Chapter 2

Ang L Diary ni Wendy Saturno
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Chapter 2

 

 

 

 

 

February 21, 202X

Dear Diary,

Alam mo favorite ko naman ung ulan eh.

Lalo na nung bata ako mag aabang nako sa Unang Hirit at Umagang Kay Ganda kung magaanounce na sila ng walang pasok.

Masarap rin yan pag day off mo, tapos nakahiga ka lang nakawrap ung kumot sayo habang ung simoy na malamig na hangin pumapasok sa bintana habang bumabagsak ung matatabang tubig ulan sa bubong mo.

Tapos may pa champorado si mama or kape na gawa ni papa na super tamang tama ung pag kainit nya napapa AHHHH kanalang sa sarap.

Pero putangina.

I hate rain when it would pour talaga ung timing nasa labas ka, to be more specific, UNG NAGHIHINTAY KA NALANG NG TRYK, KASI NI GRAB NOR TAXI WALA DAHIL LAHAT PUNO LAHAT AT RUSH HOUR.

Isabay mo pa ung bag mo na sumabog for some reason, so lahat ng damit mo nadumihan at nabasa sa na ng ulan.

And here I am right now, the next day, wearing the old red dress na tinahi ng mama ko para sakin during the time na she started her hobby as a dress maker given finally a chance para isuot ko after so many reasons at excuses ko na hindi ko sya nasusuot.

So as much as I think and wanna say na mukha syang pattern ng curtains sa bahay namin, ngiti nalang ako kasi I don’t want to break my pure mother’s heart na super saya as she saw me wear it finally.

“Woah, di mo sinabi na ipapattern mo suot mo pilya, sa table cloth! HAHAHAH.”

“Ate stop laughing, you should be here with me, suffering together! Bakit wala ka pa?”

“I told you my flight got suspended diba? Anong gusto mo lumipad ako dyan gamit willpower ko?”

“Nakakaasar ka talaga Kulangot! If this weekend turns out like hell, ikaw lang sisihin ko!”

Si Wendy naka video call ang ate Seunghee nya, now began crying dahil nga naman the sisterly bond of sharing the traumas that family gatherings only two siblings can understand, is a valid reason to get overwhelmed for.

“Relaxxxx pillls, I will be there tomorrow, I’m so sorry na, just do this favor for me, just enjoy since mama and papa are so excited na icelebrate 30th mo also survive it and I promise to give you the best birthday present that all this weekend will traumatize us will wash away pag nakita mo gift mo.”

“Promise mo?” Finally nag start na tumahan sa iyak ang bunso ng mga Saturno.

“I promise, love you Pilya, Happy Birthday!”

“Love you too, Ngot-Ngot!”

