Basta Driver, Sweet Lover

Peanutventures
Please log in to read the full chapter

Ever since naging mag-jusawa sila at nag-live in, hatid-sundo naman na talaga ni Irene si Wendy. 'Yan ang bagay na very consistent siya dahil gusto niya makasiguro safe ang jusawa niya at ayaw niya na siya mapagod sa pag-commute.

'Yun lang, dahil nga nasanay na siya maging passenger princess, hindi na tuloy siya natuto mag-drive. Hindi rin kasi siya katulad ng kapatid na si Ryujin na g na g matuto mag-drive kaya siya lang tinuruan ng magulang nila at siya lang may lisensya. Wala naman keme si Wendy na wala siyang driving skills, pero one time na nagka-emergency at kinailangan dalhin si Irene sa ospital ng dis-oras ng gabi, wala siyang magawa kundi isakay sa tricycle ang jusawa niyang inaapoy ng lagnat.

"I'm sorry, Bunbun, ang useless ko." Umiiyak niyang sabi.

"Shh, don't say that. Dinala mo nga ako dito 'di ba?"

"Mag-aaral na talaga ako mag-drive. I'm so sorry wala akong kwenta, you deserve better. Hanap ka na ng iba 'yung sanay mag-drive at kaya maghatid sundo..."

"Tama na Bumbum, okay na ako." Hinihimas niya ang buhok ng jusawa niya, siya 'tong malapit na mag-deliryo sa hospital bed sa sobrang taas ng lagnat, pero mas kailangan pa ata i-sedate itong jusawa niyang maka-react. "Magpahinga ka muna, okay? 'Wag ka na mag-isip ng kung ano-ano."

 

Kaya nang maging okay na si Irene, umuwi na sila sa bahay nila. Tinititigan ni Wendy si Lexi, medyo takot pa naman siya mag-drive dahil ang daming kamote sa kalsada at hindi naman talaga siya mahilig sa kotse. Basta uupo lang siya okay na ganon. Pero hindi, kailangan niya i-overcome ang fear para next time na may mangyari, ready siya. Pinindot niya ang susi saka sumakay sa driver's seat.

Medyo alog-alog pa brain ni Irene dahil kakagaling lang sa ospital, pero tumino siya bigla nang marinig na umangil ang makina ng sasakyan niya. "B-Bumbum!" Tumingin si Wendy sa jusawa niyang lumabas ng bahay at nagmamadaling lumapit, "What are you doing?"

Hinimas pa ni Wendy ang manibela at inapak-apakan ang gas, "I want to learn how to drive."

"Teka!" Binuksan ni Irene ang pinto. Mao-ospital na naman ata siya sa heart attack na binibigay ng jusawa niya. Hinatak niya paalis si Bumbum at pinatay ang makina.

"Why?"

"Mag-enroll ka sa driving school." Nakakaloka baka mabangga pa ni Wendy si Lexi hihimatayin talaga si Irene.

"I already did, pero I can't wait na matuto baka may emergency na naman."

Hinatak na ni Irene si Wendy papasok sa bahay at ni-lock si Lexi. Tinago niya pa ang susi sa bulsa para hindi na magalaw ni Wendy. "Tsk, Bumbum, I'll be okay na. No need to worry." Pero sa totoo lang ayaw niya lang talaga pahawak 'yung kotse niya.

Niyakap niya siya nang mahigpit at ibinaon ang mukha sa leeg ng Bunbun niya, "Sobra talaga ako nag-alala sa'yo."

Hinalikan niya naman siya sa noo, "I know, pero okay na ako 'di ba? Nadala mo naman ako sa hospital. C'mon, magpahinga muna tayo, I'm still groggy."

"Okay."

 

Sobrang seryoso ni Wendy sa driving lessons dahil gusto niya talaga matuto. In-ace niya written exam at siyempre may practical exam. Kabado pa siya nung una, pero buti nakalusot sa standards ng officer kaya naman pumasa at nabigyan siya ng lisensya.

Kumakain lang naman si Irene sa dining at biglang nilagay ni Wendy ang lisensya niya sa mukha niya, "Bunbun look, may license na ako."

