-enumerate ni Ryujin ng mga names na nagsisimula sa jho, hanggang sa nagbukas ang pinto ng office.

 

Napatingin silang tatlo sa taong pumasok.

 

"–Jho..shet..jho-jhowain?" Naputol ata ang train of thoughts ni Ryujin.

 

Nagulat si Winter pero di nya pinahalata. 

 

Bakit andito sya ngayon? Sa pagkaka-alam nya ay walang klase ang mga Tourism tuwing Wednesday. 

 

Si Karina. Jho-jhowain indeed.

 

Ang main character ng kanyang thoughts consciously at unconsciously recently.

 

Si Karina, ang kanyang happy crush for almost four years. 

 

Kaiisip nya lang kanina na malabo silang magkasalubong ng malapitan nito pero shet! Eto na! Realtime version ni Karina ang nasa harapan nya ngayon!

 

Compared sa karaniwang ayos nito, napansin ni Winter na ang palaging naka-pusod na buhok ay nakalugay ngayon.

 

Nakasuot din si Karina ngayon ng medyo baggy jeans at white shirt na medyo fitted. 

 

Tapos imbis na black heels, ay sneakers ang suot ngayon nito.

 

May dala itong dalawang frappe at isang supot.

 

Ang ganda shet. Nakakaiyak. Nakakabading.

 

Ibinalik ni Winter ang tingin nya sa mukha ni Karina. Nakatitig ito pabalik sa kanya.

 

"Baby? What's wrong?"

 

"I miss you too, Win, baby. C'mon, look at me please?"

 

"Hi. Ice Cream?"

 

"Bading na bading sayo, Win."

 

"Win, baby, I love you. So much. As in."

 

Gradually, ang mga major events sa panaginip ni Winter ay bumabalik sa isip nya. 

 

Hindi totally lahat, pero tandang-tanda nya yung mga sweet moments nila nung Karina na nasa panaginip nya.

 

Naramdaman ni Winter ang pag-init ng mga tenga at pisngi nya. Hindi nya alam if kikiligin ba sya sa mga naalala nya? o mahihiya? Kase shet, si Karina 'yon! 

 

Rina baby nga ang tawag nya kay Karina! At tinatawag din syang baby nito!

 

Napatungo sya bigla. Pinagtuunan ng pansin ni Winter ang kanyang mga kamay. 

 

Pinipilit nyang ilipat ang atensyon nya sa kamay nya. Ayaw nya na pala maalala ang mga panaginip nya. Nakakahiya!

 

Sampu. Sampu ang mga daliri ko. Dalawa. Kamay ko 'to. Mahaba na pala ang kuko ko? Need ko–

 

Naputol ang internal monologue ni Winter ng magsalita si boss Jho. Napatingin naman sya dito.

 

"Oh, Karina, you're here na! Thank you at pasensya ka na if nautusan kitang bumili."

 

Naglakad ito para salubungin si Karina at kunin ang ilan sa mga dala nito.

 

"Okay lang po Miss Jho, no worries po."

 

Nakangiting kinuha ni boss Jho ang isang frappe at iniabot ito kay Ryujin, "Ryu oh. Sorry if di mo bet yung flavor, di ko kase alam na kasama ka pala ni Winter ngayon."

 

Agad namang umiling si Ryujin, "Hala, hindi na boss Jho, busog pa din naman po ako."

 

Nakita ni Winter na umiling din ang nakatatanda.

 

"Ano ka ba, alam kong nahihiya ka lang, tanggapin mo 'to, isa!"

 

Habang pinapanood ni Winter na nagtatalo ang dalawa, nagulat siya nang may lumapat na malamig sa may bandang braso nya.

 

Nang lumingon sya sa pinanggalingan nito, nakita nya si Karina. Ini-aabot pala nito sa kanya ang isa pang frappe.

 

Napailing si Winter, "Ahhh, wag na. Actually kase–"

 

Bago nya maipaliwanag ay sumingit na si boss Jho, "Hindi na si Win, Karina. Actually, sa'yo talaga yan. Diabetic 'yang si Win, kaya iniiwasan nya yung mga ganang ubod nang katatamis."

 

Nakita ni Winter kung paano bumalik sa kanya ang tingin ni Karina at tumango. 

 

Agad naman nyang nilipat ang tingin sa kaibigan nyang si Ryujin dahil di ata nya kakayanin ang titig nung isa. Tinanggap na pala nito ang frappe ni boss Jho.

 

Muling nagsalita ang nakatatanda, "Yung isang order ng fries na lang ang ibigay mo Karina."

 

Sinunod naman ito ni Karina, at nahihiyang tinanggap naman ni Winter ang fries, "Thank you. Thank you din boss Jho."

 

Nagsalita ulit ang research adviser, "Guys, kilala nyo naman na si Karina, no? Pero syempre di nyo alam kung bakit sya andito hehe."