*Pilya / Pills, ung term of endearment ni Seunghee kay Wendy, kasi bata palang sila ni Wendy, pasaway na at Pills din that can be connected to happy pill ni Ate si bunso at habang Kulangot / Ngot ngot naman for Seunghee, kasi super clingy at loving ng ate ni Wendy sa kanya.

~~~~~~~

Halos patapos na nga ang araw, at so far nasurvive naman ni Wendy, ang sedang red dress nya at mga countless na bisita nag tanong about her status sa life nya, sa trabaho nya, sa edad nya, kailan sya mag didiet, mag aanak, mag aasawa at iba pa.

Nasa may kusina sya nag tatago at umiinom ng red horse na dinekwat nya sa nagiinuman aka ang papa nya at mga barkada nya sa garahe, ng narinig nya sa may bintana ang mga marites aka mg aka churchmates ng mama nya habang ang mama nya ay busy nagpa paypay ng mga barbeque.

“Mars, diba ung mga Dario dadaan dito?”

Napatigil ng inom si Wendy, tila parang may naalala din sa pangalan nasabi.

“Oo, nag text si kumare, galing pa sila kasi Manila, pero on the way na daw sila.”

“Kasama ba nila yung anak nilang attorney?”

“Si Irene?”

“Oo, narinig ko, kasi alam mo si Vicky? Ung pinsan nya kasi asawa nung isa sa mga clients ng Dario and Pagmahal law firm, sabi sabi daw ung unica hija ng mga Dario, si Irene nga, naghiwalay na sila ng husband nya sa US at kakauwi lang din mga last month, tapos eto pa ang chika, tomboy na daw sya!”

“Tomboy? Kay gandang bata pa naman non, sayang sya.” Ang isa pang marites, sumasawsaw ng react.

“Oo nga eh, ano kasi siguro nakikita sa US kaya naging tomboy!”

“Kaya ako sayo mare, alagaan at pakasal mo na si Seunghee at Wendy, habang may oras pa, si Seunghee baka maging madre nayan!”

“Oo nga pati yang bunso mo, may pag ka boyish pa naman si Wendy.”

Ewan ko ba anong dapat maramdaman ko.

Pero makita at marinig in person na kutyain ako, ate ko at even another woman I am not that familiar anymore being criticized for just existing was so hurtful, at sabihin ba naman sa nanay ko yon, gusto ko lumabas sa kusina nung time na yon at pag pukpukin ung mga so called “concerned” marites na mga yon, ng red horse beer bottle.

Just so happens naunahan nako ni mama.

“Ayan, free pancit at tig apat kayong manok, all in separate plastics, at thigh payan sa inyong apat.”

“M-Mars ano to?”

“Umalis na kayo, hindi ko na gusto mga sinasabi nyo, sa pamamahay pa namin talaga.”

“Mars nag jojoke lang naman kami-“

“Ang mga Dario ay kaibigan ng pamilya ko, kahit ilang taon pa ang nakakalipas nung tumira sila dito wala silang pinakita kundi kabaitan, malaki din natulong nila out of their charitable hearts sa village natin at sa pag papalaki ng simbahan kung saan nasasamba natin maayos ang Diyos, who by the way preaches about love and acceptance of any kind. At higit sa lahat birthday ng anak ko, wala akong pake kung maging madre or lesbiana mga anak ko,  kung you think I would let you disrespect the people I care for especially my daughters, then don’t even call me mare and utter my daughters’ names ever again.”

“Mare-“

“Just go, please.”

Sa sobrang speechless ng mga marites, nanahimik nalang sila at nag si alisan.

Tinignan ko lang mama ko habang nag patuloy sya paypayin ung mga hotdogs, isaw at manok.

Mrs. Saturno, standing in 5 flat, dinaig pa si Kobe’t Curry, sa grabe ng defence at offence nya.

Takte.

Masyado ko jinudge mama ko.

Katulad ko rin ung mga marites.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 4: Aaaaaccckkkk i can't wait for more!! Please Attitude, iligtas mo si Wanda sa kamay ni playgirl 😭
shadowhunter1640 #2
Chapter 3: Chapter 3: Thanks so much author! Ang galing mo magsulat ng tag au hahaha looking forward for more Wendy and Attitude, este Attorney Irene Dario 🥰
wishwishwish #3
Chapter 3: excited na ko sa next chapter hdhsh
juhyuneeeee
95 streak #4
Chapter 3: may update omg 😭😭😭
ShonshineBae #5
Chapter 3: I can't wait for more
Favebolous #6
Chapter 2: Idk anything but thank you
Baechuki
#7
gags pinoy ka pala!!!! shuta idol galing mo sa english 😭❤
Zairren11 #8
Chapter 2: Cant wait sa update hahahahhaha
falselysian
#9
Chapter 2: Nagustuhan ko so far yung story author. I love the flow of the story pati yung quirks ng character ni Wendy tsaka yung humor author tawang tawa ako. Looking forward to future chapters Author.
Monsterguita #10
Chapter 2: excited sa mga magaganap pa sa future chapters... iba tlaga yung tama ng Filo au wr kasi mas swakto yung tama ng humour sakin...