"A-ah, congrats." Parang hindi pa rin siya kampante.

"Let's go sa mall, ako mag-drive."

"'Wag na, ako na mag-drive."

"Wala ka bang tiwala sa'kin?" Sumimangot bigla si Wendy kaya nag-panic si Irene at tumayo para yakapin siya.

"H-Hindi naman sa ganon, Bumbum, gusto ko kasi pinagsisilbihan pa rin kita."

"Talaga?" Lusot na ba?

"Oo naman."

"Okay, pero ako pa rin mag-ddrive."

At talagang wala siyang takas sa mga kahilingan ng Bumbum niya, "S-Sige na nga."

"Yay!!"

 

Nas-stress na si Irene agad nasa labas pa lang sila ng bahay nila sakay ni Lexi. Siya pa ang nag-atras bago ibinigay kay Wendy ang manibela.

Inapakan ni Wendy ang gas, "Stop!" Sabi ni Irene na ikinagulat ng nagmamaneho.

"Bakit?"

"'Yung seatbelt mo." Napahawak sa noo si Irene

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wwintersnowy
#1
❤️❤️❤️
SEEKER_
#2
Chapter 10: Naalala ko struggles ko nung ticketing. In my case naman kasi overconfident ako na makakakuha ako ng ticket since nakakuha ako nung sa NCT online kaya di na ko pumila sa r to v. Malay ko ba na ganon kabilis magsosold out tickets ng R to V. Sumali pa ko sa telegram nagbabakasakaling may magbenta. Turns out na makakabili ako sa mismong ticketing booth sa Moa. Ang agenda ko lang talaga nung araw na yon ay kumuha ng freebies since tanggap ko na di ko na sila mapapanuod. Ang epic lang yung kapatid ko naghanap ng way para makanuod ako. Anyway, can't relate sa jowa pero if ever ang saya siguro kasama bf/gf mo sa con no? Ikaw ba otornim kasama mo bf/gf mo nung r to v??? Tangina sana ol?

Ang sad lang na di ako nakakuha nung banner ni aqua mood ata yon non tapos karamihan ng Wendy and Irene freebies ubos na like akala ko ba konti lang seekers sa pinas???
mklarisse_ #3
Chapter 10: the title AHSHS unang basa palang gets ko na agad yung reference sobrang funny ng bakit may baklaan part 😭 ganda ng chap real na real sa ganap ng fangirls. timing ng update nito kasi sasama rin ako sa con like irene para happy ang bebe 😭😭 naiimagine ko na ang pagpalit sakin for 2 hrs AHSHDH THANKS SA UPDATE AUTHORNIMMM
hyehye29
#4
Chapter 10: uy na-miss ko 'tong magjusawang 'twoh hahahahaha natawa naman ako sa pa-ga na need bumili ng coffee ang haba ng pila don teh jusq stress na stress na ang barista at cashier chz
wenrene paawat naman kayo sa parking lot pa nga ng moa HAHAHAHAHA
SEEKER_
#5
Chapter 9: Napanuod ko yung video na yon and medyo nakakatawa na nakakakilig like girl ang haba naman ng buhok mo. Salamat sa mahabang buhok ni Wendy hahahaha. What if nakuhaan sila ng video tas nag viral wenrene eme hahaha. Ngatog sa kaharutan yang WR dito sa chapter na to
mklarisse_ #6
Chapter 9: ang cute 😭 naalala ko yung nag viral na clip na nagtatampong girl tas umuulan hinahabol siya nung jowa niya na nasa motor 😭 tas binuhat siya ni jowa tanggal toyo AHSHDH. super cute chap namiss ko ang mag jusawa na to 🥹 love the umbrella reference na dream ni wannie
Wanni_2921
#7
Chapter 9: Hahaha🤣
mklarisse_ #8
Chapter 7: Skit pala yung dulo 😭😭😭 DI KO KAYA DJDJD YOUR MINDDD
hyehye29
#9
Chapter 9: grabeng toyo naman yan wendy baka adobo na naman ulam niyo niyan ha chareng hahahahaha
hyehye29
#10
Chapter 9: uy may update 🤩