First Meeting

Set to MY Heart
Please Subscribe to read the full chapter

Mabagal na naglalakad si Winter papasok sa isang gymnasium na madalas niya lang daanan pag magpapark siya ng sasakyan.

 

Mahaba pa naman ang oras, kaya may oras siyang pwedeng sayangin para mag-munimuni.

 

Hindi sumagi si isip ni Winter na papasok siya dito, hindi para manood ng volleyball training, ngunit para mag-training mismo dun. 

 

Napagdesisyunan na ni Winter nung Senior High School palang na ang volleyball, hanggang high school lang. Hindi na niya dadalhin hanggang college para makapag-focus sa pag-aaral. Alam ni Winter na ang Volleyball, panandalian lang yan. 

 

Para kasi sa kanya, hindi naman siya ganun kagaling para umabot ng UAAP–or even professional leagues. 

 

Kaya naman ikinagulat ng lahat ng teammates niya noon nang malamang hindi na siya maglalaro sa College, at magfofocus na lamang sa pag-aaral. 

 

Kilala nila si Winter na sobrang passionate sa volleyball. Sa Nazareth, kung saan siya nag Junior and Senior High school, walang nakatatalo kay Winter sa pagiging masipag at never pa naging late sa practices. 

 

She's also the best setter during her active playing years, walang makakatalo sa kanya nun.

 

Kaya naman lahat ng tao sa paligid niya ay nagulat nung sinabi niyang hindi na siya maglalaro ulit. 

 

Or so she thought..

 

Patapos na sana ang freshman year ni Winter sa Ateneo nang hindi natetempt bumalik sa sports na minahal niya nang sobra..

 

Ngunit mapaglaro nga naman talaga ang tadhana at kahit si Winter, hindi nakaligtas dun. 

 

Winter blames it all on one person. Or maybe two? 

 

First is her bestfriend, Ningning.

 

Siya naman yung nagpumilit sa kanya para panoorin ang game na yun. 

 

But the main culprit? 

 

It’s all because of Karina Fernandez, Ateneo Women’s Volleyball team’s MVP and rookie of the year.

 

Ang manlalarong niyanig ang mundo ng UAAP dahil siya ang kauna-unahang nakakuha ng parehong rookie of the year and MVP award sa iisang taon. 


 


 

It happened earlier this year, somewhere around February, sa Mall of Asia Arena. 

 

Niyaya siya ng kanyang kababata na si Ningning, who is also the starting libero ng Ateneo nung mga panahon na yun, na manood ng game nila. 

 

Wala namang ginagawa si Winter nun dahil kakatapos lang ng examinations nila kaya pumayag na siya. Matagal na rin naman simula nung huli siyang makanood ng volleyball. Nung highschool pa ata ang huli.

 

As much as possible kasi, iniiwasan niyang manood dahil baka mag weaken yung resolve niya sa sarili niyang hindi na siya maglalaro. (Siguro nga dapat iniwasan niya nalang hanggang dulo.)

 

Winter knew that Ateneo has always been at the top seed of the standings. Kahit nag social media break siya, lagi naman niya yun naririnig kay Ningning tuwing magkakatagpo sila sa JSEC para kumain. 

 

Walang nakakatalo sa kanila at ineexpect na agad ng lahat na kaya nila ma-sweep ang elimination rounds, kahit pa kalaban nila ang defending champions, tulad ngayon.

 

It was a big match. Probably because Ateneo's against their rival team pa kaya sobrang daming tao, at dahil ito ang deciding match sa 1st round kung sino ba talaga ang makakatapos ng walang talo. Both teams are undefeated kasi. 

 

Sa sobrang dami ng tao hindi mo malaman kung sino pa dito yung alumnis, yung Ateneans, yung Lasallians, or die-hard fans. Parang lahat kasi excited.

 

Yung sigawan at hiyawan tuwing may pinapakitang players sa monitor, aakalain mong lulundo na yung arena dahil sa lakas. 

 

Hindi makapaniwala si Winter na ganun na pala talaga kalaki ang volleyball sa Pilipinas. Parang dati lang, ang nanonood lang ng mga ganitong laban ay pamilya, kaibigan, mga iilang schoolmates kapag libre ang ticket, at mga kapwa mong volleyball player. 

 

It was truly a sight to see. Hindi naman nagsisi si Winter na pumunta siya sa game na 'to. Kahit di pa nagsisimula yung laban, with a crowd like this, alam niyang mahahatak din siya ng energy nila mamaya.

 

Dahil nga galing kay Ningning ang ticket, maganda ang seat niya. Dun siya sa patron, at mismong sa gitna kaya kitang kita niya lahat. 

 

Halos atakihin pa si Winter sa puso nang makarinig siya ng isang malakas na tambol ng drums from the blue babble battalion. Senyales na papasok na ang mga players mula sa side nila.

 

Isa isa nang pumasok ang mga players mula sa dugout at sabay sabay nang naghiyawan ang mga tao. 

 

With their recognizable blue jackets na meron pang nakaburdang blue eagle sa left side of the chest, it's a clear indication na Ateneo yun. 

 

And Winter almost immediately spots her bestfriend na hindi pa nagsisimula ang game, full of energy na. Kahit na gusto niyang kumaway, ayaw niyang magmukhang tanga dahil alam niyang bulag si Ningning at hindi siya makikita nito.

 

Yung kaninang malakas na hiyawan, mas lumakas pa at tila nakikipagkumpitensya pa sa drummers ng Ateneo. 

 

Napatingala si Winter sa big screen para makita kung sino ba ang hinihiyawan ng mga tao. Baka kako may artista na somewhere. Maybe Kathryn Bernardo or something..

 

But Winter felt stupid for even wondering who it was. Sino pa ba ang pinakasikat na tao ngayon sa loob ng court na ito? 

 

Of course, it's no other than the darling of the crowd, Ateneo's ace, Karina. 

 

Inalis ni Winter ang mata niya sa s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0411bluu
I used to ship AlyDen, KaRa, and JhoBea too. May phase siguro talagang ganun ang karamihan sating volleyball fans (〃ω〃)

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 2: Damn otornim ang galing kilig nako sa winrina 😣😤😍💙❄
CHIRPPIEEE
#2
Chapter 1: OMG KAZUJIN
shajanie
#3
Chapter 2: Excited ako kung kailan papasok c Winter sa team!
u_ujiman #4
Chapter 2: GOOD LORD, KUHANG-KUHA ANG KILIG KO!

Ang bading bading ni Winter, I love it. HAHAHAHA chos. But ang bait ni Karina ha, if ako rin yun baka ng I do na ako agad.

Ito na talaga bago kong inaabangan, may bago na namang dahilan para bisitahin at bisitahin ang aff.
kazuhaXkarina #5
Chapter 1: Sa wakas may volleyball au winrina version na.. alyden shipper ako nung bata eh. HAHHAHAH
eightcount #6
Chapter 1: gosh! as a fan of the katipunan wvt/s since forever this is super exciting! karina pov next or will we see her as an enigma in winter's pov for the next few chapters?
u_ujiman #7
Chapter 1: Edi may aabangan na ako niyan.
u_ujiman #8
volleyball au finally
zerooclock
#9
Chapter 1: oh, wow! i love how you write your narrations! will definitely watch out for this story in every updates! 😁