 

I-minuwestra nito ang kamay, pinapalapit si Karina sa may table.

 

"Nag-apply sya as my assistant last week. Tinanggap ko na, si Karina na 'yan oh! Atsaka, need ko talaga ng assistant sa dami ng trabaho na itinatambak sakin."

 

Napairap at buntong hininga na lang si Boss Jho. 

 

Sabagay, sa pagkakaalam ni Winter ay konti na lang ang subjects sa second sem pag graduating. Usually ay 2-3 lang tapos general ed subjects pa yung iba. Isa pa, marami na din ang napadagdag na school ambassadors kaya siguro din din hapit ang schedule nito pag dating doon. Di na sya magtataka if medyo luwag ang sched ni Karina para mai-singit ang pagiging S.A.

 

Ipinakilala naman nya ang dalawa kay Karina, "Karina, si Ryujin at si Winter. Mga 3rd years, CpE. Nabanggit ko na din naman sa'yo kanina, advising ko yung group ni Win sa research."

 

Nakita ni Winter na tumango si Karina, pagkatapos ay sumulyap kay Ryujin, at tumingin sa kanya. 

 

Ngumiti ito at tumango, "Nice to meet you.."

 

Tumingin muna ito saglit kay Ryu, tapos kay Winter ulit. This time, nakatitig na ito sa kanya.

 

Agad na na-conscious nang slight si Winter sa itsura nya. Nagpapanic sya, pero kinikilig din!

 

Naramdman nyang out of nowhere ay tumitibok ang kanang mata nya, dahil siguro sa kaba. Shet! Kita kaya nyang tumitibok yung mata ko?!

 

Nakatitig sya sakin! Nakatitig sya sakin! Mother Mary, please lang!

 

Kung sa loob-loob niya ay nagkakagulo na, hindi iyon pinahalata ni Winter. Poker face on pero with slight smile naman para di suplada.

 

Nilipat niya ang tingin sa sahig dahil parang mas nakaka-enganyo itong titigan sa ngayon.

 

Sa paningin ng mga kaharap nya ay wala namang bago or unusual kay Winter, pero di nakaligtas kay boss Jho ang pamumula ng mga tenga nito.

 

Bigla niyang narinig ang mahinang pag-palakpak ng research adviser, "Ay, Karina pala, you can go home na, if you want. Gabi na din e. Para ka na ding nag-half day na pasok. Natapos mo ba yung sa first year CpEs kanina?"

 

"Oh, uhm, yes po, na-email ko na po yung course outlines sa lahat ng first years na handle nyo.."

 

Napatingin naman si Winter pabalik kay Karina na ngayon ay nakangiting nakikipag-usap kay boss Jho.

 

"Okay, anak. Thank you! You can come to me pag wala kang class, may mga handle din ako sa upper years, so kelangan din ma-email yung course outlines nila sa kanila. I have your sched naman na, I will just message you din if biglang need ko ng assistance."

 

Nakita ni Winter ang pagtango ni Karina. Sinuot na nito ang canvas shoulder bag, nagre-ready nang umalis.

 

"Sya sige po ma'am. Thank you po ulit dito sa frappe at fries. Una na po ako sa inyo.."

 

No, Karina you're too young to go..

 

Habang nakangiti, tumango ito kay boss Jho, tumango kay Ryujin at syempre tumango din kay Winter. 

 

Nanatili ang tingin nito sa kanya. Two seconds atang nakatitig si Karina sa kanya bago bahagyang itinaas ang mga kilay nito.

 

Napatitig lang si Winter sa kanya, hindi alam kung dapat din ba nyang itaas ang mga kilay nya bilang pagtugon. Habol tingin sya dito hanggang sa makalabas sa pinto.

 

Anong nangyari?

 

Nag-iinit lalo ang mga tenga ni Winter. Bakit parang may silent agreement sila ni Karina about sa bagay na di nya alam? 

 

Shet. Nahihibang na sya kamo! 

 

Bumalik sya sa huwisyo nang marinig ang pag-tikhim ni boss Jho. Napatingin sya dito.

 

"About dun sa prototype nyo Wi

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hiccups_ #1
Kailan kaya siya magigising na hindi na delulu???
Trumfeet #2
Chapter 3: k lng nmn
Trumfeet #3
Chapter 1: Potah nmn ssob terwinTT
yuji954 #4
Chapter 3: ang cute cute nila sjshsjsjaj me when !!!!! crushie baka naman
wenbluu
#5
🥹🥹🥹
IceWolf23 #6
Chapter 2: the hsm reference tho♡
bigboy123
147 streak #7
Chapter 3: Kyot 🤭🤭
astrum11
#8
Chapter 3: Aaaaa i want more huhu thank you so much for writing this po 🥹💗
IceWolf23 #9
Chapter 1: cutieeeee
Wemon_ #10
Chapter 3: ang kyot kyot nilang dalawa!! aliw pa rin talaga sa delulu era ni win